Share

MAFIA 06

BASANG-BASA si Elijah ng lumabas siya sa banyo ng hotel room, bumagsak ang tingin niya kay Bella na nakaupo sa kama at nakabalot ang katawan nito ng kumot habang humihikbo parin sa takot dahil sa ginawa niya.

Naguguluhan si Elijah sa kaniyang sarili kung bakit pinigilan niya ang kaniyang sarili sa gusto niyang gawin sa dalaga ng makita niya itong umiiyak at nagmamakaawa sa kaniya, si Elijah ang klase ng tao na walang pakialam sa ibang tao o sa nararamdaman ng mga ito. Hindi niya rin maintindihan kung bakit iba ang hatak ng mga labi ni Bella sa kaniya, hindi niya alam kung bakit kanina ay gusto niyang angkinin ang katawan ng dalaga.

Malakas na bumuga ng hangin si Elijah sa kaniyang kinatatayuan, at kahit basang-basa siya at tumutulo ang tubig sa suot niyang pantalon ay naglakad siya papalapit sa kama kung saan napaatras ng umupo si Bella sa kama ng makita siya. Kita ni Elijah ang takot sa mga mata ni Bella habang papalapit siya at hindi nalang ‘yon pinansin ni Elijah. Dinampot niya ang kaniyang suit bago siya lumapit sa kama, hinila niya ang kumot na pinangtataklob ni Bella sa hubad niyang katawan na napahiyaw pero natigilan ng isuot niya ang suit niya dito at takluban ang katawan nito.

“Stay here until morning, magpapadala ako ng damit kapalit ng sinira kong damit mo.” Malamig na ani ni Elijah kay Bella na nakatingin sa kaniya.

“Don’t stare at me like that woman kung ayaw mong sunggaban kita ulit.” Walang emosyong banta ni Elijah na agad ikinaiwas ng tingin ni Bella sa kaniya.

“I still paid you a big amount, you didn’t give the service I want and becau---“

“Dahil ibang service ang ginagawa ko sa mga costumer ko, hindi mo kasi pinatapos ang sasabihin ng boss ko bago mo ako hinila palabas ng club. May rule ako na no touch, no sex dahil hindi ko ‘yun gusto. Sinasamahan ko lang ang mga kumukuha sa aking costumer at hindi sila lumalampas tulad ng ginawa mo.”pahayag na putol ni Bella kay Elijah na napakunot ng noo nito.

“I’m still talking woman, don’t fvcking cut me off.”ani ni Elijah na agad ikinatikom ng bibig ni Bella.

“Si-sinasabi ko lang naman ang rule ko, hindi ako katulad ng ibang mga kasama ko sa club na binibigay nila ang sarili nila sa mga costumer nila. Kahit sa club ang trabaho ko, at isa akong host, hindi ang pagbibigay sa katawan ko ang service na ginagawa ko.” paliwanag ni Bella kay Elijah.

“Then what service you offer to your costumer if it’s not sex?” malamig na tanong ni Elijah na dahan-dahan na ikinalingon ni Bella sa kaniya.

“Kw-kwentuhan, pinakikinggan ko ang mga sinasabi nila at sinasamahan ko lang sila.”

“That’s bullshit service woman! Sinong tanga ang magbabayad ng malaki para lang makipag usap sa isang host ng isang club?”singhal na ani ni Elijah na bahagyang ikinasimangot ni Bella dito.

“Excuse me, hindi mga tanga ang mga costumer ko. Pumipili ako ng mga costumer na kailangan talaga ng kausap o mapaglalabasan ng sama ng loob nila. Kung meron man akong naging costumer na binalak na labagin ang rule ko tinatakbuhan ko sila at binabalik ni mami gwen ang binayad nila.”sagot ni Bella ng lumapit si Elijah sa kama at itinuon ang dalawang kamay nito sa kama at may ilang dangkal ang layo na nakatingin sa kaniya na lihim na ikinalunok ni Bella at ikahigpit ng hawak niya sa suit ni Elijah na nakasuot sa kaniya.

“Then let see what service of talking you can give to me.”

“A-anong ibig mong sabihin?”

“Let’s meet tomorrow, bukas mo gawin ang service na sinasabi mo. Let’s see kung mae-entertain ako ng talking service mo.” Malamig na ani ni Elijah bago umayos na sa pagkakatayo nito habang naguguluhan na nakatingin si Bella sa kaniya.

“S-saan tayo magkikita bukas?” tanong ni Bella dahil alam niyang kailangan niyang gawin ang sinabi ni Elijah dahil malaki ang ibinayad nito sa boss niya at tip na ibibigay sa kaniya.

Kahit muntik na nitong galawin siya ay kahit papaano ay tumigil ito, walang emosyon man ang nakikita niya sa mga mata nito at may kakaibang ugali ay hindi alam ni Bella kung bakit naiisip niya na mabuting tao parin si Elijah.

“Prestige Construction Solution, go there at 8 am. Don’t you dare to come late woman or I’ll charge your boss double payment for not doing your job when I already paid your service.”pahayag ni Elijah na dinampot na ang nasa sahig niyang polo at sinunot iyon.

Akmang iiwan na niya si Bella ng lingunin niya ulit ito at bumaba ang tingin niya sa mga labi nito, hindi alam ni Elijah kung bakit ang lakas ng hatak ng mga labi ni Bella sa kaniya.

“I don’t know why, but your fvcking lips quite tempting, can I kiss you again?” ani ni Elijah kay Bella na napahawak sa labi nito.

“H-huh, p-pero…”

“I know you have a shity rule of no fvcking touch and no fvcking sex, but it’s just a kiss. I won’t do anything like what I did a while ago it’s just….”

“Ki-kiss lang? Promise na hindi katulad kanina? N-natakot talaga ak---“

Hindi natapos ni Bella ang sasabihin niya ng mabilis na lumapit si Elijah sa kama, itinuon nito ang isang tuhod nito sa kama bago Inilagay ang kanang kamay nito sa batok niya at hinila siya dahilan upang magtagpo ang labi nilang dalawa.

Hindi alam ni Bella kung bakit napapikit siya habang hinahalikan siya ni Elijah na hindi katulad ng halik nito kanina. May pag-iingat sa halik nito malalim parin ang halik na binibigay sa kaniya, naguguluhan si Bella dahil kanina ay inaayawan niya ang halik nito na marubdob pero ngayon kakaibang pakiramdam ang nararamdaman niya sa halik ni Elijah.

Dahil nadadala na si Bella sa halik ni Elijah ay akmang gaganti siya ng halik ng tumigil na si Elijah at lumayo na sa kaniya na ikinailing kurap ni Bella. Bella saw how Elijah lick his lips after the kiss he gave to her na ikinatitig ni Bella sa binata na hindi niya alam kung bakit mas lalong naging gwapo sa paningin niya.

“Stay here, I’ll send clothes for you then go straight to my company tomorrow as I told you.”malamig na pahayag ni Elijah bago nagsimula ng maglakad papunta sa pintuan ng kwarto kahit basang-basa ang pantalon nito, pero pagkabukas ng pintuan ni Elijah ay natigil ito at ibinalik ang tingin kay Bella na nakahabol ng tingin sa kaniya.

“What’s your name?” walang emosyon na tanong nito.

“Be-Bella…”sambit na sagot ni Bella na walang imik na lumabas na si Elijah sa kwarto at sinara ang pintuan.

Nang tuluyan ng makalabas si Elijah ay naiwan nalang na mag-isa si Bella sa kwarto na nakatulala sa pagkaka-upo niya sa kama. Kanina lang ay muntik ng kunin ni Elijah ang katawan niya, grabeng pagmamakaawa ang ginawa niya huwag lang ituloy ni Elijah ang gusto nito. Pero hindi siya nakaangal ng halikan siyang muli nito sa kaniyang mga labi, dahan-dahan na itinaas ni Bella ang kanang kamay niya at hinipo ang labi niya na Nakatanggap ng kakaibang halik kay Elijah.

“May paangal-angal ka pa kanina, pero nagpahalik ka naman? Natakot ako sa kaniya kanina pero bakit biglang nawala habang nakakausap ko siya? Tsaka bakit ganun ang ugali ng lalaking ‘yun?” mga tanong ni Bella sa kaniyang sarili na ikinabagsak niya ng higa sa kama at tinitigan ang ceiling.

“Dito ba talaga ako magpapalipas ng gabi? Pero hindi naman ako pwedeng lumabas na ito lang ang suot ko.” ani pa ni Bella ng bumalik sa isipan niya ang halik ni Elijah na ikinabangon niya sa pagkakahiga niya sa kama at may gulat sa kaniyang mga mukha.

“Bakit bumabalik sa isipan ko ang halik niya? Bakit ko naiisip ‘yun?!” muling mga tanong ni Bella dahilan upang hindi siya makatulog ng ayos dahil halik ni Elijah ang bumabalik sa isipan niya.

PAGSAPIT NG UMAGA parang may hang-over na nagising si Bella dahil bahagyang masakit ang ulo niya, paupo siyang bumangon sa kama habang nakatulala sa kinauupuan niya.

“Wala ako masyadong tulog, ang sakit ng ulo ko kakaisip sa labi ng masungit na lalakig ‘yun.”sambit ni Bella sa kaniyang sarili.

Umalis siya sa pagkaka-upo sa kama at naglakad papuntang banyo, akmang papasok na siya sa loob ng mapalingon siya may pintuan ng may kumatok doon.

“S-si sungit kaya ‘yan? Pero wala naman siyang sinabi kagabi na babalik siya dito, baka hotel staff?” ani ni Bella ng maalala niya ang sinabi ni Elijah kagabi.

Stay here, I’ll send clothes for you then go straight to my company tomorrow as I told you.

“Hindi kaya ayan ‘yung sinasabi niyang magpapadala siya ngg damit sa akin?” tanong ni Bella sa sarili na agad niyang inayos ang pagkakasuot niya sa suit na iniwan ni Elijah sa kaniya bago naglakad papunta sa may pintuan.

Huminga siya ng malalim bago dahan-dahan na binuksan ang pintuan at sinilip niya kung sino ang pinadala ni Elijah para sa damit na susuotin niya ng makita niya ang isang gwapong lalaki na agad na ngumiti sa kaniya.

“Good morning mi lady, pinadala ako ni el señor para sa damit na susuotin mo.”magalang na ani nito sa kaniya na ikinasalubong ng kilay niya.

“E-El señor?”

“Oh? I mean my boss, Mr. Elijah Rijm Monte Carlo.”ngiting sagot nito na agad nakilala ni Bella ang pangalan na sinabi nito dahil alam niyang hindi niya makakalimutan ang lalaking muntik ng may gawin sa kaniya kagabi, ang lalaking dahil sa halik nito ay wala siyang maayos na tulog.

Maayos na binuksan ni Bella ang pintuan nang itaas ng gwapong lalaki ang malaking paper bag sa harapan niya.

“Here’s your clothes, pinapasundo ka na din sa akin ng boss ko to make sure na hindi ka mala-late.”ngiting ani nito na dahan-dahan na kinuha ni Bella ang paper bag na hawak nito.

“Sa-salamat…”

“Radcliff ang pangalan ko, you can call me Rad for short.”ani nito na tangong ikinatakbo na ni Bella papunta sa banyo upang magbihis.

Habol tingin naman si Radcliff kay Bella na kakapasok lang ng banyo, nagtataka parin siya kung bakit pinapasundo ito ni Elijah sa kaniya gayong wala itong pakialam sa mga babaeng nakukuha na nito. Ito ang unang beses na may hinayaan din itong manatili sa private room nila sa hotel na pagmamay-ari ni Elijah. At higit sa lahat, nakita niyang suot nito ang suit ni Elijah.

Naalis ang tingin ni Radcliff sa may banyo ng tumunog ang cellphone niya, nang kunin niya ito sa bulsa ng pantalon niya ay nakita niyang si Elijah ang tumatawag kaya agad niya itong sinagot.

“Hello, el señor…”

“…is she with you already?”

“She’s changing her clothes already el señor, I’ll bring her to PCS once she’s ready.”sagot ni Radcliff.

“Make it quick.”

“May I ask who is this woman, el señor? Is she your new woman to play with?”tanong ni Radcliff dahil alam niyang ‘yun lang tingin ni Elijah sa mga babae na nai-involve dito.

“Just bring her to me, huwag kang tanong ng tanong Remington.”

Agad na nawala si Elijah sa kabilang linya kasabay ng paglabas ni Bella sa banyo na nakabihis na, agad na ibinulsa ni Radcliff ang cellphone niya bago ngitian si Bella.

“Are you ready? My boss is waiting for you in his company.”pahayag ni Radcliff na ikinatango lang ni Bella.

Umalis na sila sa kwarto, nakasunod lang si Bella kay Radcliff hanggang makasakay sila ng elevator hanggang makalabas sila ng hotel. Hindi maiwasan ni Bella ang mailang lalo pa at sa paglabas lang nila ng hotel ay pinagtitinginan ng mga staff na babae ang gwapong lalaking kasama niya.

Nang makarating sila sa kotse na dala nito ay agad siyang pinagbuksan nito ng pintuan sa back seat na ikinayuko niya kay Radcliff bago siya sumakay sa loob. Sumakay na din si Radcliff sa driver seat at pinaandar ang kotse nito papaalis sa hotel.

“Pwede ko bang malaman ang pangalan mo binibini?” magalang na tanong ni Radcliff na ikinalingon ni Bella sa kaniya.

“Bella ang pangalan ko.”

“Ms. Bella, pwede ko bang malaman kung anong meron sa inyo ng boss ko?” sunod na tanong ni Radcliff na hindi alam ni Bella kung bakit ramdam niyang nag-init ang mukha niya sa tanong nito.

“Wa-wala kaming relasyon ng boss mo, ano kasi…walang nangyari sa amin promise. K-kaya ako nasa hotel room kasi ano…”

Hindi alam ni Bella kung paano niya sasabihin na dinala siya ni Elijah sa hotel at muntik na siyang galawin nito.

“It’s okay, hindi mo kailangang sagutin ang tanong ko Ms. Bella.”ngiting ani ni Radcliff na ikinayuko nalang ni Bella sa kinauupuan niya.

Nahihiya si Bella dahil naiisip niya na baka kung ano ang iniisip ng lalaking kasama niya dahil dinala siya ng boss nito sa hotel, gusto niyang ipaliwanag ng ayos ang side niya pero hindi niya magawa dahil alam niyang wala naman siyang dapat ipaliwanag at wala naman nangyari sa kanila ni Elijah. Napabuntong hininga nalang si Bella at nanahimik sa kaniyang kinauupuan, hindi narin naman nagtanong sa kaniya si Radcliff. Kalahating oras ng biyahe nila ay itinigil na ni Radcliff ang kotse nito sa malawak na parking lot, hindi naiwasan ni Bella na sumilip sa bintana dahilan upang makita niya ang napakataas na building.

“This is Prestige Construction Solutions.”pagbibigay alam ni Radcliff bago ito lumabas ng kotse at pagbuksan siya ng pintuan.

Nahihiyang lumabas si Bella at hindi niya naiwasan na igala ang paningin sa buong paligid ng lugar na kinalalagyan niya.

“Pa-pagmamay-ari ito ni sungit—I mean ni Mr. Monte Carlo?” tanong ni Bella na ikinalingon niya kay Radcliff ng marinig niya ang bahagyang pagtawa nito.

“Ba-bakit?”

“You called my boss sungit, though he’s really a grumpy person and a cold-hearted one.”

“Cold-hearted? P-parang hindi naman kasi hinayaan niya ako mag stay sa hotel room na kinuha niya, malamig siya kung magsalita, wala ding emosyon akong makita sa mata niya pero hindi naman siya cold-hearted, sa tingin ko lang.”ani ni Bella na ikinatitig ni Radcliff sa kaniya.

“I m-mean, hi-hindi ko naman masyado kilala ang boss mo. Si-siguro nga cold-hearted siya.”ani ni Bella na pilit na natawa sa sinabi niya na ikinangiti ni Radcliff sa kaniya.

“Let’s go.”ani ni Radcliff na nauna ng ikinalakad nito papasok sa loob ng mataas na building na ikinasunod na ni Bella dito.

Pagkapasok nila sa building ay hindi maiwasan ni Bella na igala ang tingin niya, maganda ang istraktura ng building at masasabi niyang maganda ang pagkakagawa nito. Hindi inasahan ni Bella na ganito kalaki ang business ni Elijah, no wonder kung paanong malaking halaga ang inilabas nito na parang barya lang para dito.

Nang makasakay sila sa elevator ay akmang magsasara iyon ng may pumasok sa elevator na babae at nakisabay sa kanila.

“Good day, Mr. Remington.” Bati nito kay Radcliff na bahagyang ikinayuko ni Radcliff.

“Good day, Ms. Zaragoza.”balik na bati ni Radcliff dito na ikinalingon ni Ms. Zaragoza kay Bella.

“Is she a new applicant? I’m the head of human resource pero hindi ko alam na may aplikante na dederetso sayo Mr. Remington.”ani nito na bahagyang ikinayuko ni Bella.

“She’s not an applicant, she is our boss visitor.”wika ni Radcliff na ikinataas ng kilay ni Ms. Zaragoza na ramdam ni Bella na may matalas na matang nakatitig sa kaniya.

“A visitor? From another construction company?”

“No, just a visitor.”

“Kailan pa tumanggap si boss ng visitor na walang kinalaman sa business?”ani na tanong ni Ms. Zaragoza ng magbukas na ang elevator sa floor kung saan ang opisina nito.

“You’re here now in your floor, Ms. Zaragoza.”ani ni Radcliff na ikinalabas na ni Ms. Zaragoza sa elevator pero nakatutok ang tingin nito kay Bella na nakayuko lang hanggang magsara ang elevator.

Bakit kasi sa dami ng pwedeng lugar na gusto niyang magkita kami para magawa ko ang trabaho ko na binayaran niya, bakit dito sa building niya? Tanong ni Bella sa kaniyang isipan.

Miya-miya pa ay nagbukas na ulit ang elevator kung saan naroon ang opisina ni Elijah, lumabas na sila ni Radcliff sa elevator at naglakad na papunta sa opisina ni Elijah ng magbukas ang pintuan at lumabas ang tatlong employee na parang pinagsakluban ng langit at lupa na sumakay sa elevator na ikinalingon ni Bella ng marinig niya ang pagbuntong hininga ni Radcliff.

“I guess el señor fired another of his employees.”rinig ni Bella na ani ni Radcliff bago ito pumasok sa loob habang nakasunod lang si Bella sa likuran ni Radcliff.

“We’re here now el señor.” Pagbibigay alam ni Radcliff kay Elijah na tumingin sa kaniya.

“Where is she?” walang emosyon na ani ni Elijah na hindi alam ni Bella kung bakit biglang kumabog ang dibdib niya ng marinig niya ang malamig na boses ni Elijah.

Dahan-dahan na umalis si Radcliff sa harapan ni Bella dahilan upang magtagpo ang mga mata nila ni Elijah kung saan hindi naiwasan ni Bella ang mapatitig kay Elijah na nakababa ang buhok nito at nakasuot ng salamin na mas ikinagwapo ni Elijah sa mga mata ni Bella.

“Maiwan ko na kayo.”ani ni Radcliff na yumuko kay Elijah bago ito lumabas ng opisina at naiwan sina Bella sa loob na hindi mapigilan ang pagkabog ng dibdib habang nakatingin kay Elijah na nagpangalumbaba sa mesa nito habang deretsong nakatingin sa kaniya.

“Now Bella, how does your talking service entertain me.”

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
galingan mo bella ng hindi mabangot si mr.sungit
goodnovel comment avatar
Jhing Parmar
San ana may bunos Ako na magganda
goodnovel comment avatar
Johannah Dalisay
nxt plsss...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status