I was like a zombie: barely alive, walking, talking, interacting with people.
I am in the state of information overload almost losing my sanity. I don't know what to do with that kind of information I just heard. Hindi ko alam paano manimbang. It's very new to me.
Hindi ko alam kung paano kami naghiwalay ng mag-jowa with a normal slate basta ang alam ko, naglalakad na kami ngayon ng mga magulang ko palabas ng airport. Kararating lang namin ng Negros from Manila and diretso kami sa bahay na nasa exclusive village ng kabisera. Nandoon na rin ang mga susuotin ko for tomorrow's graduation.
Dapat excited na ako ngayon. Dapat masaya na ako. Dapat makahihinga na ako nang maluwag. Pero hindi ko magawa kasi kahit anong palis ng masama kong iniisip, kahit anong pilig ng aking ulo, kahit anong sapaw ng ibang isipin, hindi talaga nawawala ang ipinakaing impormasyon ni Maj at Crisha sa'kin. I know it's not their intention to mention
Holy shit.Punyemas.Hijo Deputa.Ano pa bang mura ang kayang magpawala ng sakit? My head is literally throbbing. Parang tinutusok ng karayom na halos tumibok na sa sobrang sakit.Mariin kong ipinikit ang mata as if it can take away the throbbing pain. Pero walang nagbago kaya mabilisan akong bumangon at binalanse ang sarili nang makatayo at pilit in-adjust ang mata sa nagbabantang liwanag.Una kong tiningnan ang bintana ng kuwarto ko pero close ang curtains nito. Halata naman sa maliliit na siwang na maliwanag sa labas at umagang-umaga na kahit hindi ko naman alam kung anong oras na.Habang nakatayo pa rin sa gilid ng kama, wala sa sarili akong napatingin sa wall clock ng kuwarto.11:22 AM.Tanghali na pala?Nang maka-recover kahit papaano sa sakit ng ulo ay inalala ko ang nangyari kagabi. Alam k
Madaling araw nang gisingin ako sa hotel room ko. Feeling ko nga rin hindi naman talaga ako nakatulog dahil isang katok lang ay agad akong bumangon para pagbuksan kung sino man 'yon.Nag-ayos ako at inilagay sa pedestal ang sarili. Kailangan kong umayos para makapag-isip ng maayos.Uuwi kaming ciudad para pormal na pupunta sa bahay ang mga Lizares. Pamamanhikan daw ang tawag do'n.Alam n'yo, ang dami n'yong alam! Kidding. Alam n'yo, wala na akong lakas para harapin pa ang araw na ito. Naubos yata lahat ng lakas at enerhiya ko kagabi sa mga salitang binitiwan ko kay Sonny. Hindi ko alam kung ano pa bang magiging reaksiyon ko mamaya. Parang pati ang magkaroon ng emotion ay nawala na sa akin. Ang hirap gumalaw, masiyadong masakit, masiyadong masikip. Parang tinapakan ang buong pagkatao ko. Hindi ko alam.Para na lang akong tuyong dahon ngayon, nagpapatianod pa rin sa gusto ng hangin, sa gusto ng mga mag
I am torn. Torn between mourning my feelings and be happy of what it turned out. Gusto kong umiyak, noong isang araw pa 'to, e. Gustong-gusto ko kaso ni-isang patak ay hindi man lang lumabas, ni-isang nagbabadyang luha ay hindi man lang nagparamdam sa gilid ng aking mga mata.Lumagok ako sa Heineken na hawak habang nakatitig sa lamesa naming maraming iba't-ibang klaseng pagkain na ngayo'y ubos na.Nakatulala ako matapos kong ikuwento sa mga friends ko ang lahat ng nangyari. Magmula noong ipinagkasundo kami ni Sonny, nagsimula akong maghinala, noong nalaman ko ang totoo, 'yong nangyari sa engagement party, hanggang sa nangyari kanina sa study room. Naging tahimik sila at ako naman ay natulala lang. Hindi ko alam kung bakit hindi sila agad nagpa-ulan ng tanong. Tahimik lang sila at maya't-maya ang tikhim, paggalaw sa upuan, at kung anu-ano pang movements pero ang magsalita ay wala yata sa vocabulary nila ngayon.Naka-on ca
Isang matinding singhap ang ginawa ko at umiling. Pinagmasdan ko ang ring sa kamay ko at bahagya itong hinawakan.I once imagined myself na magiging kalmado ako sa araw ng kasal ko, na iisipin kong wala lang sa akin kung ikakasal ako sa taong hindi ko naman gusto. Lagi kong iniisip kung ano ba dapat ang gagawin 'pag ipakakasal na sa lalaking pinili ng mga magulang mo. Ang pinakamabuting gawin siguro ay huwag isipin at isawalang-bahala na lamang, tratuhing hindi importante.Ngayon, dalawang araw na lang bago ang kasal pero maya't-maya ang singhap ko. Patuloy na inaalala ang mga salita ni Serg.Ilang araw na ang nakalipas, marami na kaming ginawang magkasama, pero ang mga salita ni Serg ay nanatili pa rin sa utak ko at laging bumabagabag sa akin.May gusto sa akin si Darry noong nasa high school pa lang ako.Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa gagong si Serg. Gago nga 'yon, e,
Ang sarap!Ang sarap sarap! Ang lambot. Ang lamig na may halong init. It's so cozy. It's so fluffy. Feels like I'm in heaven with a warm weather. Can I stay like this forever?Ang sarap mabuhay!Humikab ako at nag-unat ng katawan. Ugh! Ang sarap talagang matulog nang walang nang-i-istorbo. Nang walang alarm clock. Sana habang buhay ganito.Maingat at dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at ang unang nakita ng magaganda kong mata ay ang itim... kadiliman."Punyemas? Nasa impiyerno na ba ako?"Wala na akong pakialam kung may masagi man ako, basta ang importante ay makabangon ako. Saktong pagbangon ko ay nakita ko ang isang flat screen TV na diretsong nakaharap sa akin kaya nakita ko ang reflection ko sa screen nito."Nasaan ako?"Walang TV sa kuwarto ko kaya nasaan ako!!! Bakit itim ang kuwartong ito? Nasaan ba ako?!
Dumaan ang ilang linggo na nasa penthouse pa rin ako ni Darry. It feels normal kahit na malamig ang turing ni Darry sa akin. It feels punyemas normal kasi pinapatulan ko ang pagiging cold niya. I told you, varsity player ako sa larangang iyan.Gaya ng una kong sinabi, ako ang magha-handle ng Manila office namin. Hindi naman daw masalimoot ang pagha-handle ng office dito sa Manila dahil marami naman akong makakasama. My other cousins were also here, handling the other businesses under Osmeña Business Empire.Atsaka front lang naman itong meron akong iha-handle na opisina ng Osmeña Business Empire. Wala rin naman akong gagawin, binigyan lang naman talaga ako ng opisina sa malaking building na ito para may tahimik na lugar akong review place. You know naman, not a fan of group studying kaya ayoko sa review center although gusto ko sana para may challenge but I don't want to take the risk. Ganoon kasi 'yon. And besides, minsa
"Oh, hija!" Malawak pero may poise na bati ni Mommy (so awkward!) Felicity sa akin. Hinawakan niya pa ang magkabilang braso ko at hinarap ako nang mabuti.Wala na akong pakialam kung nanginginig na itong labi ko sa kakangiti dahil hanggang ngayon, kahit na nakahawak at nakaharap na ang mga magulang niya sa akin, ay hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko. Mas lalo lang nakadagdag sa bilis ng tibok ng puso ko ang maya't-mayang pagpisil niya sa kamay ko.Gaga ka talaga kahit kailan, MJ! Ang dami mo nang nahawakang kamay, ngayon ka pa talaga kakabahan? Ano ka ba? High school student? Teenager? Feeling teenager? Tanga!Nang bumeso si Mommy (hindi na ako ma-a-awkward sa susunod) Felicity sa akin ay saka lang bumitaw si Darry sa kamay ko. Halos ipatawag at pasalamatan ko ang sampung santong kilala ko dahil sa ginawa niya. Naging stable na rin ang ngiti ko kay Mommy (promise, last na) Felicity at nakapag-respond na nang maay
Kung dati, naging rason ang trabaho kung bakit nag-iiwasan kami ni Darry sa penthouse. Ngayon... ako na mismo ang umiiwas sa kaniya. Blessing in disguise din ang pagiging abala niya sa kompanya nila kaya hindi na rin niya ako binulabog pa. In short, wala kaming pansinan sa loob ng bahay.Laking pasasalamat ko na nga lang na hindi ko na kailangang magpanggap dahil uuwi na akong Negros ngayon at maiiwan siya sa penthouse kasama si Alice at Erna. Babalik din naman ako ng Monday morning. It's just a weekend with family dahil first birthday ni Kansas, na pangalawang anak ni Ate Tonette."Maligayang pagbabalik sa Negros, Ma'am MJ!" Pagkalabas ko ng airport, ang nakangiting si Manong Bong ang bumungad sa akin. Kinuha niya ang medium size luggage ko at saka pinasakay sa kotse ko na siya ang nag-drive."Hello Manong Bong! Kumusta ka na, Manong?" No'ng naisakay na niya sa likuran ang bagahe ay agad ko siyang binati.