Share

Kabanata 3

last update Last Updated: 2021-03-23 13:54:15

Kabanata 3

KAHIT kailan, hindi naging mahirap para kay Astrid ang kabisaduhin ang mga linya niya. It is a skill directors admire the most about her, ngunit ngayon pakiramdam niya tinakasan siya ng kakayahan niyang iyon dahil pangatlong take na ngunit hindi pa rin niya nasasabi nang maayos ang linya.

It's not like she forgets it. Gaano nga ba kasi kahirap sabihin ang mga salitang, "for the first time in my entire boring life, I finally decided to follow my heart"? 

Hindi mahirap. Walang mahirap sa linya. Ang mahirap ay ang magfocus. Dahil ang magaling niyang ex, naroon sa hindi kalayuan at nakatutok ang mga mata sa kanya!

"Cut! Astrid, what's wrong? Pang apat na take na ito ano bang nangyayari sayo?" Sita ng direktor.

Nakagat niya ang ibaba niyang labi at nahihiyang humingi ng pasensya sa mga kasama. Si Crude ay halatang nagtataka rin sa kanya kaya nang sabihing mag-break muna, agad na kinapa ang kanyang noo at leeg para i-check kung masama ba ang pakiramdam niya.

She can't help but notice the concern on her boyfriend's face. Salubong na ang kilay nito at bahagyang nakausli ang mga labi habang ang mga matang kakulay ng tsokolate, puno ng pag-aalala.

"Masakit pa rin ba ulo mo, babe?" Crude asked in a gentle tone.

She gulped and shook her head. Hindi naman talaga masakit. Sasakit pa lamang dahil sa sulok ng kanyang mga mata, kitang-kita niya kung papaanong umayos ng tindig si Croft. He isn't wearing his captain uniform but a freaking board shorts and maroon shirt, ngunit kahit yata ano ang suotin nito, lalabas ang kagandahang lalake.

She didn't mean to notice his features. Naka-undercut ang itim nitong buhok. His tan skin fits his now perfectly grown muscles. His chest was broad and hard even before but it became more define now, and his biceps, Jesus, it flexed when he touched the side of his face while talking to one of their co-stars.

"Astrid?"

Napasinghap siya at bumaling kay Crude. Napansin niya agad ang lalong pagguhit ng pagtataka sa mukha nito.

Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Nakatitig ba siya kay Croft? Nahuli ba siya ng boyfriend niya? 

Oh goodness. Hindi maganda ito. Hindi na dapat siya nagpapaapekto kay Croft. Besides, Crude is a great boyfriend. Maalaga, malambing, masarap magmahal.

Parang si Croft.

Halos tampalin niya ang kanyang sarili. She can't be possibly battling against her own mind right now, right? 

Napabuga siya ng hangin saka pilit na ngumiti kay Crude. "Can we sit first? Parang nahihilo ako."

"Oh," Crude made a series of tsk sound as he anchored his arm on her shoulders. "Sabi ko naman kasi sayo kaya na kitang buhayin. Mamaya mapaano ang baby." Biro ni Crude habang patungo sila sa sun lounger.

Sanay na ang mga nakatrabaho nila noon na marinig iyon mula sa kanya dahil tuwing masama ang pakiramdam niya ay iyon ang sinasabi ni Crude. Nai-blind item pa sila noon dahil sa biro na iyon ngunit tinawanan lamang nilang pareho sa isang interview.

It was a joke that started three years ago, ngunit sa pagkakataong ito, pakiramdam ni Astrid hindi niya magawang sumakay...dahil sa sulok ng kanyang mata, nakita niya ang pagtigil ni Croft sa paglalakad at tahasang tumitig nang masama sa kanila ni Crude.

Nagwala ang dibdib niya. Bakit parang...nagseselos si Croft?

"Gusto mo tubig? O kaya kunin ko 'yong gamot mo?" Alok ni Crude.

Pilit siyang ngumiti kahit halos magwala na ang sistema niya. This is not good. She can feel Croft's intense gaze at her and Crude. Kahit sumasagot ito sa kausap, damang-dama ni Astrid ang madilim nitong titig.

Kilala niya si Croft. Kilalang-kilala. Hindi nito kailanman tinago ang emosyon nito lalo ang selos. He rarely gets jealous before dahil kung wala namang basehan, pinapairal nito ang tiwala sa kanya, ngunit kung makakita ito ng kakaiba, nanlalambot si Astrid sa kaba. Hindi bayolenteng tao si Croft ngunit hindi rin ito umaatras sa away oras na mapuno.

Naalala niya bigla ang isang insidente noong highschool sila. Anim na buwan pa lang silang magkarelasyon noon pero nang may transferee na ayaw siyang tigilan kahit sinasabi na niyang may boyfriend siya, napaaway si Croft. Napatawag ito sa guidance office dahil halos mabungi ang sinapak na estudyante. He didn't apologize, tho. Mas pinili pa nitong magconmunity service.

She insisted to help him before but Croft refused. Pwede raw siyang magbantay pero hindi siya pwedeng tumulong. Katwiran nito ay ayaw nitong nakikitang napapagod siya dahil kapag naging seaman na raw ito, magbubuhay prinsesa raw siya sa piling nito. 

Their dreams to spend a lifetime together started even before they understand the real meaning of love. Nagsimula sila sa simpleng puppy love hanggang sa sabay silang nag-grow, at sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi nila pinili ang maghiwalay para solusyonan ang problema.

Break up was never an option in their relationship, so what happened?

How did they end up this way? Mga estranghero na lamang na hindi kayang tignan ang isa't-isa sa mata?

Mali. Siya nga lang pala ang may hindi kaya. 

"I'll take that as a yes, I guess?" 

Muli siyang nagbalik sa sarili. Kung saan na naman pala napadpad ang kanyang isip. Nang tignan niya si Crude, napakabigat na ng kanyang dibdib kaya kinailangan niyang huminga nang malalim kasabay ng pilit niyang pagngiti.

"Uhm, yeah."

Kung para saan ang yes na iyon, nakalimutan niya na. Hindi niya maalala kung ano ang tinatanong ni Crude bago naglakbay ang kanyang isip sa nakaraan kaya naman nang tumayo ito at naglakad paalis, nanlaki ang mga mata niya at nagwalang muli ang dibdib niya.

Shit!

She felt Croft's eyes on her direction again. Sa sulok ng mata niya, napansin niyang nakahilig ito sa railing at ang co-star nilang si Mia, mahinhing tumawa. Oh please. She is so familiar with those gestures. Lalo na ang paghampas kunwari sa braso at mahinhing pagtawa kahit wala namang nakakatawa.

Is she mad? Why did she suddenly become mad?

Tumikhim na lamang siya at sinalat ang phone niyang nasa ibabaw ng sun lounger kasama ang iba niyang gamit. Nadidinig niya nang malinaw sina Mia at Croft kasama ang kanilang producers at naiirita siya sa tawa ni Mia. Iritang-irita pero mas bwisit siya dahil hindi siya dapat naiinis sa katrabaho.

Bakit naman kasi may paghampas sa braso at paghaplos sa muscles na kunwari hindi sadya? Ibang klase rin itong katrabaho niya eh. Akala ba niya never itong nagkaboyfriend kaya ni kissing scene hindi pinapayagan ng magulang? Plus, Mia is just nineteen! 

Napabuga siya ng hangin. She really needs to calm herself. Nagkunwari na lamang siyang abala sa kanyang phone, pero nang madako ang usapan ng mga ito sa buhay pag-ibig ni Croft, pakiramdam niya tinawag ang buong atensyon niya.

"Matagal ka palang nagstay sa Italy, Captain. Marami ka bang nakilala roon?" May bahid ng landing tanong ni Mia.

"Uhm, yeah. Mostly mga nakilala ko na nagbabarko rin." Kaswal na tugon ni Croft.

Gustong umirap ni Astrid sa kawalan. Kaya pala biglang naglaho. Ang dami pa lang nakilala sa Italy.

"Eh girlfriend? May...girlfriend ka na ba or dini-date ngayon?" 

"Ano ka ba, Mia for sure meron 'yan sa gwapo ba naman nito ni Captain Guevarra eh papasa nga itong artista. Ay sigurado akong magiging matinding kakumpitensya ito ni Crude kapag pinasok ang showbiz."

Mia giggled. "Ay wala pa akong love team baka naman gusto mong pasukin ang pagiging artista?"

Nagngitngit ang mga ngipin ni Astrid. Seryoso ba ang batang iyon? Talaga bang wala man lang itong balak i-filter ang bibig kahit dinig na dinig niya ang sinasabi nito?

It suddenly hit her. Bakit nga ba ifi-filter kung hindi naman alam na ex niya ang kausap nito? Gusto niya tuloy kutusan ang sarili. Ano ba kasing nangyayari sa kanya? She really needs to stop giving a damn about them. Ang linya niya ang dapat niyang inaatupag.

Croft laughed softly but oh goodness, that just woke up the dead butterflies in her stomach. 

"No I uh, I am not comfortable faking things for the sake of publicity... especially not my feelings."

Napakurap si Astrid. Bakit pakiramdam niya ay may ibang dating ang sagot na iyon ni Croft? Masama na ito. Masyado na siyang nag-o-overthink. Wala lang naman iyon hindi ba? Hindi naman para sa kanya ang sinabi nito kaya bakit naman niya iisiping siya ang gustong patamaan?

"Sayang naman. Ang lakas pa naman ng dating mo. Anyway, baka naman kaya ayaw mong mag-artista kasi may magseselos?" Pasegway na naman ni Mia. Kaunti na lang talaga mapuputulan na ng ugat si Astrid sa batang iyon. She didn't expect that from a demure teen star.

"Actually, yes. Meron nga." 

Hindi alam ni Astrid kung bakit pero biglang namanhid ang dibdib niya. Pakiramdam niya naubusan siya ng dugo sa katawan at ang mga mata niya, kusang bumaling sa direksyon ng lalakeng nanakit sa kanya pitong taon na ang nakakalipas.

In her surprise, his eyes glanced at her...and stayed locked with hers for a couple seconds. Nang makita ang pagguhit ng multong ngiti sa mga labi nito, muling nagwala ang kanyang sistema.

"Really? So you are exclusively dating someone? Sayang!" Wala man lang pag-aalalangang pahayag ni Mia.

Astrid gulped when she felt the familiar sultry feeling thrum in her veins after watching Croft roll the tip of his tongue between his parted lips.

Oh those lips. How could it still be this inviting?

Binalik nito ang tingin kay Mia at ang ngiti nito ay lumawak bago binitiwan ang sagot na halos magpasikip sa dibdib ni Astrid.

"We're not just exclusively dating. I'm engaged, Miss Mia Cruz."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sailing With Destiny | Dreamboat Series #1   Epilogue

    EpilogueHINDI maalis ni Astrid ang kanyang ngiti habang pinagmamasdan ang kanyang mag-anak sa dulo ng aisle. Ang magaling niyang asawa, ang sabi sa kanya ay ribbon cutting lamang para sa cruiseline na tinayo nito kasama ang mga kaibigan ang magaganap. Hindi naman siya natimbrehan na surprise wedding na pala ang magaganap sa rami ng involved! Pati ang kanilang anak na sina Alta at Astrea ay naging mga kasabwat ng magaling nilang ama para maitago sa kanya ang katotohanan.Nagpunas siya ng luha habang titig na titig na naiiyak niya nang asawa. Pangatlong kasal na nila ito. Una ay ang civil wedding, pangalawa ay ang kasal nila sa simbahan na labis na pinag-usapan sa buong bansa dahil sa pagkagarbo, at ngayon, sa unang cruise ship ng GAB Cruises, ang Dreamboat, bininyagan ng kanyang

  • Sailing With Destiny | Dreamboat Series #1   Kabanata 31

    Kabanata 31NAGING maingay na balita ang break up ng tambalang ASTRUDE, ngunit masaya si Astrid na karamihan sa kanilang fans ay sinuportahan ang kani-kanilang mga desisyon. Some even made a fans club for her and Croft, telling Croft that he should do some cameos in Astrid's films if ever she'll agree to Tito Boy's offer to handle her. In-offer-an kasi siya nito na tutulong makawala siya sa agency ni Tita Pat, at dahil nagbabalak itong maging talent manager, sila ni Crude ang unang niligawan. Kampante naman sila rito dahil bukod sa marami rin itong naging karanasan sa mapagsamantalang managers sa tagal na sa industriya, matagal na rin nilang kaibigan ni Crude.Astrid and Croft got married via civil wedding since they didn't want to prolong it anymore. Pinangako naman ni Croft na pakakasalan siya sa simbahan kapag naiayos na ang kanilang

  • Sailing With Destiny | Dreamboat Series #1   Kabanata 30

    Kabanata 30DALAWANG oras bago ang live interview nina Astrid kasama ang isang sikat na talk show host, nagpasya siyang personal na kausapin si Cath at Crude. She wants to settle everything now, at kahit ano pang pakiusap ang gawin ni Crude, maninindigan na siyang ayaw na niya.She enjoyed the liberty of being a top-grossing actress while her heart was broken. Ngayong buo na ito at ang sinisimulan pa lamang na buuing pamilya nila ni Croft ang nanganganib, handa niyang pakawalan ang lahat ng kasikatang tinatamasa kung sakali mang hindi siya tanggapin ng mga tao dahil sa katotohanang sasabihin niya mamaya sa harap ng telebisyon.Humugot siya ng malalim na hininga bago tuluyang nag-door bell sa bahay ni Crude. Si Cath ang nagbukas

  • Sailing With Destiny | Dreamboat Series #1   Kabanata 29

    Kabanata 29THE PAST months became really difficult for Astrid and Croft. Gumagapang na ang laban sa Lumiriana sa tulong nina Sancho at Mr. Shault, ngunit hangga't hindi naisasaayos ang adoption papers ni Alta ay hindi matatahimik si Croft.He badly wanted to go see Frederick and give him a punch on the face, if only he isn't considering what it might cause in Alta's adoption. Pikon na pikon na siya rito sa totoo lang, at habang tumatagal na hindi siya kasal, mas lumalakas ang laban ni Frederick at ng asawa nito.Nahilamos niya ang kanyang palad sa mukha saka muli na lamang tinungga ang bote ng alak. He hasn't seen Astrid for two weeks already since Crude Andrade's brother-in-law got shot. Kinailangan si Astrid ng magkapatid na

  • Sailing With Destiny | Dreamboat Series #1   Kabanata 28

    Kabanata 28PAALIS na si Astrid ng kanyang condo nang sa pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kanya ang isang pamilyar na babae.Mylene Mercado, the woman Crude dragged into the mess, looked at her with bloodshot, almost begging eyes. Sopistikada ang pananamit nito ngunit bakas sa mga mata na hindi ito sanay sa ganoong pananamit.Lumunok ito at nahihiyang iniwas ang tingin. "Pwede... Pwede ba tayong mag-usap?"Astrid sucked in enough breath. Sumulyap siya sa kanyang relos bago muling tumingin sa babae. "I got less than twenty minutes.""Okay lang. Hindi ko rin balak magtagal." Suminghot ito saka pilit na ngumiti. "Fan mo ko."

  • Sailing With Destiny | Dreamboat Series #1   Kabanata 27

    Kabanata 27TODO ang pigil ni Astrid na sugurin si Mia Cruz nang makita niya ito sa kanilang press conference para sa pelikula nilang kalahok sa darating na Film Festival. She knew this would be one of the hardest interviews she's going to face. Hindi lang dahil sa gigil niya kay Mia kung hindi pati na rin sa issues na kakailanganin niyang harapin at ang mga problemang mayroon ang adoption ni Alta.Tinignan siya ni Mia at makahulugang nginisihan, tila nananadyang sirain ang gabi niya palibhasa ay alam nitong hindi siya papatol dahil nasa harap sila ng publiko. She knows how to choose her battles, and violence must not always be the answer.Ngunit kung hindi siya makakapagtimpi ay baka kainin niya ang sarili niyang prinsipyo. Some people just love to get into someone's nerve

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status