Share

CHAPTER 16- THE SEASIDE AND HIS FRIENDS

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Maaga rin kasi ako nakatulog kagabi. Malaki ang pasasalamat ko kay Jacob dahil hindi talaga siya umalis hangga’t hindi ako nakakapag-settle nang maayos sa kuwarto. He made me feel that I am safe with him just like he always says.

Paglabas ko ng aking silid, agad kong nabungaran ang mga pagkaing nakahain sa lamesa. Inikot ko agad ang aking paningin sa paligid. Dumungaw rin ako sa nakabukas na bintana pero wala siya sa loob at labas ng bahay. Sandali kong naituon ang aking atensiyon sa papasikat na araw.

Saan kaya siya pumunta?

Pagbalik ko sa lamesa, nakita ko ang isang sticky note. Lumapit ako nang maigi para makita ko kung ano ang nakasulat doon.

Eat your breakfast.

See me at the seaside.

Iyon ang nakasulat doon. Kinuha ko ang sticky note at marahang tinupi at nilagay sa bulsa ng suot kong denim na tokong na above the knee ang sukat.

Gaya nang sinabi niya, kumain muna ako at nagsipilyo. Maliligo na rin sana ako, pero naisip kong huwag na muna dah
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status