“Primo.” Hindi ko alam ang tamang salitang sasabihin ko. Nagulat ako sa biglaan niyang pagsulpot. “It’s not what you think. I just asked her help me and to pretend as my girlfriend,” mabilis na paliwanag ni Klirk. Pero lalong dumilim ang anyo ni Primo dahil sa sinabi ni Klirk. Tumigas ang mga panga nito habang nakatingin ng masama sa kaibigan. Marahas akong hinila ni Primo palapit sa kanya. “Next time, huwag mong idamay si Cleo sa mga kalokohan mo,” may diin ang bawat salitang binitiwan ni Primo. Ramdam ko rin ang higpit ng hawak niya sa pulso ko. Pasimple koi tong tinanggal ngunit sinamaan ako nito ng tingin at lalong humigpit ang hawak sa pulso ko kaya nanahimik na lang ako kahit masakit na ang pagkakahawak niya. “Kalokohan?” sarcastic na tumawa si Klirk bago naghahamong tumingin kay Primo. “Ako ba talaga ang may ginagawang kalokohan?” Ramdam ko ang tension sa pagitan nilang dalawa. Nakatingin sila sa isa’t isa na tila ba may mga kuryenteng lumalabas sa kanilang mga mata. “Gu
“Hello, may I know who is this?” tanong ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Primo is a very private person. Hindi siya iyong tipo ng tao na hinahayaang may makahawak ng selpon niya. Kahit ako nga hindi ko pa nahahawakan ang selpon niya dahil ayaw niyang may ibang nakikialam nito. Kaya nakapagtataka na iba ang sumagot sa tawag ko ang Malala pa, babae ang sumagot nito. Is he cheating on me? May ibang babae ba siya? Sa isipang iyon ay parang sinaksak ang puso ko ng ilang libong beses. Hindi ko yata kakayanin kapag totoo ang mga baga na tumatakbo sa isip ko ngayon. “I am his-” hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil naputol na ang linya. Nagtatakang napatingin na lang ako sa selpon na hawak ko. Hindi ko alam pero may kabang namumuo sa dibdib ko. But I know Primo, hindi niya magagawa ang lokohin ako. Tama, I just need to trust him. Tiwala lang, iyon naman ang mahalaga. “Anong sabi?” puno ng kuyusidad na tanong ni Charlie habang matamang nakatingin sa akin. Nanlalambot na ini
Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Tila gustong kumawala ng puso ko sa dahil sa biglaan niyang pag-amin. Hindi ko inaasan ang mga bibitawan niyang salita pero nagdulot iyon sa puso ko ng sobrang tuwa. Kung hindi nga ako magmumukhang tanga gusto kung tumalon sa tuwa. Exaggerated na kung exaggerated pero masaya ako. Kung kanina puro lang inis ang nararamdaman ko ngayon naman ay tila nagdiriwang na ako. Muntik ko nang tapusin ang engagement namin dahil akala ko napipilitan lang siya. Iyon pala nagseselos lang siya. Sana sinabi niya agad, hinayaan pa niya akong magalit at magsalita ng kung ano-ano. Kulang na lang mapilas ang mga pisngi ko sa laki ng ngiti ko. Bigla namang namula ang buong mukha nito, maging ang tenga neto ay namumula rin. Mabilis siyang tumalikod sa akin upang itago ang mukha niya. Hinawakan ko siya sa braso at pilit na pinapapaharap muli sa akin pero nagmamatigas siya. Kahit anong pilit ko ayaw niya talagang humarap kaya hinayaan ko na lang. Masaya na a
It’s Sunday. Nakagawian ko nang umuwi sa bahay kung nasaan ang mga magulang ko upang dalawin sila. Kapag hindi ko kasi sila binisita hindi ako titigilan ni mama. Kaya inilalaan ko talaga ang Linggo bilang family day namin. Nang makarating ako sa bahay ay mabilis akong umibis sa aking sasakyan. Nakita ko na rin ang kotse nina ate Claire na nakaparada sa garahe. “Hello, everyone!” masayang bati ko nang makapasok na ako sa loob ng bahay. Sabay na lumingon sa akin sina mama at ate Claire na buhat-buhat ang kanyang magdadalawang taong gulang na anak. Lumapit ako sa kanila at humalik sa pisngi ni mama bago ako bumaling sa anak ni ate. “Hello, baby girl.” Hinawakan ko ang kamay nito at nilaro-laro.Humagikhik naman ito bago ibinukas ang mga kamay upang yakapin ako. “Tata,” anito. Kinuha ko kay ate ang anak niya at ako ang kumarga rito. Saka ako naupo sa sofa katapat ni mama. “Bakit kasi hindi pa kayo magpakasal ni Primo nang magka-anak ka na rin,” komento ni mama habang pinapanood a
Pagkagaling sa bahay ng mga magulang ko ay dumaan muna ako sa grocery. Kailangan ko nang mamili dahil wala na akong stocks. Once a week lang ako kung mamili pero kapag sobrang busy ko kahit pamimili ng grocery ay hindi ko na nagagawa. Madalang lang naman ako magluto dahil nga hindi ako eksperto pagdating sa kusina kaya matagal maubos ang stocks ko. Kalimutan mga ready to eat or can goods lang ang pinamimili ko. Kaya kapag dumadalaw si mama sa condo ko pinapagalitan niya ako dahil hindi daw masusustansya ang kinakain ko.Kumuha ako ng push cart at nagsimula nang mamili ng mga bagay na kailangan ko. Una akong pumunta sa toiletries. Matapos kong makuha ang mga kailangan ko ay sa condements section naman ako pupunta.Liliko na sana ako nang muntik na akong may mabungo. Buti na lang nakahinto agad ako."I am sorry," paumanhin ko.Sandali pa itong natigilan ng makilala ako. Kaya naman nginitian ko siya."Okay lang," sagot nito at ngumiti."Dito ka rin namimili?" nakangiting tanong ko.I am
Naging maaayos ang mga nakalipas na araw. Walang masyadong stress. Maliban sa abala ako sa trabaho ay wala namang ganap sa buhay ko. Busy rin kasi si Primo, kaya hindi kami nagkikita. Kaya iginugugol ko na lang ang lahat ng oras ko sa trabahom Abala ako sa pagre-review ng mga detalye tungkol sa kasal ng kliyente ko. Masyado pa naman itong pihikan kaya dino-double check ko talagang mabuti ang lahat. Nakahanap na rin ako ng venue para sa gusto nitong garden wedding. Nandito kami ngayon sa lugar kung saan gaganapin ang kasal. I was checking the venue habang kausap naman ni Charlie ang magiging bride. This is like an eternal place, perfect for a garden wedding. Napapalibutan ang paligid ng mga luntian. Napaka-refreshing ng lugar. I was busy talking to the staffs who will do the decoration when Charlie suddenly came. He looks very anxious, he's face shows how worried he is. "May problema," bungad agad ni Charlie. "'Yong bride, umiiyak." Mabilis din itong tumaliko kaya napasunod ako s
"Naloka ako sa nangyari. Hindi pa rin nagsisink-in sa akin na manloloko ang fiance ni Ms. Martinez, sayang ang hot pa naman niya," bungad ni Charlie nang makapasok siya sa opisina ko. Kahit ako, hindi ko rin inaasahan ang nangyari pero minsan ganoon talaga. Kaya we should not expect too much para hindi tayo ma-disappoint. We should not trust so much, para hindi tayo masaktan. Because too much is bad. Ilang oras na ang nakakalipas mula ng ikansel ni Ms. Martinez ang kasal dahil nga tumakbo na ang groom-to-be sana nito kasama ang ibang babae. Naiwan naman sa venue si Charlie kanina upang magpaligpit nang lugar na sana ay pagdadausan sana ng kasal. I also called everyine I need to talk about the cancellation of yhe wedding. Nauna na lang akong bumalik sa opisina dahil may iba pa akong project na dapat ayusin. I am still busy at hindi porke't may kasal na hindi natuloy ay makakahinga na ako sa trabaho. Ito ang unang beses na may nagkansela ng kasal na plinano namin pero hindi kami dapa
He smiled with us. Bahagya pa nitong itinaas ang basong hawak sa amin. I forcely smiled back at him. Nanlulumong napaupong muli si Charlie sa stool. Nawala ang excitement sa mukha nito. Samantalang ako parang gusto ko na lang lamunin ng lupa ngayon. "He is a perfect ten pero hindi siya para sa akin. Akala ko magkaka-love life na ako," pagmamaktol nito. "Ang galing mong umi-spot. Kaso baka hindi langit abutin ko kundi ospital kapag siya ang nilandi ko." Natatawa ako sa reaksyon niya. Mukha kasi itong negosyanteng nalugi sa malaking investment scam. Hindi ko naman alam na si Klirk pala iyon. I never regretted the points I gave to him, but I didn't expect that it was him. Nakatalikod kasi ito kanina at medyo madilim sa pwesto nito kaya hindi ko agad nakilala. Iba na rin kasi ang hairstyle nito ngayon. Noong nakaraan kasi medyo mahaba na ang buhok niya pero ngayon neat na ulit tingnan. "I am sorry. Malay ko bang si Klirk pala iyon." Pinuri ko pa ng todo tapos pagharap niya parang g