((( Atty. Wenziel POV’ s )))
Di ko alam kung pamilya nga ba ang tawag sa pamilya ni James.
Kaibigan namin ni Dr.Eriez, si James noong nasa College kami kahit magkaiba-iba ang Department namin. Ako nasa College of Law, habang si James sa Bussiness administration at si Eriez sa Medicine.
Sa aming tatlo si James lamang ang nagkaroon ng asawa.
Siya din ang pinakabusy sa amin.
Masaya kami malaman na nanganak na si Mitchelle ng isang malusog na batang lalaki ngunit ikinalulungkot namin ng pumanaw ang asawa niya matapos ang ilang minuto ng iluwal si Julius. Naiwan kay James ang responsibilidad bilang isang ina at ama sa bata.
At ang kompanya na pinapapalakad ni Mitchelle ang Cryzastic Corporation. Kaya lalong bumigat ang pasanin ni James.
Nawalan ito ng oras kay Julius na kapag nagkakasakit si Eriez mismo ang nangangalaga. Dahil para sa amin anak din ang turing namin sa kanyang anak. At kahit ano pang mangyari nanatili kaming sumusuporta sa mag-ama.
Hangang sa isang araw, nabalitaan naming nagkasakit si James. Sa awa ng diyos, nanatili siya sa hospital upang magpagaling.
At sa tatlong araw niyang pamamalagi sa hospital, nangako kami sa kanya na kaming dalawa muna ang mangangalaga ng kompanya. Pagkatapos ng tatlong araw, bumalik si James at nagpasalamat sa aming nagawa.
Ngunit, hindi pa natatapos ang araw na lumabas siya ng hospital, itinakbo mulis si James at sinabing hinimatay sa gitna ng pagpupulong.
Ang nakakalungkot. Di namin inanaasahan na di na magigising si James matapos ideklara ng doctor na na-komatose ito.
Labing pitong taon si Julius noon. Wala kaming posisyon upang mamahala sa mga iniwang responsibilidad ni James sa kompanya kundi si Julius ang kailangang sumalo nito. Kalat ang balita tungkol sa unang paglabas ng mukha ni Julius sa publiko.
Kami ni Dr. Eriez ay nasa tabi lamang niya upang gabayan siya.
Tinalikuran ni Julius ang kabataan niya upang isakatuparan ang pangako niya sa kanyang ama. Hinarap niya ang lahat ng problema na dumarating sa kompanya habang di pa nagkakamalay si James.
Doon ko napatunayan na magaling ang pagpapalaki ni James kay Julius. Matalino at madiskarte sa pamamahala. Ang tanging nagbago sa kompanya ang pagpapa-alis ni Julius sa mga malalanding babaeng empleyado.
Dahil magkaibang dalawang kompanya ang pinapatakbo ni Julius, naging strikto, masungit at seryoso si Julius sa trabaho. Parang nakaligtaan ang sarili at sumabay sa agos nang negosyo. Resulta upang umunlad ng mabilis ang kompanya.
Limang taon ang lumipas, lumaki ng lumaki ang kompanya.
At sa loob ng mga taon na yun unti-unting nawawalan ng pag-asa kung magigising pa ba si James. Dahil alam naming lahat makina na lamang ang nagbibigay buhay sa katawan nito, na sa sobrang payat parang matagal ng pumanaw.
Ngayon, hawak ni Dr.Eriez ang ducomentong nagsasabi kapag di pa nagising sa loob ng isang buwan si James ay gagawin na namin ang pamamaalam sa kanya.
Bilang malapit na kaibigan at kapamilya ni James. Ako, si Eriez at higit sa lahat si Julius ang pipirma sa ducomentong iyon. Pumirma na kami ni Eriez.
Nang ipatong namin sa mesa ni Julius ang ducomento. Tinignan niya kami.
“Huwag kang mag-alala Julius, may isang buwan pa ang iyong ama. Sa loob ng buwan na yan malalaman natin kung kailangan pa ba natin ipagpatuloy ang pagbuhay sa kanya.”
Tanging ginawa ni Julius ay ibasura ito.
“Walang makikialam tungkol sa aking ama.”
Kung ako nga rin si Julius di ko agad mapipirmahan ang ducomentong iyon. Ngunit ano mang iwas ni Julius ay hindi niya matatalikuran ang tungkulin niya sa kanyang ama.
Isang araw ako mismo ang nagdala kay Julius sa hospital kung saan naroroon ang katawan ng kanyang ama.
“Limang taon nang walang senyales na ipinapakitang magigising pa ang iyong ama, Julius. Kaibigan namin ang iyong ama at alam namin ang nararamdaman mo.” si Dr.Eriez.
Nakamasid lang ang mga mata ni Julius sa boung hinihigaan nang katawan ng kanyang ama.
“Limang taon mo na rin pinapatakbo ang kompanya Julius. Kahit wala ka pa sa tamang gulang. Malaki ang tiwala namin sa'yo at lalo na ng iyong ama na hindi mo pababayaan ang kompanya na iniwan niya sayo ng dis-oras. Saka ilang beses mo nang pinatunayan sa amin na hindi mo ito pababayaan. At bilang nag- iisang tagapamana ng boung ari-arian ng Del Mendevil at kompanya ng iyong ina, ang tanging aalalahanin mo lang ay ang mga habilin nila sayo. At ngayon nasa iyong pagpapasya kung hahayaan mo na ang iyong ama kung saan man ito tutungo. Ito ang tandaan mo. Tanging makina na lamang ang sumusuporta sa katawan ng iyong ama.”
Napahaplos sa mukha si Julius.
Tama parang matagal ng patay ang kanyang ama.
Mismo sa araw na ito, kailangan na niyang magdisisyon.
Malamig ang boung silid at lahat ng paningin ay nakatuon kay Julius.
“Iwan niyo muna ako.” malamig niyang sinabi. Tumango si Dr. Eriez at sabay kaming lumabas ngunit bago ako tumalikod nakita ko ang pagpatak ng luha ng isang anak para sa kanyang ama.
( Julius )Lahat ng problema laging may katapat na sulosyun.Kumplikado nga lang kapag napakarami ng sulosyun.dahil mamimili ka kung alin ang tama at nararapat.Kailangan lang natin mag-isip ng maayos.At isa-alang-alang ang kinabukasan ng desisyon mo sa pagpili ng sulosyun.Tama.No Man is an Island.Kahit sabihin mo pang kaya mong manirahan mag-isa. babalutin ka lang ng kalungkutan.Mararamdaman mo lang na walang nagmamahal sa'yo at isinumpa ka para maging malungkot.Tumindig ka man sa sarili mong mga paa.Kailangan mo pa rin ng matatayuan.May pagkakataon na di mo namamalayan.Kailangan mo ng masasandigan, karamay, katuwang at pagmamal. Dahil yan ang bagay na hinabanap ng isang tao para mabubay ng maligaya.Di mo rin namamalayan na unti-unti kang napapalapit sa isang tao. Gaano man katindi ang pag-iwas mo sa kanya.Hahanap-hanapin mo lang naman
"Uy bata… Tahan na.""Paano ako tatahan? Tayong dalawa lang ang andito sa masukal na lugar na'to!""Hindi ah. Andami kayang paru-paro oh.""Ano naman magagawa ng paru-paro?""Eh, ano pa ba ang magagawa rin ng iyak mo?""Natatakot ako.""Mahahanap din nila tayo. Kaya wag ka ng umiyak."Patuloy sa pag-iyak ang batang babae nang…"Sumasakit tuloy ang ulo ko sa'yo."Natigilan ang batang babae. Tinignan niya ito."Namumutla ka?" Saka niya sinapo ang noo ng batang lalaki."May lagnat ka." Tumango yung batang lalaki."Dapat ako ang umiiyak di'ba?""Masama ang pakiramdam mo?""Oo. Kaya wag ka ng umiyak.""Sigurado ka bang mahahanap nila tayo.""Oo. ""Uulan.""Kasi umiyak ka kasi." Tumayo yung batang lalaki."Hanap tayo ng masisilungan habang di pa umuulan."Inilahad ng batang lalaki ang kamay niya sa batang babae.Inabot naman ito
( Julius )Tinapik ako sa balikat ni Daniel."Kung di ako dumating, ang ganda sana ng wakas niyo.""Ayaw mo noon may part 2 pa.""Tss. Kakasawa na kung kayo parin ang bibida.""Haha. Salamat.""Hindi. Andito lang ako para kay Janine.""Di ka na nagsasawa. Ako parin ang pipiliin ni Janine.""Tsk. Kapag sinakatan mo siya, hindi lang ang tsungo niyang kapatid ang uupak sa'yo. Ingatan mo si Janine. Sige, sususnduin ko na yung anak ko.""Mahanap mo rin sana ang kaligayahan mo Daniel.""Nahanap ko na." Sagot niya habang naglalakad na palayo sa amin.Palabas na kami ng Airport nang… May babaeng nakatayo.Suot ay ang pangkasal na nagulo. Yung babaeng tinalikuran ko sa pangako kong wala namang saysay.Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Janine.Ngumiti sa amin si Ivy."Masaya ako na makita kayong magkasama uli."
( DEO )Dahil sa utos ni Sir Julius. May bagay akong nakaligtaan. Ang mga taong nasa likod ng pangyayaring ito.ay may chansang makatakas.Tumawag ako sa tauhan ni Julius na huwag nilang hahayaan na makaalis sina Mr. JAUISE at Miss Leiy. Ngunit huli na ako dahil nakaalis na sila.( JANINE )Dahil hindi ako nakatulog ng maayos sa mga nagdaang araw. nakatulog ako sa upuan ko. Kaya ng magmulat ako. Wala ng mga pasahero na ikinagulat ko.Teka? Lumipad pa lang yung eroplano? Lumanding na ba? Mahaba ba yung pag-idlip ko?Tumayo ako. Saka nasaan ang mga flight attendants? Huh?Nanaginip ba ako?Sumilip ako sa bintana. Nakalanding na nga…Nang biglang .. bumukas ang pinto.Naglakad ako papunta roon. Bumukas ang main door ng eroplano. Pagsilip ko…Halos napasapo ako sa gulat. May malaking tarpul
( Miss Leiy )Si Daniel. No! Ibig ba nitong sabihin…Mismo sa araw na ito magkakalinawan ang lahat?!No! Not this time!"Guard ilabas niyo na yan." Utos ni Uncle.( DANIEL )Anong ibig niyang sabihin?"Guard ilabas niyo na yan." Utos ng matabang Middle-aged na lalaki. Tumalikod na si Julius at bago pa man ako makaladkad.Saka pumasok sa isipan ko ang sinabi niya.Ako ba?! Ako ba ang dahilan?!"Julius! Wala kaming relasyon ni Janine! Magkaibigan lang kami!"( Ivy )Sa sinabi ni Daniel. Biglang natigilan si Julius.Lalo na nang humarap siya. Natatakot na ako.Kaya ako na ang napaurong. Hindi!"Bitiwan niyo siya." At tuluyan na akong napatalikod.( DEO )Nang dumating ako. Akala ko huli na ako. At n
(Julius)Sinarhan na ang pinto. Senyales na dumating na ang bride ko.Napaupo ako. Kinakabahan ako sa gagawin ko.Kailangan ko bang pakingan ang sinabi ng anak ko."The rule is... Iyong dapat po ihaharap niyo sa Kanya ay yung mahal niyo po at mahal din kayo. Do you love Mama Ivy?"Para ito sa kanya at para sa ikakatahimik ng pamilya namin ni Janine.Huminga ako ng malalim.Nagkamali ako. Hindi dapat ako nagmadali sa pasyang ito.Kung di matutuloy ang kasal namin ni Ivy.Aalis siya. Paano na si Kevin?Saka narinig ko na ang Wedding March song.Bumukas ang pinto…( Miss Leiy )Sa araw na ito yung ikinakatakot ko na baka di dumating si Julius ay hindi nangyari.Oo, nakaramdam ako ng tuwa.Sa wakas ito ang araw na gusto kong mangyari.na kala ko impossibleng mangyari.Ngunit ng makita ko