LOGINLumi POVNung gabi, talagang tinotoo nila Kate, Livv at Nova na dito matulog sa bedroom ko. May extra bed foam namang hinanda sa ibaba ng kama ko pero heto silang tatlo, nakatabi sa akin dito sa malaking kama. Nanunuod na naman kami ng horror movie kaya magkakadikit. Sa tingin ko rin ay dito na sila matutuluyang matulog. At hindi naman ako nagkamali dahil bago pa matapos ‘yung movie ay tulog na silang lahat. Ako na lang ang tanging natirang tumapos sa movie. Hindi naman kasi nakakatakot, walang masyadong gulat factor. Nag-aabang pa naman akong sumigaw para magising sila pero maging ako ay inantok na rin kaya bago pa ako tuluyang makatulog ay pinatay ko na ang TV.Kinabukasan, nagising ako na wala na sila sa tabi ko. Mag-isa nalang ako. Nagising ako nung mag-ring ang phone ko. Tumatawag kasi si Menda. Mukhang nandito na siya sa mansion para dalhin ang laptop at ang mga naiwan kong trabaho.“Yes, Menda?” bungad ko sa kabilang linya.“Ma’am Lumi, nandito na po ako sa mansion ni Sir Sorin
Sorin POVHindi ako madalas kabahan. Sa totoo lang, mas madalas akong maging dahilan kung bakit kinakabahan ang ibang tao. Sa mga negosasyon. Sa mga transaksiyon. Sa mga sitwasyong kailangang magdesisyon nang mabilis. Palagi akong kalmado. Palagi akong kontrolado. Pero, shit, iba kasi ang mangyayari ngayong hapon. Habang nakatayo ako sa harap ng salamin at inaayos ang kuwelyo ng suit ko, hindi ko maitatangging kabado ako. Hindi dahil sa may labanang magaganap o may kaaway ako.Ang totoo ay ito ang unang pagkakataon na haharap ako sa ilan sa pinakamahahalagang business partners ng Blasco Imperial Armory bilang taong inaasahang hahawak sa kumpanya sa hinaharap. Oo, alam na rin naman ng iba na ako ang susunod na magiging CEO ng Blasco Imperial Armory.At alam kong lahat ng mata ay nakatutok na sa akin. Mula sa mga investor. Mula sa board. At lalo na mula sa mga partner naming nagmula pa sa Canada para lamang makilala ako nang personal.Napabuntong-hininga ako, pagkatapos ay inayos ang c
Lumi POVNanghina sila matapos manuod ng horror movie. Si Livv at Nova tulog matapos mabusog sa mga pagkain kanina.Ang natira nalang gising ay si Kate. “So, girl, wala ka pa bang aaminin sa akin?” tanong niya bigla nung siya na ang mag-turn off ng TV.Tumaas ang kilay ko. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko. Umiwas ako ng tingin dahil naaamoy ko kung ano ang itatanong niya.“Si Tito Sorin, ang kumpare ng Tatay Atlas mo, ano ba kayo?” dire-diretsyo niyang tanong. Nakataas din ang kilay niya. Parang tinatarayan ako.“Wala, kaibigan nga. Saka, ako nga ang general manager ng Sorin Spa, iyon lang,” sagot ko sa kaniya. Ayoko munang magsalita at magsabi sa kaniya. Hindi pa sure, baka kasi ma-jink.“Neknek mo, Lumiya! Mayroon pang general manager lang e, sa mansion din nakatira. Puwede namang sa apartment o condo na lang. Bakit kasama ka pa talaga dito sa mansion nitong si Tito Sorin?” tanong pa niya. Ayaw niya talaga akong tantanan. Gusto niya akong hulihin.Humiga ako. Umiwas ng tingin sa
Lumi POVGamit ang saklay, nagawa ko nang makatayo pagkatulog ko ng halos isang oras ata. Nakaramdam ako ng panunubig, kaya bumangon ako at nagsaklay papunta sa banyo.Malaking tulong ang binigay na ito ni Sorin. Anytime din ay puwede akong lumabas ng kuwarto at bumaba. Pero hindi muna ngayon. May lagnat ako. Ayokong maglakad ng malayo. Gusto ko lang magpahinga at pahinga din talaga ang kailangan ko sa ngayon.Hindi muna ako umalis sa banyo. Kumuha ako ng bimpo at nagpunas ng katawan dahil hindi ako naligo. Naglagay na lang ako ng kaunting sabon sa bimpo para mabango pa rin ang katawan ko kahit binti, hita, at mga braso lang. Pagkatapos nun, naghilamos at naglagay na rin ako ng skin care.Sa dami ng nangyari nitong nakaraang araw ay nakakalimutan ko ng mag-skin care.Paglabas ko ng banyo, muntik akong mapatulan sa gulat.“Jusko ka, Sorin!” sigaw ko habang nakahawak sa dibdib ko. “Para kang multong sumusulpot bigla. Lalo akong lalagnatin sa iyo,” dagdag ko pa.Tinawanan lang ako. “Gust
Lumi POVPagkagising ko kaninang umaga, iba ang timpla ng katawan ko. Nahihilo, masakit ang ulo at parang nanlalata ako.Kahit nakahiga lang ako sa kama, parang pagod na pagod pa rin ako.Late na ako nagising. Late na rin nagising si Sorin kasi alam niyang may kasambahay at kusinera na.Kaninang umaga ay may nagdala ng almusal ko. Ganoon din siguro siya kaya hindi niya ako pinuntahan kaninang umaga.Ngayong patanghali na, napadilat ako ng mata nang maramdaman ang malamig na palad na dumampi sa noo ko. Agad kong nakita si Sorin. Nakatayo siya sa gilid ng kama habang nakakunot ang noo.Base sa ekspresyon niya, mukhang hindi maganda ang nakikita niya.“Bakit?” paos kong tanong.Hindi siya agad sumagot. Sa halip ay inutusan niya ang isang kasambahay na magdala ng thermometer dito sa kuwarto para makita kung may lagnat ba ako.Ang totoo ay ayokong sabihin, kahit ang totoo ay ramdam kong mayroon na nga talaga.Lalong kumunot ang noo niya nung makita na ang resulta.“Mataas ang lagnat mo, Lu
Sorin POVHindi ko alam kung alin ang mas matigas.Ang ulo ni Lumi o ang paa niyang pilit pa ring gustong gamitin kahit halata namang namamaga pa. Mula umaga hanggang tanghali, ilang beses ko na siyang nahuling sinusubukang tumayo nang mag-isa.At ilang beses ko na rin siyang pinagsabihan.Kaya nang matapos kong ihanda ang mga sangkap para sa tanghalian at makita ko na naman siyang nakatingin sa paa niya na parang may balak gumawa ng kalokohan, agad akong napailing.“Huwag mong subukan, sige ka, lalong magtatagal na hindi ka makakapasok sa trabaho kasi lalong mamamaga ‘yan kapag lalong nabugbog.”Agad siyang napatingin sa akin.“Wala akong ginagawa ah,” pagsisinungaling pa niya.Napataas ang kilay ko at saka siya inirapan. “Iyan din ang sinabi mo kanina.”“At wala naman talagang nangyari, hindi naman ako tumatayo,” maang-maangan pa siya.“Liar, kanina pa kita nahuhuli.”Napasimangot siya, wala na kasi siyang maipalusot.Minsan talaga, para akong may inaalagaang batang matigas ang ulo.
Ada POVTahimik ang buong bahay noong umagang iyon. Nasa kuwarto lang ako, nakaupo sa gilid ng kama habang binabasa ang ilang email na may kinalaman sa upcoming photoshoots ko. Pero kahit tahimik ang paligid, parang biglang nagbago ang ihip ng hangin nang marinig ko ang katok sa pinto.“Ma’am Ada,”
Everisha’s POVTahimik akong nakaupo sa kama ko habang nakaharap sa malaking flat screen TV dito sa kuwarto ko. Ang liwanag mula sa screen ang nagsilbing tanging ilaw sa buong kwarto habang nakatutok ang mata ko sa live broadcast ng Paris Fashion Week. Hindi ko mapigilang ngumiti habang pinapanood
Everisha’s POVMalapit na umalis si Czedric papunta sa Paris kaya nag-aya siya na magpunta sa Tagaytay para makapag-date ulit kami. Hindi ko alam kung bakit biglang naisipan ni Czedric na mag-aya ng dinner dito, pero hindi ko na masyadong inusisa. Alam kong mahilig siyang magplano ng mga biglaan, l
Ada POVIsa na namang mahaba-habang trabaho ngayong araw. Ay naku, maaga palang ay parang pagod na ako. Parang mas gusto ko na lang magpahinga sa grapes farm at mansiyon ni Mishon na sobrang tahimik.Naglalakad na ako ngayon papunta sa main hall ng isang sikat na hotel kung saan gaganapin ang photo







