Share

Chapter 11

"Paano ka uuwi niyan? Wala pa namang traysikel," tanong ni Niana habang nakahawak sa braso ni Kelly.

Si Kelly naman ay nakakuyom na ang dalawang kamay at nakakunot ang noo habang nakatingin sa kabilang kalsada na pinagparadahan kanina ni Ashburn.

"Bwisit talaga 'yon eh! Maglalakad na lang ako," sagot ni Kelly.

"Baka naman may nasabi ka sa kaniya kanina kaya ka iniwan?" Sambit ni Niana. Napalingon lang siya kay Niana ngunit hindi siya sumagot.

Biglang may mabilis na sasakyan ang pumarada sa kanilang harapan at saka sila napatingin doon.

"Oh, nandito na pala ang asawa mo eh," nakangiting wika ni Niana sa kaniya at bahagya pa siyang itinulak papalapit sa sasakyan.

Lumapit naman silang dalawa sa sasakyan at dahan-dahang ibinaba ni Ashburn ang window sa passenger seat.

Napatingin ang dalawa doon at humarap naman si Ashburn sa kanila habang nasa driver's seat.

"Get inside," utos niya kay Kelly.

Hindi naman agad gumalaw si Kelly kaya itinulak siya ni Niana.

"Bakit daw po kayo nawala? Nainis tuloy si Kelly," natatawang sabi ni Niana kay Ashburn.

"Bumili lang ako ng coffee. I was a little sleepy earlier," sagot naman ni Ashburn saka itinaas ang coffee cup na galing sa isang mamahaling coffee shop na kaniyang binili.

Ngumiti naman si Niana at sinundot pa ang tagiliran ni Kelly.

Pumasok naman si Kelly sa loob ng sasakyan saka may pinindot si Ashburn sa loob at nagsara ang door sa passenger seat.

"Mag-ingat kayong dalawa," paalala naman ni Niana sa kanilang dalawa.

"You also," sagot naman ni Ashburn sa kaniya at saka siya ngumiti.

"Sige po. Ingatan niyo po si Kelly. Hinanap po kayo niyan kanina, na-miss daw po niya kayo," sambit ni Niana. Napatingin naman sa kaniya si Kelly at sinamaan siya ng tingin.

"Umuwi ka na. Uuwi na rin kami. Bye!" Sambit ni Kelly.

Natawa naman si Niana sa kaniya ngunit kumaway pa rin siya at lumayo sa sasakyan saka sumakay na sa kanilang traysikel.

Nang makalayo sila sa restaurant ay agad na ini-relax ni Kelly ang kaniyang likod sa upuan. Minasahe pa niya ang magkabilang braso niya na halatang pagod na.

"Ano na nga ulit sinabi ng kaibigan mo?" Tanong ni Ashburn habang pauwi sila.

Bumuntong hininga naman si Kelly at diretsong nakatingin pa rin sa daan.

"Naniwala ka naman do'n. Hindi kita na-miss. Nagbibiro lang siya," sagot niya at niyakap pa ang sarili dahil malamig sa loob ng sasakyan ng kaniyang asawa.

"Not that. Sinabi niyang nainis ka. Don't be, dahil kung ano ang sinabi ko ay gagawin ko," sabi ni Ashburn saka humigop ng kape at ibinalik ulit sa cup holder.

Napalingon naman si Kelly sa kaniya ngunit hindi na siya nagsalita.

Umayos na lang siya sa pagkakaupo at inihilig ang ulo sa upuan.

Nang makauwi sila ay lumakad na si Kelly nang mabagal papasok, pati ang yabag ng kaniyang paa sa hagdanan ay mabigat.

"Bakit ka kasi pumayag na mag-over time ka? And now, you look like a zombie," sambit ni Ashburn habang nasa likod niya itong umaakyat din.

"Kung hindi ako mag-oover time, kaunti lang silang night shift. Sayang din naman 'yong over time pay," sagot naman ni Kelly saka tinanggal ang pagkakatali ng buhok niya habang umaakyat sa hagdanan.

"You don't have to do that. Sinabi na nga namin sa'yo," paalala naman ni Ashburn sa kaniya.

Nagbuntong hininga naman si Kelly.

"Kahit na hindi ako makabayad sa inyo, eh dapat may pera pa rin ako. Tsaka sayang din ang experience. First work ko 'to eh."

"May binigay naman silang pera sa atin. 'Di ba nasa bangko mo na?" Tanong naman ni Ashburn sa kaniya.

"Oo. Pero mas okay pa rin kapag may pinaghirapan kang pera," sagot naman ni Kelly.

Nang makarating sila sa tapat ng kani-kaniya nilang kuwarto ay napalingon pa muna si Kelly kay Ashburn.

"Thank you pala sa paghatid at pagsundo, kuya. Kahit na it's your responsibility naman as husband," natatawang sambit ni Kelly.

Nakatingin lang sa kaniya si Ashburn at wala man lang emosyong makikita sa kaniyang mukha, blangko.

"Just don't call me ‘kuya’. I don't really like it," kalmado niyang sabi.

Lumabi naman si Kelly at saka tumango.

"Okay, honey. 'Yon ba ang gusto mo?" Tanong ni Kelly at saka nag-blink pa na parang nagpapa-cute kay Ashburn na nakakrus ang braso at nakasandal sa pintuan ng kaniyang kuwarto.

"Hindi bagay sa'yo," sagot ni Ashburn at tinalikuran si Kelly saka pumasok sa loob ng kaniyang kuwarto.

Naiwan namang nakatulala si Kelly.

"Ay, ang bastos."

Pumasok na rin siya sa kaniyang kuwarto. Nag-half bath pa muna siya bago natulog.

Kinabukasan ay naunang lumabas si Ashburn at hindi naman alam ni Kelly ang dahilan kaya sumakay na lang siya ng traysikel.

"Kumusta ang buhok ng isang Mrs. Montemayor?" Pabungad na tanong agad ni Niana sa kaniya nang makapasok si Niana sa locker area at nandoon naman siyang nag-aayos ng gamit.

"Ano na naman?" Tanong naman Kelly sa kaniya.

"Kumusta kayo kagabi?"

Nagtaas-baba pa mg kilay si Niana sa kaniya. Umiling iling naman si Kelly sa kaniya.

"Kung anu-ano ang pinagsasabi mo sa kaniya kagabi. Kaltukan kita diyan eh," sambit naman ni Kelly.

Nang matapos siyang mag-ayos ng gamit ay humarap siya kay Niana.

"Alam mo, mabait naman pala siya eh. Medyo mukhang bossy lang," komento ni Niana.

"Mabait lang 'yon kapag may ibang tao. Hindi siya mabait sa akin," wika naman ni Kelly saka niya inayos ang kaniyang uniform.

"Ano'ng hindi mabait? Sinundo ka na nga niya kagabi kahit ano'ng oras na. Tsaka the more you hate, the more you love," pang-aasar naman sa kaniya ni Niana.

"Ewan ko sa'yo."

Nauna nang lumabas si Kelly kaya sumunod naman sa kaniya si Niana na tumatawa pa.

"Table 1, order," sambit ni Kelly saka ibinigay ang printed order sa kusina.

"Nahihilo ako," bulong ni Niana kay Kelly habang pabalik sila sa dining area. Napakunot naman ng noo si Kelly saka sinapo ang noo ni Niana.

"Hindi ka naman mainit. Ano'ng nangyayari sa'yo?" Nag-aalalang tanong niya sa kaibigan.

"Hindi ako nag-breakfast," malumanay na sagot ni Niana.

"Baliw! Bakit kasi hindi ka kumain?"

Napakagat naman ng labi si Niana.

"Eh 'di ba late na kami nakauwi ni kuya kagabi. Tapos late ako nagising kaninang umaga, kaya hindi na ako kumain," sagot niya.

Napatingin naman si Kelly sa kaniyang relo at nakitang alas onse pa lang ng umaga.

"Mauna ka nang kumain. Baka himatayin ka bigla niyan," wika ni Kelly at humawak pa sa braso ni Niana.

Umiling naman ito sa kaniya.

"Ayoko. Nahihiya akong mauna. Tsaka gusto kitang kasabay kumain," sambit niya.

Hinampas naman ni Kelly nang mahina ang ulo ni Niana.

"Napakaarte mo. Kumain ka na," maawtoridad na sabi ni Kelly.

Lumabi naman si Niana saka napahawak sa kaniyang ulo.

"Ayoko nga eh. Hintayin na lang kita. Kaunti lang naman ang guests eh," mahinhin niyang sagot.

Wala namang magawa si Kelly kaya nagbuntong hininga na lang siya.

"Bahala ka kung mahimatay ka diyan, hindi kita bubuhatin."

Niyakap naman ni Niana ang kaniyang braso at parang batang nakakapit.

"Ako na, baka mapano ka," sabi ni Kelly saka hinatak si Niana nang palapit ito sa babaeng guest na nagtatawag ng server.

Agad naman siyang lumapit doon at tinanong kung ano ang kailangan.

Kumuha naman agad ng warm water sj Kelly dahil ayaw ng guest ng cold water.

"Mag-lunch na tayo," sambit ni Kelly nang makabalik siya sa tabi ni Niana. Napatingin pa muna si Niana sa wall clock at pasado alas dose na ng tanghali.

Naghawak-kamay pa sila patungong staff's canteen.

"Umupo ka na lang dito, ako na ang kukuha ng pagkain natin," prisinta ni Kelly. Hindi pa man nakakasagot si Niana ay umalis na siya upang kumuha ng lunch nila sa buffet table.

"Kumain ka nang madami," wika niya saka inilapag ang tray at inalagay ang pagkainnni Niana sa harap niya.

"Thank you," nakangiting sabi ni Niana at nagsimula nang kumain.

"Kelly, ano'ng plano mo?" Biglang tanong ni Niana sa kaniya habang siya naman ay umiinom ng tubig.

"Ano'ng plano ba?" Tanong niya pabalik saka tinusok ang broccoli sa kaniyang plato gamit ang tinidor at kinain.

"May plano ka bang magkaanak? I mean, kayo ni Sir Ashburn?"

Napatigil naman si Kelly at saka matagal na nag-isip. Si Niana naman ay nakatingin lang sa kaniya habang kumakain.

"Gusto kong magkaanak dati. Pero hindi ko alam kung magkakaanak pa ako. Alam mo namang hindi ko mahal si Ashburn. Nagbago na ang lahat ng plano ko sa buhay," sagot niya.

Tumango tango naman si Niana.

"Puwede ka namang magkaanak kay Sir Ashburn. Sayang ang lahi niya. Feeling ko magandang lahi ang magiging anak niya," komento naman ni Niana.

Nag-roll eyes naman siya at saka ibinaba ang tinidor sa kaniyang plato.

"Eh 'di gumawa siya mag-isa," sambit niya. Natawa naman si Niana sa kaniya.

Nang mag-aalas singko na ng hapon at malapit na silang mag-time out, lumapit si Kiel sa kanilang kinatatayuan.

"May mga darating pang guests. May mga nag-field trip kasing mga students, nagpa-reserved sila. Kung puwede ay mag-over time sana kayong dalawa, kahit hanggang alas syete lang," walang paligoy-ligoy na sabi niya sa kanilang dalawa.

Nagkatinginan pa muna sila at sabay na tumango.

"Sige po, Sir," sagot ni Kelly.

Tumango naman si Kiel at saka tinapik ang balikat ni Kelly bago umalis doon.

"Late ka na naman makakauwi," wika ni Kelly kay Niana.

"Ayos lang, sayang ang over time pay."

Naging abala naman sila nang dumating na ang mga guests at halos mapuno ang kanilang restaurant. 60 hanggang 70 pax lang ang kayang i-accomodate ng restaurant, at dalawang table na lang ang hindi pa naookupahan.

"Kelly! Kelly!" Mahinang tawag ni Niana kay Kelly habang naglalagay ng mga na-bus out sa sink. Napalingon naman sa kaniya si Kelly.

"Ano? Nagmamadali ka?"

"'Yong asawa mo nandiyan! Pinagtitinginan pa ng mga tao!" Sambit ni Niana.

Nanlaki naman ang mata ni Kelly sa gulat at saka nagmamadaling naghugas ng kamay.

"Hindi naman siya nagsabi na pupunta siya dahil wala siya kaninang umaga," sabi ni Kelly habang naglalakad sila pabalik ni Niana sa dining area.

Pagbalik niya roon ay nandoon si Ashburn na nakaupo sa pinakagilid na table malapit sa counter at may hawak nang menu.

Napakagat-labi siya nang makita niyang pinagtitinginan si Ashburn ng ibang mga guests. 'Yong iba ay nagbubulungan pa at nakangiting pinag-uusapan si Ashburn.

Agad naman siyang lumapit at napansin naman ni Ashburn ang kaniyang presensya.

"E-Excuse me, Sir. May order po kayo?" Tanong ni Kelly upang hindi madamay sa bulungan ng nga tao.

"Bakit po kayo nandito?" Mahinang dagdag niya pa.

Ibinaba naman ni Ashburn ang menu at wala pa ring emosyong bumaling kay Kelly.

"Ano'ng oras na kasi tapos you're not home yet. 'Di ba 5 pm ka lang? That's why I'm here," sagot niya.

"Nag-over time kami kasi maraming guests. Baka hanggang 7 pa ako," sabi naman niya at pinapanatiling mahina ang kaniyang boses.

"Okay. I'll wait."

Nanlaki naman ulit ang mata ni Kelly ngunit agad naman siyang naka-recover sa gulat.

"H-Ha?"

"Sige na. Baka marami ka pang gagawin. And people are staring, 'di ba ayaw mo no'n?" Tanong ni Ashburn. Tumango naman siya.

"Nawiwili ka na yatang nagpupunta rito," mahinang sambit ni Kelly saka mahinang tumawa.

Tinignan lang siya ni Ashburn.

"Okay, Sir. Tawagin niyo lang po ako kapag may order na po kayo," sabi niya sa normal na tono ng kaniyang boses saka umalis na sa harap ni Ashburn.

"Ano'ng sabi?" Tanong ni Niana nang makabalik siya sa puwesto.

"Hihintayin niya raw ako."

Halos mapatili naman si Niana sa kilig saka kinurot ang tagiliran ni Kelly kaya napalayo naman ito.

"Center of attention pa naman si Sir," komento naman niya habang nakatingin silang dalawa ni Niana kay Ashburn.

"Tsk. Gustong gusto nga yata niya."

"Ladies, maaari na kayong umuwi mamaya. Kumakain naman na lahat ng guests," sambit ni Kiel nang bumalik ito sa tabi ni Kelly.

Ngumiti naman ang dalawa sa kaniya.

"Hanga talaga ako sa inyong dalawa. May energy pa rin kayo kahit ano'ng oras na," dagdag niya pa.

"Eh kailangan naman po kasi," sagot ni Kelly.

"Nakakahiya po kasi kapag mag-seserve kami na mukha kaming nalantang gulay," natatawang wika naman ni Niana saka sila nagtawanang tatlo.

"Sir Ashburn was also here. Ngayon ko lang siya nakita rito. I bet, our food is delicious," sabi naman ni Kiel habang nakatingin kay Ashburn.

Nakadalawang lunok naman si Kelly dahil sa kaba.

Mabuti at hindi niya sinabi kung sino ang asawa niya sa angkan ng mga Montemayor.

"Panigurado po. Tsaka may asawa na po pala siya," sagot ni Niana na ikinabigla naman ni Kelly kaya napalingon siya dito at pinandilatan siya.

"Narinig ko rin. Maganda siguro ang asawa niya," sabi naman ni Kiel.

"Kasing ganda po siguro ni Kelly," dagdag naman ni Niana.

Hindi na nakapagpigil si Kelly at kinurot niya sa braso si Niana. Lumabi naman ito sa kaniya.

Napalingon naman si Kiel kay Kelly.

"Of course. Kelly's a pretty woman. May asawa ka na rin 'di ba? Kamag-anak ba ni Sir Ashburn 'yon?" Tanong ni Kiel saka humawak pa sa braso ni Kelly na ikinagulat naman niya.

"A-Ah, hindi—"

"Excuse me?" Tawag ni Ashburn kay Kelly habang nakataas pa ang kanang kamay. Napatingin naman silang tatlo.

Bumilis ang tibok ng puso ni Kelly nang makita niyang nakalingon si Ashburn sa kanila at malalim ang tingin nito, lalo na sa kaniya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status