Ahva POVNag-enjoy ako sa pagkain ng popcorn, iyon nga lang, nasasayang ang iba kapag napapasigaw ang mga katabi ko, pati kasi ang popcorn ko ay damay. “Kung si Peachy sana ang katabi ko, nakaka-enjoy lalo ang movie na ito,” dinig kong sabi ni Amon.“Kasi, siya ang yayakapin mo, gaya nang ginagawa mo sa akin ngayon,” sagot bigla ni Cael kaya nakita kong bumaklas bigla ng yakap si Amon kay Cael.Kahit tuloy takot na takot ang katabi kong sina Penumbra at Nyra, natawa sila sa usapan ng dalawang boys namin.“Mabuti ka pa, parang wala lang sa iyo ang pinapanuod natin,” sabi ni Nyra.“Oo nga, kahit sa mga ganitong palabas, matapang pa rin ‘yang si Peachy,” sabi naman ni Penumbra.Pagkatapos ng sine, nagutom kaming lahat kaya nagpunta kami sa isang samgyupsal restaurant. Hindi kami tumigil sa kakakain hanggang hindi umusok ‘yung mga grills.“Ay, jusmiyo, ginutom ako doon sa kakasigaw!” sabi ni Penumbra na hanggang ngayon ay maputla pa rin ang mukha dahil sa takot.“’Yung isa diyan, bakla at
Ahva POVKinabukasan, walang masyadong gagawin sa school, pero may training sa hapon. Kaso, tungkol lang naman ‘yon sa bagong mga pasok na estudyante kaya hindi rin kami required um-attend. Kaya naman napagkasunduan naming lima na mag-mall na lang para bumili na ng mga kakailanganin sa bago naming dorm. Kahapon kasi, halos inabot na kami ng gabi sa paglilinis at pagpipintura, maayos na maayos na ang buong dorm, gamit na lang talaga ang kulang.“Oh, tara na,” sabi ko habang inaayos ang strap ng bag ko. “Mas maaga tayong makalabas, mas matagal tayong makakapili ng mga gamit natin.”“Sana may cute na kama doon,” sabi ni Nyra habang pormadong-pormado siya. “’Yung may canopy, parang mukhang prinsesa ako sa dorm natin,” sabi pa niya pero biro lang niya iyon para magpatawa sa amin.“Basta ako minimalist lang,” sagot ni Penumbra habang naglalagay ng lipstick. “Ayokong matawag na maarte, pero classy dapat.”“Ito naman, pinapatawa ko lang kayo,” sagot tuloy ni Nyra kaya natawa kami nila Amon at
Ahva POV“Saan ka pupunta?” walang student sa paligid, pero nakita ko si Tito Eryx na nakaabang sa may parking area malapit sa kotse ko. Mukhang alam niyang paalis ako.“Bibili ng pagkain ng mga kasama ko, pagod at gutom na, nililinis kasi namin ang malaking inabandonang classroom ngayon.”Lumapit siya sa akin at saka hinawakan ang leeg ko. Natakot tuloy ako na baka may makakita sa amin. “Mabuti naman at wala ka nang lagnat,” sabi niya.“Sige na, doon ka na, baka may makakita sa atin,” sabi ko sa kaniya. Ako naman ang nag-iingat ngayon, habang siya, natatawa lang habang tinataboy ko siya.Nung umalis na siya, umalis na rin ako.Dalawang kanto lang naman mula sa school ang milktea shop, kaya’t hindi ako nagtagal.Pagdating ko roon, agad akong pumila at um-order ng five large milk tea, dalawang classic pearl milk tea, isang wintermelon, isang cookies and cream, at isang Okinawa. Habang inaayos ang drinks na order ko, nilakad ko na rin ang katabing bakery.Napangiti ako sa mga mamon na b
Ahva POVTapos na ang bangayan namin nila Kara, move on na, talo ang gaga, e.Focus naman ako sa unang mission naming magkakasama dito sa school.Simula na ng pag-aayos ng bagong magiging dorm namin nina Cael, Amon, Penumbra at Nyra. At hindi lang basta dorm ito, malaki, maluwag at talagang kasya kahit sampung student. Abandonado raw dati pa ang malaking classroom na iyon dito sa school, pero sa totoo lang, napakaganda pa rin ng loob nito. Kailangan lang ng konting linis, konting ayos at kaunting lambing na rin siguro.Pumayag naman si Sir Eryx na gawin namin itong bagong dorm, pero siyempre, dahil iyon sa ‘kin. Hindi naman sa nagyayabang, pero halatang-halata na malakas na ako sa kaniya. Nag-iingat lang kaming dalawa, kasi sinabihan niya ako na hindi kami puwedeng maging sobrang kampante sa pagiging sweet dito sa school.Pagkarating ko sa room na iyon, naroon na agad sina Cael at Amon, parehas pawisan na sa pagbubuhat ng mga lumang lamesa at upuan palabas.“Hoy!” sigaw ko. “Ang aga n
Ahva POVLunes na naman. Bumalik na rin sa normal ang pakiramdam ko at nakabalik na rin ako sa school. Medyo may kaunting bigat pa rin sa katawan pero kaya na. Nanghihinayang din kasi ako sa mga ganap sa school, lalo na’t marami na ang mga kaibigan ko.Maaga akong nagising kanina, naligo ako agad at nagbihis ng bitch mode ulit, siyempre. Hindi ko alam kung anong mangyayari ngayong araw na ‘to, pero sure akong magiging masaya na naman kasi magkakasama na naman kami nila Amon, Cael, Nyra at Penumbra.PAGDATING ko sa dorm, nakangiti pa ako habang binubuksan ang pinto namin ni Penumbra. Akala ko’y siya ang bubungad sa akin, kaya nagpa-cute pa akong pumasok.Pero hindi siya ang nakita ko sa loob.“Uy—” naputol ang pagbati ko nang matanaw ko kung sino ang bruhang naroon.Si Kara.Nasa loob siya ng dorm namin, naka-upo sa kama ni Penumbra at nakapulupot ang mga braso niya sa dibdib niya. Matalim ang tingin niya sa akin, parang gusto akong lamunin nang buo. Kay aga-aga, demonyita ang kauna-un
Ahva POVPagkagising ko ng hapon na iyon, mas um-okay na lalo ang pakiramdam ko. Pagbangon ko, may nakita akong baso na may lamang juice. Hinawakan ko iyon, basang-basa ang table, siguro ay dahil nawala na ng lamig nito. Mukhang kanina pa ito nandito.Inamoy ang juice, calamansi juice pala, maligamgam na siya at wala ng lamig kaya mukhang kanina pa nga.Sigurado akong gawa ito ni Tito Eryx. Nilagay niya ito kanina habang natutulog ako. Kahit tuloy maligamgam na, ininom ko pa rin. Maasim-asim, manamis-namis at masarap siya kahit hindi na malamig. Nangalahati tuloy ako, pero hindi ko na inubos dahil baka sikmurain ako, wala pa namang laman ang tiyan ko, gutom din ako.Napalingon ako nang may kumatok sa pinto ko.“Pasok,” mahinang sagot ko habang kinukusot ko pa ang mata ko.Pumasok si Manang, dala ang maliit na tray na may kasamang sopas, gamot at isang baso ng tubig.“Ahva, iha… umuwi na si Tito Eryx mo kanina lang. Hindi ka na niya ginising, sabi niya, hayaan ka raw munang magpahinga.