LOGINPagkatapos ng tatlong taon na pagsasama, hindi inaasahan ni Avi na aalukin pa rin siya ni Silvestre ng divorce. “Can we... not get a divorce?” Pagmamakaawa niya. Mahal na mahal niya si Silvestre. Iniwan niya ang lahat at pinili ang lalaki sa kagustuhan na makasama ito. Ngunit bigo pa rin siya, pagkatapos ng tatlong taon, mahal pa rin nito ang dating kasintahan na si Arsen. At ngayon na bumalik na si Arsen, nais na siya nitong hiwalayan. Pain, betrayal and regrets were three powerful emotions. Iyon ang nagtulak kay Avi para pumirma sa divorce agreement at tuluyang iwan si Silvestre. Ngunit lingid sa kaalaman ng lalaki, si Avi pala ay isang mayaman at spoiled na anak ng chairman ng AMC Group! Her real name is Aeverie Dawn Cuesta, daughter of David Cuesta and spoiled sister of Rafael, Uriel and Sage Cuesta! Kinalimutan niya ang marangyang buhay dahil sa pagmamahal kay Silvestre. Ngunit dahil sa ginawa ng lalaki, napagdesisyunan ni Avi na bumalik sa dati niyang pagkatao. Gone the sweet-spoken and loving Avi, hello again to the secret millionaire and spoiled Aeverie Dawn Cuesta! Anong mangyayari kung muling pagtagpuin ang landas ni Silvestre at Aeverie? Paano kung ang dating walang thrill na Avi ay biglang naging drop-dead-gorgeous and unstoppable Aeverie? Paano kung huli na para malaman ni Silvestre na nahulog na pala siya sa dati niyang asawa? At paano kung nabalot na ng yelo ang puso ni Aeverie at hindi na nito kayang magmahal muli?
View MoreCK was so proud. Malaki ang kaniyang pagkakangiti. Natutuwa siya na sa pag-uwi ni Kristel sa Pilipinas ay nakasama ito sa concert ni Christian Marco. Alam niya kung gaano ka-passionate ang kapatid sa pagkanta at sa musika. Alam niyang matagal na nitong pangarap na makapag-perform sa isang concert kasama ang mga kilala at sikat na mangangawit. Nakakalungkot lang na kung kailan umuwi si Kristel ay umalis naman ang kaniyang mga magulang papunta sa Hong Kong para sa isang business conglomerate. Alam niyang malulungkot si Kristel kung siya lamang ang makikita nito kaya mabuti na lamang napilit niyang sumama si Silvestre sa kaniya.“I’m so proud of you, little sis. You always make me proud.“ Aniya bago yakapin ang kapatid.Natawa ng mahina si Kristel at niyakap din siya.“I miss you so much, Kuya CK. Thank you for coming here.” Pagkatapos na yakapin ang kapatid ay tumingin siya kay Silvestre. Sinenyasan niya na ibigay na ang dala nilang bulaklak para kay Kristel. Nasa likod ito ng babae a
Alas nuebe ng gabi nang magsimula ang concert. Puno ng mga manonood ang concert hall ng mga sandaling iyon, nakapatay ang mga ilaw at tanging ang malaking entablado lamang ang naliliwanagan. Mahigit sa sampung libo ang lahat ng narito kaya't kahit na nagbubulungan lamang ang mga tao, maingay pa rin ang paligid. Nasa unang hilera ng mga upuan sila Silvestre at CK. Madalas na libutin ng tingin ni Silvestre ang kaniyang paligid, tinitingnan ng mabuti kung mahahanap niya si Aeverie, ngunit simula pa kanina ay hindi niya nahanap ang babae. Kung sakaling narito si Aeverie at Jeoff, siguradong sa harap din sila mauupo. Ngunit wala maski ang anino ng dalawa. Baka hindi ito pumunta.Mas mabuti na rin kung hindi pumunta si Aeverie dahil alam niyang napagod ito sa pagtratrabaho sa hotel, at bukas ay maaga rin silang papasok sa trabaho. Hindi na dapat ito magpuyat. Hindi niya nakausap ang mga kapatid ni Aeverie. Wala pa si Rafael at si Uriel nang maihatid niya si Aeverie sa mansion. Imporma ng
Habang pababa ang elevator ay malamig ang kaniyang tingin sa pinto nito. Ayaw niya sanang magsalita, pero mukhang iba ang plano si Silvestre. Bahagya itong sumulyap sa kaniya. "I'll talk to your brothers tonight." Mababa nitong sabi. Hindi siya bumaling ng tingin sa lalaki. Naramdaman nito na wala siyang interes makipag-usap kaya nagpatuloy na lamang. "I'll tell them about Mr. David Cuesta's offer. Mas maganda rin siguro na magkasama tayo sa iisang bubong para mas madali kitang matulungan kung may kailangan ka. You know my line of works... I can be both a bodyguard and an assistant. I know how the hotel works and I could help you with anything." May kakaibang sipa sa kaniyang dibdib dahil sa sinabi nito. He can help her with anything. Really? E kahit naman ano ang ibigay nitong tulong ay hirap siyang tanggapin, kahit pa trabaho iyon ni Silvestre. "Of course, you're a CEO before. You own the rival hotels so you know how the hotel operates. You're also a former soldier so you d
Hindi na magkandatoto sa meeting si Aeverie dahil sa huli nilang pag-uusap ni Silvestre. Dumagdag pa na nasa tabi niya ito at gumagawa ng report base sa pinag-uusapan sa meeting. Ang kaniyang laptop ang gamit nito at sa tuwing nagtitipa sa keyboard ang lalaki ay hindi niya magawang hindi ito sulyapan. He is used to handling meetings like this. Mataman itong nakikinig sa sinasabi ng nagsasalita sa harap kasabay ng mabilisang pagtipa sa laptop. Kapag nararamdaman nito na nakatingin siya ay agad na siyang nag-iiwas ng tingin bago pa siya nito mahuli. Ang ilang head ng mga departmento ay napapasulyap sa kaniya at sa kaniyang katabi. Hindi na lingid sa kaniyang kaalaman na nagtataka rin ang kaniyang mga empleyado na magkasama sila ni Silvestre Galwynn. This man is the CEO of their rival chain of hotels. Bakit narito ito ngayon ay nagtratrabaho sa ilalim ng pamamahala niya? Hindi ba’t nakakapagtaka nga iyon? Tahimik siya sa buong durasyon ng meeting. Saka lamang siya nagsasalita kapag k












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings