LOGINFrostia Sebastien, isang desi-nuebe anyos na lumaki sa hirap kasama ang kaniyang magulong pamilya. Dahil sa hirap ng buhay at sa kagustuhang makapagtapos ng pag-aaral ay naghanap siya ng trabaho bilang isang kasambahay. Napakalupit ng kaniyang tadhana at napunta siya sa mansiyon ng Rosales Residence at doon nagsimula ang kalbaryo ng kaniyang buhay. Naging lihim mab ang pangmomolestiya at panghahalay ng kaniyang among prinsipal ay nalaman pa rin ito ng karamihan lalo ba ang malupit na madam. Paano siya makakalayo sa mga mapanghusgang tao na walang alam kung ano ang malagim na sinapit niya mula sa Rosales Residence? Ipagpapatuloy pa rin ba niya ang kaniyang pagbubuntis kahit na alam niyang bunga ito ng panghahalay ng inaakalang mabutihing prinsipal? Paano siya makakatakas sa malupit niyang tadhana kung kinakailangan niya rin namang lumaban at maghiganti kahit sa maling paraan? “Kung ikakakulong ko ang pumatay ay ikakatuwa ko pa kaysa umiyak... nang sa kaisipang makukulong ako ay sisiguraduhin ko na... tapos na ang aking paghihiganti!” —Frostia Sebastien
View MoreMAKIKITA sa mga mata ng mga estudyante ang excitement sa kanilang magiging field trip. Sa wakas ay mawawala na ang kanilang stress dulot ng kanilang ikatlong pagsusulit.Lahat ng limang sections ng mga Grade 10 students ay nagkakatipon-tipon sa kani-kanilang pwesto habang hinihintay ang bus na sasakyan nila. Isa naroon ang hindi makapaghintay ay si Frostia. Palakas nang palakas ang kaniyang nararamdamang kaba ngunit sa magandang pakiramdam. Nasa loob silang lahat sa kantina, ilan sa mga estudyante ay nasa counter at bumibili ng chichirya upang baonin.Panay tawag naman ang iilang mga kaklase’t kamag-aral niya sa kani-kanilang mga magulang upang ipaalam ang kanilang kalagayan habang naghihintay pa sa bus. ’Di magkamayaw ang ingay sa loob ng kantina lalo na’t mayroong mga kasama silang mahihilig mag-ingay at loko-loko.“Buti na lang sumama ka talaga Frostia! Halos lahat kami ay inaakalang hind
MASAYANG umuwi ng bahay si Frostia upang ibalita ang pagiging top niya sa lahat ng exams at levels. Dumaan pa siya sa isang panaderya upang bumili ng isang cake para icelebrate ang kaniyang pagiging top kahit sa kaunting selebrasiyon man lang. Gusto n’ya rin pagandahin ang mood ng kaniyang mga magulang upang payagan siyang sumama sa darating na field trip nila.Pagkatapos mabayaran ang isang cake na hugis bilog at tsokolate ang flavored nito ay agad niyang binitbit ang box ng cake at nagpara ng masasakyang traysikel.Hindi niya maiwasang mapangiti habang paandar ang sinasakyan niyang traysikel papunta sa bahay nila. May mga nakakasabay rin siya sa sinasakyan ngayon. Napuno siya ng good vibes ngayong hapon at hyper siyang nagpaalam sa driver at sa ibang pasahero pagkababa niya rito.Pagkasara niya pa lang sa kanilang tarangkahan ay agad siyang nakita ng kaniyang dalawang nakakabatang kapatid at agad siyang sin
PAGKA-APAK pa lang ng gate ni Frostia ay agad na napanganga siya sa dami ng tao. Puro nakasuot ang mga ito ng pormal na kasuotan at halatang mga mayayaman na tao sa lipunan.Ganito na ba kayaman kaibigan ko upang dalohan ng iba’t-ibang tao na may posisyon sa lipunan? Nasisilaw si Frostia sa maliwanag na looban ng mansiyon ng kaibigan. Engrandeng-engrande ang loob. May chandeliers na nakasabit sa bubong, may grand staircase na pinapalamutian ng mga bulaklak at mga desinyo, may mga lamesa’t upuan na may preskong bulaklak na nakadisplay sa gitna, at may cater pa.“I told you! Kapwa nakapormal ang lahat. Ipagpapatuloy mo pa ba ang ganiyan ngayon? Sayang naman kung uuwi ka at ayokong mangyari ’yon. ’Di ako papayag.” Halata sa boses ng kaibigan ni Frostia ang desidedo’t pagkapanalo.Napalingon si Frostia sa main gate na pinasukan nila kanina. May mga nakatayo sa magkabilang gilid
ISANG linggo na naman ang lumipas at ngayon ay araw ng byernes. Walang araw na hindi siya dumadaan sa bahay ng kaniyang tiya Rosa para ipagtutor ang kaniyang pinsan. Pagkatapos niyang makuha ang kaniyang sahod ay bagsak-balikat siyang naglakad palabas ng pintuan ng bahay ng tiyahin. Walang kabuhay-buhay ang kaniyang mga mata at malalim ang kaniyang pag-iisip.‘Ayoko nang magtutor pa! Inuuto lang ako ng mga kuripot na ’yon. Kainis!’Nagsisisi siyang tinuruan niya pa nang maayos ang pinsan. Sana hindi na lang siya umasang tutupad ito sa napagkasunduan nila noong una. Gano’n pa rin, isang daan at limampong peso pa rin ang nakuha niyang sahod mula sa pagtuturo ng apat na araw. Noong miyerkules niya pa natapos sa pagtutor Ang pinsan at inextend ng kaniyang tiyahin ang bayaran ng kaniyang magiging sahod. Naghintay siya ng dalawang araw sa karampot na bayad lang. Hindi nga makatarungan ang lahat.
reviews