Share

SLY: Chapter 4

   Papunta ako ngayon sa Gym, may dala akong dalawang gatorade para kay myloves, ilalagay ko 'to kung saan siya madalas naka-pwesto kapag-nagppractice sila, Mag-iiwan nalang ako ng note na saking galing. Sana tanggapin niya at inumin 'to. Napansin ko kase na mahilig siya sa ganitong inumin kapag-nag-lalaro.

Actually wala sana akong balak manood ng practice today dahil balak kong makipag-chikahan kay Beshie, Sabay kami nag-lunch kanina at nilibre ko din siya  katulad ng pinag-usapan namin kaninang umaga, Umalis lang agad ako sa Cafeteria ng dumating si papa sky niyaya kase nito si Beshie sa music room, Niyaya din naman nila ako kaso tumanggi ako, Hinayaan ko si papa sky na masolo si beshie, Magiging epal lang ako kapag sumama ako, So dahil solo flight na naman naisipan kong manood nalang ng practice nila Myloves, 

Nang makarating ako sa Gym saktong walang tao, chineck ko munang maige kung ako lang talaga, mahirap na baka ma-aberya pa ako, Nang masigurado na ako lang talaga ang nandoon mabilis akong kumilos para pumunta sa inu-upuan ni myloves, Pinatong ko agad ang dala kong gatorade, nilabas ko din ang sticky notes ko at nagsulat. Matapos ay dinikit ko agad sa gatorade at mabilis na umalis doon. 

Kinabahan ako doon ah! Baka kase may biglang dumating. pumunta na ako sa pwesto ko, Sana hindi ibigay ni Myloves sa mga ka-team niya kapag-nalaman na sa Baliw na nagtetext sa kanya galing yun. Sana ma-appreciate niya. 

Katulad nang dati ay may mga dumating na ibang tao sa gym para manood din ng practice, Mga certified fans nila, kahit practice ay supportive pa rin. Maya maya dumating na ang ka-team ni Myloves, Malawak ang ngiti ko habang hinihintay siyang makapasok, ngunit ang ngiti ko ay unti-unting nawala, Napasimangot ako ng makitang hawak nito ang phone at tutok na tutok na naman dito.

Sino ba talaga ang laging niya hinihintay na mag-text bukod sa'kin? 

Nawala lang ang atensyon nito sa phone ng sumigaw ang isang niyang ka-teamates. Tinuro nito ang gatorade na nilagay ko doon sa upuan. Pinag-aasar siya ng mga kasama, kinabahan naman ako ng kunin niya ang stickynote at binasa. Tatanggapin kaya niya? Humarap ito at nilibot ang tingin sa paligid, Mabilis akong yumuko para hindi niya ako mapansin. Nang-silipin ko siya ay kinuha na nito ang dalawang gatorade, akala ko ay iaabot niya sa katabi niya pero  nilagay niya sa Bag ang isa at 'yung natira ay binuksan na niya at ininom. Napangiti ako ng malawak, Yes! hindi niya pinamigay. OMG! 

Biglang nawala 'yung inis ko, napalitan ng saya. 

Nag-simula na sila mag-practice, Gustong gusto ko mag-cheer at mag-sisigaw pag-nakakashoot siya, katulad ng ibang nandito kaso hindi ko magawa kainis, ang hirap talaga kapag-nag-tatago.

Oh well, sa text nalang ako mag-chicheer. 

Me To Myloves: Go Myloves!

Me To Myloves: Gosh, ang gwapo mo talaga, kahit pinag-papawisan kana.

Me To Myloves: Whooo! Myloves ko 'yan!

Me To Myloves: Ay, oo nga pala, thank you dahil ininom mo 'yung gatorade na bigay ko sa'yo, Akala ko hindi mo papansinin at ipamimigay nalang. Pinasaya mo ako dahil sa ginawa mo. Binilhan kita kase napansin ko na ayan lagi mong iniinom 'e.

Hindi nawala ang ngiti ko sa labi, Tuloy tuloy ang practice nila Myloves hindi sila nag-break. Hanggang sa mapansin ko ang oras. Kailangan kona umalis, May klase na ako. Hindi ko man lang makikita ang reaksyon ni Myloves kapag-binasa niya 'yung Text ko. 

Tumayo na ako at simpleng lumabas ng Gym, Habang tinatahak ko ang susunod kong klase ay nag-text muna ako ulit kay Myloves.

To Myloves: Ubusin mo 'yung binigay ko sa'yong gatorade ah? Umalis na pala ako sa Gym, Magsisimula na kase ang next class ko. mhua!

********

Tatlong araw na naging ganoon ang routine ko, lagi ako nagdadala ng gatorade para kay myloves syempre todo ingat ako, alam ko naman na gusto ako hulihin ni Myloves dahil nung isang araw ay maaga ito pumunta ng Gym. 

Hindi niya alam na mas wais ako sa kanya hahaha. 

Ngayon ay nakisuyo ako sa taga linis ng Gym na ilagay ang dala kong gatorade sa upuan nila Myloves, Syempre hindi ko pinakita ang mukha ko sa taga-linis. Iniba ko ang ayos ko, Naka mask din ako. For sure naman na mag-tatanong na si Myloves 'e.

Iiling-iling si myloves ng makita ang gatorade sa upuan niya. Napangisi ako, sorry myloves wais ang future girlfriend mo. Hindi din nag-tagal ay nag-simula na ulit sila mag-ensayo, ako naman ay todo cheer sa text.

To Myloves: Waaaaaah, Go myloves! 

To Myloves: Galing galing naman, sure win na tayo!

To Myloves: My Loves ko 'yan!

Nasa kalagitnaan na ng practice ng mapansin ko ang mga bagong dating na estudyante. Hindi pa man sila nag-tatagal na nanonood ay todo cheer na kay Ivan, Napaismid ako, ang dami ko talagang kaagaw sa myloves ko.

Akala ko hanggang doon nalang ang mga Bruha pero hindi Lumipat ang mga ito sa tapat ng bleacher nila myloves, Aba talaga nga naman, hindi pa nakuntento doon pa talaga sila na-upo. Nakakainis! Hindi ako makapag-rant. Sumandal nalang ako sa upuan at nakasimangot na nanood. Tsk, pero hindi ko kaya na manahimik, naiinis talaga ako. No mali, nag-seselos ako, naiinggit. Hindi ko magawa 'yung ginagawa nilang pag-chicheer dahil nagtatago ako. Nag-text ako kay myloves sa kanya nalang ako mag-iinarte.

Me To Myloves: Kainis 'yang mga hipon na nasa tapat ng upuan niyo. Sobra maka-cheer akala mo nasa finals na.

To Myloves: Dapat ako lang 'yung todo mag-cheer sa'yo, ako kaya ang matagal munang fans! H'wag mo sila papansinin ah! inumin mo 'yung gatorade na pinasuyo ko kanina ah? With love 'yun. Para mas-magkaroon ka ng lakas.

Sumandal nalang ako ulit at nanood. Nawalan ako ng gana bigla. Nag-break ng 15 minutes sila Myloves, sinusundan ko lang siya ng tingin habang pabalik sa bleacher, tipid akong napangiti ng inumin niya 'yung gatorade, Na-upo ito at kinuha ang phone niya chinecheck niya na siguro 'yung mga text ko, Biglang nag-angat ito ng ulo, nakangiting nilibot ng tingin ang buong Gym, Umiwas ako, Nag-busy busyhan ulit, Wait.. nakangiti? binalik ko ang tingin sa kanya at Oo nga nakangiti ito habang nakatingin na sa phone niya. Hindi naman siguro masamang mag-assume ano? Hindi naman siya titingin sa paligid kung hindi ako ang hinahanap niya? Isure nga natin, kinuha ko ang phone at tinext siya.

To Myloves: Oh my gosh, ngumiti ka ng mabasa mo 'yung message ko. hinahanap mo na naman ako no?

Bumaling muli ako ng tingin kay myloves chineck ko kung anong magiging reaksyon niya. Kung text ko ba talaga ang binabasa niya. 

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko ng umiling iling ito habang nakangiti. Shet na malagkit! Text ko nga! Para sa'kin nga ang mga ngiting 'yun!

**********

Nakahiga ako sa kama ko, Nag-mumuni muni ako at iniisip ang mga kaganapan na mga nang-yayare ng mga nag-daang araw, Kung iisipin nag-karoon ng progress ang mga effort ko kay Myloves, Hmmm, dagdagan kopa kaya? Gawa naman kaya ako ng Dummy account at i-add ko siya sa F*? Para pwede ako makapag-comment sa mga nang-haharot kay Myloves tama! tama! Pero kailangan ko ng tulong ni Beshie. Kinapa ko ang phone ko, itetext ko siya. Sana gising pa ang kaibigan kong 'yun.

ME: Beshie? Gising ka pa?

Ilang minuto ang nakalipas bago ako nakatanggap ng reply kay beshie. 

BESHIE KISHA: Yes, why?

ME: Hmm, help mo naman ang dyosa mong BFF, Balak ko gumawa ng dummy account, tapos I-aadd ko si Myloves. Isip mo naman ako ng magandang name. 

Beshie Kisha: Seryoso Beshie? ano na naman 'yang binabalak mo?

ME: hehe naisip ko lang na gumawa ng dummy account tapos doon ko naman guguluhin si Myloves.

Beshie Kisha: Sa tingin mo 'ba makakachat mo si kuya? Sa tingin mo ba mag-rereply sa'yo 'yun sa chat? Higit sa lahat i-aaccept ka kaya? Sa text pa nga lang pahirapan na 'e, Basta maisipan mo talaga beshie.

Bigla akong napaisip sabagay, pero kase feel ko pag sa chat baka mag-reply sakin si Myloves. Tapos mababantayan ko din siya. kaso 'yun nga i-aaccept kaya ako no'n? Parang mali 'yung desisyon ko, Siguro 'wag na-- Oh! alam kona! 

ME: Hehe syempre ihe-help mo ako beshie, Hiramin mo ulit phone ni Myloves tapos ikaw 'yung mag-aacept sa'kin!

Beshie kisha: What?! Sira ka! Baka mahulin ako no'n, Baka mahalata ako sige ikaw din mabubuko na 'yang mga kalokohan mo.

ME: Please? para sa Lovelife ng Bestfriend mo 'to, kung hindi ako gagawa ng paraan, hindi talaga ako mapapansin ni Myloves.

Beshie Kisha: Tsk, fine, tutulungan kita.

ME: Yey! Thanks beshie, para sa lovelife ko ito, Hahaha hmm so anong magandang name? 'yung malapit lang sa name ko pero hindi mahahalata ni Myloves ah.

Beshie Kisha: Haezel? Lizel?

ME: Tsk, ang obvious naman niyan Beshie. Isip ka pa.

Beshie Kisha: How about Francine? 

ME: Second name ko 'yun 'e, baka mahalata naman ni Myloves.

Beshie Kisha: Hindi naman alam ni kuya ang second name mo, kilala kalang nun bilang eizel. Alam mong walang interest 'yun sa babae 'e.

ME: Malay mo alam niya 'di ba? Hmm Franc kaya?

Beshie Kisha: Pangit naman,

ME: Iibahin ko nalang apelyido ko kung francine gagamitin ko?

Beshie Kisha: Aba'y malamang! Kung gusto mo na 'ba mabuking e' di 'wag mo palitan ang apelyido mo. Ano ba naman beshie. 

ME: hehe so sige francine nalang, Ano kayang maganda? Francine Montefalco? Francine Lopez? Francine Craig? Francine Dela Merced? Francine Fuentabella? or Francine Barcelon?

Beshie Kisha: Geez, seriously Beshie? kakabasa mo 'yan sa watty. Pinag-kukuha mo pa mga apelyido. Lagot ka sa mga asawa niyan. 

ME: Haha Oy, 'yung last hindi ah, kay Myloves ko 'yun. haha

Beshie Kisha: Kalokohan mo talaga, Magtataka 'yun si kuya, Baka isipin kamag-anak ka namin.

ME: Haha ako bahala.

Beshie Kisha: Haha patay na patay ka talaga kay kuya, jusko ano ba nakita mo don? sungit sungit non 'e.

ME: Syempre gwapo!

Beshie Kisha: 'yan d'yan ka magaling.

ME: Joke! kahit ganoon 'yun si Myloves gentleman 'yun, hindi man halata pero mabait at caring. alam mo 'yung feelimg na kapag- naging Boyfriend mo siya sure na sure na hindi ka sasaktan? 'yung aalagaan at pahahalagahan ka, ganoon kase 'yung nararamdaman ko kay myloves. 

Beshie Kisha:  Tsk,tsk,tsk, lakas talaga ng tama mo kay kuya no? mahal na mahal mo talaga siya.

ME: Naman! super duper love ko 'yun kahit hindi ako nirereplyan. haha

Beshie Kisha: Oh siya siya, matulog na tayo. May name kana naman 'e. Bukas kana gumawa ng Dummy account.

ME: Okies, basta ikaw na bahala mag-accept sa'kin ah? hehe Goodnight.

Beshie Kisha: Oo na, ako na bahala gumawa ng paraan. Matulog kana at maaga pa tayo bukas. Tama na muna 'yang kabaliwan mo kay kuya. Aral bago landi ok?

ME: Hahaha Opo, sige na beshie night.

Ang swerte ko talaga sa kaibigan ko. supportive! excited na ako maging friend si Myloves sa dummy account ko. Sana this time gumana na. 

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
nababaliw na c Eizel sa pagmamahal nya kay myloves nya.........
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sana nga mapansin kana ng myloves mo eizel
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status