Share

Pahina 3

"THEN AND NOW"

"Hi Claude." Panay ang lingon ko sa hallway papunta ng classroom dahil sa mg kakilalang panay ang bati sa akin.

Ngiti at kaway nalang ang isinusukli ko. Hindi naman sa kilala ako sa School na 'to pero kasi madalas pag may kailangan ang mga estudyante rito sakin sila lumalapit at tiyaka bukas naman akong lagi para tumulong.

"Omooo!!!" Isang tili ang bumungad sa akin ng makasalubong ko ang pinakamaingay na babaeng nakilala ko sa tanang buhay ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng mabilis siyang tumakbo palpit sa'kin at pinulupot ang kamay niya sa leeg ko tiyaka ako niyakap.

"Owemjiee!! I misss you Klawwdey!!" Napairap nalang ako sa paraan niya ng pag banggit ng pangalan ko, tss pasaway.

"Pwede ba Akishia ilang buwang natahimik ang buhay ko noong nagbakasyon tapos ito ka na naman, walang pinagbago." Iiling-iling kong sambit ngunit ngumuso naman agad siya at krinus ang mga braso tiyaka ako sinamaan ng tingin.

"Di, biro lang. Halika dito." Pang-aalo ko tiyaka siya niyakap ng mahigpit kaya nagpatuloy kami sa paglalakad habang inaakbayan ko siya.

"Klawde alam mo ba?" Biglang sambit ni Aki habang naglalakad kami na para bang may baon na naman siyang tsismis.

"Hindi." Sarkastiko ko namang tugon.

"Ano ba, makinig ka muna. Kasi may bagong poging transferee ngayon. Yieeeeeee!!" Agad kong tinakpan ang tenga ko dahil sa manipis at masakit sa tengang tili ni Aki.

"Tss, Ilang lalaki ba ang wawasakin mo every school year Aki? Last year 'di ka pa nadala dun kay Neil noong naglasing at ni-harass ka." Pag papaalala ko sa kaniya kasi ugali niya na talaga na pag may bago sa mata niya ay hinaharot niya agad at pag naging clingy na sa kaniya hinihiwalayan niya pagkatapos.

Umiling-iling ako at nanguna na sa kaniya sa paglalakad.

Akishia is my childhood best friend, we used to go to school together, almost everyday kasi magkumpare ang Papa niya at Papa ko but suddenly her father died because of an accident sa Alvarez Company 3 years ago. Kasamahan din kasi sila ni Papa sa trabaho.

"Klawde wait, halika dito!" Napatigil na naman ako sa paglalakad ng hilahin ako ni Aki ng akma na akong papasok ng Classroom.

"Bakit na naman?" Iritado kong tugon sa kaniya.

"OMG!! Look oh, that's the transferee, he's so gwapoooo!!" Lumingon ako sa unahan kung saan nakatingin si Aki.

Kumunot ang noo ko at tinitigan ang lalaking tinutukoy nilang transferee.

Matangkad, mapupungay na mata, ang makinis nitong balat, at ang matangos nitong ilong na mas lalong nadepina ng hawiin niya ang buhok na humaharang sa perpekto niyang mukha.

Damn staring at this guy is illegal. Please don't put me in jail!

Oh, fck, ano bang sinasabi ko.

Sinubukan kong alisin ang tingin ko ng matantong ang lalaking iyon ay siyang dalawang beses ng may kasalanan sa'kin. Kanina lang ay minalas ako dahil sa kaniya tapos ngayon ay makikita ko na naman siya, ano 'to? Parusa?

Napalunok ako at mas lalong nanindigang alisin ang tingin sa hambog na lalaking iyon ng bigla ay mahuli niya ang titig ko.

"Tara na nga Aki, ano ba?" Masungit kong saway sa kaibigan kong nakikipag bulungan pa sa ibang estudyanteng uhaw na uhaw sa ganitong mga mukha. Tss.

"Ano ka ba naman. Tignan muna natin kung saan siya papasok." Pamimilit ni Aki sa akin at talagang hinila pa akong muli.

"Aki!" Saway ko pero nagpatuloy siya sa paghila sa akin.

Ngunit mas lalong naging matunog ang tilian ng mga babae ng pumasok sa Section A ng Senior High ang lalaking iyon.

"Owemjiee!! Klawdee Classmate natin siya!!" Tili ni Akishia at niyugyog pa ako kaya bahagya ko siyang tinulak para bawiin ang kamay kong niyuyogyog niya.

Akmang papasok na sana ang hambog na lalaking iyon ng huminto ito mismo sa pintuan ng classroom at bahagyang inilibot ang paningin at inihinto ito sa gawi naman na lalong mas nag paingay sa mga kababaihang nasa likuran namin.

Napalunok ako ng matantong sa akin siya nakatitig.

"Hey, Pa'no ba yan, nagkita ulit tayo. Any swerte mo naman talaga." Napangiwi ako sa bigla niyang sinabi.

Sapakin ako ngayon na! Ano bang sinasabi niya! Hindi nga kami close. Tss, may saltik at sapak talaga ang lalaking iyon!

"Omg! Magkakilala kayo Klawde?" Malakas na tanong ni Aki sa akin dahilan upang matuon sa akin ang atensiyon ng ibang nandoon.

"Hala, they know each other"

"Let's ask him"

"Omg, kapag talaga gwapo, gwapo din ang kinakaibigan"

"Let's ask Claude about his name."

Marami pa akong narinig na mga bulung-bulungan  pero hinila ko na agad si Aki at pumasok na ng Classroom.

Mayroon na ding mga estudyante sa loob at panay pa ang titig sa bagong saltang pogi kunong lalaking iyon, tss. Kung tutuusin ay paa ko lang siya, wala siya sa kalingkingan ko, hehe hindi ako nagyayabang Honest lang.

"Hey War Freak!" Napalingon agad ako sa gawi ng mayabang na lalaking iyon dahil sa tinawag niya sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin at hindi na pinansin pa at humanap na lamang ng mauupuan.

"Magkakilala talaga kayo?" Pabulong pang tanong ni Aki na naman sa akin pero hindi na ako sumagot pa.

Sobrang naging maingay ang labas ng classroom pati na din sa loob buti na lang at dumating na ang una naming magiging subject teacher.

Nagpakilala ang lahat ngunit naging maingay lang ng tumayo na ang hambog na lalaking kanina pa pinag pepyistahan ng mga babae kanina.

Tumayo siya at nagsimulang magpakilala.

"Hi, Good morning to all of you. So My name is Ahm Demus Kai Alvarez. It's nice to meet you all." Nakangiti niyang sambit at tumingin pa sa gawi namin at ngumisi.

Ngunit mas lalong kumunot ang noo ko sa narinig. Isa siyang Alvarez.

Is he connected with those gumblers who manipulated our properties?

Isa ba siya sa pamilyang iyon?

Alvarez? Pamilyang kinasusuklaman ng mga magulang ko.

Kung Isa man siya sa kanila, Isa lang ang sasabihin ko, hinding-hindi magakakaroon ng puwang sa buhay ko ang mga ganoong klase ng tao.

Dahan-dahan kong nilingon ang katabing si Aki, kanina ay panay ang ngiti at tili niya ngayon ay natahimik na siyang bigla.

Paano'y Isa din ang pamilya nila sa dumanas ng hirap at pagmamakaawa sa ganid na pamilyang iyon.

"Are you connected with the famous rich family who owned the Alvarez Company, Mr. Alvarez?" Tanong ng Subject Teacher namin ngunit isang dahan-dahang pag-iling ang isinukli nito.

"Hindi po Ma'am." Seryusong aniya at tuluyang naglakad pabalik sa silyang kinauupuan kanina.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Aki, siguroy nakalma ang sestima niya, Hays. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status