Share

SLY: Chapter 2

  Matapos ang Lunchbreak dumeretso agad ako sa Gymnasium, Wala naman akong klase sa susunod na dalawang oras kaya free akong tumambay dito at manood ng practice ni Myloves. syempre doon ako naka-pwesto sa favorite spot ko. Sa hindi masyado makikita ni Myloves, pero siya kitang kita ko haha,

  Actually ang aga ko nga 'e, maya-maya pa naman ang practice nila dahil nag-papahinga pa ang mga 'yon. kaso dahil excited ako ay dito na ako tumambay para ako 'yung ma-uuna 'di ba? Ngayon palang na hindi pa ako Girlfriend ni Myloves, Ganito na ako ka-supportive sa kanya, Paano pa kaya kapag naging kami na? Tsk, Si Myloves kase mahina 'e, hindi pa napapansin ang ka-dyosahan ko, Edi sana araw araw siya may Inspirasyon 'di ba? 

  "Ok Eizel ayan kana naman, Mag-review kana lang muna habang nag-hihintay sa Myloves mo." kausap ko sa sarili ko, nakakabaliw talaga kapag mag-isa kalang 'e, tapos ikaw pa 'yung tipo ng tao na madaldal at hindi nauubusan ng sasabihin. Hayyy Makapag basa nga ng notes ko para hindi rin ako napapagalitan ng Bestfriend ko. Aral muna bago landi ang moto no'n 'e.

 Makalipas ang mahigit kalahating oras ng pag-babasa ng notes ko, napatigil ako at sinara ang notebook na hawak, Naririnig kona kase ang ingay ng team ni Myloves. Nilibot ko ang tingin sa paligid, May ibang tao na rin pala ang nandito, Hindi ko napansin dahil focus ako sa binabasa ko.

  Maya maya lang sunod sunod na nag-pasukan ang Teamates ni Myloves. Nag-nining ang mga mata ko ng makita ko siya, ang gwapo talaga ng lintek! Bagay sa kanya ang suot na Jersey short at manipis na white tshirt. Dumeretso ito sa bleacher kung saan sila naka-pwesto. Nag-Stretching muna sila saglit bago nag-practice.

  Tutok na tutok ako sa bawat galaw ni Myloves, Bakit ang unfair? kahit anong angulo ang gwapo pa din niya? Ang lakas pa rin ng dating? Tsaka ang solid ng bawat galaw niya nakaka-inlove lalo! Nag five minutes break sila, Sakto nakita kong kinuha ni Myloves ang Cellphone niya sa sports bag na dala, Mukhang may binabasang text. Alright pag-kakataon ko 'to para itext siya.

 Me To Myloves: Hi Myloves, ang galing mo talaga kahit practice game palang, Tsaka Bakit ang gwapo mo pa rin kahit pawis na pawis ka? 

  Tumingin agad ako sa gawi niya ng ma-send kona ang text ko, Napangisi ako ng kumunot ang noo nito at nilibot ang tingin sa paligid. Iniwas ko naman agad ang tingin ko sa kanya at nag-kunwareng nag-babasa. Sa dami ng tao dito ngayon at sa layo ko sa kanya imposibleng makita niya ako, Ayaw ko lang maramdaman niya na may nakatingin sa kanya hehe.

Nang tinawag na sila ng coach nila ay doon lang natigil si Myloves kakatingin sa paligid, Salubong ang kilay nito ng ibalik ang phone sa bag. hihi sorry Myloves hindi pa ito ang tamang panahon para makilala mo ang Dyosang katulad ko.

Nang malapit na ang next class ko ay sumibat na ako paalis sa Gym, Ok na ako. Nakasilay na at buo na ang araw hahaha.

**********

  Sa bawat araw na nag-daan hindi ako pumalya sa pag-ttext kay Myloves. Lalo na kapag-nakikita ko siya, Gusto ko lagi nakikita ang reaksyon niya kapag nababasa niya ang message ko.

  Katulad ngayon nakikita ko siya sa pwesto ko. Nakasimangot nakatingin na naman sa cellphone niya na parang may hinihintay. Ako nag-dududa na talaga ah! araw araw ko napapansin na lagi siyang nakatingin sa Cellphone niya. Sino ba ang hinihintay niya mag-text? meron ba akong hindi alam? Argh! kailangan ko ata ng tulong ni beshie ko. pero bago 'yon itetext ko muna si Myloves, Hindi ko pa pala siya natetext ngayon umaga hinintay ko muna kase na makita siya.

Nag-tipa ako ng message ko para kay Myloves. 

Me To Myloves: Goodmorning Myloves, Bakit ang aga-aga nakasimangot ka?

Napaayos ito ng upo ng mabasa niya ang text ko, Napanguso naman ako ng mas lalong mangunot ang noo niya, Parang hindi niya nagustuhan na nag-text ako ah. Badmood ba siya? Nilibot na naman niya ng tingin ang paligid, Lagi ganito ginagawa niya akala mo naman talaga makikita niya ako.

So dahil isa akong dakilang mag-iinis asarin pa natin ang Myloves ko, Hindi din ako natutuwa na lagi siyang naka-abang sa phone tapos hindi naman text ko ang inaabangan niya.

Me To Myloves: Ayan kana naman Myloves 'e, Patingin tingin kana naman sa paligid, Sabi ko naman sa'yo hindi mo ako makikita. Why so cute? 

Biglang tumayo ito, mas lalong bumusangot ang mukha niya. hahaha pero kahit ganoon ang gwapo pa din talaga 'e, Bigla itong nag-walk out tinatawag siya ng teamates niya kaso hindi niya pinansin, Hala napikon? Mabilis ko siyang minessage.

Syempre para asarin lalo hahaha.

To Myloves: Cute talaga 'e, Walk out pa more Myloves,

Putek nawiwili akong asarin si Myloves, Baka mapikon ng tuluyan 'yon tapos iblock na ako ng tuluyan sa contacts niya. Naku! Dapat simula ngayon sweet message lang ang lagi kong itetext sa kanya.

******

 Eto na naman gabi na naman at duty ko na naman tumambay sa Wall ni Ivan Myloves, Hindi ko alam bakit nagiging routine kona 'to gabi gabi. Lagi na nga ako pinag-sasabihan ni Beshie na OA kaso anong magagawa ko? Malakas tama ko sa kambal niya, Tsaka hanggang sa ganitong paraan lang naman ako may lakas ng loob. Eto na nga lang 'yung pinang-hahawakan ko 'e. 

 So dahil wala naman masyadong bago sa wall ni myloves, Umalis na ako doon at nag-status nalang ako ng kalokohan. Maiba naman.

Eizel Francine Evangelista 

"Sa sobrang pag-iisip ko sa'yo para na akong adik." 

Your post was shared

  Wala pang ilang minuto ng makita ko ang sunod sunod na comment ng mga kaibigan ko. Natawa ako ng mahina, Pag tsismiss talaga ang pinag-uusapan ang bibilis. 

Marjorie Jade Lucas commented on the status that you shared.

Kyrah Bersamina commented on the status that you shared.

Markisha Ivy Barcelon commented on the status that you shared.

Marjorie Jade Lucas: ano 'yan bakla?

Kyrah Bersamina: Mukhang in-love ka sis, Sino 'yan, Share naman.

Markisha Ivy Barcelon: Adik ba? o Baliw? hahaha 

Eizel Francine Evangelista (Me) : Sshh ang ingay, Secret na malupet 'to. hahaha 

Kyrah Bersamina: Aba-aba! Share mo samin 'yan sa GC tayo. 

Marjorie Jade Lucas: Oo nga, Tara don.

Mapapasubo pa ata ako. hindi na ako nag-comment sa post ko, Wala pang ilang sandali nag pop up na ang name ng GC namin, Nag-kakagulo na sila. Atat na atat sa tsimiss. 

Marjorie: Hoy bakla ng taon, ano na? ano 'yung status mo?

Kyrah: Inlove ka 'no? sino 'yon?

Markisha: Sabihin mo na beshie. haha

Eizel(Me): H'wag kayo maingay kapag sinabi ko sainyo ah? Baka pag nalaman niyo lagi kayo mag-parinig? nakoo.pag sinabi niyo 'yon, Magkalimutan na!

Haha maloko nga 'tong dalawa na 'to. Hindi ko p'wede sabihin sa kanila, Hindi pa ito ang tamang panahon. kami muna ni beshie. Sasabihin ko din naman sa kanila but not now. Tsaka mas ok kapag personal ko sasabihin hindi 'yung sa chat lang.

Kyrah: Kilala ba namin 'yan?

Marjorie: Ang tagal mag-reply, Mukhang kilala nga natin. 

Kyrah: Kilala nga ata natin pinsan, seen lang oh. 

Eizel(Me): Ayoko na nga. nagbago na isip ko mahirap kapag sinabi ko sainyo e. Hahaha kilala ko kayo. So Goodnight girls see you! Byeee

Markisha: Loka ka beshie, Nag-hintay 'yung dalawa. 

Marjorie: Pati ba naman ikaw bakla papaasahin kami? Nasaan ang hustisya!?

Kyrah: Ang unfair! 

Eizel: Sorry girls, Next time nalang ayokong dito sa chat sabihin, Gusto ko sa personal. Sleep na kayo hahaha Goodnight! 

Marjorie: Ano ba 'yan! Humanda ka sakin bakla kapag nag-kita tayo. Excited pa naman ako! Oh sige, Mag si tulog na tayo. Goodnight! 

Napangisi nalang ako, For sure puro sabunot at hampas ang makukuha ko sa dalawang 'yon kapag nalaman na nila kung sino ang tinutukoy ko sa post ko. 

Namimiss kona rin ang dalawang mag-pinsan na'yon. Akalain mo dati kaaway lang namin sila dahil patay na patay si Kyrah kay Papa sky. Tapos ngayon BFF na namin. Daming ganap noon. Tapos sa bandang huli naging mag-kakaibigan din. Gulo 'di ba? Lakas din ng tama. 

Ramdam namin ni beshie na totoo lahat ng pinapakita nila, Hindi nila kami pina-plastic, Siguro kaya ganoon sila dati dahil wala silang friends? or baka ayaw sa kanila. charr lang, Mabait kase si Beshie Kisha naiintindihan niya 'yung kalagayan dati ni kyrah at Marj, Nag-hahanap lang sila ng taong tatanggapin sila kung ano sila. 

'Yung mamahalin sila ng buo, hindi kase naranasan ng mag-pinsan 'yun. Kulang sila sa pansin, kaya noon puro pag-papansin ginagawa samin. Tsaka na-inlove kay papa sky, iba din kase talaga ang nagagawa ng pag-ibig, Lalo na kung mahal na mahal mo 'yung tao. Talagang kakalabanin mo ang umaaligid 'e. Well i know that feeling. Since bata pa lang kami ni Ivan Myloves gawain ko na 'yon hehe

Dahil tanggap namin 'yung dalawa, naging open sila samin at pinakita nila ang tunay na sila. And now mag-kakaibigan na kami. Pinapahalagahan ang bawat isa. Hindi nag-kamali si beshie na patawarin 'yung mag-pinsan, Deserve nila ang second chance at mahalin.

Ang parents kase nila puro trabaho, Walang oras sa kanila, hindi nila naramdaman na may parents sila. Mabigay lang ang luho ayos na sa mga ito. kaya 'yung dalawa nag-rebelde. 

Kaya kahit galit ako nung una doon sa dalawa, nang malaman ko ang nasa likod ng lahat kung bakit ganoon sila ay tinanggap ko sila ng buo. 

Ngayon ay masaya ako dahil nakahanap kami ni beshie ng bagong kaibigan at may kasama na ako sa kalokohan hehe

Makatulog na nga maaga pa ako bukas. Sisilay pa ako sa myloves ko. hihi

******

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
ang kulit tlga ni Eizel
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
mukha ka na ngang nababaliw eizel
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status