Share

Chapter 72: Secret of the Past

Tahimik lang ako nakamasid sa bintana habang tahimik na nagmamaneho si Lance. Nadaanan namin ang karatula ng villa Letisha at hindi ko mapigilan maluha. Hindi man lang ba ako magpapaalam kay Rica at Ginang Letisha?

"Lance," Tumingin sa rearview mirror si Lance. "Pwede ba muna akong magpaalam sa kaibigan kong si Rica." Huminga siya ng malalim at hininto sa gilid ng kalsada ang sasakyan. Lumingon siya sakin.

"Saan ba siya nakatira? Akala ko bang magkasama kayo sa bahay na yun? Bakit lalaki ang kasama mo roon?" Salubong ang kilay niyang nakatingin sakin. Ngayon ko lang napansin ang gamit niya sa passenger seat.

"Mamaya ko na sasagutin ang mga tanong mo. Huwag mong sabihin sakin matapos mo akong makausap kahapon agad ka nang nag-book ng flight pabalik dito sa Pilipinas?"

"Hindi pa ba obvious. Kausap pa lang kita kahapon agad na akong nag-book ng flight. Lalo na delikado ang buhay mo." Binulong niya lang ang huli niyang sinabi pero malinaw ko pa rin itong naintindihan.

"Anong alam mo?" t
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status