Share

Chapter 12

"Excuse me? May order ako," pag-uulit ni Ashburn.

Bumilis na naman ang tibok ng kaniyang puso.

"Kelly, he's calling you," sambit naman ni Kiel. Bumalik sa reyalidad si Kelly at saka lumapit kay Ashburn.

Inilabas niya ang ballpen at order pad niya sa humarap kay Ashburn.

"W-What's your order, Sir?" Tanong ni Kelly habang pinipigilan ang panginginig ng kaniyang kamay dahil iniisip niya pa rin ang tanong ni Kiel sa kaniya.

Umorder naman si Ashburn ng kape.

"Bawal ka pa bang umuwi? Mag-take out ka ng dinner natin. I'll pay," wika ni Ashburn.

"Mamaya, kapag tapos ka na ring uminom ng kape, magba-bus out pa ako."

Tumango naman si Ashburn.

Agad namang inilagay ni Kelly ang order ni Ashburn sa counter at hinintay na matimpla.

"Your coffee, Sir," nakangiting wika ni Kelly saka inilapag ni Kelly ang kape.

"Thank you."

Bumalik naman agad si Kelly sa kaniyang puwesto sa tabi ni Niana.

"Humanda ka talaga sa'kin kapag nalaman nilang asawa niya ako," pagbabanta niya kay Niana. Nag-peace sign naman ito.

Ilang minuto nilang tinitigan si Ashburn habang nagkakape ito habang nakahawak sa kaniyang cellphone.

"Mukhang luluwa na ang mga mata ng babae sa kaniya," komento ni Niana nang makita nilang halos lahat ng nasa loob ay nakatingin kay Asburn, ang iba ay nakatayo pa.

"Kaya maswerte ka, 'te, nakikita mo siya araw araw," dagdag pa ni Niana.

"Parang sobrang blessed ko naman masyado," pailing-iling na sabi ni Kelly.

"Talaga," natatawang sambit naman ni Niana.

Nang matapos si Ashburn ay lumapit agad si Kelly sa kaniya.

"Ano'ng food ba gusto mong i-take out?" Mahinang tanong ni Kelly sa kaniya.

"What do you want ba? Just choose whatever you want," sagot naman niya saka nagbayad ng bill at sinobrahan pa para sa ite-take out nila.

"Kapag may sobra diyan, i-keep niyo na lang ng friend mo," dagdag pa ni Ashburn.

"Thank you, kuya," pang-aasar ni Kelly. Sinamaan naman siya ng tingin ni Ashburn.

Hinintay pa muna ni Kelly ang pinili niyang ulam bago lumabas.

"Hintayin na lang kita sa car," bulong ni Ashburn kay Kelly nang ibigay niya ang take out.

Bago sila lumabas ay ibinigay muna ni Kelly ang tip kay Niana.

"Tip ni Ashburn," wika ni Kelly habang iniaabot kay Niana ang limang daan.

Kinuha naman 'yon ni Niana at saka ibinulsa.

"Ang yaman talaga ng asawa mo. Baka kaya pa niyang bilhin 'tong restaurant," sabi naman ni Niana.

Natawa naman sa kaniya si Kelly.

"Baka nga kusina niya lang ang buong restaurant. Tsaka marami na silang negosyo, hindi na niya kailangan ito," sagot naman ni Kelly.

"Kaya nga dapat buhay prinsesa ka na lang," wika naman ni Niana habang naglalakad sila.

"Eh, hindi naman siya prinsipe."

"Ang sama mo talaga."

Natawa naman ulit si Kelly at saka inakbayan si Niana.

"Nasa labas na siya?" Tanong ni Niana habang palabas na sila ng restaurant. Tumango naman si Kelly.

"Tara na. Gutom na ako," sambit ni Kelly at nagmamadaling lumabas.

"Nasaan siya?" Tanong ulit ni Niana nang hindi nila mahanap ang sasakyan ni Ashburn habang lumilinga-linga sila.

"Baka nagparking sa malayo," sagot naman ni Kelly habang nakapamewang at tumitingin sa kalsada.

May humintong kulay metallic blue na sasakyan sa harapan nila at napatingin naman sila ro'n.

"Hey," sambit ni Ashburn saka dumungaw sa bintana.

"Yiee! Asawa mo," bulong ni Niana kay Kelly saka sila lumapit.

"Mauna na ako," paalam niya kay Niana at kumaway pa bago pumasok sa loob.

"Ingat ka," wika ni Kelly bago sila umalis. Nakangiti namang kumaway si Niana.

"Sasakyan mo rin 'to?" Baling niya kay Ashburn.

"Yes. Bumili na ako ng bago. Baka kasi kapag nandito ako, makilala nila ako," sagot niya. Lumabi naman si Kelly.

"Ang yaman mo talaga 'no? Kung kailan mo gugustuhing bumili ng kahit na ano eh nagagawa mo."

Lumingon naman sa kaniya si Ashburn habang nagmamaneho.

"Because of you," sagot ni Ashburn.

Napalunok naman si Kelly.

"H-Ha?" Nagtatakang tanong niya.

Ibinalik naman ni Ashburn ang paningin sa dananan.

"It's because of you. Kung hindi kita hinahatid at sinusundo eh hindi ako bibili ng bago," sagot naman ni Ashburn.

"Wow! Parang kasalanan ko pang gumastos ka?" Inis na tanong niya at pinagkrus pa ang kaniyang mga braso.

"Hindi naman. Ayoko lang na makita nilang lagi akong nakaparada doon. That's why I bought this, marami kasing nakakaalam ng sasakyan ko."

"Hindi mo naman need na lagi akong ihatid at sunduin. Tsaka paanong hindi ka makikilala eh ikaw pa nga lang yata ang nagmamay-ari ng ganoong sasakyan dito sa atin. Tapos ang gara mo pang mag-ayos. Pupunta ka na nga lang sa restaurant, nakamamahaling relo ka pa tapos ang professional mo pa tignan," wika naman ni Kelly habang nakatingin ito kay Ashburn.

"Kailangan kong magmukhang professional. Paparazzi are everywhere," sagot ni Ashburn habang pasulyap-sulyap sa side mirror.

"Wow! Artista? Sa bagay, ang sikat ng family niyo. Tsaka, i-try mo kayang magsuot ng t-shirt kapag nasa labas ka. Lagi kang naka-polo eh," suggestion naman ni Kelly.

"Don't command me."

"Hirap talaga pagsabihan ng mga gurang na," bulong naman ni Kelly at napatingin na lang sa labas ng bintana.

Nang makauwi sila ay agad na naghain si Kelly upang makakain silang dalawa.

Kinabukasan ay sumakay ulit siya ng traysikel papasok dahil maagang umalis si Ashburn.

"Sana hindi na tayo mag-over time mamaya. Kahit gustong gusto ko ng over time pay, kailangan ko na rin ng maayos na pahinga," wika ni Niana habang nakapuwesto sila sa harap ng counter at nakatingin sa mga guests.

"Ako rin. Gusto ko nang manuod na lang ng TV sa bahay," sabi naman ni Kelly saka inayos ang uniform.

"Malaki ang TV sa kuwarto mo?" Tanong naman ni Niana sa kaniya.

"Oo. Kahit malayo ang kama ko ay kitang-kita ko pati pores ng mga taong pinapanuod ko," natatawang sagot niya.

"Ganoon din bonding niyo ni Sir Ashburn?"

Nawala naman ang ngiti ni Kelly saka bumaling kay Niana na nakatingin lang din sa kaniya ng mapang-asar.

"Kailan pa kami nag-bonding no'n? Baka nga hindi kami pareho ng taste eh. Baka puro news lang ang pinapanuod niya tapos makakatulog na nakabukas ang TV," sagot niya.

Natawa naman si Niana.

"Grabe ka naman. Ano siya? 60 years old?"

"Matanda naman na talaga si gurang," natatawang sagot naman ni Kelly. Hinampas naman siya ni Niana sa braso nang mahina.

"Pero kahit matanda na siya for you, guwapo pa rin siya. Nakita mo naman kahapon, lahat ng babae nakatingin sa kaniya. Hindi naman kasi siya mukhang matanda. Judgmental ka lang talaga," sabi ni Niana.

"Ang nakapagtataka talaga, sa edad niyang 'yon, wala man lang napabalitang may girlfriend siya. Kung totoong guwapo nga siya, eh 'di sana may girlfriend siya. Tsaka hindi siya dapat ikinasal sa akin," sambit naman ni Kelly habang nasa guests ang paningin.

"Feeling ko workaholic siya, at wala siyang time sa pag-ibig. Ay, 'te, baka kapag nagkataon eh ikaw ang una niyang pag-ibig!" Wika ni Niana at saka niyugyog pa ang kanang kamay ni Kelly.

Tinanggal naman iyon ni Kelly at saka sinamaan siya ng tingin.

"Ano'ng unang pag-ibig ang pinagsasabi mo diyan? Walang pag-ibig, at walang iibig," sagot niya kay Niana.

Lumabi naman sa kaniya si Niana.

"Sasabunutan kita nang malala kapag mainlove siya sa'yo. At kakaltukan kita kapag ikaw naman ang mahuhulog sa kaniya."

"Baka ikaw pa ang kaltukan ko kapag hindi ka tumahimik diyan," pagbabanta naman ni Kelly.

"Bigyan kita ng senaryo para makapag-isip ka," panimula na naman ni Niana.

Nagbuntong hininga naman si Kelly saka kinamot ang kaniyang kanang kilay.

"Nag-iisip naman ako, Niana," sagot naman niya.

Napangiwi naman si Niana at saka tiningnan si Kelly na nakatingin naman sa mga guests.

"Paano kung mahal mo na si Ashburn, tapos babalik si Vern?" Diretsong tanong ni Niana.

Napalingon si Kelly sa kaniya nang matagal bago ibinalik ang paningin sa mga guests.

Naramdaman niyang bumilis ang tibok ng kaniyang puso at namawis ang kaniyang mga palad.

"Hindi ko na siya babalikan," sagot niya saka niya kinagat ang loob ng kaniyang bibig.

"For Sir Ashburn?" Tanong ni Niana.

"For me..."

Lumingon siya ulit kay Niana at biglang nagtubig ang gilid ng kaniyang mga mata.

"...para sa akin, Niana. Kung mamahalin ko man si Ashburn, mananatili ako sa kaniya. Kahit bumalik pa si Vern," sagot niya.

Napalunok naman si Niana na parang mali ang kaniyang binitawang tanong.

"Sorry," sambit niya saka niya hinawakan ang kamay ni Kelly.

"Best friend kita, Niana, dapat alam mo na ang sagot diyan," nakangiting wika ni Kelly at umiwas ng tingin sa kaniyang kaibigan.

"Mag-oover time kaya tayo ngayon?" Tanong ni Niana matapos silang mag-serve at mag-aalas singko na naman ng hapon.

"Mukhang hindi na. Limang table lang naman ang occupied. Kaya na nila," sagot naman ni Kelly.

"Gusto ko na talagang matulog nang maayos. Kapag nga pauwi na kami ni kuya eh umiidlip ako sa loob ng traysikel namin," wika ni Niana.

"Matulog ka nang maayos mamaya para hindi ka magkaroon ng eyebags. Ang laki tuloy ng eyebags mo," puna ni Kelly at saka itinuro pa ang mga eyebags ni Niana.

"Baka pumangit na ako niyan," sambit naman niya at hinawakan pa ang ilalim ng kaniyang mga mata.

"Maganda ka pa rin," komento ni Kelly kaya napangiti naman siya.

"Malaki lang talaga bunganga mo," dagdag niya kaya lumabi naman si Niana na parang nagpapa-cute.

Nang matapos ang kanilang duty ay sumakay ulit ng traysikel si Kelly dahil hindi dumating si Ashburn upang sunduin siya.

Pagkauwi niya sa kanilang bahay ay napansin niya ang sasakyan ng mga kaibigan ni Ashburn sa garahe kaya inayos pa muna niya ang kaniyang sarili bago pumasok sa loob.

"Hello po!" Bati niya sa kanila habang nakangiti.

"How are you, Kelly?" Tanong agad ni Liam sa kaniya.

"Okay naman po ako."

Nakalapag na naman sa kanilang harapan ang beer at ice bucket na puno ng yelo.

"You're home," wika ni Ashburn habang may hawak na tempura saka inilapag sa lamesa.

Tumingin lang sa kaniya si Kelly at hindi man lang sumagot.

"Nandito na naman kami, Kelly. Okay lang naman ba sa'yo?" Natatawang tanong ni Ausbert.

"Ayos lang naman po sa akin. Excuse me lang po, magbibihis lang po ako," paalam niya at tumango naman ang dalawang kaibigan ni Ashburn.

"Join us later," pahabol na sambit ni Ashburn sa kaniya kaya tumango naman siya at nagmamadaling umakyat papunta sa kaniyang kuwarto.

Nagbihis siya ng puting short sleeve na polo at saka nag-tuck in gamit ang high waist niyang pantalon.

Agad din siyang bumaba upang samahan sina Ashburn sa baba.

Nadatnan niya sa baba ang dalawang kaibigan ni Ashburn at wala ang kaniyang asawa.

"Where's Ashburn?" Tanong niya nang makaupo siya sa sofa.

"He's in the kitchen. Nag-order daw siya ng food eh," sagot naman ni Ausbert saka tinungga ang kaniyang beer.

"You know what, Kelly, he's really lucky to have a wife like you," sambit naman ni Liam na nakapang-dekwatro.

Napatingin naman sa kaniya si Kelly na wala man lang reaksyon.

"Bakit naman po?"

Umayos ng upo si Liam at saka tumingin din sa kaniya.

"We asked him kung paano siya rito sa bahay niyo. Ayaw kasi ni Ashburn na nagpapaalaga sa iba. And he said, you're taking care of him. He even said na masarap ang luto mo," sagot ni Liam sa kaniya.

Napalunok naman si Kelly.

‘Hindi ko alam na marunong din pala maka-appreciate ng luto ko si gurang.’

"S-Sinabi niya po 'yon?" Tanong ni Kelly at pinipigilan ang pagnginig ng kaniyang kamay.

"Yes. Pagpasensyahan mo na lang siya. He's super bossy and snob sometimes, but he has a good heart," wika ni Ausbert habang nakangiti kay Kelly.

Ngumiti naman si Kelly ng alanganin at napakamot ng kaniyang batok.

"He's now okay. She fixed him," sabi ni Liam habang nakatingin kay Ausbert. Tumango naman si Ausbert sa kaniya saka uminom ng beer.

Napakunot naman ng noo si Kelly at hindi maintindihan ang kanilang pinag-uusapan.

"What do you mean I fixed him?" Hindi napigilang tanong ni Kelly sa kanila at pinilit niya pa ring ngumiti. Napatingin naman sa kaniya ang dalawa.

"Ashburn said na may secret relationship kayo before kayo nagpakasal. I guess, he's fine now," sago ni Ausbert.

Ngunit hindi pa rin maintindihan ni Kelly ang sinasabi nila.

"Sorry po, pero I don't understand what you are saying," alanganin niyang wika.

"Akala nga namin ay hindi na mag-aasawa si Ashburn," sagot ni Ausbert.

"Why?" Tanong ni Kelly.

Bumuntong hininga naman si Liam at bumaling sa kaniya.

"Hindi namin alam na ikakasal pa siya after her ex-fiancé broke up with him," sagot ni Liam.

Biglang lumamig ang pakiramdam ni Kelly at ilang beses pa siyang napalunok.

"May fiancé siya dati?"

Tumango naman sila.

"Sino?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status