Astrid and Croft were highschool sweethearts. Sandalan nila ang isa't-isa kaya nang mawala ang mga magulang ni Croft, hindi hinayaan ni Astrid na hindi matapos ni Croft ang pag-aaral nito. She did everything to support him, holding on to his promise that he will marry her pagkauwi nito galing sa unang paglalayag. Pero sa araw ng pagdaong ng Lumiriana, walang Croft na dumating at walang kasalang naganap. Seven years later, Astrid is now one of the famous actresses in the country. Sa bago nitong pelikula, karamihan ng eksena ay kukunan sa isang cruise ship. Wala siyang problema sa dagat. Ang problema, ang kapitan ng barkong sasakyan nila! The ship will sail, the cameras will roll. Pero ang puso niya, makadaong kayang ligtas mula kay Croft?
View MorePrologue
Pinunasan ni Astrid ng kanyang panyo ang namuong pawis sa kanyang noo nang makapwesto na siya loob ng jeep. Patuloy sa pagkarga ang barker ng mga pasahero at alam niyang ilang minuto lamang ay tuluyan na silang babyahe. That's what she wanted. Gusto na niyang umusad ang lumang jeep na sinasakyan nang makauwi na siya.
Na-haggard na talaga ang itsura niya dahil sa pakikipagsiksikan kanina sa LRT pagkatapos ng shoot ng isang commercial kung saan siya umextra. Kahit paano ay kumita siya roon at may nadagdag sa perang iniipon niya.
Kung tutuusin, sa laki ng kinita niya sa shoot at isa pang raket niya kanina, may pera sana siyang pambayad ng disenteng taxi para komportable siyang makauwi, ngunit may iba siyang pinaglalaanan ng pera. Hindi na siya ang dating Astrid na uunahin ang luho bago ang mas mahahalagang bagay. Sure, she still hates getting sweaty. Ayaw pa rin naman niya ang masyadong siksikang mga lugar at mausok na paligid ngunit magtyatyaga siya sa mga mas murang sakayan kung doon siya mas makakatipid. Mas mahalaga ang dahilan ng pagtatabi niya ng pera keysa sa pagpapanatili niya ng poise niya.
"Oh, sa kaliwa pakiusog na lang ng konti nang makabyahe na!" Kinalampag ng barker ang kaliwang bahagi ng jeep nang pumasok ang isang babae. Nagsiusog naman ang mga pasahero kahit na halos kalahati na lamang ng mga pwetan nila ang nakaupo. Napaismid si Astrid. Hindi lamang siya ang taong gusto nang makauwi.
Nakahinga nang maluwag si Astrid nang tuluyang bumyahe ang jeep. Nasa pinakadulo siya nakaupo malapit sa pintuan kaya kahit paano ay hindi siya naaabala ng mga taong gustong magpaabot ng kanilang mga bayad.
She stared at the busy streets they were passing by. Masyadong magulo ang mundo, at unti-unti na siyang namumulat sa kung ano talaga ang buhay.
Narinig niya ang pagtunog ng kanyang phone. Dinukot niya iyon sa kanyang shoulder bag at tinignan ang tatlong mensaheng naroon. Ang una ay halos kalahating oras na palang naipadala. Mula iyon sa kanyang tatay na nagsabing nakapagpadala na ito ng allowance niya ngunit imbes sagutin ay binura niya ang message saka niya binuksan ang isa pa. It was a text from her handler. Si Tita Pat.
"Sa lahat ng balak mag-artista, ikaw lang ang nakita kong mas piniling makipagsiksikan sa LRT keysa sumama sa amin. Ano, nakauwi ka ba ng buhay?"
Napangisi siya sa mensahe ng kanyang handler. Hindi naman siya sikat pero ang OA talaga ni Tita Pat sa kanya. Palibhasa ay siya ang paboritong alaga sa mga bago nitong alaga. Pwede naman kasi siyang ihatid gamit ang van nina Tita Pat kaya lang ay sigurado siyang maiipit lang siya sa get-together ng mga talents nito at gagabihin siya ng uwi. Mas importante sa kanya ang naghihintay sa kanya sa bahay para kasabay niyang maghapunan at makatabi sa pagtulog pagsapit ng alas diyes ng gabi.
Nagtipa siya ng reply kay Yaya Pat bago niya tinignan ang pinakabagong mensahe. Ang kanyang landlady iyon, kinukuha na ang renta para sa buwan ng Abril.
Mapakla siyang ngumiti saka bumuntong hininga habang sinasabi sa matandang babae na magbabayad siya pagkauwi niya. Nang maipadala niya ang text ay binalik niya na sa bag ang kanyang cellphone.
Ilang minuto pa ang tinagal ng byahe at natanaw na niya ang pamilyar na kalye. Pinara niya agad ang jeep saka bumaba sa harap ng bakery'ng suki nila. Pagkaalis ng jeep, awtomatikong hinagilap ng kanyang mga mata ang pamilyar na bultong nakasandal sa pader ng bakery at tahimik na naghihintay sa kanya.
Astrid can't help but stare at her boyfriend for a few seconds. Suot pa rin nito ang puti nitong uniporme at maayos ang gupit ng buhok nitong nagbigay dito ng malinis at mas istriktong dating. Matalim ang panga nito at matangos ang ilong na bumagay sa bilugan nitong mga mata. Parang pinaghalo ang gatas at kape sa kutis nitong mas nagpalabas sa lalakeng-lalake nitong awra. Tama rin ang laki ng pangangatawan ng kanyang nobyo at bumagay ito sa taas nitong five eleven.
Hindi napigilan ni Astrid ang mapangiti. Ang gwapo pa rin ng boyfriend niya kahit halatang pagod ito mula sa school.
Lumakad siya palapit sa nakayukong nobyo at ninakawan kaagad ito ng halik sa pisngi. Nang tignan siya ni Croft ay kusang sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ng binata. Awtomatikong umakbay sa kanyang balikat ang braso nito at kinabig siya para halikan sa noo.
Astrid shut her eyes and let her body feel the comfort of being with him again. At sa kabila ng usok na nagmumula sa mga sasakyan, ang natural at pamilyar na lalakeng-lalakeng amoy ni Croft ang pumuno sa kanyang ilong.
"Ang aga mo ngayon, mahal." Ani Croft nang magsimula silang maglakad pauwi sa apartment na inookupa nila.
Tinignan niya ang nobyo. "Hindi na ako sumama kina Tita Pat. Alam ko namang didiretso pa ang mga yun sa club bago umuwi."
"Hindi naman kita pagbabawalang sumama sa handler mo at ilang katrabaho mo dahil malaki ang tiwala ko sayo. Alam ko namang alam mo ang limitasyon mo." Tugon ni Croft.
Napangiti siya sa sinabi nito. That's one of the things she liked the most about him. Palagi nitong ipinaparamdam na buo ang tiwala nito sa kanya at kilala nito ang judgements niya. Siguro ay dahil sa anim na taon nilang pagiging magkarelasyon ay naani na nila ang tiwala ng isa't-isa.
They were highschool sweethearts, at sa anim na taong iyon ng kanilang pagsasama, wala pang natatandaan si Astrid na nagkaroon sila ng hiwalayan o matinding away. Pasensyoso kasi ang kanyang nobyo at madalas kapag nagkakaroon sila ng tampuhan, pinapaintindi nito sa kanya ang mga bagay at hindi nito inuunang iligtas ang ego nito bilang lalake.
She's lucky to have Croft, kahit pa marami siyang kilalang sinasabing dapat ay hiwalayan na niya ang kanyang boyfriend.
"Ayokong sumama sa kanila, mahal. Mas gusto ko pa ring kasama ang nagtyatyagang maghintay sa akin sa harap ng bakery nina Aling Pina. Ang gwapo kaya no'n. Ang lagkit nga palagi ng tingin ng mga tindera sa kanya." Ngumisi siya nang makita ang pagkurba ng mga labi ni Croft.
"Ganun ba?" Nahihiya kunwari nitong kinamot ang patilya. "Pasensya ang mga tindera. Kahit masarap ang tinapay sa bakery nila, may napangakuan na ako ng kasal at sigurado akong akin lang talaga siya."
Siya naman ang pinamulahan ng mukha dahil sa sinabi nito. Talagang kahit kailan, hindi pumalya si Croft na ipadama sa kanya kung gaano siya nito kamahal kaya nga kahit hirap siya lately sa gastusin, hindi niya masyadong iniinda.
Croft's parents died almost a year ago in a car accident. Nag-iisang anak si Croft at hindi naging sapat ang perang naiwan ng mga magulang niya para matustusan ang pang-araw-araw niyang pangangailangan. Hindi naman kasi mayaman ang kanilang pamilya at talagang pinursige lang ng mag-asawang itaguyod ang kurso niya sa isang merchant marine school. Dahil sa mahal ng tuition, imbes na ipampagawa ng pick-up na ginagamit ng mga ito sa pag-angkat ng gulay, pinambabayad ng mga ito sa eskwelahan ni Croft, hanggang sa noon ngang nakaraang taon, nawalan ng preno ang pick up at bumagsak sa bangin ang sasakyan ng mag-asawa.
Croft was devastated. Halos gusto na nitong magpakamatay pero hindi siya iniwan ni Astrid. They may have a young love but they never let go of each other's hands when they needed someone the most. Naroon si Astrid ng mga panahong kailangan ni Croft ng kalinga, masasandalan, at kaibigan. She wasn't just his girlfriend. Ngayon ay siya na lang ang mayroon ito.
Muntik nang tumigil si Croft sa pag-aaral pero nanghinayang nang sobra si Astrid dahil malapit nang matapos ng nobyo ang kurso nito. Makakasampa na ito ng barko gaya ng pangarap ng mga magulang nito kaya kahit todo ang tanggi ni Croft, pinilit ni Astrid na siya na muna ang bahala sa lahat maging sa matrikula ni Croft. Nagsama sila sa iisang bubong tutal ay nasa ibang bansa na ang tatay ni Astrid st may iba na ring pamilya.
She realized they only have each other. Nagkaroon sila ng mga plano sa buhay at sabay nilang binuo ang kinabukasang gusto nila sa kanilang mga isip kaya naman kahit na anong hirap ng trabaho, tinitiis niya para kay Croft.
Hindi naman siya nagsisisi. Kapag kasi nasa bahay siya ay buhay prinsesa siya sa kanyang nobyo. Nagagalit ito kapag kumikilos siya at gumagawa ng gawaing bahay. Kahit puyat kasi si Croft sa mga requirements sa school, ito pa rin ang gumagawa ng mga trabaho sa apartment nila. Katwiran nito ay si Astrid na nga ang kumikilos para sa panggastos.
"Mahal, tulungan na kasi kita." Pilit na naman ni Astrid nang huhugasan na ni Croft ang kanilang pinagkainan.
"Magshower ka na. Alam kong pagod ka. Huwag kang makipagtalo hindi ka mananalo, Mrs. Guevarra." Seryosong ani ni Croft.
Natigilan si Astrid sa itinawag sa kanya ng nobyo. Hindi naman iyon ang unang beses na narinig niya iyon mula kay Croft pero hindi pa rin talaga nagbabago ang reaksyon ng sistema niya. She loves it. Hindi niya maimagine ang sariling nagpapakasal sa iba at bumubuo ng pamilya kasama ang iba. Everytime she looks at her future, she sees Croft everywhere. He is her tomorrow, at titiisin niya ang kahit na ano mangyari lang iyon.
Nang mapansin ni Croft na natameme siya sa pagtawag sa kanya nito ng Mrs. Guevarra, lumandas ang mapanuyang ngisi sa labi nito. Binanlawan nito ang mga kamay saka siya sinugod at pilyong hinawakan sa magkabilang baywang bago kinabig.
"May problema ba, Mrs. Guevarra?" He asked hoarsely, his hot breath kissed her burning cheeks.
Nakagat ni Astrid ang ibabang labi at hindi nakasagot. Hindi siya ganito dahil masyado na siyang komportable kay Croft pero kapag talaga nagiging ganoon na ang tawag nito sa kanya ay para siyang nawawala sa sarili.
"Mrs. Guevarra, I'm asking you." Bulong nito bago mapanuyang pinalandas ang daliri sa garter ng kanyang cotton shorts.
Nahigit ni Astrid ang kanyang hininga. Ilang beses na nilang nagawang magtalik pero hanggang ngayon, hindi pa rin niya nagagawang kumalma kapag nagsisimula nang kumilos si Croft. Besides, the desire in his charcoal black eyes were too mesmerizing. Tila hindi nito kailanman balak na sanayin ang sistema niya sa sensasyong kaya nitong ibigay.
Hindi na nga nakapagtimpi ang kanyang nobyo. Hinatak siya ni Croft patungo sa kanilang silid at agad na pinahiga sa kama bago kinubabawan. Sumuot sa loob ng kanyang tops ang mainit nitong kamay at nang mahaplos nito ang gilid ng kanyang dibdib, umalpas ang impit na ungol mula sa kanyang mga labi.
Pumungay ang mga mata ni Croft at gumuhit ang isang kuntentong ngiti sa mga labi nito. Hinalikan niya ang noo ni Astrid saka niya ito pinakatitigan sa mga mata na tila ba may kung ano sa mga itong nakakapagpahumaling dito ng sobra.
Mayamaya ay bumuntong hininga si Croft at kinuha ang isa niyag kamay. Pinagsalikop nito ang mga daliri nila saka masuyong hinalikan ang likod ng kanyang palad. "Ilang araw na lang, graduate na ako, mahal. Mabibigyan na kita ng maayos na buhay."
Tila may init na humaplos sa puso ni Astrid. Iyon pa rin ang unang nasasabi ni Croft kapag nababanggit nito ang tungkol sa pagtatapos niya. Matalino ang nobyo niya at kahit noong nag-OJT pa lang ito ay ilang kumpanya na ang nag-aagawan dito. She knew Croft will fulfill his promises, pero kahit naman maghirap siya sa piling nito, basta kasama niya ito, ayos lang sa kanya.
Hinaplos niya ang pisngi ni Croft saka niya ito nginitian ng matipid. "I never doubted you. Not even for a second, pero kung dumating man ang panahong mas uunahin mo—"
"Shhh." Pinutol na siya agad nito at masuyong hinalikan sa mga labi. "Pagkauwi ko mismo galing sa unang pagsampa sa barko, papakasalan kita kaagad, Astrid. Damn, if I could only marry you right now, ginawa ko na. But I want to give you the kind of wedding every woman would envy. You are my life, and I will do everything to give you what you truly deserve."
Uminit ang sulok ng mga mata ni Astrid hanggang sa tuluyang lumandas ang kanyang mga luha sa gilid ng kanyang ulo. Napahugot siya ng malalim na hininga at mapaklang nginitian ang nobyo. "Sobrang mahal kita. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nawalaka sakin."
Masuyong pinunasan ni Croft ang basa sa kanyang mukha bago nito hinalikan ang kanyang noo. Mayamaya ay nahiga ito sa kanyang tabi sa maliit nilang kama at hinatak siya pahiga sa dibdib nito. Bumigat ang talukap ng mga mata niya nang simulan nitong haplusin ang kanyang buhok habang panay ang halik sa tuktok ng kanyang ulo.
"I love you so much, Astrid. If I have to scream every word of it on seven seas, I will. Handa kong libutin ang buong mundo para mag-iwan ng marka ng pagmamahal ko sayo sa bawat lupang matatapakan ko. I will let the world know that you, Astrid, is mine. Tatandaan mo yan palagi..."
Hinubad ni Croft ang kwintas niya na ang pendant ay ang weddig ring ng namayapa niyang mga magulang. Kinuha niya ang kamay ni Astrid at sinuot doon ang sa kanyang Mama. Nang magkasya iyon na parang sinukat para kay Astrid, gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi niya.
Naupo si Astrid at kinuha rin ang isa pang singsing para isuot kay Croft. Nagtawanan sila nang talagang sumakto rin dito ang singsing ng tatay nito. Mayamaya ay muli siyang hinatak pahiga ng nobyo at tinignan nila ang kanilang mga kamay habang dinarama nila kung paanong tumibok ng sabay ang kanilang mga puso.
That night, they sealed their promise to love and to hold on to each other no matter what odds they'd face, with a tender kiss. Kung sana ay alam ni Astrid kung ano ang klase ng kinabukasang naghihintay sa kanila, hindi sana nawasak ang puso niya sa sumunod na taon, sa mismong araw na ginawa nila ang pangakong iyon.
EpilogueHINDI maalis ni Astrid ang kanyang ngiti habang pinagmamasdan ang kanyang mag-anak sa dulo ng aisle. Ang magaling niyang asawa, ang sabi sa kanya ay ribbon cutting lamang para sa cruiseline na tinayo nito kasama ang mga kaibigan ang magaganap. Hindi naman siya natimbrehan na surprise wedding na pala ang magaganap sa rami ng involved! Pati ang kanilang anak na sina Alta at Astrea ay naging mga kasabwat ng magaling nilang ama para maitago sa kanya ang katotohanan.Nagpunas siya ng luha habang titig na titig na naiiyak niya nang asawa. Pangatlong kasal na nila ito. Una ay ang civil wedding, pangalawa ay ang kasal nila sa simbahan na labis na pinag-usapan sa buong bansa dahil sa pagkagarbo, at ngayon, sa unang cruise ship ng GAB Cruises, ang Dreamboat, bininyagan ng kanyang
Kabanata 31NAGING maingay na balita ang break up ng tambalang ASTRUDE, ngunit masaya si Astrid na karamihan sa kanilang fans ay sinuportahan ang kani-kanilang mga desisyon. Some even made a fans club for her and Croft, telling Croft that he should do some cameos in Astrid's films if ever she'll agree to Tito Boy's offer to handle her. In-offer-an kasi siya nito na tutulong makawala siya sa agency ni Tita Pat, at dahil nagbabalak itong maging talent manager, sila ni Crude ang unang niligawan. Kampante naman sila rito dahil bukod sa marami rin itong naging karanasan sa mapagsamantalang managers sa tagal na sa industriya, matagal na rin nilang kaibigan ni Crude.Astrid and Croft got married via civil wedding since they didn't want to prolong it anymore. Pinangako naman ni Croft na pakakasalan siya sa simbahan kapag naiayos na ang kanilang
Kabanata 30DALAWANG oras bago ang live interview nina Astrid kasama ang isang sikat na talk show host, nagpasya siyang personal na kausapin si Cath at Crude. She wants to settle everything now, at kahit ano pang pakiusap ang gawin ni Crude, maninindigan na siyang ayaw na niya.She enjoyed the liberty of being a top-grossing actress while her heart was broken. Ngayong buo na ito at ang sinisimulan pa lamang na buuing pamilya nila ni Croft ang nanganganib, handa niyang pakawalan ang lahat ng kasikatang tinatamasa kung sakali mang hindi siya tanggapin ng mga tao dahil sa katotohanang sasabihin niya mamaya sa harap ng telebisyon.Humugot siya ng malalim na hininga bago tuluyang nag-door bell sa bahay ni Crude. Si Cath ang nagbukas
Kabanata 29THE PAST months became really difficult for Astrid and Croft. Gumagapang na ang laban sa Lumiriana sa tulong nina Sancho at Mr. Shault, ngunit hangga't hindi naisasaayos ang adoption papers ni Alta ay hindi matatahimik si Croft.He badly wanted to go see Frederick and give him a punch on the face, if only he isn't considering what it might cause in Alta's adoption. Pikon na pikon na siya rito sa totoo lang, at habang tumatagal na hindi siya kasal, mas lumalakas ang laban ni Frederick at ng asawa nito.Nahilamos niya ang kanyang palad sa mukha saka muli na lamang tinungga ang bote ng alak. He hasn't seen Astrid for two weeks already since Crude Andrade's brother-in-law got shot. Kinailangan si Astrid ng magkapatid na
Kabanata 28PAALIS na si Astrid ng kanyang condo nang sa pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kanya ang isang pamilyar na babae.Mylene Mercado, the woman Crude dragged into the mess, looked at her with bloodshot, almost begging eyes. Sopistikada ang pananamit nito ngunit bakas sa mga mata na hindi ito sanay sa ganoong pananamit.Lumunok ito at nahihiyang iniwas ang tingin. "Pwede... Pwede ba tayong mag-usap?"Astrid sucked in enough breath. Sumulyap siya sa kanyang relos bago muling tumingin sa babae. "I got less than twenty minutes.""Okay lang. Hindi ko rin balak magtagal." Suminghot ito saka pilit na ngumiti. "Fan mo ko."
Kabanata 27TODO ang pigil ni Astrid na sugurin si Mia Cruz nang makita niya ito sa kanilang press conference para sa pelikula nilang kalahok sa darating na Film Festival. She knew this would be one of the hardest interviews she's going to face. Hindi lang dahil sa gigil niya kay Mia kung hindi pati na rin sa issues na kakailanganin niyang harapin at ang mga problemang mayroon ang adoption ni Alta.Tinignan siya ni Mia at makahulugang nginisihan, tila nananadyang sirain ang gabi niya palibhasa ay alam nitong hindi siya papatol dahil nasa harap sila ng publiko. She knows how to choose her battles, and violence must not always be the answer.Ngunit kung hindi siya makakapagtimpi ay baka kainin niya ang sarili niyang prinsipyo. Some people just love to get into someone's nerve
Comments