Share

Taste: Thirteen

Nagulat ito sa sinabi ko at bahagyang lumingon sa lalaki na nasa tabi niya.

Bumaling naman kaagad ang tingin ko kay Mr. D nang inilahad nito ang isang brochure. Agad ko itong tinanggap kahit na may pagtataka.

"This..."

"Choose which design you like and let her do the rest," tamad nitong sabi.

Napanguso ako bago binuklat ang brochure. There are about ten different style of formal dresses. Napahinto ako sa pinakahuli at tiningnan ang damit na nasa mannequin. It looks identical except that the dress in the brochure but less daring.

Nahalata iyon ng store manager na agad namang ikinalawak ng ngiti nito.

"You have a good taste Chef Aisha." Lumapit ito sa mannequin at marahang hinawakan ang damit. Umawang ng konti ang labi ko nang marinig ko ang tawag niya. "The dress here is also one of our limited dresses with the same concept in the brochure. As you can see..." She traced her fingers on the long frails with gentle care. "If you like a Zelous one which also gives you an elegancy trait. This will be the best for you. But..."

Huminto ito bago pumalibot sa akin na parang kinikilatis ako. It feels awkward but I still plastered a smile on my smile.

"I prefer the Grace one for you." She pointed at the last dress I'm also interested with.

I gigled. "I think so too."

"Okay we'll pick this one."

Nakita kong napairap si Mr. D sa narinig.

"Is this what you do with your customer?" tanong nito.

Tiningnan ko silang dalawa at napansin kong close ang mga ito. Kaya pala dinala niya ako dito kasi kilala niya ang may-ari.

Hindi siya pinansin ni Miss Zilly bagkus ay hinatak ako sa gilid at inabot ang measuring tape sa assistant niya na may hawak ring ipad.

"Do you trust me?" biglang tanong nito.

"Ho?"

She suppresed a smile at me.

"I mean do you trust me with your dress? You know I will let you shine in the party until every man wrecks their necks gawking at you!"

Bahagyang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. She isn't exaggerating, is she? Narinig ko ang isang marahang ubo kaya napalingon ako dito. Ngumuso ako bago bumalik ulit ang atensyon sa babaeng nasa harap ko.

"Of course. I don't doubt your capabilities Miss Zilly. Then I hope you won't mind if I bother you for a while with this matter."

Ngumiti ito ng malapad sa akin bago niya ako sinimulang sukatin. "Great! Let me measure you first so I can adjust it perfectly. Hey you, don't stay here and go find your own seat."

"More fabrics."

"What? Huwag ka nga dito! I will not kidnap her."

"Really? Why does it seem you're so eager to shoo me away?"

"We didn't meet for months and I didn't know you were already so talkative." Nang-aasar nitong sabi. That shut him up.

Hindi ako umimik sa gitna ng maikling bangayan nila. Hindi ko alam na may maglalakas loob na barahin si Mr. D. Miss Zilly is really pretty and capable.

Umingay ang cellphone ko at nakitang may tumatawag. Napalingon sila sa akin na ikinangiwi ko.

"I'll take this call first. Excuse me po."

Tumango si Miss Zilly sa akin habang tiningnan lang ako ni Mr. D.

"Hey," I greeted softly.

"Babe!"

Napahinto ako.

"Babe?"

Ano na namang pakulo 'to?

Tumawa nang malakas ang nasa kabilang linya na mukhang walang magawa.

"Are you still on your date? Nasaan si Mr. D mo?"

"What are you talking about? He's talking with his friend. And I'm not on a date." Hininaan ko ang boses ko dahil baka may makarinig.

Humagikgik ito na tuwang-tuwa sa sinabi ko kahit wala naman akong naalala na nakakatuwa.

"Oh? Nagpapakipot si Chef? Teka, friend? Babae ba? Kung ako sa'yo ay bantayan mo nang maigi at baka may pumitas na iba!"

I sighed. Kung ano ano nalang talaga ang lumalabas sa bibig nito. "What do you want Asaisha?"

"Haha you know me best, sis. Have you picked your dress yet? I'm going to your party too! I just got the deal today. Oh well let me fill you the gossip later. Anyway, help me pick a dress too, please. The usual. Don't worry I'll pay. That's a promise."

I'm glad I'm not going solo.

"Congrats! Well, I think I already found something for you."

"That fast?!"

"Yeah, but don't expect too much. I'm not an expert with this."

"That doesn't matter. It will look good on me anyway. Gotta go ahh why am I super busy? I'm pitiful! Bye. Love you. Take care."

Gumuhit ang ngiti sa labi ko dahil sa narinig. Kaya pala maaga itong nagising dahil sa daming gagawin.

"Hmm. Love you too. Don't push yourself too hard."

Papatayin ko na sana nang nagsalita ulit ito.

"Wait!"

"Is there anything else?"

"Don't forget, protection is a must."

Call ended. Napatanga ako saglit bago napailing-iling. Puro talaga kalokohan.

Lumapit na ulit ako sa kanila. Napansin kong ngingiti-ngiti si Miss Zilly habang si Mr. D ay mas lalong sumama ang timpla ng mukha. Anong nangyare dito?

"Shall we continue?"

Marahan akong tumango habang nakangiti. Pinagpatuloy naman kaagad ulit ni Miss Zilly ang pagsukat sa akin. She looks graceful and effecient with what she is doing. Dahil dito ay madali siyang natapos at nakangiting humarap sa akin. Matagal niya akong tinitigan at hindi mapigil ang pagsupil ng mga ngiti sa labi niya. Mukhang tuwang-tuwa sa nakikita nito. Hindi ko alam kung bakit na mas lalo ko lamang pinagtaka. Anong nakakatuwa?

Una si Asaisha, ngayon si Miss Zilly. I don't get it.

"Done. Black and gold theme, right?" tanong nito.

"Yes."

"Will we deliver the dress to your address or you'll just pick it?"

"I'm afraid I can't pick it. Ibibigay ko nalang ho ang address ko. By the way..."

Bahagya itong lumingon sa akin hinihintay ang sasabihin ko.

"Kukunin ko rin ang isang dress. Same theme and same with my size too."

Her eyes twinkled when she heard me.

"Really? That's great then. I'll arrange it right away and will deliver it a day before the party."

Tumango ako. "Thank you so much."

"Don't mention it."

Kinuha ko naman agad sa bag ko ang card para magbayad at inabot kay Miss Zilly. Pero mabilis itong umiling at binalik sa akin. Nagtataka akong tumingin sa kaniya.

"Hindi ho ba kayo tumatanggap ng card?" hindi ko mapigilang tanong.

Humagikgik ito. "No, silly, it's already paid. Now go. Even though I still want to chat with you I need to start rushing the dress. The man there is already waiting for you."

Gusto ko pa sanang malaman anong nangyayari bakit sinabi niyang bayad na pero marahan ako nitong tinulak papunta sa nakabusangot na si Mr. D. Wala akong nagawa kundi maglakad palapit dito.

Bago kami umalis ay nagpasalamat ulit ako kay Miss Zilly na tanging ngiti lang ang sinagot.

Dumaan ang panibagong araw at abala ako sa pag-aasikaso ng mga dapat na asikasuhin. I didn't even step into the kitchen to help the busy day. Wala si Lala at bukas pa ang balik kaya ako ang gumawa ng lahat: answering all the necessary calls from other clients or customers and making all the list of the foods needed for the event next week. Tinawagan ko rin ang supplier namin ng beverages for additional order. At bukas ay pupunta ako ng personal for the wine tasting. I need to personally check all the orders because this is very important. Hindi naman ito ang unang beses dahil ito ang palagi kong ginagawa.

Napalingon ako sa orasan nang makitang alas sais na ng gabi. Kaagad kong niligpit ang mga gamit at nilagay ang mga tatapusin sa bag mamaya pagkauwi sa bahay.

Napansin kong dagsa ng customers ang restaurant kaya naisipan kong sa likod umalis. Naabutan kong busy ang lahat pero nagawa ko pa ring magpaalam sa kanila.

"Good bye Chef Aisha!"

"Take care Chef."

Mabilis akong nagluto ng pagkain para kay Mr. D habang wala pa siya. Hindi sa iniiwasan ko ito kundi gusto ko na talagang umuwi sa bahay. Nararamdaman kong bumibigat ang katawan ko at mukhang magkakasakit pa ata ako.

"You're leaving?"

Napaigtad ako ng may nagsalita sa harap. Nakita ko itong kakapasok lamang at nakabukas na ang tatlong butones ng suot niyang white long sleeves.

"Yes. The food is ready Mr. D," pagpapaalam ko sa mababang boses.

Bahagyang kumunot ang noo nito habang nakatitig sa akin. Kahapon ay hindi ako nito masiyadong pansin. No, he was an extra snob after going to the botique and I didn't know what makes him gloomy again.

"Are you sick?"

Napahinto ako sa paggalaw nang marinig ang tanong niya. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa lalaking papalapit at huminto sa tapat ko. Paano niya napansing may mali sa akin?

Napakislot ako nang dumampi ang kamay nito sa noo ko. Hindi ko mapigilang mapakagat labi para pigilan ang ngiti nang kunot noo nitong pinagkumpara ang temperatura ng katawan namin. Habang ginagawa niya iyon ay nakatingin lamang ako sa kaniya.

He looks... cute.

Ipinilig ko ang aking ulo at baka kung saan pa mapunta iyon.

"Okay lang ho ako Mr. D."

"You're not," seryosong sabi nito. "Wait here."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status