MasukKahawig nga lang ba:
Isang lingo ang dumaan; Ariana's pov Tahimik kong pinamamasdan si lolo damian habang sinusuot nito ang luma niyang sapatos.Matapos niyang maisuot -lumingon siya sakin.Napabuntong hininga- tumabi sa aking kinauupuan. "ayaw mo ba talagang sumama apo?Minsan ka lang makakalabas ng baryo,kaya magbihis kana baka nasa daan papunta na sila anti Bitang mo."wika sakin ni lolo. "lo' kayo na lang po,dito na lang ako sa bahay."tanggi ko. Kagabi pa ako kinukulit ni lolo na sumama sa kanila papunta ng bayan dahil kaarawan ngayon ng anak ni anti bitang na balikbayan at duon nila balak idaos.Hindi ko pa ito nakita at nakilala- kong babae ba o lalaki.Pero base sa kwento sakin ni lolo -minsan ko na raw itong nakita bago lumipad papuntang ibang bansa. Si anti bitang ay malayong kamag-anak nila lolo Damian.Kaya kapag may okasyon ang pamilya nila anti bitang ay niyaya nila kami.Ngunit palagi akong tumatanggi na sumama sa kay lolo- hindi dahil sa takot ako sa tao.Hindi lang talaga ako mahilig dumalo. "hindi mo ba pagbibigyan si lolo kahit isang beses lang apo.Alam mong matanda na ako- paano na lang kong nawala na ako."nalulungkot na sabi sakin ni lolo damian. "lo'!!ayan kana naman eh."sambit ko -mabilis ko siyang niyakap. "sige na apo,magbihis kana.Hwag mong kalimutan magsuot ng panloob ha.Maraming tao pa naman duon."paalala sakin ni lolo. "oo na po." Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa tabi ni lolo -pumasok sa loob ng silid ko- kinuha ang dress na matagal nang nakatago sa maliit kong cabinet.Pinakatitigan ko ito.Ang ganda ng dress at sigurado akong mahal ang bayad.Mahirap lang naman ang buhay namin ni lolo-pero meron akong ganitong kagandang dress. 'apo bilisan mo,nasa labas na sila anti bitang mo."boses ni lolo sa sala -pinagmamadali ako. 'opo lo' palabas na ako."tugon ko. Malalim na paghinga muna aking pinakawalan.Dali- dali kong sinuot ang dress na sakto pala sakin at sinunod ko ang sapatos ko sa paa.Naglagay rin ako ng manipis na lipstik sa labi ko-lumabas ako ng silid ko. Naabutan ko si lolo sa bungad ng pinto -may kausap itong boses ng lalaki sa labas.Kaya dali- dali ko itong tiningan. Nagtama ang mga paningin namin -ang ngiti sa labi niya ang nakita ko.-nanlalaki ang kanyang mata. "diyosa!!!l-lolo Damian,siya na ba si Ariana?"tanong nito kay lolo na hindi niya magawang alisin ang tingin nito sakin- kaya't lumingon naman sa akin ang lolo Damian ko- may ngiti ang kanyang labi - hinawakan ako sa braso. "oo!Alex."sagot naman ni lolo sa kanya. "napaka ganda mo talaga ariana-ang sexy mo pa."papuri niya sakin.Pilit ang ngiting pinagkaloob ko sa lalaki dahil iba ang dating sa akin ang mga titig nito. "tito Damian,Alex , Ariana-tayo na baka abutin tayo ng gabi kapag hindi pa tayo umalis."Sabi sa amin ni anti bitang. Naunang naglakad sila lolo Damian at anti bitang habang nasa likuran ko naman si Alex.Pakiramdam ko titig na titig sa akin ang nakasunod sa akin.Bahagya kong nilingon ito kaya nakita ko ang malagkit na titig niya sa katawan ko-puno pagnanasa- nakalabas pa ang kanyang dila.Nahintakutan ako kaya't binilisan ko ang paglalakad upang sumabay kila lolo at anti bitang. Sa pangatlong pagkakataon kong makakita ng lalaki- hindi ko gusto si alex.Iba ang naramdaman ko sa mapanganib ,nakakatakot.Hindi tulad noon Kay sir Phyton na pagkasabik at pangungulila ang naramdaman ko sa unang kita ko pa lang sa kanya.Kaya't walang pagsisisi akong naramdaman na binigay ko sa kanya ang pagkababae ko ng ilang beses. Dumaan ang isang oras,matiwasay kaming nakarating ng sinasabe nilang bayan.Nakakamangha- ngunit maingay.Maraming tao-maraming tumatakbong sasakyan at may mga bata na nagtatakbuhan.May malalaking bahay na magaganda-malalaki. Kaya ang tingin ko sa aking sarili -ignorante,walang alam sa mundo. Ganyan lang siguro kapag nakakulong ka sa isang liblib at tagong lugar na tanging nakapalibot sayo ay puro naglalakihang damo at mga puno.Ang mga bahay ay magkakalayo. Ngunit ang gumugulo sa isipan ko-bakit marunong akong magbasa at magsulat kong ngayon lang ako nakarating sa maingay na lugar- tulad nito.Wala rin akong matandaan na nag-aral ako? "tito Damian!anong gusto ninyong kainin ni Ariana?"nakangiti ang labi ni anti bitang habang sa papel na hawak niya ang kanyang atensiyon. "kayo na lang ang bahala,bitang."sagot naman ni lolo sa kanya.May lumapit na babae-may hawak itong papel at ballpen-nagtatanong. Ang kinaruruonan namin ngayon -maraming lamesa,tao na abalang kumakain,ang iba naman ay nakatingin sa pwesto namin- hindi ko maintindihan kong bakit. Luminga-linga ako sa buong paligid habang hinihintay ang pagkain.Sa isip ko-marami pa lang lalaki rito sa bayan,bakit ngayon lang ako sumama.Sana hindi ko iisipin na isa akong ignorante at walang alam sa mundo. Sa ginagawa kong paglinga-linga sa paligid.Isang bulto ng kilala ko ang nakita ko habang ito ay may kausap.Pinagmasdan ko siya ng mabuti-nang may lumapit na babae sa kanya-nagyakapan pa ang mga ito.Gulat at pagtatanong agad ang pumasok sa aking isipan. Sino ang kayakap ng lalaking naging una sa buhay ko? "apo sino ang tinitingnan mo?"tanong ni lolo sa'kin.Kaya binaling ko ang tingin ko sa kinamulatan kong lolo Damian. "nakita ko po si sir Phyton,lolo."Saad ko sabay turo sa lalaking nakatayo -may katabing babae at isa pang lalaki na siyang kaakbay ngayon ng babae'ng nakita kong kayakap niya kani-kanilang. "apo!hindi si sir Phyton iyon.Baka kahawig lang."sabi sa'kin ni lolo. Ngunit para sa akin si sir Phyton ang lalaking tinitingnan ko ng kasalukuyan.Pero kong siya nga iyon-dapat pinuntahan na niya ako sa bahay tulad ng sinabe niya sa'kin bago siya umalis ng araw na iyon.Siguro mis ko lang si sir Phyton kaya nakita ko siya sa ibang tao. Malalim ang ginawa kong paghinga-tinuon ang atensiyon ko sa kalalapag lang ng pagkain sa harapan namin. Hindi pamilyar sa akin ang mga pagkaing nakahain sapagkat ngayon lang ako nakakita ng ganito.Dahil sa bahay-iba't ibang gulay ang tanim namin,minsan lang makakain ng isda at karne kapag galing rito sa bayan si lolo kapag kinakailangan. Gamit ang kutsara-tinikman ko ito kaya't nalaman kong masarap. Naging abala kaming lahat na kumakain.Pansin ko ang panay tingin sa'kin ni Alex-hindi ko siya tiningnan man lang.Tinuon ang pansin ko sa kinakain ko. Ngunit naramdaman kong may humahaplos sa balat ko sa paa-kaya bahagya akong yumuko at sumilip sa silok.Nang makita kong sino ang may gawa-masama ko siyang tiningnan.Ngumiti lang siya sa akin.Ariana's pov Ito na ang araw na pinakahihintay naming lahat....ang resulta.Magkatabi kami ni Phyton sa loob ng waiting room ng laboratoryo. Hindi kami nag-uusap. Hindi rin kami magkahawak ng kamay—pero ramdam ko ang presensya niya sa bawat paghinga ko.Naroon sina Noah, Tito Steban, at Daddy Marlon. Si Mommy Cony ay tahimik na umiiyak, hawak ang rosaryo. Para bang lahat kami ay naghihintay ng hatol, hindi resulta.Lumabas ang doktor, hawak ang isang puting envelope.Tumayo kaming lahat.“Good morning,” mahinahon niyang bati. “Nakuha na po ang resulta ng DNA test.”Humigpit ang kapit ko sa palda ko. Ramdam kong gumalaw si Phyton sa tabi ko, bahagyang humakbang palapit sa’kin—parang proteksyon.“Base sa pagsusuri,” patuloy ng doktor, “ang DNA ni Miss Ariana o Arabelle ay…”Huminto siya.At sa paghinto niyang iyon, parang tumigil din ang mundo.“…ay match sa DNA nina Mr. Noah Jonsson at Mr.Steban Jonsson.Parang may pumutok sa loob ng ulo ko.Hindi ko narinig ang sumunod na mga paliwana
Phyton's povTulog si Ariana ng iniwan ko sa silid namin- na dapat ay nasa boutique kami ngayon upang magpasukat ng gown na susuotin niya sa kasal namin.Ngunit nandito ako sa bar- umiinom habang hinihintay kong dumating ang mga kaibigan ko.Kaya ko sila tinawagan dahil kailangan ko ng opinyon nila- kahit alam kong pagtatawanan nila ako.Hindi ako sanay uminom para tumakas. Pero ngayong araw ay pakiramdam ko, wala na akong ibang kakapitan.Nakatitig lang ako sa baso ng alak sa harap ko, habang isa-isang dumarating ang mga kaibigan ko. Tahimik ang lugar—walang tugtuging malakas, walang tawanan. Para bang alam ng lahat na hindi ito simpleng inuman.“Bro,” unang nagsalita si Tristan, “mukha kang taong galing sa digmaan.”Napangiti ako ng pilit. “Mas masahol pa at mas mabigat.”sagot ko.Uminom ako ng diretso. Ramdam ko ang hapdi sa lalamunan, pero mas masakit ang bigat sa dibdib ko.“May lumabas na rebelasyon,” panimula ko. “At kung totoo… pinsan ko raw si Ariana.”pabatid ko."what the fuck
Phyton's pov "paano namin paniwalaan ang basurang kwento nang taong nanakit sa kanya noon.At alam ko rin na may alam ka sa nangyari sa lolo ni Ariana."muling nagsalita si Phyton - na talagang galit na siya. Mas lalo akong umiyak sa dibdib ni Phyton dahil sa tuwing nadadawit ang pangalan ni lolo Damian ay sobrang sakit sa dibdib ko.Parang pabalik-balik sa isipan ko ang kaawa-awa niyang sinapit mula sa kamay ng taong pumatay sa kanya at hindi man lang nailibing ng maayos.Basta na lang nila binalot ng kumot at tinabunan ng lupa. "Mr.Alvarez,hindi kita pipilitin kong ayaw mong maniwala.Ngunit ito ang totoo,hindi namin tunay na kamag-anak si Ariana,kundi kayo ang tunay na magkadugo.At ang sinasabe mong dahil sa pansariling intensyon ko,kong bakit sinasabe ko ang lahat ng ito- oo,tama ka.Matagal na panahon kong pinagnasahan si Ariana.Gusto ko siyang gawing asawa,ngunit ayaw niya sa'kin dahil ang akala niya ay totoong magkamag-anak kami."narinig kong pahayag niya sa amin. "ikaw lalak
Ariana's pov Ngayon ang araw nang paghahanda namin para pumunta ng boutique upang magpasukat ng wedding gown na gagamitin ko sa kasal namin ni Phyton sa susunod na lingo. Napakasaya ko, sobrang saya.Hindi ko maipapaliwanag aking nararamdaman.Ngunit mas masaya pa sana ako kong buhay pa si lolo Damian at siya ang maghahatid sa'kin kay phyton.Pero wala na siya. Kasalukuyan akong nasa living room dahil hinihintay ko si Phyton dahil may binalikan siya sa silid namin.Ngunit,may mga yabag akong naririnig at mga boses habang tinatawag nila ang pangalan ni mommy Cony.Tumayo ako at napalingon kong saan ang pinanggagalingan ng mga boses na iyon at nakita kong si tito Steban pala kasama ang pinsan ni Phyton na- si Noah. "Arabelle!"sambit ni tito Steban sa isang pangalan habang nakatitig sa'kin at maging si noah.Ngunit nakikita ko sa kanilang mga mata ang kagalakan at lungkot. "Arabelle,anak ko."muling sambit ni tito Steban sa isang pangalan.Ngunit bakit parang ako ang tinatawag nilang Arabe
Ariana's pov Ang bilis talaga dumaan ang mga araw at oras.Kaya hindi ko namamalayang apat na buwan na pala kaming nagsasama ni Phyton.Marami na ring nagbago sa'kin -tulad ng pag-aayos sa sarili at ang mga nakaugalian ng mga mayayaman. Tuluyan ko na ring nakalimutan ang mga ginawa sa'kin ni alex at ang sakit ng pagkawala ng pinakamamahal kong lolo.Ngunit kailanman,hindi nawala sa isip at puso ko.Lahat ng mga iyon dahil sa pagmamahal at pag-aalaga sa'kin ni Phyton.At ang pagturing na totoong anak ng magulang niya. Ako na yata ang napaka-swerteng babae sa mundo dahil may isang Phyton sa buhay ko na mahal na mahal ako at lahat ginagawa niya para pasayahin ako.Kaya hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa buhay ko-pinapangako ko naman sa aking sarili na siya lamang ang mamahalin ko -kahit na ano pa ang mangyari. "Ariana!pinapatawag ka ni madam Cony."pabatid sa'kin ni Misty na kakapasok lang ng silid namin ni Phyton.Agad naman akong tumango. "sige baba na ko."agad kong sagot.Nagta
Phyton's pov Napangiti ako ng bigla habang nakatitig ako sa napakaamong mukha ni Ariana na mahimbing na natutulog sa tabi ko.Nakaunan siya sa braso ko at nakayakap sa katawan ko.Katatapos lang namin magtalik at alam kong napagod siya ng sobra habang pareho kaming walang saplot sa katawan-na tanging makapal na kumot lamang ang takip. Habang nakatitig ako sa napakaganda niyang mukha,masasabi kong mas lalo pa siyang gumanda dahil bumagay sa kanya ang kulay ng buhok nito.Ngunit nandun pa rin ang napaka-inosente niyang mukha.Inangat ko aking isang kamay upang haplosin ang kanyang mukha. Napakasaya ko dahil sa wakas,nahanap ko na rin ang tunay na pagmamay-ari ko- na siyang makakasama kong bubuo ng pamilya.Kaya kahit anong mangyari,hindi ko siya hahayaan na mawala pa sa buhay ko.Lahat gagawin ko para sa kanya."I love you so much baby,sana magbunga na ang gabi-gabi kong paghihirap upang mas masaya pa lalo ang pagsasama natin at magkaroon na rin ng apo sila mom at dad."Sambit ko sa mahina






