Beranda / Romance / Seducing My Hot Ninong Everett / 0697: Season 4 (Epilogue)

Share

0697: Season 4 (Epilogue)

last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-09 16:38:33

Samira POV

Pagkapasok pa lang namin sa malaking gate ng mansiyon ay pansin namin ni Miro ang kakaibang katahimikan ng paligid. Saka, hindi kami sinalubong ng mga kasambahay niya na dati ay marinig lang ang kotseng paparating o papasok sa parking ay nagkukumarat na sila ng takbo para salubungin kami.

Karga-karga ni Miro si baby Samiro habang nakayakap ako sa braso niya, dahan-dahan kaming lumakad papasok sa loob. Inaalalayan niya ako kasi mabagal pa akong maglakad.

“Bakit parang tulog ang mga tao sa loob?” tanong niya sa akin na dapat ay siya ang mas nakakaalam ng ganap sa loob kasi bahay nila ‘yan. Pero ako, iba ang napi-feel ko. Ang pamilyhang Tani kasi ay mahilig manggulat. Pakiramdam ko ay may magaganap na gulatan na naman.

“I don’t know... baka mamaya may surprise na naman kayo diyan,” biro ko pero kabado rin sa loob-loob ko.

Pagbukas ng pinto ng mansiyon, napatango na lang ako kasi tama ang hinala ako. Pagkakita nila sa amin, sabay-sabay silang sumigaw.

“Welcome home!” sabi nil
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Sab Vareigh
salamat po sa napakagandang kwento nla Samira at miro...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0835: Season 5 (Chapter 118)

    Ahva POVRamdam ko pa rin sa kamay ko ang lagkit ng dugo ni Kara kanina. Kahit na nakahinga na ako nang maluwag, parang nananatili pa rin sa loob ko ‘yung kaba. ‘Yung takot na baka hindi na namin siya maabutan kanina kung hindi ako sumugod dito sa dorm niya.Nakahiga na ngayon si Kara sa kama, mahimbing na natutulog. Maputla pa rin, pero hindi na kasing putla tulad kanina. ‘Yung dibdib niyang kanina ay halos hindi ko makita kung gumagalaw, ngayon ay maayos na ‘yung paghinga niya.Si Amon, nakaupo sa sahig habang nakasandal sa pader. Hawak pa rin niya ‘yung maliit na boteng pinanglinis namin ng sugat kanina. Si Cael naman, halos nakayuko na sa pagkaupo, parang mamamatay na sa antok. Si Penumbra, kalmadong nakapikit pero halatang hindi tulog, nagbabantay lang talaga. Si Nyra, hawak pa rin ‘yung tuwalya na ginamit namin sa ulo ni Kara.Lahat kami, parang sabog, pero masaya dahil magandang experience din namin ito.Kanina, halos hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nang bumuhos ulit ‘yung

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0834: Season 5 (Chapter 117)

    Ahva POVHapon na nang mapatingin ako sa relo. Eksaktong alas tres na ‘yun. ‘Yon na ang oras na ko kay Kara para linisin ulit ang sugat niya. Kahit na medyo nakakapagod ang araw dahil sa training kanina, hindi ko puwedeng ipagpaliban ‘to. Nangako rin ako kay Kara, kaya kailangan kong tuparin.Habang naglalakad ako papunta sa clinic, tahimik na agad ang paligid, siguro dahil karamihan ng estudyante ay nagpapahinga na pagkatapos ng mahaba-habang training.Pagdating ko sa clinic, tahimik din. Walang tao. Pumunta ako sa pintuan ng ward kung saan ko iniwan si Kara kaninang umaga. Pero nang buksan ko ito ay wala na siya.Napakunot ang noo ko.Lumapit ako sa nurse station. “Nurse, excuse me po,” sabi ko habang medyo nagmamadali pa. “Yung patient po sa bed number 3, si Kara. Nasaan po siya?”Tumingin sa akin ang nurse, mukhang nagulat din. “Ah, si Kara? Umalis kanina, tinawag ko nga pero hindi ako nilingon, kaya hinayaan ko na, kilala naman kasi ‘yang matigas ang ulo.”“Umalis talaga?”“Oo,”

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0833: Season 5 (Chapter 116)

    Ahva POVPaglabas ko sa main building, dumiretso na agad ako sa opisina ni Miss Belinda. Kailangan ko siyang kausapin tungkol sa plano ko. Lalo na ngayon na alam kong baka may sumunod pang pag-atake na maganap. Hindi na puwedeng maging kampante ang lahat sa ngayon.Kumatok ako sa pinto. “Miss Belinda, puwede po ba akong pumasok?”“Ahva?” sagot niya mula sa loob. “Pumasok ka, hija.”Pagpasok ko, nakita ko siyang nakaupo sa harap ng lamesa, may hawak na makapal na folder, at sa gilid nito, may tasa ng kape. Sa likod niya, kita pa ‘yong bintana kung saan tanaw ang likod ng campus.“Anong pinunta mo rito?” tanong niya, habang inaayos ang mga papel.“May gusto po sana akong i-request,” sabi ko agad, habang medyo kinakabahan pa. “Tungkol sa seguridad ng school.”Tumingin siya sa akin, habang seryoso ang mukha. “Tungkol saan?”“Gusto ko po sana mag-assign tayo ng mga lalaking estudyante na magbabantay sa mga gilid ng school—lalo na sa mga parte kung saan madalas may dumadaan na outsider. Puw

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0832: Season 5 (Chapter 115)

    Ahva POVHalos dalawang oras lang ata ang tulog ko matapos ‘yong laban namin laban sa dalawang assassin kaninang madaling-araw. Lahat kami sugatan, pagod, pero buhay, at ‘yon ang importante.Habang nakahiga ako sa kama, biglang pumasok sa isip ko si Kara. Siya ang pinaka-grabe ang sugat sa amin. Tinamaan sa hita, tapos nadaplisan pa ng bala sa binti.Napabangon ako bigla. Hindi ko alam kung bakit ganito agad ang reaksyon ko, pero ramdam ko lang na kailangan ko siyang puntahan. Baka walang nag-aasikaso sa kaniya, baka nagugutom. At saka… ewan ko, parang gusto ko lang siyang makita.Kaya agad akong naglinis ng mukha, nag-ayos ng buhok, at lumabas ng Big dorm. Dumaan muna ako sa canteen at bumili ng almusal.Tocino, itlog, fried rice, at kape na nasa plastic cup. Simple lang, pero mainit pa.Habang naglalakad ako papunta sa clinic, ramdam ko ‘yong malamig na hangin ng tuwing umaga. Ang hapdi pa ng mata ko, halatang kulang na kulang sa tulog.Tahimik pa ang buong school, kakaunti pa lang

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0831: Season 5 (Chapter 114)

    Ahva POVHinarap ko na ‘yong isa. Naka-dual blade siya, at bawat saksak niya ay eksaktong-eksakto, walang sayang na galaw siyang pinapakawalan. Nakailag ako sa unang tatlong atake niya, pero naramdaman ko ang hiwa sa braso ko sa ika-apat.“Aray—” napa-atras ako, sabay putok ng baril ko. Tinamaan ko siya sa balikat, pero hindi man lang ito natumba.“Tsk, ang galing nila!” sigaw ko habang umiwas sa isa pang saksak.Si Kara, kahit sanay, halatang hirap din, e. “Hindi sila ordinaryong assassin!”“Alam ko!” sigaw ko pabalik habang sinusubukan kong i-counter ang sunod-sunod na atake ng kalaban ko.Tatlo… Apat... Lima… Halos wala akong pagitan. Lahat ng galaw ng kalaban ay kalkulado talaga, tang-ina. Pero kahit ang hirap, may mga pagkakataong nakakabawi naman ako. Isang bala sa hita, isang suntok sa tagiliran, pero kulang pa rin talaga, buwisit. Para akong nakikipaglaban sa taong alam kong wala akong kalaban-laban. Pakiramdam ko nga ay parang katapusan ko na ngayon.“Ahva, sa kanan mo!” siga

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0830: Season 5 (Chapter 113)

    Ahva POVHalos alas-dos na ng madaling-araw, kapag ganitong oras, oras na para rumonda sa paligid ng Silent Fang. Hindi lang ako, pati na rin ang mga kasama ko. Siyempre, sa laki nitong school, kailangan naming maghiwa-hiwalay at magpunta sa iba’t ibang parte nitong school.“Sandali, dadalhin ko lang itong pinagkainan natin sa big dorm, pagkatapos ay saka na rin ako roronda sa naka-assign na lugar sa akin,” paalam ni Cael.“Sige, basta, mag-start na tayo sa pagronda, mainam na ‘yung mabantayan natin ang mga puwesto na puwedeng pagpasukan ng mga kalaban,” sabi ko habang nakatingin sa kanila ng seryoso.“Mag-ingat ang lahat, okay?” paalala pa ni Amon.Tumango lang kami nila Penumbra at Nyra. Pagkatapos, doon na kami naghiwa-hiwalay habang bitbit ang mga armas namin.Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali ngayong madaling araw. Simula nang ibalita ni Eryx ang tungkol sa Red Eye, parang anytime, dadanak ng dugo sa school na ito. At sa totoo lang, kinakabahan na rin ako. Ayokong mapah

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status