Share

Chapter 2: Jealous

Tahimik kong pinagmasdan si Dr. Ricaforte na ilagay ang mga maleta namin sa SUV niya. He’s about to take my large body bag but I move it away from his reach. Tumitig siya sa akin at marahang tumango. Pagkatapos ay pinagbuksan niya na ako ng pinto ng passenger seat.

Sumakay ako at pumuwesto sa kabilang dulo sa may tabi ng bintana. Sumakay na rin siya at tumabi sa akin. The driver in front maneuvered the car and starts driving.

Tahimik kaming dalawa buong byahe. Nakatulog na rin naman ako kaya hindi naman naging awkward. Mas mabuti na ‘yon kaysa naman buong byahe papuntang airport akong gising tapos siya ay tahimik lang na nagbabasa ng case studies niya.

Hello? Isn’t he excited? This is Maldives we are talking about!

I am on a vacation so I’m going to spend the most out of it. Kung ayaw niyang mag-enjoy ay bahala siya. Basta ako… I’ll make myself happy for the rest of the trip.

But then again… I remember that I have a mission to make him fall for me. Hindi dapat ‘yon nawawala sa isip ko.

I open my eyes and turn my head, only to see him still reading his case studies.

“Don’t you feel tired, Dr. Ricaforte?” malambing kong tanong na siyang nakakuha ng atensyon niya.

Kunot noo niya akong tinignan. Ngumiti ako sa kaniya.

“Do you want to sleep?” tanong ko ulit sa kaniya.

“Just call me Zac. We are already married so there’s no need for formalities…” aniya at bumaling na ulit sa binabasa.

Ngumuso ako. I cross my legs and look at the other side. Pinagkrus ko rin ang aking braso sa may dibdib ko at isinandal ang aking ulo sa headboard ng upuan. Hinilot ko ang aking leeg dahil nangalay iyon kanina habang nakaidlip ako.

But then I suddenly feel a hand moving my head away from the headboard and put a round neck pillow around my nape. Napatingin ako sa katabi ko. Zachary is looking at me as he fixes the placement of the neck pillow on my shoulders. May sobrang kapal na hood ang neck pillow na ‘yon at isinuot niya ang ulo ko roon.

“I’m sorry for not noticing how uncomfortable you were awhile ago when you’re taking a nap. If you want to sleep again, you can rest your head here…” aniya sabay tapik sa kaniyang balikat.

Maghang mangha akong napatitig sa kaniya. At tuluyan na akong natawa nang hindi nakapagpigil.

He looks at me with his innocent eyes. Oh my gosh! Is he a kid? He looks like a kid!

“You know what, Zac…”

“What?” he innocently asks.

I chuckle.

“I like you.”

Pagkakasabi ko noon ay agad pumula ang kaniyang mukha at iniiwas ang kaniyang tingin mula sa akin. Natawa ako ulit dahil sa naging reaksyon niya.

Tinitigan ko muna siya ng ilang segundo at kitang kita ko pa rin ang pamumula ng tenga at leeg niya. I can’t stop smiling so I just put my head on his shoulder just like how he suggested it.

Nagpatuloy siya sa kaniyang binabasa at pinanood ko lang sa gilid ng aking mga mata ang paggalaw at paglipat niya sa mga pahina.

I didn’t sleep. I intentionally rested my head on his shoulder the whole time we’re traveling to the airport.

“Can I sit beside the window?” tanong ko kay Zac nang makasakay kami ng eroplano.

“Alright,” simple niyang sagot.

“Thank you!” masigla kong sabi at dumiretso na sa seat naming dalawa.

“Can I ask you something?” si Zac.

Natawa ako. “Only if you stop asking me for permission if you want to ask something,” pang-aasar ko sa kaniya.

“It’s called courtesy, MJ,” aniya at inirapan pa ako.

Bakit parang siya ang babae sa aming dalawa? Napaka-moody! Ganito ba kapag mababait at gentleman na mga lalaki? Mabilis mapikon?

Pero nang maalala ko ang itinawag niya sa akin kanina ay napatigil ako. When we were still dating, he used to call me by my full name except for my last name. Lagi niya ako noong tinatawag na Marthania Jade Louise. But now… it’s probably the first time I hear him call me that. He called me the way my parents used to call me.

“What do you want to ask?” tanong ko sa kaniya para ma-divert ang isip ko.

“We were supposed to use your family’s private plane, right? Bakit nagpa-downgrade ka?”

Kitang kita ko ang pagiging kuryoso sa mga mata niya.

“Bakit? Akala ko ba ayaw mo sa private plane kasi masyadong mahal?”

Nanlaki ang mga mata siya sa likod ng salamin niya. Tumaas pareho ang kilay ko sa paghihintay sa sagot niya at kung bakit ganoon ang reaksyon niya.

“You asked for a downgrade because you know I don’t like how expensive it is?”

“Oo?”

Naguguluhan na ako.

“Paano mo nalaman ‘yon?” tanong niya pa.

I cross my legs and stare at him. His face flushes in red once more.

“Just an intuition,” pa-cool kong sabi.

I hear him tsk­-ed. For some reason, he looks incredible shy but pissed. Gusto ko sana siyang asarin dahil sa reaksyon pero baka mas lalong mainis at hind imaging maayos ang trip namin so hindi ko na lang iyon pinansin at nanood na lang ng news.

We checked-in at the hotel we’ll be staying for the whole week of our honeymoon. Pinili ko ‘yong deluxe suite room na parang condo. The room has two bedrooms, a living area, and a common bathroom. Bukod pa ‘yong each bathroom ng dalawang k’warto. Malawak din ang veranda noon kaya iyon talaga ang pinili ko.

But Zachary is making a fuss about it. Masyado raw ‘yong mahal at sana’y dalawang suite na lang daw pinili ko. At nang sinabi ko na pasalama’t siya’t hindi romantic suite ang pinili ko ay roon siya natahimik. The romantic suite has only one bedroom and one king-sized bed plus the other features of the room. At kung tutuusan ay mas makakamura kami kung iyon ang naisipan kong piliin compared sa dalawang suite or sa deluxe suite since their promo for it is still on-going especially now that we are on our honeymoon.

Ngayon ay hindi niya ako pinansin at dumiretso lang sa kaniyang k’warto. Iniwan niya ang mga dala kong bagahe sa tabi ko at hindi na siya lumabas ng k’warto niya. I scoff and grab all my things so I can already put them inside my room.

The veranda of the deluxe suite we are staying is actually connected to both our bedrooms. Meaning to say, our bedroom are actually connected to each other through the veranda. I don’t know if what I’m saying is making any sense but that’s it. I’m into jewelries and not house interiors so how would I know?

Anyway, I take a quick shower and then I blow dry my hair after. I put on my two piece swim suit and an almost see through laced-dress. Kinuha ko rin ang shades at hat ko bago lumabas ng k’warto.

The moment I step outside my room, tumambad sa akin si Zachary na nakaupo sa sofa ng living area at may kaharap na laptop at mukhang nagta-trabaho. Napasimangot ako bago nagpasyang lumapit sa kaniya.

“Are you seriously going to work the whole week of our honeymoon, my love?” tanong ko gamit ang nanunutyang boses.

I smirk as he turns his head to see me. Bumaba ang kaniyang tingin mula sa aking mukha papunta sa katawan ko. Pinasadahan niya lang ako ng tingin at bumalik na sa ginagawa. Napasinghap ako dahil sa kawalan niya ng interes sa akin.

Seriously? Napakahirap naman nitong akitin!

Lumapit pa ako sa kaniya at ibinaba ang mga dala kong gamit sa coffee table at umupo sa kaniyang tabi.

“If you’re not going outside to enjoy then dito na lang din ako,” sabi ko at pinagkrus ang mga braso ko sa aking dibdib.

Ramdam ko ang pagbaling niya sa akin.

“If you want to have fun outside, then go,” malamig niyang sabi. “I still have some work to finish, susunod na lang ako…” dagdag niya pa.

Ngumuso ako at mas lumapit pa sa kaniya.

“I’ll wait for you…” matigas kong sabi.

Rinig ko ang pagbuntong hininga niya at pinagpatuloy na ang pagtitipa sa kaniyang laptop.

I watch him as he continues working. I can’t quite figure out what his work is all about because of the terms I’m not familiar with but the way he works is telling me how passionate he is with what he pursued. Pero bakit nga ba hindi business ang kinuha niyang major katulad ng ama niya? Why medicine?

Should I ask him?

“Dr. Ricaforte—”

He cuts me off. “Zac…” pagpaalala niya na iyon na lang ang itawag ko sa kaniya.

I clear my throat. “Okay, Zac, baby…” Agad siyang napatingin sa akin at kunot na kunot ang noo.

I laugh and put both my hands in the air, surrendering. “Okay, I’m sorry!” I was still chuckling, though. His face looks so funny and cute.

“Don’t kid around, Marthania Jade Louise,” aniya sa malamig na boses dahilan para mapanguso ako.

“You are always serious. Why don’t you smile for a little bit, hm? Ang tanda tanda mo na nga lagi ka pang seryoso, sayang ang pagiging baby face mo.” Napairap ako sa nasabi ko.

I admit that even though he’s already in his late 20s, sobrang bata pa rin ng mukha niya na para bang kasing edad ko lang siya.

“There’s nothing to smile about especially when someone’s pestering you like what you’re doing to me,” seryoso niyang sabi at ibinalik ang kaniyang tingin sa ginagawa.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Me? A pest? After I admitted that he has a baby face? Tapos ako, peste lang sa kaniya? Bulag ba siya? Ang ganda ko namang peste!

“Bababa na ako.” Tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko.

“Malapit na akong matapos. Hintayin mo na ‘ko,” agap niya.

Umirap ako ulit.

“Huwag ka nang bumaba. Magtrabaho ka na lang diyan. Aalis na ako para wala nang pumeste sa ‘yo,” sabi ko at tinalikuran na siya.

Padabog kong sinuot ang sunglasses ko at ang hat ko pagkaupo ko sa sun lounger. I already put sunblock on my body kaya humiga na ako roon para makapag-relax at hindi na isipin pa ang mga sinabi ng bwisit na doctor na ‘yon.

Ilang minuto pa lang akong nagpapainit nang may humarang na harap ko. Binaba ko ang sunglasses ko at agad akong napaismid nang makilala ang humarang.

He’s wearing a white unbuttoned polo, revealing his perfectly lean toned body, and a pair of black swimming trunks. Nakasuot din siya ng sunglasses. Parehas pa kami ng brand ng salamin.

Tss.

“Can you please move away? I need the sun,” sabi ko habang winawagaygay ang aking kamay para umalis siya sa pagkakaharang.

Bumuntong hininga siya at umupo sa sun lounger sa tabi ko. Napansin ko ang pagdating ng mga staffs ng hotel na may dalang mga pagkain. Mukhang nag-order siya ng food. Umirap ako.

“I told you to wait for me,” aniya.

“And why would I do that? I just did you a favor, right? Umalis ako roon para wala nang manggulo sa ‘yo sa work mo. I did you a favor,” malamig kong tugon.

Umayos ako ng pagkakahiga at pumikit para damhin ang init ng araw at ang lamig ng hangin. Narinig ko ulit ang pagbuntong hininga niya. Napamulat ulit ako nang marinig siyang magsalita.

“I ordered us food. You should eat. Baka nagutom ka sa flight,” marahan niyang sabi habang inaayos ang mga pagkain na nakahain sa table sa likod ng sun loungers kung saan kami nakapuwesto.

Hindi ko siya pinansin at pumikit na lang ulit.

“Marthania Jade Louise,” tawag niya sa tatlo kong pangalan.

I don’t know why but there’s really something with the way he calls me by my three names. Simula pa naman noong magsimula na kaming mag-date na dalawa ay iyon na ang tawag niya sa akin pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako masanay sanay.

“Marthania Jade—”

“Fine, fine!” putol ko sa kaniya dahil talagang kinikilabutan ako kapag tinatawag niya ‘ko gamit ang tatlo kong pangalan.

Umayos ako nang upo sa lounger at humarap sa kaniya. May hawak siyang plato na may lamang burger salad—my favorite. Ngumuso ako at kinuha iyon pati na rin ang tinidor na hawak niya.

“Thank you…” sabi ko sa maliit na boses.

“You’re welcome,” marahan niyang tugon at nagsimula na rin siyang kumain ng sa kaniya.

Nang maubos ko ang pagkain ko ay kinuha niya agad ang plato mula sa mga kamay ko at inilagay ‘yon pabalik sa table. Pagkatapos ay inabutan niya ako ng baso na may lamang wine.

Kinuha ko ‘yon at inamoy. It’s a chateau margaux wine—also my favorite.

I eye him suspiciously. It seems like he’s trying to appease me by ordering my favorite food and drinks.

Nang mapansin niya ang titig ko ay walang interes niya akong binalingan ng tingin. His brows rise in curiosity. He really looks like an innocent kid despite his age. His baby face is really insulting me. Suminghap ako at uminom na lang sa baso ko sabay iwas ng tingin.

“Do you want to swim?” tanong niya pagkatapos kong maubos ang wine ko.

“Pagod na ‘ko. I can just do that tomorrow,” sabi ko habang umiiling.

Tumango siya. “I’ll swim later. Ihahatid na lang muna kita sa room natin,” sabi niya habang nag-iimis ang staffs ng mga pinagkainan namin.

“You don’t have to. I can go inside on my own.”

Umiling siya. “Ihahatid kita.” I can hear the finality in his tone.

Kunot noo ko siyang tinignan pero tumango na lang din ako para hindi na humaba pa ang usapan.

Pagkatapos ng ilan pang minuto ay hinatid niya na ako sa suite naming dalawa.

“I’ll just swim,” pagpapaalam niya.

I chuckle and nod. “Have fun…” sabi ko at isinara na ang pinto.

Dumiretso ako sa k’warto ko at binuksan ang laptop ko. I have an email from my Klaus—my secret investigator I hired from my cousin, Gil. Klaus is just his code name. I ordered him to spy on Zachariah Ricaforte and find anything suspicious.

Binasa ko ang email. Pagkatapos ay kinuha ko ang disposable phone ko at tinawagan si Klaus. Agad naman niyang tinanggap ang tawag.

“So you still haven’t found anything suspicious at all?” tanong ko.

“Yes. I’m still following him, though. I don’t know the exact destination yet but he’s traveling south. Will update you again once I see something worth mentioning,” aniya sa matigas na Ingles.

“Alright. Keep a good distance,” binaba ko ang tawag at pinatay ang disposable phone ko at itinago ‘yon.

Kinuha ko ang laptop ko pati na rin ang phone ko. Lumabas ako sa veranda ng k’warto at umupo sa sofa swing na nasa labas malapit sa glass railings ng veranda.

Saglit akong nagpahinga bago sinimulang gawin ang ilan kong trabaho. I wanted to sleep a while ago pero nawala ang antok ko dahil sa naging update ni Klaus kanina. I wonder where the old businessman is going.

Kitang kita ko mula sa puwesto ko si Dr. Ricaforte na naglalangoy sa pool. His skin is fair like mine so namumula mula ang kaniyang katawan dahil sa sinag ng palubog na araw. Tumigil siya saglit at naupo sa edge ng pool. Inangat niya ang kaniyang tingin at nagtama ang mga mata naming dalawa.

My phone buzzes which make me tore my eyes off of Zac’s. Kinuha ko ang phone ko at sinagot ang tawag ng pinsan ko.

“How’s your honeymoon?” bungad niyang tanong sa akin.

“What do you want, Gil?” Umirap ako.

Tumawa siya nang bahagya bago nagsalita, “Nagwawala ang kapatid ko rito ngayon. Um-attend lang daw siya saglit ng conference sa France ay inagaw mo na raw ang crush niya. She just got home and the first news she heard was you marrying her long-time crush.”

Muling humagalpak ng tawa ang pinsan ko at dinig na dinig ko pa sa kabilang linya ang boses ni Aeliares, ang babaeng kapatid ni Gil na pinsan ko rin.

“Tell her to annul their marriage, brother! How dare she steal my future husband!” pagmamaktol nito.

I sigh. “A 2-year conference doesn’t fit the term ‘saglit’, Gil. And please, I wasn’t even aware that she personally knew my husband,” sabi ko, emphasizing the word ‘husband’ to piss my cousin off more dahil alam kong naka-loud speaker ang phone ni Gil.

“Wow. I didn’t know that you are the possessive type, cousin,” aniya na siyang ikinatawa ko nang mahina.

“You are such a slut, Jade!” ani Aeliares. I chuckle because I was actually able to piss her off more.

“Aeliares Isabella, your mouth!” pangaral ni Gil sa spoiled brat niyang kapatid at doon na naputol ang linya.

I shake my head as I put down my phone. Muli kong ibinalik ang tingin sa baba pero wala na roon si Dr. Ricaforte.

I almost jumped out of where I am sitting when I hear the door separating Zac’s room and the veranda opens and then closes. Gulat akong tumingin sa kaniyang nasa harapan ko na at madilim na nakatingin sa akin.

Kitang kita ko ang pagtakas ng tubig mula sa kaniyang basang buhok. Nakapatong ang kaniyang tuwalya sa balikat at suot niya na ulit ang kaniyang white polo.

“What—”

Hindi ko natuloy ang itatanong ko dahil nagsalita na siya.

“Sino ang kausap mo sa phone?” malamig niyang tanong.

Pinagtaasan ko siya ng kilay dahil sa asta niya.

“You stopped swimming and went here… just to ask me that? Because I was talking to someone on my phone?” naguguluhan kong tanong.

“I asked you first, Marthania Jade Louise…”

Napasinghap ako sa sobrang lamig ng boses niya.

“No one…” I say, wanting to tease him a little. Ngumiti ako.

I cross my arms against my chest and lean against the backrest of the sofa swing. Mas dumilim ang tingin niya sa akin pero hindi ako natinag sa pagngiti ko sa kaniya.

“You were laughing while talking to whoever that was and you’re telling me it was no one?”

“Are you jealous?” Pinigilan ko ang matawa.

“Who was it?” ulit niyang tanong. This time his tone sounds mad but still manages to stay calm.

“You’re jealous,” I conclude. Mas lumawak ang ngiti ko.

I can’t believe he’s actually acting like a jealous husband right now. What… Is he finally taking notice of me? Am I finally succeeding in distracting him? Is he falling for me now?

“Fine, don’t tell me,” pagsuko niya.

Tinalikuran niya na ako at pumasok na siya sa k’warto niya.

I chuckle as the sun sets. I think I win today.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status