Napatanga si Ate Claire nang makita niya ako sa pintuan nang kwarto niya habang may dala-dalang malaking stuffed toy. Bigay ito sa akin ni Klirk, natatandaan ko na ito ang niregalo niya sa akin noong mag-eighteen ako.Matapos ko kasing kumatok at binuksan ko na ang pintuan at naabutan ko siyang nakadapa sa kama habang nagla-laptop. Tumitingin lang naman siya sa social media niya."Do you want to watch movies?" yaya ko sa kaniya.Nagtatakang tumingin siya sa akin. "Why?"Nagkibit balikat ako at hindi sumagot sa kaniya bago tumalikod. Dapat ba may rason palagi kapag manonood ka? Gusto ko lang ng pampalipas oras dahil hindi ako makatulog.Nagtungo ako sa living room kung nasaan ang malaking tv namin. Naramadaman ko namang sumunod sa akin si Ate Claire."Anong meron at bigla kang nagyaya?" tanong nito at nauna pang kumuha sa akin ng remote. Siya na ang nag-browse nang mga pelikulang pwede naming panoorin."Wala lang. Gusto ko lang manood bigla.""Kumuha ka ng kakainin natin," utos nito sa
Naging maayos na ulit ang lahat. Kung noong Senior High ay busy si Primo dahil sa studies niya, mas naging busy siya ngayong kolehiyo na kami, pero kung si Klirk ang palagi kung kasama noon, napalitan siya ni Charlie. Naging close kaming dalawa dahil pareho kami ng course, business. Maging si Primo ay ganoon din ang course, pero at gaya dati, masyado na naman siyang focus sa pag-aaral niya, kaya hinahayaan ko na lang siya. Habang ako ay pa-chill-chill lang minsan. Gusto ko rin naman makapagtapos, pero hindi naman ako gaya ni Primo na prene-pressure ang sarili ng husto. Minsan nga sa sobrang busy niya sa pag-aaral niya nakakalimutan niyang birthday ko pala. Naaalala ko minsang niyaya ko siyang lumabas dahil birthday ko at pumayag siya, pero hindi siya nakarating dahil may project siyang kailangang tapusin. Nakalimutan rin niya akong i-text, kaya two hours akong naghintay sa restaurant, pero ang ending mag-isa akong kumain. Sumama ang loob ko sa kaniya noon, pero hindi ko na lang pinaal
"Why don't we party too?" Napatingin ako kay Charlie na malaki ang ngisi. "Huh?" "Iyon ngang fiance mong hilaw nagce-celebrate ng hindi ka kasama. Alangan naman sila lang nagsasaya tapos hindi? May honors lang ba pwede pumarty?" Napangisi ako pabalik dahil sa sinabi niya. "Sure." Umuwi lang ako saglit sa bahay para magpalit ng damit ganoon din si Charlie. Usapan namin ay daraanan niya ako. Pagdating ko sa bahay gaya ng inaasahan ay wala pa ang mga magulang ko dahil may lakad pa sila ng mga magulang ni Primo. Nakita ko pa ang text ni mama na hinahanap ako at sinabing pumunta sa dinner kung nasaan sila, pero hindi ko na lang iyon pinansin. Si Primo nga pinayagan nila, bakit ako hindi pwede? Mabilis akong nagtanggal ng make-up ko at naligo. Nagsuot lang ako ng isang black denim pants na tenernuhan ko ng black racer back crop top at leather jacket. Nagmamadaling lumabas ako ng bahay ng may bumusina sa tapat ng bahay namin. Nakita ko ang nakangising si Charlie na nakaupo sa driver s
"Hey, where is Primo?" napatingin ako kay Klirk nang tumigil ang kotse niya sa tapat ko at ibaba niya ang convertible noon.Nasa tapat ako ngayon ng restaurant kung saan kami kumain ni Primo, pero nauna siyang umuwi dahil may biglang tumawag sa kaniya. Sabi niya importante raw iyon kaya nagpaalam siya sa akin at naiwan akong mag-isa.Naiinis man ako sa ginawa niya, pero hindi na lang ako nagreklamo. Wala rin namang mangyayari kapag inaway ko pa siya sa biglaang pang-iiwan niya sa akin kahit na niyaya niya akong mag-lunch para bumawi pero sa huli iniwan ulit niya ako."He left already," matabang na sagot ko kay Klirk. Bigla akong na-badtrip kay Primo. Siya lang yung bumabawi na nang-iiwan ulit sa ere. Alam ko naman na pangarap niya ang priority niya, pero hindi ba pwedeng kahit isang beses lang, ako naman? Siya nga isinama ko sa priorities ko, pero ako mukhang hindi kasama sa priorities niya.Ibinaba nito ang suot na sunglasses at tumingin sa akin. "And he left you alone here?"I shrug
"Thank you for bringing me home yesterday. Ginising mo na lang sana ako," saad ko kay Klirk nang magkita kami kinabukasan. Nandito kami pareho sa bahay nina Primo. Napagpasyahan kong magtungo sa bahay nina Primo dahil nalaman kong nandito lang siya nang maka-text ko siya kanina. Nagluto muna ako ng mga cookies bago ako nagtungo rito, pero hindi ko inaasahan na nandito rin si Klirk.Nandito kami ngayon sa garden, habang si Primo ay pumasok muyna dahil tinawag ito ni Tita Faye."You are sleeping soundly. Don't worry, carrying you does not hurt my muscles." Pinakita pa nito ang muscles, kaya asar na pinalo ko ito.Napatingin ako kay Primo nang dumating ito at may dala nang meryenda namin."I missed this," saad ni Klirk at agad na kumuha ng banana cue.Kumuha rin ako ng babana cue, pero hindi ko makain agad dahil mainit pa iyon hindi gaya ni Klirk na akala mo uubusan. Napatingin ako kay Primo nang bigyan niya ako ng isang orange juice."Thanks," nakangiting saad ko sa kaniya."I will sta
Napaupo ako sa pinakamalapit na bench at hinubad ang heels na suot ko. Galing ako sa pakikipagkita sa kliyente ko. I decided na maging real state agent muna. Sabi kasi nila kapag nakapagbenta ako ng kahit isang condo malaki ang comission ko kaya pinasok ko. Nag-seminar din ako para sa trabaho ko ppero magtatatlong buwan na ako sa trabaho ko, pero wala pa rin akong nabebenta. Sanay naman akong mag-sales talk, dahil business course ang tinapos ko, pero mahirap lang talaga humanap ng kliyente lalo na at baguhan pa lang ako. Hindi kagaya ng mga kasamahan ko na madali na lang sa kanila ang trabaho dahil marami na silang connections. Tama nga si Primo, the wider your connection, the better. Kanina may kliyente akong nagtingin ng mga units, pero mukhang wala naman itong balak na bilihin ang place na ipinakita ko sa kaniya. Nahihirapan pa akong magbyahe dahil wala akong kotse. May kotse naman si Mama, pero nahihiya akong gamitin iyon minsan. Dahil minsan naman ay may pinupuntahan din siya. A
KLIRK'S POV"Where are you?" agad na tanong ko, kay Primo nang sagutin niya ang tawag ko. Kadarating ko lang ng bahay at agad na tinawagan ko na siya."You did not even bother to know your fiancee's whereabouts?" Hindi ko mapigilang mainis sa kaniya."She's going home already when I called her awhile ago. What's wrong?""You want to be a good fiance, that's what you tell. Show some concern, or else someone will snatch her. She will be your wife, don't make her your less priority," sermon ko sa kaniya bago ko ibanaba ang tawag.I am pissed at the idea that he is too confident that Cleopatra will be his. Masyado itong confident na umaabot na sa puntong, hindi man lang inaalala ang fiance niya. Dapat hindi na siya pumayag na ipakasal sila in the future, kung wala naman pala siyang balak na alagaan si Cleopatra. Four years akong nawala pero hindi man lang nagbago ang pakikitungo at pagtrato niya rito habang si Cleopatra naman ay walang ibang bukang bibig kundi siya.Swerte na niya, pinapa
(Continuation from chapter 29 of Primo's Bride)Makalipas ang apat na taon, naging mas matagumpay kami. Mataas na ang posisyon ni Primo sa kompanya nina Klirk kahit na baguhan pa lang siya doon. Sa sipag at talino niya hindi na nakakagulat iyon. Presidente na si Primo ng GGC, naabot na niya ang pangarap niya. Mas nakilala na ang negosyo namin ni Charlie, habang si Klirk naman ay isa nang sikat na abogadong, maraming naipanalong kaso. Masasabi kong successful na talaga kaming lahat.Pero totoo pala ang kasabihan. Kapag swerte sa carreer maaring malas sa pag-ibig. Sobrang saya ko na, e. Nag-proposed na sa akin si Primo, niyaya na niya akong magpakasal akala ko matutupad na ang pangarap kong dream wedding at maging bride niya.Apat na taon matapos kong maipatayo ang dream business ko, handa na akong bumuo ng pamilya kasama siya. Noong mag-propose siya sa akin, sobrang saya ko. Inisip ko na unti-unti nang natutupad ang mga plano ko. Pero puro akala lang pala ang lahat. Dahil ngayong ar