Share

Chapter 3- News

Max's POV

It was all over the news ang biglaang pagdating ni Chase Luke Raccini, the CEO of the most famous and expensive luxury cars in the world. Namataan kasi ito sa airport at ang nakakapagtataka lang ay hindi nito ginamit ang private jet nito. It could be na baka ginagamit ng tatay nito kaya hindi niya magamit at napilitan magregular plane.

Palipat lipat ako ng channel even sa BBC ay siya yung laman ng balita ang pagdating niya sa Pilipinas. Hindi na yun nakakapagtataka dahil isang kilala at mayaman ang taong yun at talagang hindi yan tatantanan ng media.

"Grabe boss, ang guwapo pala ng Chase na yan. Amoy dollar, amoy guwapo...." Saad naman ni Baldo habang nakikinood din ito ng TV dito sa shop.

"Nga no? Mayaman na nga, guwapo pa. Nasa kanya na ang lahat." Saad ko naman. Napaka-unfair lang naman talaga ng buhay. Kung sino pa yung mayaman sila pa yung mga magaganda at gwapo.

"Sus boss, pogi ka rin naman ah. Hindi ka rin naman papahuli diyan." Saad naman ni Baldo sa akin na nakangisi pa talaga.

Iniumang ko naman sa kanya ang aking kamao. "Wala akong piso Baldo, pero ito willing na willing kong ipamigay ng libre." Saad ko rito. Naiinis ako pagtinatawag nila akong pogi. Hindi naman ako pogi. Pero ano ba magagawa ko, napagkakamalan talaga nila akong tomboy dahil nga sa pormahan ko. Kahit mahaba na nga ang buhok ko, ganun pa rin ang iniisip nila. Malamang kasi sa negosyo at interest ko pati na rin sa pagsasalita at galawan ko.

"Boss naman eh. Pero teka, kelan ulit pupunta yung girlfriend mo dito boss? Si Miss Kate." Tanong naman nito sa akin.

Bestfriend ko yun at hindi girlfriend. Pero napagkakamalan dahil nga binibisita ako, dinadalhan ng pagkain tapos yung abnormal ko na bestfriend napagkakatuwaan yung mga empleyado ko at pinabayaan pa talaga na isipin ng mga ito na girlfriend ko siya. Hindi ko na lang din itinama dahil nga nakakatawa daw yung mga mukha ng empleyado ko.

"Siguro mamaya Baldo, bakit interesado ka?" Nakataas kilay na tanong ko rito. Aba ay mukhang may gusto pa ata to sa bestfriend ko.

"Eh, wala lang boss. Syempre, parang boss na rin namin si Miss Kate dahil nga girlfriend mo siya." Nakangising saad naman nito.

S****p talaga ang isang ito. Bigla na lang nagring yung cellphone ko at nakita ko ulit si Chrome na tumatawag. Ano na naman ang kailangan nito?

"Hello Chrome, ano na naman?" Tanong ko rito.

"Good morning din!" Sarkastikong saad nito.

"Ano ba kailangan mo, keaga-aga nambubulabog ka na naman." Angil ko rito.

"Eh kasi po, itatanong ko lang sana kung libre ka ba mamayang gabi." Saad nito sa akin.

"Bakit? Anong meron mamayang gabi?" Tanong ko naman rito. May family gathering ba kami?

"Kasi may karera mamaya sa Macapagal 500k ang pot money and winner takes all." Balita nito.

Namilog naman ang mga mata ko. Ang laki nun sobra! Dati rati kasi ay hanggang sa mga 150k lang yung pot money kasi naman pustahan lang yun ng mga nagkakarera sariling pera tapos ngayon.

"Sige, sige ano bang oras?" Tanong ko kaagad.

"Alas dose, para wala na yung nga panget na nagpapatrol." Sagot naman ni Chrome. "Basta punta ka ah. Tagal mo ng di sumasali mula ng pumunta ka sa US." Saad naman nito.

Tama. Hindi na nga ako sumasali sa karera dito sa Pilipinas but it doesn't mean na hindi ako sumasali sa drag racing doon sa connecticut. Hindi na nga lang ako sumasali rito dito dahil inuna ko muna ang negosyo kasi syempre papasimula pa dati itong negosyo ko kaya hindi pwedeng may kaagaw sa oras.

"Oo syempre pupunta ako. Miss ko na rin makipaghabulan kay kamatayan." Sagot ko naman rito at sinamahan ko pa ng tawa.

"Baliw! Sige kita na lang tayo mamaya sa macapagal." Saad naman nito at binaba na nito ang cellphone.

"Boss, laki ng ngiti mo ah." Tanong ni Baldo sa akin. Malamang dahil nga syempre masaya ako. Racing makes me feel superior dahil magaling ako dun.

"Baldo, may lakad akong importante, lahat ng mga dapat papirmahan idaan mo sa assistant ko at bukas ko na pipirmahan." Saad ko dito at nagmadali na akong umalis. Aayusin at ikokondisyon ko pa yung black matte audi ko.

•••

Chase's POV

"Check the places where can we hangout tonight." Utos ko kay Adam. Kasama ko ito dito sa Pilipinas at naiwan doon sa Dubai si Claudia.

"I already have the list Sir. Tonight in Macapagal, there will be a huge drag racing event." Sagot nito sa akin.

Napangiti naman ako. If there is a thing that I love more than sex and chocolate, it is racing. "Good, let's go there tonight." Maikling saad ko. Papasok na rin ako sa suite ko dahil magpapahinga muna ako. Meron na kaming property sa Forbes pero medyo malayo yun dito at inaantok na ako dahil sa haba ng biyahe. It is hard to sleep for a cheap first class seat. Walang kuwarto at reclinable chair lang. Hindi ko naman kasi magamit yung private jet namin dahil under maintenance, unplanned naman kasi itong biyahe ko kaya hindi natapos sa oras yung maintenance ng private Jet ko.

"Yes sir. But are you sure? It could be dangerous." Saad naman ni adam.

Sanay na ako sa mga death threat na yan. Alam ko naman na galing din yan sa mga kompitensya. They can't even touch me because they will die first before they can even lay a finger on me.

"Don't worry too much. Those threats will end a threat and nothing else." Saad ko rito. Kabisado ko na ang mundo ko, and I am no longer affected with those threats. "And please pick the Ferrari 458 for the race tonight." Saad ko nito.

"Yes Sir." Saad nito at hindi na ito sumunod pa. I desired to sleep because I will be having fun tonight.

•••

Max's POV

Nagdadrive na akong papuntang macapagal. Medyo malayo ito sa tinitirhan ko tapos samahan pa ng matinding traffic. May mga matang napapatingin sa sasakyan ko. Hindi na yun nakakapagtataka dahil hindi naman kasi common rito ang audi. It's one of the luxury cars normal people can't afford. Well, normal din naman ako, regalo kasi ito ni lolo sa akin pagkagraduate ko sa masteral ko sa Yale.

Hindi ko na pinansin ang mga matang nakatingin sa sasakyan ko. Patuloy lang ako sa pagdadrive hanggang narating ko na ang venue sa macapagal. Sobrang madaming tao at marami din talagang mga sasakyan. Marami din mga babae dito na kulang na lang ay maghubad ng suot. Di pa rin nawawala ang mga show girl tuwing may karera.

Hindi muna ako bumaba sa sasakyan ko dahil alas 10 pa naman din. Kaya kita ko ang mga payabangan ng mga kapwa mangangarera. Ganito naman talaga dito. Napukaw na lang din ako dahil may kumatok sa windshield ko at nakita ko si Chrome na nakangisi at sumenyas ito na bumaba ako.

Lumabas naman ako sa sasakyan ko at doon nga napatingin sa akin ang mga tao. I am wearing a fitted white tank top and leather coat and dark fitted ripped jeans but I am wearing heeled boots. I put my hair in a ponytail dahil sagabal ito. Minsan gusto ko na nga itong ipaputol kaso baka tuluyan na akong patayin ni Mama kaya hinayaan ko na itong humaba. Hindi naman ganito ang kadalasan kong isuot, pero inaasahan ko kasi na mananalo ako kaya dress to kill ang ginawa ko ngayon.

"Looking good there cousin!" Bati sa akin ni Chrome.

"Sira! Saan na ba ang registration?" Tanong ko rito. Hindi ko kasi mahanap dahil sa dami ng tao.

"Wag ka ng mag-alala, ipinalista na kita." Saad nito at napatingin naman ito sa sasakyan ko. "Tsk, ang ganda talaga nitong baby mo. Unfair mashado si lolo, di man lang ako binigyan." Tampo pa nito tapos ngumisi din naman.

"Bulakbol ka kasi kaya hayan tuloy." Gatong ko naman rito.

"Ganyan talaga mga gwapo. Mahirap na maging perfect." Mayabang na saad nito.

"E di ikaw na itong gwapo. Hindi ako nainform na pagwapuhan pa la itong race na to." Nakaingos na saad ko rito.

Tumawa naman ito.

"Chrome!" Tawag ng isa sa mga lalaki at lumapit ito sa amin. Hindi ko ito kilala. "Hi!" Saad naman nito ng makita ako.

Tumango lang ako dito. "Papi! Buti naman at nakarating ka." Bati naman ni Chrome rito.

Mga tawagan nila parang mga pangkanto eh.

"Syempre naman Paps, hindi ako pahuhuli dito. At sino naman itong magandang kasama mo?" Tanong naman nito at sa akin na itinuon ang pansin.

Tumikhim naman itong si Chrome bago nagsalita. "Papi, pinsan ko si Max, Max Lopez at wag mo ngang sabihin na maganda yan, kinikilabutan yan." Natatawang saad naman ni Chrome.

Sarap sikuhin nitong pinsan ko, pero hinayaan ko na rin. Nasanay kasi ito na ganito kami dahil dati iniiwasan ko talagang may lumandi sa akin kaya nga pinalabas namin na tomboy ako hanggang sa nagkanda leche leche na pati yung nanay ko inakala na din na tomboy ako.

"Oops sorry." Saad naman nito na medyo nalusaw ang pagkakangiti. "I'm Chris, nice to meet you pare." Saad nito at inilahad naman ang kamay.

"Nice to meet you too brad." Sagot ko naman rito at tinanggap ko naman ang nakalahad na kamay nito.

"Mind if we all join the crowd?" Tanong naman ni Chris sa amin.

Napatango naman kaming dalawa ni Chrome pero bago pa yun, pinabantayan ni Chrome sa mga tao niya ang sasakyan ko. Mahirap na baka may sumabotahe pa.

Nakarating na kami sa grupo ng maraming tao, halo halo lang, mas marami lang lalaki kesa sa mga babae. May nakikita pa akong naghahalikan sa ibabaw ng hood na kulang na lang maghubad ang mga ito at may mangyayari na. Ginawa pa talagang kuwarto dito, di na nahiya.

"Hey pare, kumusta na! Medyo matagal na rin bago ka sumaglit dito." Saad ng isang boses na bumati kay Chrome. Marami talaga itong kaibigan sa mga ito dahil mahilig din itong mangarera kaso nga hindi nga lang ganun kagaling, ilang ulit na itong naaaksidente at muntikan pang makulong dahil sa reckless driving.

"Of course, hindi pwedeng mawala ako sa gabing ito. By the way kasama ko si Max." Saad nito at itinuro naman ako.

Nanlaki naman ang mga mata ng mga tao dun. I have a hint kung bakit.

"You mean, Max? Max Lopez, the legendary drag racer?" Gulat na saad ng isa doon sa grupo.

As in? Legendary talaga? Ang alam ko na mga legends eh mga patay na. Buhay na buhay pa kaya ako.

"Living legend pare." Saad naman ni Chrome.

Hindi na ako nagsalita. Matagal na yun na panahon, college pa ako nun dito sa pilipinas. Hanggang ngayon ba kumakalat pa rin ang pangalan ko sa kanila?

"Wow. Finally I got to see the real deal. I mean sa mga videos ko lang kasi nakikita ang mga karera mo and when I joined wala ka na." Saad naman nito. "By the way, I am Tommy." Saad nito at inilahad naman ang kanang kamay nito.

"Nice to meet you Tommy." Sagot ko lang at tinanggap ang kamay nito.

"I'll look forward competing with you pare." Saad nito sa akin.

"Sure." Saad ko na lang. Sabi ko na nga sa isang tingin lang mapagkakamalan na akong tomboy. But it doesn't bother me kesa naman babae ang tingin ng mga ito sa akin at baka landiin lang ako ng mga ito.

Napalingon na lang kami ng may dumating na mga nakaconvoy, apat na black hummer at pinagitnaan nito ang isang shit, red ferrari, hindi ko lang matukoy ang model dahil hindi ko pa ito maaninag ng mabuti. But this car is a killer!

Then the five cars parked and everyone pooled down to look who is the new comer to the event.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status