Misha’s POVHindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko habang nakatitig sa screen ng cellphone ko. Ang bagong message na natanggap ko ay para bang isang dagok na muli sa aming pamilya. “Kung gusto niyong makabalik si Everisha, palayain niyo si Maloi sa kulungan.”Hindi na namin kailangan pang mag-usap ni Everett. Alam naming dalawa na wala kaming ibang pagpipilian. Para sa anak namin, handa kaming gawin ang kahit ano.“Everett,” tawag ko sa kaniya habang nasa kabilang kuwarto siya, hawak ang laptop niya. Pumasok siya agad sa kuwarto namin, kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.“What is it?” tanong niya habang pinupunasan ang mga mata niya. Halatang hindi rin siya nakatulog nang maayos kagabi.Ipinakita ko ang text message. Agad na tumalim ang tingin niya, at parang gusto na niyang basagin ang telepono sa galit.“This is absurd!” sigaw niya. “Do they think they can control us like this? But we have no choice, do we?”Tumango lang ako, hindi makapagsalita. Hindi ako kailanman naging
Misha’s POVTahimik ang buong bahay nang biglang may kumatok sa pintuan. Napatingin ako mula sa aking puwesto sa sala, hawak ang isang tasa ng kape habang nagbabasa ng mga ulan mula sa mga investigator na kinuha ni Everett.“Misha,” tawag ni Everett mula sa kusina. “Someone’s at the door. Should I get it?”Umiling ako at tumayo. “No, I’ll go. Baka si Marie lang.”Pagbukas ko ng pintuan, tama nga ang hinala ko. Si Marie nga iyon. Ang pinagtataka ko lang, kapag nagkikita kami dito sa bahay, kadalasan ay nakangiti siya, pero ngayon ay iba, parang may hatid itong masamang balita. Kita ko sa mukha niya ang pagod at ang tensyon na para bang may mahalaga siyang sasabihin sa akin.“Marie,” bati ko sa kaniya sabay hakbang paharap para yakapin siya. “Come in.”Hindi muna siya nagsalita. Pumasok siya nang tahimik, at agad na tumingin sa paligid, parang naghahanap ng kung sino. Nang masiguradong kami lang ni Everett ang nandoon, bumuntong-hininga siya at tumingin nang diretso sa akin.“Misha, I ca
Misha’s POVMaagang-maaga pa lang ay nasa sasakyan na kami ni Everett. Kahit madilim pa ang kalangitan, gising na gising ang diwa ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko—halo-halong kaba, pananabik, at takot. Sa wakas, makikita ko na ulit ang anak ko. Hindi ko alam kung paano ko nalampasan ang mga nakaraang buwan nang hindi siya kasama.“Misha,” tawag ni Everett mula sa tabi ko, hawak ang kamay ko habang nagmamaneho ng sasakyan. “Are you okay?”Tumango ako habang pilit na ngumingiti. “I’m fine. Just... I just want to see her.”Ngumiti lang din siya. “Pareho siguro tayong excited nang makita ang anak natin. Grabe, halos matagal din ang ilang buwan na hindi natin siya nakapiling, ngayon, sa wakas ay makikita na natin siya at makakasamang muli,” bakas sa tono nang pananalita niya ang saya nang nararamdaman niya.“Sisiguraduhin kong magiging safe si Everisha, Everett. Hindi na muna ako papasok sa work, kaya ko naman na sa bahay mag-work at online meeting, si Everisha ang tututukan k
Misha’s POVSa araw na ito, parang buong mundo ay nagkaisa para hanapin ang taong naging dahilan ng lahat ng gulo sa buhay namin—si Teff, o mas kilala ngayon bilang si Gillius. Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa ni Everett. Naglabas kami ng wanted posters sa lahat ng sulok ng bansa.Ang dating mukha ni Teff at ang bago niyang hitsura bilang Gillius ay sabay na inilathala sa mga diyaryo, ipinaskil sa social media, at ipinalabas sa mga balita sa telebisyon. Bawat detalye ng kaniyang pagkakakilanlan ay isinapubliko namin. Ang layunin? Lumiit ang mundo niya. Gusto naming maramdaman niya na wala na siyang ligtas na taguan.Nasa opisina kami ni Everett nang matapos ang huling ulat mula sa aming mga tauhan. Naka-sandal siya sa kaniyang upuan, hawak ang isang tasa ng kape habang nakatingin sa screen ng laptop.“Do you think this will work?” tanong ko habang may halong pag-aalala sa boses ko.“Yes,” sagot niya nang walang alinlangan. “We’ve covered every angle. If he’s out there, someone will
Misha’s POVMaaga kaming nagising ni Everett dahil maagang nanggising si Everisha. Nagtatatalon ito sa kama namin kaya hindi puwedeng hindi kami magising. Natawa na lang kami pareho ni Everett, kahit na ang totoo ay inaantok pa kami dahil napuyat kami kagabi dahil sa kabayuhan naming mag-asawa, nasingit pa namin ‘yung kahit tulog na si Everisha.Habang nagkakape kami ni Everett sa terrace, biglang tumunog ang telepono niya. Sinagot niya iyon nang mabilis, at kahit hindi ko naririnig ang kabilang linya, kita ko sa mukha niya na may seryosong bagay siyang nalaman.“Misha, honey,” tumingin siya sa akin matapos ibaba ang telepono. “They’ve spotted him.”“Him?” tanong ko, kahit alam ko na kung sino ang tinutukoy niya.“Yes, it’s Teff,” sagot niya habang mabigat ang boses niya. “He was seen in an old hotel in Manila. He’s armed and disguised. Nobody dared to approach him.”Tumigil ang oras para sa akin sa mga sandaling iyon. Parang biglang bumalik lahat ng takot, galit, at sakit na idinulo
Everett’s POV“Misha!” sigaw ko habang tumatakbo papunta sa kanya.Kitang-kita ko kung paano siya bumagsak sa lupa, hawak ang dibdib. Ang dugong dumaloy mula sa tama ng bala ay kumalat sa kaniyang damit at sa semento. Parang tumigil ang mundo ko sa sandaling iyon.“Stay with me!” halos pasigaw kong sabi habang niyakap ko siya. Nakita ko ang sakit sa mga mata niya, pero mas matindi ang takot ko. Takot na baka mawala siya sa akin.“Don’t close your eyes, Misha,” bulong ko, pilit na nilalabanan ang panginginig ng boses ko. “You’re going to be okay.”Ngunit mas lalong bumigat ang pakiramdam ko nang makita ko ang maputlang mukha niya. Para akong sinasakal sa bawat segundo na hindi ako makagawa ng paraan.“Call an ambulance!” sigaw ko kay Conrad na mukhang natulala pa sa nangyayari.“On it!” sagot niya habang nanginginig na dinukot ang telepono sa kaniyang bulsa.Habang hinihintay ang ambulansya, pilit kong pinipigil ang pagdurugo gamit ang punit na bahagi ng damit ko. Nang magmulat si Misha
Everett’s POVHabang nakaupo kami sa matigas na bangko sa labas ng operating room, halos hindi na gumagana ang utak ko. Isang salita lang ang umiikot sa isipan ko—Misha. Pilit kong tinatanggal ang imahe ng duguan niyang katawan sa kalsada, pero parang pilit itong bumabalik sa akin. Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang kaba na nararamdaman ko. Kanina, inalok ako ng kape ng mga kasama ko, pero tumanggi ako dahil baka lalo lang akong kabahan.“Everett, you should rest,” sabi ni Conrad na nakaupo sa tabi ko. Siya ‘yung kanina pa inom nang inom ng kape para lang hindi antukin.“I can’t,” sagot ko. Hindi ko na kayang ngumiti o magkunwari. “Not until I know she’s okay.”Hindi ko matiis ang lungkot at pag-aalala sa mukha ng mga magulang ni Misha. Sa kabila ng sitwasyon, kailangan kong maging matatag para sa kanila. Si Everisha naman, kahit tahimik, ay halatang namumugto na ang mga mata sa kakaiyak.“Sir Everett,” bungad ng isa sa mga bodyguard namin na nasa tabi ko. “May room na po para
Misha’s POVIlang araw na akong nandito sa ospital, kahit pa paano, nagpapasalamat ako kay Lord kasi unti-unti na akong lumalakas. Mula sa malambot na kama ng private room dito sa ospital, naramdaman kong unti-unting bumabalik ang lakas ko. Ang puting kurtina ay sumasayaw sa ihip ng malamig na hangin mula sa aircon. Sa wakas, hindi na bigat ng kaba ang nararamdaman ko kundi gaan ng kasiyahan dahil tapos na ang kaguluhan.Ang daming taong nagmamalasakit sa akin. Hindi ako nawawalan ng bisita—mula sa mga staff ng hotel ko, mga business partners, at mga kaibigan. Halos araw-araw, may pumapasok sa kuwartong ito na may dalang bulaklak, prutas, o pagkain.Pero ngayong araw, isang espesyal na bisita ang nagdala ng kakaibang saya.“Misha!” malakas na boses ni Ayson mula sa pinto, bitbit ang dalawang malalaking basket ng prutas at isang box na halatang puno ng pagkain.“Wow,” sabi ko na hindi mapigilang mapangiti. “Parang catering service na ‘yan ah!”Tumawa si Ayson habang inilalapag ang mga
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d
Miro POVOras na para bumawi kay Ramil. Nanghingi siya ng tulong sa amin na kung maaari ay i-rescue na siya kasi nahihirapan na siya sa kinalalagyan niya ngayon.Ako mismo ang nagmaneho ng sasakyan habang tahimik kami sa loob. Kasama ko sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Dapat, nagbabakasyon sila ngayon sa Palawan kasi matagal na nila itong na-book. Pero dahil nakatanggap kami ng problema, hindi ko na muna sila pinatuloy kasi baka maging maaga ang paggalaw ni Vic. Ayaw ko naman na wala sila kapag lumaban na ulit kami, parang kulang na kasi ako kapag wala sila. Hindi ako nakakapag-isip ng maayos kapag wala ang mga tito ko. Oo, may Samira akong matapang at matalino, pero iba pa rin talaga kapag may nakakatanda na nangangasiwa sa amin.Tanggap ko nang parang hindi ako mafia boss, oo, mas babagay ito kay Samira, pero wala na akong pakelam ngayon sa posisyon na iyon. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay matapos ang gulo, wala ng problema at dapat puro kasiyahan na lang.“We finally trac
Samira POVWala pa man ang gulong magiging dala ni Vic, pero ang balita tungkol sa pagbabalik niya ay sapat na para yanigin ang katahimikan ng lahat. Ngunit kahit na natatakot ang lahat, hindi kami puwedeng manatiling walang ginagawa. Walang nakakaalam kung ano ang mga kaya niyang gawin kaya halos parang nanganga pa kami.Sa totoo lang, hindi kami nahirapang pabagsakin si Don Vito, walang masyadong labanan na nangyari, kasi dito pala kami mapapasabak ng husto kay Vic. Pero sana, gaya nang pagbabagsak namin kay Don Vito, ganoon din kadali ang kay Vic.Kaya ngayon, dinala ko sina Mama Ada at Ahva sa garden ng mansiyon para simulan ang isang bagay na mahalaga naming gawin ngayon, at ito ay ang matuto na rin silang lumaban.“Okay, start with your stance,” sabi ko habang pinaposisyon ko si Ahva at Mama Ada. “Feet shoulder-width apart. Arms up. Chin down.”“Like this?” tanong ni Mama Ada, na medyo nag-aalangan habang tinaas ang dalawang kamay.“Yes, ganiyan nga. Pero relax lang po, Mama. Hi
Samira POVPawisan at halos humihingal kaming dalawa ni Miro matapas ang umaatikabong pagse-sëx. Galing si Miro sa isang event at tipsy ito nung umuwi. Pagpasok niya rito sa kuwarto namin, bigla na lang naglambing. Hanggang sa magtanggal na kami ng saplot at wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya na lang.Matutulog na dapat ako, pero biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa may nightstand. Mabilis ko iyong kinuha, akala ko ay notification lang mula sa social media, pero natigilan ako nang makita ang pangalan na naka-flash sa screen.Si Ramil, tumatawag. Nung una, inisip ko na baka ibang tao, baka may nakakuha lang ng phone niya. Pero nang sagutin ko ang tawag niya, doon na ako lalong nagulat.Buhay pa nga si Ramil.“Ramil?” mahinang tawag ko sa kaniya na halos pabulong lang.“Samira,” bulong rin niya mula sa kabilang linya at agad kong naramdaman ang takot sa boses niya. “Walang oras para magpaliwanag, pero nakatakas ako nung dakpin ako ng mga tauhan ni Don Vito nun. Nung hinahabol