แชร์

Chapter 1

ผู้เขียน: HopeIsSerenity
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2020-09-09 18:48:46

Napaka-payapa ng buong probinsiya ng El Cumano. Makikita rito ang mga puno't halaman na sagana sa bunga at mga ibon na bumababa sa sanga mula sa malayang paglipad sa himpapawid. Ang mga huni nito'y mistulang awit sa umaga na nagiging harana sa pagsapit ng gabi.

Sa bawat gilid ng daanan ay masisilayan ang maliliit na bahay na gawa sa pawid at kahoy. Ang sahig ay gawa sa kawayan na kung sasapit ang hapon ay nagbibigay ng maligamgam na pakiramdam.

Ang mga mamamayan ay nagsisimula nang magsibak ng kahoy na kanilang pang-gatong bilang paghahanda sa kakainin.

Samantala, sa bakuran ay makikita ang mga luntian'g halaman kasama ang mga puno ng saging na hitik sa bunga.

Sa gitnang parte nito'y mapapansin ang puno ng Narra na napaka-ganda. At tulad ng ibang mga probinsiya'y napaka-ganda rin ng El Cumano. Kaya naman maraming tao ang nais na bumisita rito o 'di kaya nama'y mag-bakasyon.

Ngunit hindi pala ganito ka-payapa ang probinsiya. Dahil maririnig sa buong kabahayan ang malakas na boses ni Emilito habang pinapalo nang malakas si Eleonor. Mula sa mga kamay na mahigpit na naka-hawak sa sinturon ay malakas nitong hinampas sa likod ang dalaga.

Nang maramdaman ang hapdi ay agad nitong kinagat ang pang-ibabang labi upang pigilan ang sigaw. Impit na hikbi lamang ang kumawala rito habang nanginginig ang mga balikat.

Walang sino man ang nagtatangkang tumulong sa kawawang dalaga dahil bukod sa malayo ang pagitan ng kanilang mga tahanan ay batid din nila ang maaaring gawin ni Emilito — lahat ay takot humarang sa kaniyang daraanan kaya kahit gaano nila ka-gusto'ng tumulong ay wala silang magawa.

Mistulang mga tinanggalan ng labi at pandinig at ang tanging magagawa na lamang nila ay ang pikit-matang saksihan ang kalupitan ni Emilito sa kaniyang sariling anak.

Suot ni Eleonor ang puting bestida at ramdam na ramdam niya ang lagkit ng pag-dikit nito sa kaniyang likod kasabay ng malakas na hampas ng sinturon.

Sinundan pa ito ng pangalawa na labis n'yang ikina-nginig hanggang sa maramdaman na niya ang labis na pang-hihina.

Nakatalikod siya sa kaniyang ama habang nakaharap sa malaking puno. Dito siya naka-kapit nang mahigpit habang iniinda ang bawat sakit.

Ilang saglit pa'y naramdaman niyang may tumutulong likido sa parte ng kaniyang likod pababa sa kaniyang hita.

"D-Dugo.." Kinabahan siya sa nasaksihan at wala siyang magawa kun'di ang matakot.

"O siya. Pumasok ka na sa loob. Tama na muna 'to sa ngayon. Ayusin mo 'yang likod mo ah. Ayokong may makitang kumakalat na dugo sa bahay." Inayos na nito ang kaniyang sinturon habang matamang tinititigan ang kawawang si Eleonor. Kung hindi pa magdurugo ang likod nito'y hindi pa siya makukontento sa pananakit sa sariling anak.

Ganito lagi ang sinasapit ng dalaga. Wala naman siyang magawa kun'di hayaan na lamang ang ama dahil wala naman siyang kakayahang lumaban at magsumbong. Hindi niya pa kaya.

Dahan-dahan niyang inihakbang ang nanghihinang mga paa. Nakararamdam na siya ng hilo at tila mawawalan siya ng balanse dahil sa dami ng dugo na nawala sa kaniya ngunit pinilit pa rin niya ang maglakad nang maayos. Dahil kailangan niya pa'ng akyatin ang hagdan na kahoy papasok sa kanilang tahanan kaya kailangan na niyang magmadali dahil siguradong magagalit na naman ang kaniyang ama.

"Konting hakbang pa, Eleonor!" Hanggang sa kaunting hakbang na lang ay nasa harap na siya ng kanilang tahanan.

"Linisin mo na 'yang sugat mo." Walang emosyong sambit ni Emilito habang komportableng naka-upo sa matigas na upuan.

Agad naman niyang tinungo ang palikuran at nang mai-hubad ang bestida'y bumungad sa kaniya ang hapdi na hindi niya naramdaman noong pinapalo pa lang siya sa labas. Sobrang sakit nito ngunit mas masakit ang reyalidad na patuloy na sumasampal sa kaniya.

Kahit ano'ng gawin niya'y hindi na kailanman maibabalik pa ang payapang buhay na kaniyang minahal. Ang kompleto at masayang pamilya na hindi na babalik pa sa dati. Noon, akala niya'y mabubuhay siya nang normal at masaya. Ngunit napatunayan niya, sa kaniyang paglaki, na ang lahat ay nagbabago. Kahit ang pinaka-mamahal mo'y maaaring maging demonyo.

Sinimulan na niya'ng buksan ang gripo upang hugasan ang kaniyang mga sugat. Nang matapos sa paghugas ay binalot niya ang kaniyang likod ng makapal na tela upang maibsan ang pagdurugo.

"Sobrang sakit..." Tahimik niyang sambit habang pinupunasan ang luhang namumuo sa kaniyang mga mata. Segundo lamang ang lumipas hanggang sa siya'y tahimik na natulala at hindi na niya mapigilan ang humagulhol.

Muli niyang binuksan ang gripo at sinabayan ang ingay nito. "Ang sakit!"

Umiyak siya nang umiyak hanggang sa mapagod na ang kaniyang mga mata at ang tanging magagawa na lamang niya ay ang yakapin ang sarili at matulala sa lungkot.

Sa kaniyang pag-yuko ay bumungad sa kaniyang ala-ala ang bawat maligayang pagkakataon na kasama niya ang kompleto niyang pamilya — ang kaniyang Ina, ang kaniyang kuya Romualdo at ang kaniyang Ama. Masaya silang kumakain sa loob ng isang fast food chain na kanilang paborito.

Labis naman ang ngiting gumuguhit sa manipis na labi ng batang si Eleonor. Nasa gitna siya ng kaniyang kuya Romualdo at ng kaniyang Ama. Habang nasa harap naman nila ang kaniyang Ina na hindi na rin mapigilan ang malawak na ngiti.

"Maligayang kaarawan, Eleonor!" Masayang bati sa kaniya ng kaniyang pamilya. Ika-pitong kaarawan niya ngayon kaya naman lalo siyang napa-ngiti. At ang isipin na kasama niya ang kaniyang mga mahal sa buhay ay mas lalong nagpa-saya sa kaniyang puso.

Kahit pa siya'y pitong-taong gulang pa lamang, batid na niya ang kahalagahan ng isang pamilya. Tunay nga na wala na siyang ibang hihilingin pa kun'di ang makasama pa sila nang matagal.

Maliit na bagay man kung ituturing ng iba, ngunit para sa kaniya'y isa itong regalo na hindi matutumbasan ng kahit sino.

Ngunit sa paglipas ng taon, sa kaniyang pagda-dalaga'y isang pangyayari ang nagbigay sa kaniya ng marka.

Nag-umpisa nang bahiran ng karumihan ang imahe na akala niya'y malinis, lumisan ang tao'ng akala niya'y mananatili't dinumihan ang kaniyang ka-inosentehan.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Tears of Pain   Chapter 19

    Nagsimula nang humakbang ni Wil patungo sa ika-apat na palapag; ang pinakatuktok ng Larzralé Bar. Lumilikha ng tunog ng prominenteng tao ang makintab niyang sapatos na dinig na dinig sa buong pasilyo. Ang kaniyang plantyadong kasuotan naman ay hindi lamang sumisigaw ng kapangyarihan, kun'di pati na rin ng kakisigan.Walang pag-alinlangan niyang tinatakpan ng matipunong mga braso si Eleonor na ngayon ay hindi mapalagay sa kayuyuko. Impit ang mga salitang hindi maibulalas ng dalaga. Hinayaan na lamang niyang takpan siya ni Wil; bawas kahihiyan na rin.Agad na huminto sa matamlay na paglalakad si Eleonor. "Teka, Wil." Huminto naman ang binata na may pagtataka.Bumwelo sa muling pagsasalita si Eleonor. Naisip niyang baka hindi nito naintindihan ang salitang tagalog. "W-Where are we going?" Dahil sa itinanong ni Eleonor ay nabanaag niya agad ang paglambot ng ekspresiyon sa mukha ni Wil.Hinawakan s

  • Tears of Pain   Chapter 18

    Sa pagputol ng tawag ni Eleonor ay ang siyang pagngiti ni Wil Schord sa loob ng kaniyang opisina. Siya ang susundo kay Eleonor sa napag-usapan nilang tagpuan kaya naman labis ang nararamdaman niyang saya at pagkasabik. Hindi na siya makapag-hintay na makita't mahawakan si Eleonor.Samantala, labis naman ang pagpintig ng puso ni Eleonor dahil sa kaba. Hindi niya maintindihan nang lubusan ang kaniyang ginagawa. Hindi na rin niya maunawaan ang kaniyang nararamdaman. Basta para sa kaniya, ang mahalaga na ngayon ay ang makaraos sa sitwasyon nila ngayon.Agad na s'yang nag-asikaso ng kaniyang isusuot at mga isusuot pa'ng mga damit. Sinabihan na kasi siya ni Wil na kakailanganin niya ang higit pa sa isang damit sa kaniyang pagpunta sa St. Larzralé Bar. At kahit may hindi na magandang kutob ay pinili niyang 'wag sundin ito. Mas pipiliin na niya ngayon ang lunukin ang natitirang hiya.Sa ganap na alas-kwatro ng hapon

  • Tears of Pain   Chapter 17

    Agad na nilinis ng mga nurse ang iniwang kalat at bubog ni Matilda. Hindi naman ito nakalampas kay Dok. Agustin kaya nagtungo siya sa silid na kinaroroonan ni Matilda at Eleonor."Sorry po Dok, sa kung ano'ng nangyaring gulo. Pangako, hindi na po mauulit." Paumanhin ni Eleonor sa ngalan ni Matilda. Nilingon naman ni Dok. Agustin ang pwesto ni Matilda na ngayon ay hindi na makatingin nang diretso sa kanila.Ngayon ay silang tatlo na lamang ang naiwan sa tahimik na silid. Lumapit si Drey kay Matilda at ininspeksyon ang mga mata nito. Ngunit sa pagtitig niya rito'y agad siyang napa-hinto. Tila may isang emosyon ang mabilis na tumama sa kaniya na hindi niya mawari."Hey... 'Diba nag-usap na tayo? If there's anything that's bothering you, know that I'm always here. I'm your friend, right? Ako na muna si Drey. Kalimutan mo muna ang pagiging Dok. Agustin ko. Okey?" Marah

  • Tears of Pain   Chapter 16

    Pangalawang araw na simula noong sabihan ni Dok. Agustin sila Matilda at Eleonor na manatili muna ng tatlong araw sa ospital. At matapos ang tagpo kagabi ay bumalik si Matilda sa kaniyang silid. Mugto ang mga mata ngunit magaan ang paghinga.Bumalik sa normal ang pag-aaral ni Eleonor kahit nasa loob parin ng ospital kasama si Matilda. Hindi naman niya ito tinitingnan bilang isang malaking hadlang. Sa katunayan nga ay gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing malapit kay Matilda. Mabuti nalang at hindi na nito inulit pa'ng kunin ang sariling buhay.Habang naglalakad palabas ng maliit na kantina ay napukaw ng atens'yon ni Eleonor ang isang pamilyar na lalaki. Ilang lakad lamang ang distansiya nilang dalawa na naging dahilan upang maalala ni Eleonor ang minsang nakabunggo niya sa mall. Ang lalake'ng may magandang mga mata na halatang isang banyaga, matangos na ilong at may magandang katawan. Ang lalake'ng nag-abot sa kaniya ng calling card."Anong ginagawa niya rito?" Mahina'ng tanong ni Ele

  • Tears of Pain   Chapter 15

    Sumapit na ang gabi ngunit narito pa rin sa ospital ang dalawa. Mahigpit na pinayuhan ng Doktor si Matilda na sa ikatlong araw pa siya maaaring makalabas, kaya naman nagtitiis na lang si Matilda sa puro puti na kaniyang nakikita.Pakiramdam niya'y hindi siya bagay sa ganitong lugar at mas lalo na sa ganitong kulay.Natawa nang mapait si Matilda. "Hindi naman ako malinis e."Nilingon niya ang pwesto ni Eleonor at tulad ng mga nakaraang araw ay natutulog na naman itong nakaupo. Ang ulo niya'y nakayuko at ang kaniyang mapupungay na mga mata ay mas lalo lamang naka-dagdag sa galit ni Matilda sa kaniyang sarili.Ilang beses na siyang sinabihan ni Matilda na pwede naman siyang humiga upang maging komportable ang kaniyang pagtulog. Ngunit ayaw pa rin nitong makinig. Mas gusto raw kasi nito'ng malapit kay Matilda."Pasensiya na, Eleonor....nadadamay ka pa." Hinagod ng mga kamay nito

  • Tears of Pain   Chapter 14

    Nakabulagta sa sahig ang lupaypay na katawan ni Matilda at ang mata'y nakapikit na tila natutulog lamang nang mahimbing. Ngunit iba ang pakiramdam ni Eleonor. Kaya humahangos niyang tinungo ang 1st floor upang humingi ng tulong sa Landlady dahil wala naman siyang emergency hotline sa kaniyang maliit na selpon.At nang mapuntahan ang nakabulagta'ng dalaga ay agad na tumawag ng ambulansiya ang landlady.Habang isinasakay sa stretcher si Matilda ay hindi naman ma-awat si Eleonor sa kaniyang kinatatayuan. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin at tila siya'y biglang binagsakan ng langit at lupa. Nanlalamig ang kaniyang mga kamay at nanginginig ang labi sa labis na nerbiyos ngunit pilit niya itong nilalabanan. Para kay Matilda.Agad na sumunod si Eleonor sa loob ng ambulansiya at habang mabilis ito'ng umaandar ay katumbas din ng mabilis na pag-tahip ng kaniyang dib

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status