Share

Chapter 2

Amanda's POV

"Sigurado ka na ba dyan sa sinabi mo ha Amanda? Baka mamaya makita kitang umiiyak dyan. Nako hindi ko na kasalanan yan."

Tanong nito sa akin habang tinitingnan akong mag-ayos. Sinabi ko kasi sa kanya na ready na ako magpaVIP, alam ko na nagdadalawang isip pa siyang payagan ako dahil bago pa lang ako sa trabahong ito. Pero kailangang kailangan ko na talaga ng pera kaya gagawin ko na kahit na labag sa kalooban ko.

"Sigurado na po ako Mama Jessa."

Maikling sagot ko sa kanya.

"Ay sya sige lumabas ka na maya maya ha pagkatapos mong mag-ayos marami tayong customer ngayon."

Sambit niya bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Itinuloy ko ang pag aayos ko at bago tuluyang lumabas ng kwarto ay pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Wala ng atrasan 'to nandito na ako sambit ko sa aking sarili.

Nang makalabas ako ay marami ng customers sa loob, oo nga pala weekend ngayon. Hinanap ko ang kaibigan kong si Jenna pero napansin kong may katable na ito at mukhang mayaman. Masaya silang nag-uusap habang ang kamay ng lalaki ay nakapatong sa hita niya. Wala namang kaso sa kanya yun dahil sanay na siya sa ganitong trabaho. She started when she was 16 at hindi mo rin siya masisi dahil ito na ang buhay na pinili nya. Dahil sa trabaho nya dito, nabibili nya kung ano man ang gusto nya. Madalas nga niya akong ilibre noon.

"Amanda dito. Halika."

Tawag sa akin ni Mama Jessa ng makita ako. Agad naman akong lumapit sa kanya. Ipinakilala niya ako sa mga lalaking naroon pero lahat sila ay may katable na kaya dinala ako ni Mama Jessa sa may second floor kung nasaan ang mga VIP clients ng aming bar.

Pag-akyat ko pa lamang ay nakatingin silang lahat sa akin. May iilan na rin babae dito sa taas pero maraming lalaki pa rin ang walang katable at umiinom lang ng alak. Mga nagpapalipas lang siguro ng oras.

"Dito tayo ipapakilala kita sa anak ng mayamang negosyante. Sigurado akong siya na solusyon sa problema mo."

Sambit ni Mama Jessa habang hinihila ako palapit sa lalaking nasisiguro kong kaedad ko lamang. Alam nya din kasi ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang trabahong ito.

"Hello po Mr. Smith, si Amanda po bagong alaga ko."

Pagpapakilala ni Mama Jessa sa lalaking nakaupo, agad naman itong tumayo at nakipagkamay sa akin. Akala ko ay bibitawan na niya ang kamay ko pero nagulat ako ng dalhin niya ito sa labi niya at halikan ito. Nagulat ako sa ginawa niya, kinabahan rin ako ng mariin niya akong titigan. Nakakatakot naman ang lalaking 'to. Ganito ba ang mga VIP clients dito.

Inalalayan niya akong maupo. Nakangiti naman akong nagpasalamat sa kanya.

"Oh Mr. Smith iwan ko na muna kayo. Just enjoy the night."

Nakangiting sambit ni Mama Jessa bago tuluyang umalis. Dahil naturuan na ako ni Jenna ng ilang bagay para ientertain ang customer, sinimulan ko ng gawin ang trabaho ko. Ipinagsalin ko ng alak ang lalaki at iniabot ko yun sa kanya. Mas lumapit rin ako sa kanya at sinubukang haplusin ang braso nya. Nakangiti lang siya sa akin. Hindi ko alam kung nag eenjoy ba siya o ayaw nya sa ginagawa ko.

Maya maya ay may tinawagan siya sa cellphone niya at napansin kong naglalakad palapit si Mama Jessa sa pwesto namin.

"Room 310 po sir."

Pagkatapos ay inabot sa akin ni Mama Jessa ang susi ng kwarto.

"If you want anything, tumawag lang po kayo sa baba. Enjoy the night."

At agad din kaming tinalikuran ni Mama Jessa.

"Let's go sir."

Aya ko sa lalaki. He's holding my waist habang naglalakad papunta sa kwarto. Ng buksan ko ang pintuan ng kwarto ay nagulat ako sa aking mga nakita. Napakaganda sa loob. Ngayon lang kasi ako nakapasok dito. Ng makapasok ang lalaki ay nilock niya ang pinto at kinuha sa akin ang susi. Inilapag niya ito sa bedside table at naupo sa gilid ng kama. He started to undress himself pagkatapos ay dumiretso siya sa bathroom. Nilibot ko ang boung kwarto habang naliligo ang lalaki. I was really amazed sa view na makikita sa labas ng bintana. Nagulat ako ng may biglang yumakap mula sa likuran ko, it was Mr. Smith. Pinagmasdan niya ako bago magsalita.

"Ready to do your job?"

Nakangising sambit nito sa akin. I know what he's talking about kaya naman muli kong isinara ang bintana ng kwarto at ibinaba ang mga kurtina sa loob. I started to undress myself, I'm fully naked at ng mapansin kong nakatitig siya sa akin ay agad ko siyang nilapitan. I sit on his lap and I started to kiss him. Right know, I'm not sure if I'm doing the right thing. Ito lang ang mga bagay na natatandaan ko sa mga sinabi ni Jenna sa akin noon.

Nagsimula siyang hawakan ang aking dibdib habang naglalandas sa aking katawan ang kaliwang kamay niya. He started to kissed me passionately at wala akong magawa kundi ang magpaubaya sa kanya. Maya maya pa ay binuhat niya ako at inihiga sa kama. Pinagmasdan niya ako ng ilang minuto pagkatapos ay muli niyang singguban ang labi ko. Naging marahas ang mga halik niya at pilit kong pinipigilan ang sarili kong umiyak. He kissed my neck while massaging my breast. Nang mapansin niyang umiiyak ako ay tumigil siya sa ginagawa nya at pinagmasdan ako.

"Bakit ka umiiyak? Huwag mong sabihin na nagsisisi kang sumama sa akin ngayon."

Malumanay na tanong nito. Hindi ko ineexpect na he will asked me a question like that. Malayo sa itsura nya ang pagiging concern nya, kung concern bang matatawag yun.

"No, it's not like that. It's my first time actually."

Maikling sagot ko sa kanya. Nagulat naman siya ng magsalita ako.

"So are you saying that your still a virgin?"

Dirediretsong tanong nito sa akin, tumango naman ako bilang sagot.

"Hmnn. you are lucky today dahil ako ang nagrequest sayo dahil kung ibang client yun. I'm sure sa mga oras na ito your not virgin anymore."

Paliwanag niya sa akin. Tumayo siya at kinuha ang damit na sout ko kanina. Inihagis niya iyon sa akin at nagsalita.

"Magbihis ka na, baka magkasakit ka pa."

Utos niya sa akin na agad ko namang ginawa. Maya maya ay naupo siya sa couch, lumapit naman ako at ipinagsalin siya ng alak.

"Magkano ang kailangan mo?"

Nagulat ako ng bigla niya akong tanungin.

"Don't be suprised. Alam ko na lahat ng mga bagong nagtatrabaho dito ay kailangan ng pera kaya pumasok sa ganitong klase ng trabaho. Just name your price, I will give it to you."

Sambit niya. Ganyan ba talaga silang mayayaman? Halos ipamigay na nila ang mga pera nila?

"500 thousands. Para sa pagpapaopera ni Papa."

"Okay deal, give me the hospital name at ako ng bahala."

"Talaga? You will do that for me?"

Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Imposibleng gagawin nya dahil gusto nya lang. I know he has something on his mind.

"Yeah but in one condition." Nakagiting sambit niya, bigla naman akong kinabahan sa sinabi nya. Ano bang klaseng kondisyun yun.

"Kahit ano gagawin just make sure na maooperahan ang Papa ko."

Sagot ko naman agad sa kanya. Baka kasi magbago pa ang isip nya.

"Marry me."

Seryosong sambit niya habang nakatitig sa akin.

"Are you sure that's your condition?"

"Yeah. That's the only condition I want."

"Okay fine."

Sagot ko naman sa kanya. Hindi na ako nag isip pa at pumayag agad sa kagustuhan niya. Kung para kay Papa, I will do everything. Kahit na ikasal pa ako sa lalaking ngayon ko lang nakilala.

We spend the night na puno ng kwentuhan at tawanan, hindi ko alam kung bakit napakagaan ng loob ko sa kanya samantalang ngayon lang naman kami nagkita. We talk about some random things at ngayon narealize ko na hindi lahat ng lalaking nasa bar ay gustong uminom o makipags*x. Some of them are just looking for someone na makikinig at sasamahan silang tumawa sa mga bagay bagay. He order some fancy dinner at pinadala niya iyon sa aming kwarto. Pagkatapos kumain ay nagpaalam na siya at bago tuluyang umalis ay may inabot siyang black card sa akin.

"You can buy anything you want, just make sure that you will not entertain other men. I'll be back tommorow, you need to wait for me and remember our deal, wala ng bawian."

Pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto pero ilang munto lang ay bumukas ulit ang pintuan ng kwarto, bumalik siya bakit kaya?

"Oh I forgot something."

Sambit niya sabay kindat sa akin. Nagulat ako ng lumapit siya sa akin at hinila ang bewang ko. He give me deep kisses at ikinawit ko naman ang kamay ko sa batok niya. Maya maya pa ay siya na mismo ang pumutol sa halik na sinimulan niya.

"Bye."

Paalam niya bago tuluyang lumabas ng kwarto. Naiwan akong tulala at hindi makapaniwala sa nangyari.

Pagkatapos kong ayusin ang aking sarili ay bumaba na rin ako. Hinihintay ako ni Jenna sa may bar counter. Nakangiti siya ng salubungin ako.

"Ano kamusta? Masarap ba? Balita ni Mama Jessa ikaw ang pinili ni Mr. Smith kanina. Malaki ba ang binigay sayo?"

Excited na tanong nito sa akin. Ipinakita ko naman sa kanya ang black card na binigay ni Mr. Smith kanina. Tuwang tuwa siya ng makita ito.

"Iba talaga ang ganda mo. Alam mo bang mapili sa babae yun. Mabuti na lang at ikaw ang binigay ni Mama Jessa, ang swerte mo naman girl."

Nang-aasar na sambit nito.

"Magkwento ka naman anong mga nangyari? Sigurado akong nag enjoy ka rin kahit na first time mo pa lang."

Pangungulit nito sa akin habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng dyip.

"Ano ka ba, walang nangyaring ganoon no."

"Anong walang nagyari? Impossible naman."

"Mamaya ko na nga sasabihin sayo pag-uwe natin, ang ingay mo masyado."

Saway ko sa kanya dahil pinagtitinginan kami ng mga kasama naming pasahero sa dyip dahil sa lakas ng boses nya.

Nakahiga na kami ng ikwento ko sa kanya ang nangyari. Kilig na kilig naman ito at hindi makapaniwala dahil bibihira na daw ang ganoong klase ng tao ngayon. Paulit ulit niya akong inaasar lalo ng malaman niyang niyaya ako nitong magpakasal. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko, kahit ako rin naman.

Sino ba naman kasing tao ang basta na lang yayain kang magpakasal unless kilala na niya ako noon pa man o baka naman may nalalaman siya sa pagkatao ko?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status