MasukGirl friday sa umaga, estudyante sa gabi. Ganyan ang ikot ng buhay ni Samantha Bautista araw-araw. Pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral upang lalong matustusan ang pangangailangan nila ng nanay niyang maysakit. Wala sa mga priority niya ang pag-ibig subalit may secret crush siya sa bagong CEO ng kanilang kumpanya na si Aaron Miguel Sandejas. Isang gabing lasing si Aaron, sadyang nagtagpo ang kanilang landas at nalagay sila sa isang sitwasyon na nagpangyari upang kusa niyang isuko ang sarili sa lalaki. Pangyayari na nagresulta sa kanyang pagdadalang-tao. Napilitan si Samantha na itago ang kanyang kalagayan. Kasabay niyon ang kanyang pagbabagong-buhay nang matuklasan niya ang lihim sa kanyang tunay na pagkatao. Apat na taon ang nakalipas, muling nagtagpo ang landas nila ni Aaron. This time, hindi na niya ito boss, kundi isa na sa mga kliyente sa events planning company na pag-aari niya. Ikakasal na ang lalaki at siya ang events planner para sa engagement party at nalalapit na kasal nito. Ayos lang sana siya, kaya niyang magpanggap na wala nang epekto sa kanya ang presensiya nito. Kaso, kahit na anong tanggi niya, panay ang tanong nito sa kanya ng, “Have we met before?” Aaminin ba si Samantha? O maninindigan siya na hindi niya ito kilala at hindi bunga ang isang gabing pinagsaluhan nila na hanggang ngayon, tila hindi nito maalala.
Lihat lebih banyakSumulyap si Samantha sa wall clock. Fifteen minutes before five in the afternoon. Alanganin siyang nagpalinga-linga sa maliit na cubicle niya na katabi mismo ng opisina ni Ms. Lalaine Gutierrez, ang VP for Marketing ng Sandejas Shipping Lines o SSL. Girl friday siya ni Ms. Lalaine. Mabait ang boss niya subalit may pagka-istrikta lalo na sa oras. At sa mahigit isang taon na niyang pagta-trabaho roon, saulado na niya ang work ethics ng boss niya. Mabait at approachable ito sa labas ng trabaho. Pero during office hours, istrikta ito at hindi nagdadalawang-isip na ipakita sa kanya na ito ang boss at siya ang empleyado.
Ang sabi nito, maganda raw na training niya ang ganoon lalo at graduating na siya sa kurso niyang Bachelor of Science in Business Administration. Kapag nakuha na raw niya ang diploma niya, puwede na raw siyang i-hire permanently ng kumpanya bilang executive secretary nito, bagay na gusto rin niya sanang mangyari.
Nahihirapan pa rin siya kasi hanggang ngayon. Pinagkakasya niya ang suweldo niya sa baon niya, gastusin sa bahay at maging gamot para sa Mama niya. First year college siya nang mamatay sa isang aksidente ang Papa niya. Dahil sa lungkot at labis na pag-iisip, na-stroke naman ang Mama niya. Napilitan siyang tumigil sa pag-aaral noon upang makapagtrabaho siya at makapag-ipon para sa kanilang mag-ina. Pagkatapos ng isang taon, nag-enroll siya ulit sa university at nag-apply bilang student assistant sa library. Dahil maayos naman ang grades niya, isa sa mga professors niya ang nag-recommend sa kanya for scholarship sa SSL Foundation. At nang mag-offer ng summer job ang SSL para sa mga gaya niyang working student, hindi niya pinalampas ang pagkakataon. Na-assign siya agad sa opisina ni Ms. Lalaine bilang girl friday ng secretary nitong si Ms. Jean. Magaan katrabaho ang dalawang babae at sa loob ng halos tatlong buwan niyang pagta-trabaho roon, naging malapit ang loob niya sa mga ito. Ang sana’y summer job lang niya noon, naging part-time job hanggang sa naging contractual employee na siya ng kumpanya. Lalo na nang mag-resign si Ms. Jean, halos anim na buwan na nag nakararaan. Ayaw kumuha ni Ms. Lalaine ng ibang assistant kundi siya lang. Alam na raw niya kasi ang pasikot-sikot sa trabaho ni Ms. Jean kaya malaki ang tiwala nito sa kanya. Kaya naman laking pasasalamat niya dahil kahit paano may maayos siyang trabaho.
Kung may iaangal lang nga siya sa kalagayan niya ngayon, iyon na siguro ang madalas siyang distracted sa night class niya dahil sa pagod sa trabaho. Idagdag pa na pagdating niya sa bahay, inaasikaso pa niya ang Mama niya at ang mga pangangailangan nito sa susunod na araw. Buti na lang, nariyan lagi ang bestfriend niya at kapitbahay na si Bettina.
Sa araw, tuwing wala siya, si Bettina ang tumitingin-tingin sa Mama niya—naghahatid ng pagkain at iba pang pangangailangan nito. Dalawang taon ang tanda ni Bettina sa kanya subalit hindi ito nakapagtapos sa pag-aaral. Nakipag-live-in ito nang maaga subalit nakipaghiwalay din sa ex-boyfriend nitong mukhang walang pangarap sa buhay. Mabuti na lang at hindi ito nagka-anak sa ex-boyfriend nito. At imbes na mag-aral ulit, nagtayo na lang ito ng maliit na tindahan na siyang pinagkakabalahan nito ngayon. Mabuti na lang din, dahil hindi niya siguro alam kung paano niya hahatiin ang sarili niya sa araw-araw kung wala si Bettina.
Sumulyap siya sa kalendaryo sa table niya. Isang sem at kalahati na lang, ga-graduate na siya. Kailangan lang niyang magtiis pa nang kaunti. Magiging maayos din siya—sila ng Mama niya.
Maya-maya pa, tumunog ang intercom. “Sam, please get inside my office,” ani Ms. Lalaine. Agad siyang tumingala, limang minuto bago mag-alas singko.
Sana madali lang ang iuutos ni Ma’am, lihim niyang sabi.
Pagtuntong niya sa opisina ni Ms. Lalaine, agad na umangat ang magandang mukha nito sa kanya. Nasa early 40’s na si Ms. Lalaine, maganda at palangiti. Ngunit sa mga oras na iyon, ni hindi ito ngumiti, sumulyap lang sa kanya at muling ibinalik ang tingin sa laptop nito. Bakas ang stress sa mukha nito.
“I need your help, Sam,” umpisa nito. “Puwede bang mag-absent ka muna ngayong gabi sa klase mo?” anito habang patuloy sa pagta-type sa laptop nito.
Lihim siyang napangiwi. Ni minsan hindi pa siya nag-aabsent sa night classes niya kahit na anong pagod niya sa trabaho. Pero sa nakikita niyang stress sa mukha ni Ms. Lalaine, mukhang kailangan nga nito ng tulong niya at hindi siya makakahindi sa pakiusap nito.
Ngumiti siya. “Puwede naman po siguro, Ma’am. Wala naman po kaming exam ngayon,” sagot niya.
Nagbuga ng hininga si Ms. Lalaine, sumulyap ulit sa kanya at tipid na ngumiti. “This will be just a couple of pages, Sam. You’ll just need to encode it and then pass it to Sir Aaron at the penthouse.” Tumuro ito sa taas, sa direksiyon ng penthouse ni Sir Aaron, ang interim CEO nila sa SSL. “He wanted this report today. Tumawag na ako kay Vivianne, nag-undertime raw si Sir Aaron at may aasikasuhin. Hindi ko na ito naihabol bago siya lumabas,” paliwanag pa ulit ni Ms. Lalaine, ang mga mata nakatutok pa rin sa laptop nito. “Okay lang ba ‘yon, Sam? Hinahabol ko kasi ‘yong family dinner namin sa parents ni Raffy. I will be bringing the kids. E alam mo naman kung gaano kagulo ‘yong kambal kapag may sumpong.”
Hiwalay na si Ms. Lalaine sa asawa nitong si Raffy. Ayon sa kuwento noon sa kanya ni Ms. Jean, nambabae raw ang asawa nito dahil workaholic si Ms. Lalaine. Pero nagko-co-parenting sila para na rin sa walong taong gulang na kambal na anak ng mga ito.
Lumapit na siya sa mesa ni Ms. Lalaine. “Ilang pages po ba ang ie-encode pa, Ma’am?”
Tumigil na ito sa pagtipa sa laptop nito, inayos ang reading glasses nito bago tumingin sa kanya. “Around 15-20 pages pa. These are the reports from our last campaign 6 months ago. Kailangan daw ni Sir Aaron for a comparative study sa expenses ng ibang department. You know, Sir Aaron is a little old school. Abogado kasi. He wants everything in paper.”
Tipid siyang ngumiti bago tumango. “Sige, Ma’am. Ako na lang po ang tatapos.”
Nagbuga ng hininga si Ms. Lalaine, ngumiti. “Okay I’ll send you the file, now,” anito bago muling tumipa sa laptop nito. “There, done! Thank you so much, Sam. I owe you this one,” anito na mabilis na tumayo sa swivel chair nito at naghanda sa pag-alis. Sinipat nito ang mamahalin nitong wristwatch. “Shoot! It’s already five!” bulalas nito bago minadali ang pagliligpit sa mga gamit nito. Magkasabay pa silang lumabas sa opisina nito. “Just send me the file before you print it out. I will check it before you give it Sir Aaron. Remember, just drop the document and leave,” bilin pa nito bago ito umalis.
Pag-alis ng boss niya, bumalik siya sa cubicle niya at muli niyang tiningala ang wall clock. Sampung minuto matapos mag-alas singko. Sinilip niya ang floor kung nasaan ang department nila. Isa-isa nang nagliligpit ng gamit ang mga kasama niya roon, naghahanda na sa pag-uwi. Pero siya may kailangan pang tapusin.
Pag-upo niya sa office chair niya, agad niyang in-access ang file na kailangan niyang tapusin at nagsimulang tumipa.
Tulala si Hazel habang nakaharap sa salamin sa banyo. Paulit-ulit na nagre-replay sa kanya ang tanong ni Caleb sa kanya kanina matapos siya nitong ihatid.‘Have we met before?’‘Yon ang tanong nito. Bagay na hindi niya pa rin mawaglit sa kanyang isipan. Umiling lang siya kanina, ni hindi niya nagawang magsalita. Pagkatapos niyon, basta na lang siya bumaba ng sasakyan at dire-diretsong umuwi.Mabuti at wala pa si Caitlyn kanina nang makauwi siya. Pang-closing kasi ang schedule nito buong buwan kaya ginagabi na ito ng uwi nang nakaraang mga araw. Sigurado, kung kanina pa niya ito kasama, baka katakot-takot din na tanong ang binato nito sa kanya.Halos isang oras siyang nakatitig sa dingding ng kwarto kanina. Pinoproseso niiya ang tanong ni Caleb. Iniisip niya kung naaalala na ba siya nito. Kung naaalala na ba nito ang gabing namagitan sa kanila.Paano kung oo, dapat na ba siyang mag-resign? Baka kasi matuklasan nito ang tungkol kay Riley. O kaya naman baka pag-isipan siya nito nang masa
“It’s just a minor burn. But still, burns shouldn’t be treated lightly dahil may risk pa rin ng infection kapag napabayaan,” anang doktor na tumungin kay Hazel. “Bibigyan kita ng mas magandang burn ointment kaysa sa ginamit mo kanina,” sabi pa nito, naglabas ng ointment mula sa drawer ng mesa nito. “This will prevent scarring. He is fine, Caleb. Tell Tita Sam to not worry so much,” anito, bumaling kay Caleb na noon ay nakatayo sa may receiving room ng clinic ng doktor. Tumango ang binata. “Thank you, Rohan,” pormal na umpisa ni Caleb. “Anyway, we’re going. I’ll tell my mother we dropped by. See you sa anniversary party ng SSL. ““Of course! My parents and I won’t miss that,” sagot naman ni Rohan, tumayo na rin. Rohan Villamayor is the only son of Bettina, Samantha’s bestfriend.“M-maraming salamat po ulit,dok,” segunda ni Hazel, ngumiti sa doktor.“You’re welcome. Nasa reseta ang number ko. Kapag nagkaproblema, you can call me anytime.”“Tatandaan ko po, dok,” sagot ulit ng dalaga b
“Why are you glaring at Hazel? Ikaw ang tinatanong ko Madison. I am asking you why are you here?” pag-uulit na tanong ni Mrs. Sandejas maya-maya.Agad namang umayos ng tayo si Madison, mabilis na inayos ang sarili. “M-Ma’am, k-kinuha po akong ano… c-consultant—““Consultant?! You’re qualifications are far too mediocre to have that title,” muling putol ni Mrs. Sandejas sa noo’y natataranta nang babae.“Ang ibig ko pong sabihin Ma’am—“Bumaling na si Mrs. Sandejas kay Hazel. “What is her position here?”Pinakalma muna ni Hazel ang sarili bago siya sumagot. “Ang sabi po ni Sir Caleb, s-siya… si Ms. Madison daw po ang magtuturo sa akin nga lahat ng kailangan kong malaman sa pagiging assistant ni Sir, Ma’am.”“So you’re just here for the transition?” tanong ulit ng matandang babae, bumaling kay Madison. Tumango lang ang babae, bakas parin ang kaba sa mukha. “Doesn’t make a difference. I don’t trust the likes of you getting close to Caleb. You are a flirt and ambitious. Alam na alam ko ang
“Miss, are you okay? Do you want us to bring you to the hospital?” pukaw ni Samantha Sandejas kay Hazel nang sandaling matulala siya.Hindi niya alam kung paano pakikiharapan ang matandang babae. Ni sa hinagap, hindi niya hiniling na makaharap ito o makausap man lang. Subalit, bakit tila tadhana na ang gumagawa ng paraan para unit-unti niyang makilala ang mga Sandejas?Parusa ba niya ‘yon? O talagang kinukunsensiya lang siya ng langit sa ginawa niyang paglilihim kay Riley?Hindi naman siguro. Sana, hindi naman.Kumurap siya, mabilis na hinamig ang sarili. “H-hindi na po kailangan, M-Ma’am. Maayos po ako. Okay na po ako dito sa burn ointment,” sagot niya, alanganin.“Are you really sure?” muling tanong ng matandang babae, puno pa rin ng pag-aalala ang tinig. “I can call a doctor to check on you. Baka kasi—““M-maayos na po ako, Ma’am. Salamat po sa concern,” paniniguro niya. “Isa pa po, kailangan ko rin po bumalik agad sa opisina.”Alanganing tumango-tango ang matandang babae. “What ab






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Peringkat
Ulasan-ulasanLebih banyak