Inside the house of pure darkness, there lived a girl who was once painted with purity and innocence. Until the demon began devouring her femininity, stealing her faith away from God as it destroys her whole existence.At sino'ng mag-aakala na ang demonyong sisira sa kaniyang buhay ay ang sariling ama? How can this demon be so manipulative that all she could do was scream in pain and whimper in silence?Slowly, the wall she tried to build was falling down, making the hopes from deep into her soul crashed into pieces. WARNING: This book contains violence and suicidal ideation. Reader's discretion is advised.
View More1...
2...
3...
Mahinang tunog ng relo na animo'y binibilang ang bawat segundo.
4...
5...
6...
Umalingawngaw ang tunog nito sa bawat sulok ng silid-aklatan. Ang bawat paggalaw at pag-kumpas nito ay tila tibok ng kaniyang puso.
Napaka-tahimik, na kahit ang pinaka-mahinang bulong ay maririnig. Madilim ang paligid at nanaisin mong manatili rito upang umiyak nang umiyak dahil wala namang makaririnig sa'yo.
Ang sahig ay malinis at makintab. Halata mo'ng pinagpagurang linisin. Napakaganda..
Ngunit nababawasan ang ganda nito dahil sa mga papel na nakakalat. Ang mga letra'y mistulang nakasulat sa pulang tinta na hindi na mabasa nang malinaw. Kailangan mo pa'ng titigan nang mabuti bago malaman ang mga ibig sabihin nito.
Kapag inilibot mo ang paningin sa buong paligid ay masasabi mo'ng ginawa ito upang makapag-bigay ng kilabot.
Sa maingay na pag-tunog ng relo ay katumbas ng isang palahaw ng babae na nakatalikod sa saradong pinto ng malaking silid-aklatan. Nagpakawala siya ng hindi mabilang na paghikbi na sinasabayan ng walang humpay na pag-nginig ng kaniyang labi. Ang ulo niya'y nakayuko at ang kaniyang mahaba at itim na itim na buhok ay tumatakip sa maamo niyang mukha. Ang mga kamay niya'y sobrang higpit ng pagkaka-kuyom na animo'y gigil na gigil.
"Why?" Punong-puno ng emosyon ang kaniyang boses at ang pagtahip ng dibdib ay hindi man lang nahinto.
Sa nanginginig na kamay ay inabot niya ang isang blangkong papel upang sulatan. Ginusot niya muna ito at inihanda ang mga daliring nagdurugo upang gawing panulat.
Sa patuloy na pagtulo ng mga luha ay ang siyang pagtulo rin ng mga dugo sa kaniyang daliri. Ilang beses na ba siyang nagsulat sa mga gusot na papel upang ikalat lang sa paligid? Hindi na niya mabilang.
"It all started with the number 11 year 2012." Sinulat niya ito sa papel na hawak niya na nababahiran na ng kulay pula. Puro dugo.
"It was year 2012 when my father started molesting me. That moment is still vivid. I was 11 years old." Ilang sandali pa'y narinig na naman niya ang malakas na tunog ng relo.
Ngunit itinuloy niya ang pagsulat sa panibagong papel at gaya ng mga nauna'y ginusot niya muna ito upang walang magka-interes na magbasa.
"Next was the number 12 in the same year." Napupudpod na ang kaniyang mga daliri sa pagsulat ngunit hindi niya ito alintana. Ang mahalaga'y makapag-sulat siya. Kung mapagod man ang kaniyang puso sa pagtibok, ang kaniyang mga mata sa pagdilat at ang kaniyang pag-hinga, umaasa siya na balang araw ay mayroong handang magbasa ng kaniyang mga isinulat.
Gamit ang kaniyang daliri na nagdurugo'y isinusulat niya ang bawat sakit ng karahasan. Karahasan na puro lungkot, pag-iyak at pag-iisa.
Para sa kaniya'y ayos lang ang pagdurugo ng pisikal na katawan, kaysa ang pagdurugo ng puso sa mga salitang hindi na mababawi pa kailan man.
"I was 12 years old when I started to lose my innocence." Pagod na marahil ang mga luha niya sa pagtulo at ang mga mata'y natuyo. Agad namang gumuhit sa kaniyang ala-ala ang poot ng nakaraan. Hinding-hindi niya malilimutan ang mga pangyayaring nagdulot sa kaniya ng kadiliman.
Nang matapos magsulat ay hinawakan niya nang napaka-higpit ang papel kasabay ng pagdugo ng kaniyang mga kamay. Until the clock ticks again. Naalarma ang kaniyang mga mata at nagmamadaling itinapon sa kung saan ang papel.
Ang malakas na tunog nito ay nagmistulang alarma sa kaniyang kaibuturan na unti-unting ginigising ang kaniyang isip mula sa sariling mundo.
"I was 13 years old but he never changed. Still the same demon who devours my purity." Sa nagmamadaling mga kamay ay pilit niyang isinulat ang mga salitang tila isang punyal na tumatarak sa kaniyang lalamunan na unti-unti siyang pinapatay. Nanghihina ang kaniyang mga tuhod at nawawalan siya ng lakas. Ngunit patuloy pa rin siyang magsusulat.
"I was 14 but he was still there—waiting for me as his own pleasure. I started to regret living with a demon." Ginusot-gusot niya ang papel at itinapon sa kung saang parte ng sahig na may mantsa na ng kanyang dugo.
"I was 15." Tumunog muli nang malakas ang relo na tila senyales na dapat na niyang lisanin ang lugar at bumalik sa kaniyang trabaho upang paglingkuran ang demonyo.
Ngunit siya'y nagbingi-bingihan at patuloy na nagsulat.
"I was 16." Palakas nang palakas ang tunog ng relo na animo'y isang yabag ng sapatos na papalapit nang papalapit.
"I was 17." Sa bawat letra'ng kaniyang isinusulat ay katumbas ng malinaw na ala-alang bumabalik sa kaniyang isip. Sa kada-taon na lumilipas ay nakukulong siya sa walang katapusang bangungot.
"I was 18." Hanggang sa bumagsak ang kaniyang katawan dahil sa isang malakas na pag-hampas.
Nagsimula nang humakbang ni Wil patungo sa ika-apat na palapag; ang pinakatuktok ng Larzralé Bar. Lumilikha ng tunog ng prominenteng tao ang makintab niyang sapatos na dinig na dinig sa buong pasilyo. Ang kaniyang plantyadong kasuotan naman ay hindi lamang sumisigaw ng kapangyarihan, kun'di pati na rin ng kakisigan.Walang pag-alinlangan niyang tinatakpan ng matipunong mga braso si Eleonor na ngayon ay hindi mapalagay sa kayuyuko. Impit ang mga salitang hindi maibulalas ng dalaga. Hinayaan na lamang niyang takpan siya ni Wil; bawas kahihiyan na rin.Agad na huminto sa matamlay na paglalakad si Eleonor. "Teka, Wil." Huminto naman ang binata na may pagtataka.Bumwelo sa muling pagsasalita si Eleonor. Naisip niyang baka hindi nito naintindihan ang salitang tagalog. "W-Where are we going?" Dahil sa itinanong ni Eleonor ay nabanaag niya agad ang paglambot ng ekspresiyon sa mukha ni Wil.Hinawakan s
Sa pagputol ng tawag ni Eleonor ay ang siyang pagngiti ni Wil Schord sa loob ng kaniyang opisina. Siya ang susundo kay Eleonor sa napag-usapan nilang tagpuan kaya naman labis ang nararamdaman niyang saya at pagkasabik. Hindi na siya makapag-hintay na makita't mahawakan si Eleonor.Samantala, labis naman ang pagpintig ng puso ni Eleonor dahil sa kaba. Hindi niya maintindihan nang lubusan ang kaniyang ginagawa. Hindi na rin niya maunawaan ang kaniyang nararamdaman. Basta para sa kaniya, ang mahalaga na ngayon ay ang makaraos sa sitwasyon nila ngayon.Agad na s'yang nag-asikaso ng kaniyang isusuot at mga isusuot pa'ng mga damit. Sinabihan na kasi siya ni Wil na kakailanganin niya ang higit pa sa isang damit sa kaniyang pagpunta sa St. Larzralé Bar. At kahit may hindi na magandang kutob ay pinili niyang 'wag sundin ito. Mas pipiliin na niya ngayon ang lunukin ang natitirang hiya.Sa ganap na alas-kwatro ng hapon
Agad na nilinis ng mga nurse ang iniwang kalat at bubog ni Matilda. Hindi naman ito nakalampas kay Dok. Agustin kaya nagtungo siya sa silid na kinaroroonan ni Matilda at Eleonor."Sorry po Dok, sa kung ano'ng nangyaring gulo. Pangako, hindi na po mauulit." Paumanhin ni Eleonor sa ngalan ni Matilda. Nilingon naman ni Dok. Agustin ang pwesto ni Matilda na ngayon ay hindi na makatingin nang diretso sa kanila.Ngayon ay silang tatlo na lamang ang naiwan sa tahimik na silid. Lumapit si Drey kay Matilda at ininspeksyon ang mga mata nito. Ngunit sa pagtitig niya rito'y agad siyang napa-hinto. Tila may isang emosyon ang mabilis na tumama sa kaniya na hindi niya mawari."Hey... 'Diba nag-usap na tayo? If there's anything that's bothering you, know that I'm always here. I'm your friend, right? Ako na muna si Drey. Kalimutan mo muna ang pagiging Dok. Agustin ko. Okey?" Marah
Pangalawang araw na simula noong sabihan ni Dok. Agustin sila Matilda at Eleonor na manatili muna ng tatlong araw sa ospital. At matapos ang tagpo kagabi ay bumalik si Matilda sa kaniyang silid. Mugto ang mga mata ngunit magaan ang paghinga.Bumalik sa normal ang pag-aaral ni Eleonor kahit nasa loob parin ng ospital kasama si Matilda. Hindi naman niya ito tinitingnan bilang isang malaking hadlang. Sa katunayan nga ay gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing malapit kay Matilda. Mabuti nalang at hindi na nito inulit pa'ng kunin ang sariling buhay.Habang naglalakad palabas ng maliit na kantina ay napukaw ng atens'yon ni Eleonor ang isang pamilyar na lalaki. Ilang lakad lamang ang distansiya nilang dalawa na naging dahilan upang maalala ni Eleonor ang minsang nakabunggo niya sa mall. Ang lalake'ng may magandang mga mata na halatang isang banyaga, matangos na ilong at may magandang katawan. Ang lalake'ng nag-abot sa kaniya ng calling card."Anong ginagawa niya rito?" Mahina'ng tanong ni Ele
Sumapit na ang gabi ngunit narito pa rin sa ospital ang dalawa. Mahigpit na pinayuhan ng Doktor si Matilda na sa ikatlong araw pa siya maaaring makalabas, kaya naman nagtitiis na lang si Matilda sa puro puti na kaniyang nakikita.Pakiramdam niya'y hindi siya bagay sa ganitong lugar at mas lalo na sa ganitong kulay.Natawa nang mapait si Matilda. "Hindi naman ako malinis e."Nilingon niya ang pwesto ni Eleonor at tulad ng mga nakaraang araw ay natutulog na naman itong nakaupo. Ang ulo niya'y nakayuko at ang kaniyang mapupungay na mga mata ay mas lalo lamang naka-dagdag sa galit ni Matilda sa kaniyang sarili.Ilang beses na siyang sinabihan ni Matilda na pwede naman siyang humiga upang maging komportable ang kaniyang pagtulog. Ngunit ayaw pa rin nitong makinig. Mas gusto raw kasi nito'ng malapit kay Matilda."Pasensiya na, Eleonor....nadadamay ka pa." Hinagod ng mga kamay nito
Nakabulagta sa sahig ang lupaypay na katawan ni Matilda at ang mata'y nakapikit na tila natutulog lamang nang mahimbing. Ngunit iba ang pakiramdam ni Eleonor. Kaya humahangos niyang tinungo ang 1st floor upang humingi ng tulong sa Landlady dahil wala naman siyang emergency hotline sa kaniyang maliit na selpon.At nang mapuntahan ang nakabulagta'ng dalaga ay agad na tumawag ng ambulansiya ang landlady.Habang isinasakay sa stretcher si Matilda ay hindi naman ma-awat si Eleonor sa kaniyang kinatatayuan. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin at tila siya'y biglang binagsakan ng langit at lupa. Nanlalamig ang kaniyang mga kamay at nanginginig ang labi sa labis na nerbiyos ngunit pilit niya itong nilalabanan. Para kay Matilda.Agad na sumunod si Eleonor sa loob ng ambulansiya at habang mabilis ito'ng umaandar ay katumbas din ng mabilis na pag-tahip ng kaniyang dib
Isa lamang si Eleonor sa mga mag-aaral na masiglang nakikilahok sa mga aktibidad sa kanilang paaralan. Ngunit iisa lamang ang tumatak sa bawat isa."Teresa Montenegro. I'm 19 years old..." Isa sa mga kaklase ni Eleonor ang nag-boluntaryo upang sumagot sa tanong ng kanilang guro tungkol sa kanilang relasyon sa kanilang pamilya."I have a complete family." Huminto ito saglit at ngumiti nang malawak bago nagpatuloy."Mahal na mahal nila 'ko. At ang swerte-swerte ko kasi sila ang mga naging magulang ko. I'm actually doing this for them. Excited ako'ng bumabangon para makapasok sa school, I love the way they hug and kiss me bago ako umalis. Gusto'ng gusto kong nakikita 'yung ngiti nila sa tuwing may iu-uwi akong achievements. I really want to make them proud." Nagpalak-pakan ang mga estudyante, at ang lahat a
Ito na ang pinaka-hihintay ng dalawang dalaga. Sa wakas ay makakarating na rin sila sa paaralan na kanilang papasukan. Suot ni Eleonor ang magandang bestida na binili ni Matilda para sa kaniya kaya mas lalo siyang natutuwa.Hanggang sa sumakay muli sila sa isang jeepney na ang ruta ay hindi naman kalayuan mula sa kanilang apartment.At nang pag-baba nila mula sa sinasakyan ay hindi na napigilan ng dalawa ang ma-lula. Malaki ang labas ng paaralan na may bilog na logo sa gitna ng gate. May estatwa rin na makikita mula sa labas na kanilang kinatatayuan na kinakawayan naman ng katamtamang sinag ng araw. Lalo lamang gumanda ang paaralan sa kanilang paningin."Grabe, Matilda! Ang laki pala ng school na 'to!" Mangha'ng saad ni Eleonor habang binabagtas ng kaniyang paningin ang itaas ng paaralan."Oo, Eleonor. Wala
Pagkatapos ng tagpong 'yon ay ipinagpatuloy ni Eleonor ang kaniyang paglalakad. Sa isang gilid na kung saan ay maraming tao ang nagku-kumpulan ay napansin niya ang kaunting kababaihan na naka-suot ng pormal na panamamit at may takong na hindi kataasan. Pagod na ang ekspresiyon sa kanilang mga mukha na nahalata ni Eleonor, ngunit pilit nila itong ikinu-kubli sa pamamagitan ng kanilang ngiti habang inaasikaso ang mga mamimili.Ibinaling niya ang kaniyang paningin sa tapat ng kanilang glass door at doon ay nabasa niya na naghahanap sila ng mga Sales lady. Sa tingin niya'y disente naman ang ganitong trabaho kaya nag-isip siya nang mabuti.At sa kaniyang pagbabalik sa kanilang pwesto ni Matilda'y naabutan niya'ng may hawak na itong mga supot ng damit at tsinelas. Saglit siyang napa-hinto dahil hindi niya inaasahan na may sapat na salapi pala si Matilda upang bilhin ang mga ganitong gamit."Nandiyan ka na pala.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments