Share

SLY: Chapter 3

************

KINABUKASAN

Pag-mulat na pag-mulat ng mga mata ko, agad kong kinapa ang cellphone ko na nasa bedside table, magsesend ako ng quotes kay myLoves. Maiba naman. Baka nauumay na siya sa paulit-ulit na minemessage ko sa kanya 'e.

Me To Myloves: Did you feel a little warm in the morning? I sent you warm hugs in my thoughts. Goodmorning Myloves! Have a wonderful day. Ingat pag-pasok.

Sana naman kiligin siya ng konti, Baka mas sumimangot ang mukha no'n kay aga-aga 'e. Bumangon na ako para makapag-asikaso sabay kami papasok ni Beshie ngayon.

**

Naglalakad na ako patungo sa bahay nila Beshie ng makita ko agad siya sa labas nila, Malawak akong napangiti, Bibihira nalang kami nag-kakasabay dahil lagi siya sinusundo ni papa sky.

pero 'yung ngiti ko unti-unting nawala ng mapansin ko 'yung nasa likod ni Beshie. Oh my gosh, kasabay namin siya papasok? 

Geez! hindi ako handa! Bakit hindi niya sinabi sa'kin? Lumipat ang tingin ko kay beshie na ngayon ay malawak ang ngiti, So means sinadya niya hindi sabihin sakin.

"Goodmorning." tipid na bati ko sa kanila ng makalapit ako, kiming ngiti ang ginawad ko kay Ivan Myloves. Tumango lang ito sa'kin sabay baling kay Beshie.

"Let's go twin," nauna na itong maglakad. nag-taka naman ako, nasaan ang kotse ni myloves? Commute lang kami today?

Nabasa naman ni beshie ang nasa isip ko.

"Sira 'yung kotse ni kuya nasa pagawaan. kaya commute lang tayo ngayon." Tumango naman ako at sumunod na kami kay myloves, malapit lang naman ang sakayan ng Jeep at ang university namin kaya hindi hassle. 'yun nga lang marami kaming kasabayan sa jeep dahil oras ng pasok. 

Habang naka-sunod kami kay myloves ay pasimple kong binulungan si beshie.

"Bakit hindi mo naman sinabi sa'kin na kasabay natin si Ivan myloves?" Natawa ito ng mahina. 

"Suprise, ayaw mo ba?" mahinang bulong din nito sa'kin. para kaming ewan na nagbubulungan sa likod ni Myloves, Medjo binagalan ko ang lakad, ganoon din ang ginawa ni beshie, para sure na hindi nito maririnig ang pinag-uusapan namin.

"Syempre gusto ko! kasabay ko ba naman si Myloves kaso beshie, Kung kailan hindi ako nakapag-ayos doon ko pa siya nakasabay, Baka isipin niya  ang plain-plain naman ng bestfriend ni kisha." Mahina pero may tampo kong bulong. pinasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Wala naman problema sa ayos mo ah? Alam mo beshie mas ok ang natural beauty, akala ko ba dyosa ka? Bakit nawala ata ang confidence mo? At isa pa ayaw ni kuya sa babaeng mahilig sa make up." Napalingon ako dahil sinabi niya.

"Talaga? ayaw ni Myloves sa ganoon? Bakit ngayon ko lang nalaman 'yan?" pinaningkitan ko siya ng mata, Nagdududa ako sa sinabi niya, pero imbes na masindak 'e. Ngumisi ito sakin.

"Tinanong ko si kuya nung isang gabi kung ano ang ayaw niya sa isang babae, At isa nga sa sinabi niya na ayaw niya ng babae na mahilig sa make up. Simple lang daw gusto niya. Isang himala nga na sumagot 'yon 'e. Siguro nasa mood siya ng mga oras na'yon."

Simpleng Babae? so liptint at pulbo na rin lang ang ilagagay ko sa mukha ko. 

"Kaya pala ngayon naiintindihan kona bakit mo—" Napatigil ako sa pag-sasalita ng mapansin namin na nasa labas na pala kami ng subdivision, Nakatayo na si Myloves sa sakayan ng Jeep.

"Dalian niyo na, Maraming sasakay na estudyante mamaya baka mawalan tayo ng upuan." 

Mabilis kaming kumilos ni beshie, Saktong may dumating na Jeep, May laman na iyon, Konti nalang at mapupuno na. 

"Mauna na kayo sumakay twin." 

Una akong sumakay, Na-upo ako sa medjo maluwag para tabi kami ni beshie, kaso nagulat ako ng doon ito naupo sa kabilang upuan sa likod ng driver. Pinanlakiha ko siya ng mata, anong trip ng babaeng 'to? kaso nginitian lang ang loka loka. Dahil ang pwesto ko ang maluwag ay sa tabi ko na-upo si Myloves, Nag-tataka itong tumingin sa kambal niya, Mukhang nabasa naman ito ng magaling kong kaibigan. 

"Dito na ako naupo, Libre ko ang pamasahe natin. Para deretso bayad na ako." Napairap ako dahil ang lame ng palusot niya. Eto namang si Ivan myloves tumango lang, kung alam lang niya ang tunay na dahilan ewan ko kung tumabi pa siya sa'kin.

Humanda ka talaga sakin mamaya beshie, Wala talagang pasabi sa mga galawan. Hindi kaya ako ready! sana bigyan naman niya ako ng clue. pero sige na nga kahit hindi ako nakapag-ayos today ay pwede na katabi ko naman ang myloves ko hihi ang bango niya shems!

Hindi muna umalis ang sinasakyan namin mukhang pupunuin pa ata talaga ang jeep. Kaloka! 

At Hindi nga ako nag-kamali. May sumakay na tatlong estudyante. dalawang lalaki at isang babae. 

Naupo sa tabi ko 'yung dalawang lalaki, 'yung isa ginigitgit pa ako, Lanya kase 'yung driver 'e, Pang sampuan lang 'yung upuan pero ginagawang onse! 

Buti nalang doon sa side ni beshie sakto lang at hindi gitgitan. 

Patingin tingin ako doon sa lalaking katabi ko, Hello? Hindi ba niya napapansin na gitgit na gitgit na ako dito? Hirap na hirap na ako aba! Pagsasabihan kona sana 'yung lalaking katabi ko ng bumulong si Myloves sa tenga ko. Sh*t na malagkit! Nag-taasan ang balahibo ko!

"You ok?" mahinahong tanong nito sakin. tiningala ko naman siya at tumango kahit hindi naman talaga. oh my gulay totoo ba ito? Kinausap niya ako? Hindi pasungit o pasuplado kase ganoon siya sakin dati 'e. Nagulat ako ng umusog ito paharap. 

"Akin na 'yang bag mo, umayos ka ng upo." aangal pa sana ako ng kunin na niya ang bag sa ibabaw ng hita ko., Nilagay niya sa balikat niya at humawak sa rail ng jeep. Gosh, totoo ba 'to?! umayos ako ng upo, kaso hindi ko maiwasan hindi mag-alala sa itsura ng upo niya, ang laki pa naman niyang tao. May nauupuan pa ba siya? 

Bigla naman ako nitong nilingon.

"Nahihirapan ka pa ba?" Mabilis akong umiling.

"I-ikaw? ang hirap ng pwesto mo ayos ka lang ba?" 

"Ok lang ako, malapit na rin naman."

Tumango naman ako, sabagay malapit na rin kami bumaba.

Napabaling akong muli sa lalaking nasa kanan ko ng masiko niya ang tagiliran ko. Napahawak tuloy ako doon. Argh! bakit ba hindi mapakali 'tong katabi ko na 'to. parang kiti-kiti!

"Pre, konting ingat lang, natatamaan mo na 'yung katabi mo. Babae 'yan."

Nagulat ako ng mag-salita si myloves. seryoso 'yung boses niya. Nakita niya 'yun? 

Nilingon kami nung lalaki at maamong nag-salita. Natakot ata kay myloves.

"Sorry po, sorry miss." hinging paumanhin nito. umayos na ito ng upo, tsk, kung hindi pa sisitahin ni myloves hindi pa aayos 'e.

Pasimple naman akong tumingin kay myloves, Shems! kinikilig ako! Gusto ko na mag-pasalamat kay beshie! Haha hindi na ako galit, tama lang pala 'yung ginawa niya na doon na-upo sa kabila. ililibre ko siya ng Lunch mamaya dahil naging tulay siya para sa Happiness ko today. hihi

Tumingin ako sa gawi ni beshie, Nakatingin din pala ito at nakangiti ng malaki ang loka-loka sabay kindat sakin. For sure na nakita niya lahat. Mag-bestfriend talaga kami! haha

Nakarating na kami sa tapat ng univeristy, pumara si Beshie. Akma akong bababa ng pigilan ako ni Myloves.

"Paunahin mo muna sila." tumango naman ako. Nang makababa na lahat ng baba ay sumunod kami. Pina-una pa rin kami ni Myloves. Gosh ang Gentleman

Naglalakad na kami papasok ng University, Nakakaloko ang ngiti ni beshie, ako naman ay pigil ang ngiti hindi pa rin ako maka-get over sa nang-yare sa Jeep. Tumigil si Myloves, kaya napatigil din kami ni beshie, humarap ito samin at masuyong inabot ang bag ko sa'kin. Luh, Oo nga pala! Nawala na sa isip ko. Nasa kanya nga pala 'yung bag ko. 

"Here."  Nahihiyang kinuha ko naman 'yun, kaya pala feeling ko parang may kulang. Wala pala yung bag ko sa balikat ko.

"Thank you." Shems, buti nalang hindi ako nautal, tumango naman ito, sabay baling kay Beshie.

"Una na ako Twin, Dadaanan ko pa si coach." 

"Sige kuya, sabay ba tayo mag-lunch mamaya?"

"Hindi ko pa sigurado twin, I'll text you if sasabay ako. Sige una na ako." Humakbang ito para halikan si beshie sa noo. Ako ba wala myloves? huhu sana all nahahalikan sa noo. Apaka sweet talaga ng magkapatid na 'to. Sumulyap sakin si Myloves at tumango. Tumango rin ako bilang tugon, tumalikod na rin ito at naglakad. Nang mawala na ito sa paningin namin ay humarap na ako kay beshie.  

"Oh my gosh beshie!" sabay naming tili! Wala kaming pakaealam kung pinag-titinginan kami.

"Totoo ba lahat ng 'to!?" 

"Loka ka ngayon ka pa talaga nag-tanong niyan kung kailan nang-yare na! Ang sweet ni kuya sa'yo kanina! Tama lang pala talaga na hindi tayo nag-tabi." masayang sambit ni beshie. kilig na kilig din ito. Hindi lang niya maipakita kanina dahil baka mag-taka si Myloves.

"Korek! Beshie hulog ka ng langit!" Masaya ko siyang niyakap.

"Sus, nag-iinarte ka pa kanina, Ikaw na nga 'tong binigyan ko ng moment kay kuya."

"Sorry naman, Hindi ko naman kase alam na ganito kalalabasan 'e. tsaka hindi kase ako naka-ayos, Bibihira kona nga lang makasabay si Myloves, kaya gusto ko sana maganda ako, Fresh gano'n."

"Atleast kahit hindi ka nag-ayos ngayon maganda naman ang nang-yare 'di ba?" 

"Korek! oh siya mamaya na tayo mag-chikahan mag-ttime na 'e."

"Ay oo nga, hindi pala tayo mag-kaklase ngayon."

"Thank you ulit, Libre kita lunch mamaya. hihihi"

"Dapat lang! haha sige na babush na kita tayo later." Nag-beso-beso kami ni beshie bago siya naglakad sa gitna dahil doon ang building niya, Ako naman ay sa kanan. naglakad na rin ako habang may ngiti sa mga labi.

Ang saya saya ng umaga ko.

Sana lagi nalang sira yung kotse ni myloves kapag mag-kakasabay kaming tatlo papasok. 

Salamat sa bestfriend kong supportive sa lovelife. 

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Rachel Dela Vega Matucad
ay potek kinikilig ang lola mo...
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
kakatuwa tong mag bff
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sana tuloy tuloy na ang kiligan
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status