Share

Pahina 4

"Buti nalang talaga hindi connected sa mga mayayamang Alvarez si Demus ano?" Nakangiting sambit ni Aki ng mag lunch break kami.

Hindi ko na lamang siya pinansin pa sa mga pinagsasasabi niya at hinayaan siyang magdadadaldal habang papunta kaming Canteen.

Bumili kami ng makakain at gaya ng kanina ay maingay padin si Aki.

"Alam mo sayang talaga siguro if ever connected si Demus sa mayayamang Alvarez ano?" Sambit niya na naman eh kanina niya pa nga paulit-ulit na sinasabi 'yan eh.

"Alam mo tigilan mo na 'yan kakabanggit sa kaniya okay? Hindi ako interesado." Sambit ko at biglang tumayo sa pagkakaupo.

"Hoy, sa'n ka pupunta? Galit agad?" Pahabol na tanong sa'kin ni Aki.

"Cr lang muna ako, okay?" Sambit ko at tuluyan muna siyang iniwan doon.

Naglakad ako papuntang CR. Inisip ko ang sinabi kanina ni Akishia.

Paano kung relatives niya at konektado nga siya sa mga Alvarez? Magiging mabait ba ako sa kaniya? Pero hindi naman din tama kung pakitaan ko siya ng mali diba pero kahit konektado man siya o hindi mukhang mabubwesit naman din ako sa lalaking iyon ng kusa eh.

Bumuntong hininga ako at hinugasan ang kamay ko bago naghanap ng bakanting cubicle.

Ngunit laking gulat ko pagkatapos kong itulak ang pinto ng isa sa mga pinto.

Bumungad sa akin ang lalaking si Demus habang nakahawak sa noo niya.

"Argh!" Usal niya dahil mukhang napalakas ata ang tulak ko sa pinto.

"Nakanang! Ano ba kasing ginagawa mo diyan?" Natataranta kong tanong sa kaniya habang nanatili siyang nakahawak sa noo niya.

"Kinginang yan, malamang nagsi-CR ako. Peeking through the door huh?" Sambit niya kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Baliw ka ba? Bakit naman Kita sisilipan ha? At tiyaka bakit ba kasi di ka nagla-lock ng CR?" Iritado kong tanong sa kaniya.

"Eh kung kumatok ka kasi muna. Kakatanggal ko lang ng lock dahil lalabas na ako. Hindi ko alam na sumisilip ka pala riyan." Nakangisi at nakapang-aasar niya ng sambit ngayon.

"Anong sinasabi mong naninilip?" Iritado ko na talagang sambit at bahagya siyang tinulak para makadaan ako.

"Tabi nga riyan." Saad ko ngunit bago pa ako makadaan ay gulat ako ng bigla niya akong hilahin at iharap sa kaniya.

"Ang sungit mo naman, pero ayos lang babaguhin ko din iyan balang araw." Nakangising sambit niya bago binitawan ang kamay ko at umalis.

Umirap ako at pumasok na ng cubicle habang iniisip ang sinasabi niya.

Yabang talaga!

Inis akong bumalik sa lamesa namin ni Aki kaya panay ang tanong niya pero binalewala ko na lamang siya.

"Alam mo huwag ka na masiyadong magsungit Klawde nababawasan kapogian mo, okay?" Saway niya sakin pero umiling-iling lang ako.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na agad kami sa mga classroom namin at nagpokus sa klase.

Nagkaroon din ng election of officers sa loob ng classroom ngunit agad akong nainis ng i-nominate ako ng pisteng Demus na iyon at nanalo naman ako ng iboto ako ng mga kaklase. He even Selected himself as a Secretary. 

Anong trip niya sa buhay, hindi niya ba naisip na hindi bagay sa lalaki ang magsekretarya sa Klase. Tss.

Pinatayo kaming lahat sa harapan ng classroom at inisa-isa ang posisyon namin.

"So Mr. Claude is our new President. So Mr. President starting tomorrow you'll always remind Mr. Secretary para mailista lahat ng mga Activities na ipapalista ko araw-araw." Iyan ang naging bilin saamin ng Advicer namin na mas lalong nagpabanas sa akin.

Bwesit na yan. Ayoko ng dagdagan pa obligasyon ko, Hays busy akong tao, okay? Ano ba namang buhay 'to.

"Hoy, ikaw talaga bwesit sa buhay ko kahit kailan!" Iritado kong singhal sa nakatalikod na si Demus sa gawi ko.

Hawak-hawak niya ang bisekleta niya dahil kapwa kaming pauwi na dahil tapos na din ang klase.

Hinarap niya ako at binitawan niya sandali ang bisekleta niya at dahan-dahang naglakad sa gawi ko.

"What's wrong lil' boy?" Tss akala niya ba bagay sa kaniya ngumingisi pa na halos labas na ang gilagid niya.

''Ano ba talagang problema mo sa'kin? Ayokong mag officer sa classroom!" Sigaw ko dahil naiinis na talaga ako sa pambubwesit niya sa'kin eh kakakilala lang namin puro kamalasan na dala niya sa'kin

"Talaga? Ngayon mas nakakatuwa kasi effective pala ang ginawa ko pero ayos lang, mas madalas mo akong makakasama. Ang swerte mo, Mr. President." He said sarcastically then smirked.

"F*ck you Demus! F*ck you!" Galit ko ng sigaw sa kaniya. Iritang-irita na ako, kutang-kuta ka na sa araw na 'to. Kapag bukas ay ginulo mo pa araw ko, sasamain ka.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status