Home / All / Tears of Pain / Chapter 4

Share

Chapter 4

last update Last Updated: 2020-09-09 18:59:55

"Walang aalis! Dito ka lang sa pamamahay ko. Naiintindihan mo!?" Sinapo ng palad ni Emilito ang baba ni Eleonor kaya agad na napatingala ang dalaga. Nang matingnan ang ama sa malapitan ay itinaas niya ang kaniyang kilay at nandidiri itong tinitigan.

"Akala mo ba hindi ko narinig ang mga sinabi mo sa kuya mo? Anong akala mo sa'kin? Katulad mo'ng tanga?" Binitiwan niya ang baba ni Eleonor kaya agad itong napabaling sa gilid. Naramdaman na lang niya ang hapdi na dulot ng mahigpit na pagkaka-hawak sa kaniyang mukha na lalong nagpa-dagdag sa galit na kanina niya pa pinipigilan.

"Bakit, Papa? Wala na ba 'kong karapatan na mag-tapos? Ikukulong niyo na lang ba 'ko rito sa bahay!?" Sa kauna-unahang pagkakataon ay napag-taasan niya ng boses ang kaniyang ama. Hindi ito inaasahan ni Eleonor kaya agad na nanlaki ang kaniyang mga mata. Ngunit ilang segundo pa'y naisip niya'ng dapat lamang ito sa kaniya. Sa wakas, sa tila napaka-habang panahon ay naging matapang din siya.

Sa bawat pag-tilaok ng mga manok sa umaga'ng dapat ay payapa, sinabayan ito ng malakas at ka-hindik hindik na boses ng kaniyang ama. Mistulan itong tinig ng isang halimaw na patataasin ang kaniyang balahibo't pupunitin ang kaniyang balat. Hanggang sa wala nang boses ang matira sa kaniya. Ngunit kung walang boses ay walang tutulong. Kung walang boses....kaya naisip niya'ng dapat na siyang kumilos. Tama na ang matagal na panahon na inilagi niya sa hawla ng pag-luha, pag-iisa't pag-sisisi.

Bumuka ang labi ni Emilito, hudyat na uumpisahan na naman niya ang mahabang sigaw, panlalait at pananakit, ngunit isang malakas na tinig ng babae ang nagpa-hinto sa kaniya.

"Mang Emilito!" Isang katok ang namayani sa bawat sulok ng maliit nilang tahanan.

"Mang Emilito!" Sinundan pa ito ng pangalawa kaya agad na tumalilis si Emilito upang tumungo sa pinto. Naiwan nama'ng mag-isa si Eleonor sa bukana ng kanilang tahanan.

Mabibigat na hakbang ang inilikhang tunog ng kaniyang paa sa kawayan na nagsisilbi nilang sahig. At ang tunog na ito ay nagpa-alala kay Eleonor ng mga panaho'ng ayaw na niyang balikan. Mga panahon na sa bawat pag-hakbang ng kaniyang ama, ay ang walang humpay na pag-sigaw niya. Iwinaksi na lamang niya ito sa kaniyang isipan at tahimik na nag-pasalamat sa Panginoon dahil kahit papa'no'y pansamantala siyang nakatakas sa kalupitan ng ama.

"Nako, pasensiya na po sa abala." Agad na bumungad kay Emilito ang isang babae na may maliit at payat na katawan. Sa tantiya niya'y kasing-edad lamang ito ni Eleonor. Narinig niya ang mahinhi'ng pagtawa nito bago muling magsalita.

"Nandiyan po ba si Eleonor?" Nilingon-lingon niya ang loob ng kanilang tahanan. Kahit nakaharang siya'y sinisikap pa rin nito na makita ang kaniyang hinahanap.

"Bakit? Ano'ng kailangan mo sa anak ko?" Marii'ng tanong nito na tila nagbabanta. Ngunit hindi natinag ang babae na masiglang nakatayo sa kaniyang harapan.

"May itatanong lang po sana ako. Actually, classmates po kami sa isang subject na kailangan ng performance task. Eh, ka-grupo ko po kasi siya kaya kailangan ko siyang makausap." Naka-ngiting tugon nito. Muli, sa tila pangalawang beses na pinaboran si Eleonor ng langit ay naniwala ang kaniyang ama sa nakaka-kumbinsi nitong pahayag. Tinanguan niya ang dalaga at malakas na tinawag ang pangalan ni Eleonor.

"Eleonor! Lumabas ka diyan! Nandito 'yung kaklase mo." Nang marinig ito ni Eleonor ay isang pagtataka ang namuo sa kaniya. Sinong kaklase? Ngunit kahit gano'n ay pinili niya'ng sundin ang kaniyang ama. Nang makalapit sa kanila'y bumungad sa kaniya ang napaka-gaan na awra ng isang babae'ng sa tingin niya'y ka-edad niya.

"Hi!" Masayang bati nito. Ngunit dahil narito ang kaniyang ama'y hindi siya makakilos nang maayos, kaya isang tipid na ngiti lamang ang isinukli niya. Sa hindi niya malaman na dahilan ay tila naintindihan ito ng babaeng naka-ngiti lang sa kanilang harap. Hanggang sa pinalabas na siya ng kaniyang ama upang makapag-usap sila nang maayos.

"Do'n muna kayo sa labas. Ayoko kasi ng istorbo habang nakikinig ako ng balita sa radyo." Tumalikod na ito at isnara ang pinto. Ni hindi man lang niya hinintay na makapag-salita ang kaniyang anak.

Nang silang dalawa na lang ang naiwan ay agad siyang hinatak ng babae upang makalayo sa kanilang tahanan. Nagtataka naman siya sa mga ikinikilos nito, lalo na sa parte na kaklase niya raw ito. Wala siyang matandaan na ganito'ng mukha sa kanilang silid-aralan kaya labis siyang nalilito.

"Alam ko 'yang iniisip mo. Oo, hindi naman tayo mag-kaklase. Sinabi ko lang 'yon sa papa mo para palabasin ka." Dahil sa narinig ay mas lalo pa siyang nagtaka. Tinitigan niya nang mabuti ang babae at masasabi niya'ng  hindi sila nagkakalayo ng tangkad. Maputi ito, maikli ang manipis na buhok at pala-ngiti. Suot nito ang isang blusa na kulay berde at isang itim na pajama. Naka-tsinelas lamang siya na halatang pudpod na.

"E bakit mo sinabi kay papa na----" agad na naputol ang sasabihin ni Eleonor nang biglang magsalita ang babae.

"Alam ko'ng hahanapin ka na naman ng papa mo. Kaya please, tanggapin mo 'to.." Inilahad niya ang pera na nakabalot sa malinis at puting papel. Ngunit blangkong tinitigan lamang ito ni Eleonor.

"Ako si Matilda. Medyo malayo nga lang ang bahay namin sa bahay niyo pero kilala kita. Kilala namin ang papa mo. Pati 'yung mga ginagawa niya sa'yo.." Mahinang sambit nito sa mga huling salita na hindi nakatakas sa pandinig ni Eleonor.

"Please..'wag kang mahiya. Nandito ako para tulungan ka." Muli ay nginitian ni Matilda ang dalagang nakayuko at nahihiya.

"Alam naming lahat na malupit si Mang Emilito. At hindi ko na kayang tiisin ang mga ginagawa niya sa'yo." Nagulat si Eleonor sa kaniyang mga narinig. Hindi man lang niya akalain na makakarating sa iba ang mga ginagawa sa kaniya ng ama. Sa tingin niya'y wala na siyang mukha'ng ihaharap pa sa mga tao.

"Nakita ko'ng dumating 'yung kuya mo kahapon. Kaya naisip kong sumunod sa bahay niyo. Pumunta 'ko sa gilid ng kwarto mo, malapit sa mga talahib para makinig. Sorry, Eleonor, pero naisip ko na baka tulungan ka ng kuya mo. Pero narinig ko. Narinig ko lahat. At mukhang tama nga ako...pati pala si Romualdo ay wala ring alam."  Lalong nanlaki ang mga mata ni Eleonor sa kaniyang mga narinig. Lalo pa nang marinig niya ang pangalan ng kaniyang kuya.

"Bakit mo kilala si kuya? At tsaka si Papa...sino ka ba talaga?" Umiling lang si Matilda at inilapit pa sa kaniya ang hawak na pera.

"Mahabang kwento. Sasabihin ko nalang sa'yo sa susunod, pero tanggapin mo muna 'to. Magagamit mo 'yan sa pagluwas ng maynila. Tutulungan kita dahil aalis na rin ako rito. Sumabay ka na sa'kin. Alam ko'ng kailangan mo 'yan. May scholarship na hinahabol ka, diba? Makaka-abot ka pa kapag tinanggap mo 'to at umalis ka sa puder ng papa mo. Makaka-abot ka, Eleonor, kapag pinili mo'ng umalis dito." Hindi naka-imik si Eleonor dahil lahat ng sinabi ni Matilda'y tumama sa kaniyang puso at isip.

Ito na ba ang sagot sa mga panalangin ko? Ngunit nang maalala ang mga sinabi ng kaniyang ama'y hindi niya mapigilan ang mag-alangan. Paano kung malaman nito na aalis siya? Pa'no kung bugbugin na naman siya?

"Wag kang mag-alala. Maghahanap tayo ng mau-upahan sa maynila. Tutulungan kita'ng makalayo sa papa mo. Hindi ka nag-iisa sa laban na 'to, Eleonor. Nandito ako..." Hinawakan niya nang mahigpit ang nanginginig na mga kamay ni Eleonor. At sa isang iglap ay agad na gumaan ang pakiramdam niya. Ito na nga ba 'yon? Hindi niya mapigilan ang mapabulong sa hangin at tumingala sa langit. Asul na asul ang kalangitan at ang mga ulap ay mistulang bumababa upang yakapin sila. Napapikit tuloy siya upang damhin ang sariwang hangin.

"Eleonor....umiiyak ka." Nag-aalalang sambit ni Matilda at pinahid ang luha'ng tumulo mula sa mapupungay niyang mga mata.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Tears of Pain   Chapter 19

    Nagsimula nang humakbang ni Wil patungo sa ika-apat na palapag; ang pinakatuktok ng Larzralé Bar. Lumilikha ng tunog ng prominenteng tao ang makintab niyang sapatos na dinig na dinig sa buong pasilyo. Ang kaniyang plantyadong kasuotan naman ay hindi lamang sumisigaw ng kapangyarihan, kun'di pati na rin ng kakisigan.Walang pag-alinlangan niyang tinatakpan ng matipunong mga braso si Eleonor na ngayon ay hindi mapalagay sa kayuyuko. Impit ang mga salitang hindi maibulalas ng dalaga. Hinayaan na lamang niyang takpan siya ni Wil; bawas kahihiyan na rin.Agad na huminto sa matamlay na paglalakad si Eleonor. "Teka, Wil." Huminto naman ang binata na may pagtataka.Bumwelo sa muling pagsasalita si Eleonor. Naisip niyang baka hindi nito naintindihan ang salitang tagalog. "W-Where are we going?" Dahil sa itinanong ni Eleonor ay nabanaag niya agad ang paglambot ng ekspresiyon sa mukha ni Wil.Hinawakan s

  • Tears of Pain   Chapter 18

    Sa pagputol ng tawag ni Eleonor ay ang siyang pagngiti ni Wil Schord sa loob ng kaniyang opisina. Siya ang susundo kay Eleonor sa napag-usapan nilang tagpuan kaya naman labis ang nararamdaman niyang saya at pagkasabik. Hindi na siya makapag-hintay na makita't mahawakan si Eleonor.Samantala, labis naman ang pagpintig ng puso ni Eleonor dahil sa kaba. Hindi niya maintindihan nang lubusan ang kaniyang ginagawa. Hindi na rin niya maunawaan ang kaniyang nararamdaman. Basta para sa kaniya, ang mahalaga na ngayon ay ang makaraos sa sitwasyon nila ngayon.Agad na s'yang nag-asikaso ng kaniyang isusuot at mga isusuot pa'ng mga damit. Sinabihan na kasi siya ni Wil na kakailanganin niya ang higit pa sa isang damit sa kaniyang pagpunta sa St. Larzralé Bar. At kahit may hindi na magandang kutob ay pinili niyang 'wag sundin ito. Mas pipiliin na niya ngayon ang lunukin ang natitirang hiya.Sa ganap na alas-kwatro ng hapon

  • Tears of Pain   Chapter 17

    Agad na nilinis ng mga nurse ang iniwang kalat at bubog ni Matilda. Hindi naman ito nakalampas kay Dok. Agustin kaya nagtungo siya sa silid na kinaroroonan ni Matilda at Eleonor."Sorry po Dok, sa kung ano'ng nangyaring gulo. Pangako, hindi na po mauulit." Paumanhin ni Eleonor sa ngalan ni Matilda. Nilingon naman ni Dok. Agustin ang pwesto ni Matilda na ngayon ay hindi na makatingin nang diretso sa kanila.Ngayon ay silang tatlo na lamang ang naiwan sa tahimik na silid. Lumapit si Drey kay Matilda at ininspeksyon ang mga mata nito. Ngunit sa pagtitig niya rito'y agad siyang napa-hinto. Tila may isang emosyon ang mabilis na tumama sa kaniya na hindi niya mawari."Hey... 'Diba nag-usap na tayo? If there's anything that's bothering you, know that I'm always here. I'm your friend, right? Ako na muna si Drey. Kalimutan mo muna ang pagiging Dok. Agustin ko. Okey?" Marah

  • Tears of Pain   Chapter 16

    Pangalawang araw na simula noong sabihan ni Dok. Agustin sila Matilda at Eleonor na manatili muna ng tatlong araw sa ospital. At matapos ang tagpo kagabi ay bumalik si Matilda sa kaniyang silid. Mugto ang mga mata ngunit magaan ang paghinga.Bumalik sa normal ang pag-aaral ni Eleonor kahit nasa loob parin ng ospital kasama si Matilda. Hindi naman niya ito tinitingnan bilang isang malaking hadlang. Sa katunayan nga ay gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing malapit kay Matilda. Mabuti nalang at hindi na nito inulit pa'ng kunin ang sariling buhay.Habang naglalakad palabas ng maliit na kantina ay napukaw ng atens'yon ni Eleonor ang isang pamilyar na lalaki. Ilang lakad lamang ang distansiya nilang dalawa na naging dahilan upang maalala ni Eleonor ang minsang nakabunggo niya sa mall. Ang lalake'ng may magandang mga mata na halatang isang banyaga, matangos na ilong at may magandang katawan. Ang lalake'ng nag-abot sa kaniya ng calling card."Anong ginagawa niya rito?" Mahina'ng tanong ni Ele

  • Tears of Pain   Chapter 15

    Sumapit na ang gabi ngunit narito pa rin sa ospital ang dalawa. Mahigpit na pinayuhan ng Doktor si Matilda na sa ikatlong araw pa siya maaaring makalabas, kaya naman nagtitiis na lang si Matilda sa puro puti na kaniyang nakikita.Pakiramdam niya'y hindi siya bagay sa ganitong lugar at mas lalo na sa ganitong kulay.Natawa nang mapait si Matilda. "Hindi naman ako malinis e."Nilingon niya ang pwesto ni Eleonor at tulad ng mga nakaraang araw ay natutulog na naman itong nakaupo. Ang ulo niya'y nakayuko at ang kaniyang mapupungay na mga mata ay mas lalo lamang naka-dagdag sa galit ni Matilda sa kaniyang sarili.Ilang beses na siyang sinabihan ni Matilda na pwede naman siyang humiga upang maging komportable ang kaniyang pagtulog. Ngunit ayaw pa rin nitong makinig. Mas gusto raw kasi nito'ng malapit kay Matilda."Pasensiya na, Eleonor....nadadamay ka pa." Hinagod ng mga kamay nito

  • Tears of Pain   Chapter 14

    Nakabulagta sa sahig ang lupaypay na katawan ni Matilda at ang mata'y nakapikit na tila natutulog lamang nang mahimbing. Ngunit iba ang pakiramdam ni Eleonor. Kaya humahangos niyang tinungo ang 1st floor upang humingi ng tulong sa Landlady dahil wala naman siyang emergency hotline sa kaniyang maliit na selpon.At nang mapuntahan ang nakabulagta'ng dalaga ay agad na tumawag ng ambulansiya ang landlady.Habang isinasakay sa stretcher si Matilda ay hindi naman ma-awat si Eleonor sa kaniyang kinatatayuan. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin at tila siya'y biglang binagsakan ng langit at lupa. Nanlalamig ang kaniyang mga kamay at nanginginig ang labi sa labis na nerbiyos ngunit pilit niya itong nilalabanan. Para kay Matilda.Agad na sumunod si Eleonor sa loob ng ambulansiya at habang mabilis ito'ng umaandar ay katumbas din ng mabilis na pag-tahip ng kaniyang dib

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status