Biglang lumiwanag ang paligid nang makaalis na sila. Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Zek. Hinawakan niyang muli ang aking kamay at nagyaya na itong bumalik sa palasyo. Alam kong si Lala ang dahilan bakit sila umalis. Alam kasi nila na hindi nila kaya si Lala. Masyadong malakas ang pwersang bumabalot kay Lala. Nakita ko naman na huminahon na ito at bumalik sa anyong tao.
“Patawad, Liah hindi kita tuloy na pasyal sa ilog,” ani naman ni Zek.
“Wala kang dapat na ihingi ng tawad. Hindi naman natin gustong mangyari ‘yon.”
“Aish!” malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito.
“Lulutuan na lang kita,” ani ko para kahit pa paano ay mawala ang pagkadismaya nito. Agad ko naman napansin ang ngiti sa labi nito.
“Liah, please,” nagsusumamo niyang sabi. Isang salita pa nito ay mawawalan na ako ng lakas ng loob na umuwi. Hindi ko matitiis na hindi siya pansinin. Kahit ako ay nahihirapan, ayokong umalis, ayokong mawala siya sa paningin ko. Pero hindi ko maitatanggi sa puso’t isip ko ang sakit na nadarama ko. Parang tinutusok ang mga karayom ang dibdib ko. Halos hindi ako makahinga nang mabuti.“Nais kong mapag-isa, Zek,”Nakitang kong yumuko ito, nanlulumo, ramdam ko rin na nasasaktan ito. Pero wala akong magagawa. Sa ngayon sarado ang isip ko sa kanyang paliwanag. Kailangan kong mag-isip at kailangan ko nang umuwi.“Papayagan kitang umalis, Liah, basta ipangako mo ang isang bagay,” ani nito sa masuyong boses. Lumunok muna ako bago ko siya tinugon.“Ano ‘yon?” Pilit kong pinapatatag
Sa bawat araw na dumaan, sa bawat oras na lumilipas, hindi mapigilan isipin ni Zek ang mga nangyayari. Nagising siyang mahal na niya si Liah. Nagbago lahat nang dumating ang dalaga sa buhay niya. Nagbago ang pananaw niya, nagbago ang mga bagay na nasa paligid niya. Ngunit sa isang iglap, sinira ng isang babae ang parangarap niyang buhay kasama ang babaeng mahal niya. Hindi niya kayang mawala si Liah sa buhay niya, gagawin niya lahat at papatunayan niya na hindi siya ang ama nang dinadala ni Laura. Dahil kahit kailan ay hindi siya nagkaroon ng interest sa babae. Hindi niya nakasama sa kama ang babae, kaya napakaimposibleng siya ang ama. Umalis siya sa kwarto ni Liah, dahil hindi na niya kayang makita na aalis ang babaeng mahal na mahal niya. Tumungo siya sa kanyang silid at nagpahangin sa kanyang balkonahe. Hindi niya mapigilan malungkot, hanggang sa tuluyan na siyang lumuha nang tahimik.
Tangan-tangan ni Liah ang kaniyang pana at alam niyang nasa tabi niya si Lala, tahimik siyang lumabas ng kaniyang silid. Hindi siya mapakali simula nang makita niya ang mga lobong kausap ng ama ni Laura. Pamilyar sa kaniya ang mga lobong iyon. Iyon ang mga lobong nakita niya na bumisita noon sa kanilang kaharian. Nais niyang matukoy kung ano ang kanilang plano, at bakit nila kausap ang ama ni Laura. Nang nakalabas na siya ng palasyo ay agad na nilabas niya ang kaniyang wand at tinawag si Lala. Ilan sandali pa, ang wand ay nag-iba na nang anyo, at bumungad si Lala, na tila tinatamad at antok na antok pa.“Lala, ano ba?” inis na tanong ni Liah sa kaniyang pantas.“Teka, ito na―mag-aanyong ibon na po.” Ilang sandali pa ay nag-anyong ibon si Lala. Agad naman sumakay si Liah sa likod ni Lala. Alam ni Liah ang amoy ng mga lobong ‘yong at kung kailangan niyang gumamit ng portal ay gagamitin niya, p
“Hindi ko alam kung ano ba ang kailangan mo, bakit gustong-gusto mo akong patayin?!” Nanlilisik ang mga mata ni Liah, habang naglalakad patungo sa gawi ni Annabelle. Unti-unti rin siyang lumalabas mula sa pagiging invisible. Bakas sa mukha niya ang galit at selos na namamayani sa kabuan niya. “Sa wakas nagpakita ka na rin! Nagagalak akong makita kang muli!” “Bakit? Gigil na gigil ka na bang patayin ako?” “Ooh?” mapang-insultong sambit ni Annabelle, habang tinatakpan ng kamay niya ang kaniyang bibig. “Pa’no mo nalaman? Ang galing mo namang manghula.” Dagdag niyang pang-iinis, lumapit si Annabelle sa kaniya at bigla niyang sinampal si Liah. “Hindi mo alam? Ha!?” sigaw siya sa mukha ni Liah. “Damn it, Annabelle! Wag mong saktan si Liah!” Sigaw ni Zek. Wala itong magawa dahil nakagapos ang katawan nito ng mga ugat. Nag-aa
Hindi mapigilan ni Liah, ang sarili. Niyakap niya si Zek nang mahigpit hanggang sa lumuha na siya nang tuluyan. Bumuhos ang malakas na ulan. Mas lalo lumakas ang iyak ni Liah sa bisig ng prinsipe. Hindi niya alintana na unti-unti nang nawawalan ng bisa ang kaniyang salamangka na ginamit kay Annabelle. Niyakap siya ni Zek, kahit hinang-hina na ang prinsipe. Naging emosyonal si Liah nang mga oras na iyon. Hindi na niya mapigil ang pagod, pangamba at pag-aalinlagan sa mga bagay. Parang nawawalan na siya ng pag-asa. Sa kaniyang kahinaan mababakas ang unti-unting pag-usbong ng kasamaan. Unti-unti na rin napagtanto ni Liah ang kaniyang pagsubok. Haharapin niya lahat, wag lang mawala ang lalaking pinakamamahal niya. Mas lalo pang lumakas ang ulan at ang ihip ng hangin, isa-isa na rin binabaklas ni Annabelle ang mga ugat sa kaniyang katawan. Tuluyan nang nawala ang salamangka na ginamit ni Liah. Sumilay naman ang ngiti sa labi ni Annabell
Isang malalim na singhap ang pinakawalan ni Lala, bago tuluyang mawalan ng malay. Habang si Ezra ay hindi mapigil ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Bumuhos ang malakas na ulan at dumilim ang buong paligid. At lahat ng dahon ng mga puno ay sinasayaw ng hangin patungo sa isang kawalan. Hindi niya maigalaw ang buo niyang katawan at nanginginig ang buo niyang kalamnan. Nang maramdaman ang lamig ay kaniyang napagtanto na malapit na pala sila sa kinaruruunan nila Zek at Liah. At gano’n na lamang ang kaniyang pagkagimbal nang makita sina Zek at Liah, na nakahandusay sa lupa at walang malay. “K-kuya?” mahinang sambit niya. At unti-unting humahakbang ang kaniyang mga paa patungo sa kaniyang kapatid. “A-ate, Liah?” Humahalo ang patak ng ulan sa kaniyang mga luha, hindi niya mapigilan ang impit na pag-iyak. Niyugyog niya ang kaniyang kapatid para magising, pero kahit anong gawin niya ay wala pa rin itong malay.
Hindi maintindihan ni Zek kung ano ang nangyayari, hindi niya mahagilap sa isip niya kung ano ang dapat niyang gawin. Inaalala niya ang nangyari kahapon at naalala niyang biglang naglaho ang babaeng tinatawag ni Liah na Annabelle. Palaisipan pa rin sa kaniya bakit lagi sumusulpot ang babae at balak na patayin ang babaeng mahal niya. “Kuya?” Isang boses ang pumukaw sa kaniyang pagmumuni-muni. Sinundan niya ang boses at nakita niya ang kaniyang kapatid. “Ezra? Oh? Bakit?” “Are you ready for your wedding?” masiglang tanong nito sa kaniya. “What? Wedding?” takang tanong niya. “Yeah. You’re gonna marry, Laura? How could you not remember?” Nag-isip ang binata at naalala niya na buntis ang babae at siya ang tinuturong ama ng bata. Iyon ang dahilan bakit sila humantong sa ganitong sitwasyon. Kailangan niya munang ayusin ang gusot na ito bag
Tumungo si Tara at ang reyna sa kulungan, kung saan nila kinulong ang bruha. At habang papalapit sila nang papalapit sa kulungan, biglang lumitaw ang ina ng reyna. “Nabalitaan ko ang nangyari, Airah.” Lumingon naman ang anak niya na hindi na nagulat na bigla na lamang sumulpot ang mahal niyang ina. Habang si Tara ay tahimik na nagmamasaid sa paligid, dahil baka may nagtatagong kalaban sa gilid-gilid. Madilim, masikip at mga batong pader ang kanilang dinadaan. At sa bawat hakbang nila ay binubuksan ni Tara ang mga sulong nakadikit sa pader na bato. Unti-unting lumiliwanag ang paligid. “Paano nawalan ng bisa ang mahikang nilagay ko?” tanong ng inang reyna. Halatang nagtataka ito sa mga nangyari. “Malapit na ang kabilugan ng buwan, Ina, at nagsisimula na silang maghasik ng lagim sa bawat parti ng mundo.” “Naramdaman ko ring nakauwi na ang aking apo, Airah.” Yumuko ang reyna, dahil hindi ni