Share

Special Chapter 4

Selene's POV

Umagang-umaga ay naglalakad na ako dito sa loob ng manggahan ng mga Montero. Kailangan ko kasing ihatid ang baon ni nanay na ngayon ay nasa manggahan din at tumutulong sa pag-aani. Oo natanggap si nanay sa mansyon ng mga Montero at dahil sa kakasimula pa lang ni nanay ay tumutulong muna siya sa manggahan pero pansamantala lang yun.

Dito sa nilalakaran ko ay wala akong nakikitang mga tao. Lahat ng mga puno ng mangga dito ay tapos ng maani kaya sa kabilang bahagi ng Hacienda ang pupuntahan ko. Medyo malayo-layong lakaran yun at nakakahiya naman kung sasakay pa ako ng cart para sa personal na dahilan. Kaya mas pinili ko na lang na maglakad.

Hindi naman gaanong mainit dahil marami naman ang lilim dito kaya okay na din sa akin. Sariwa din ang hangin kaya masarap sa pakiramdam ay hindi ako nakakaramdam ng pagod. Nakasuot lang ako ng isang manipis na pajama at isang t-shirt na may print ng Hello Kitty.

Ipinangko ko rin ang aking buhok at bitbit ko ang basket kung saan laman ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status