Share

Chapter 34

ANG BILIS. Sobrang bilis ng pangyayari. Hindi ko alam na 'yong gabing 'yon na ang magiging huling ala-ala ko sa unang lalaking mahal na mahal ko.

Sana hindi na lang natapos ang gabing 'yon. Sana ay kapiling ko pa si Daddy. Sana ay nag-e-enjoy pa kami dahil babawi ako sa mga taong nasa Spain pa kami ni Zeirode. Sana mas lalo kong ipinaramdam ang pagmamahal ko sa kaniya.

Pero ang lahat ng 'yon... hindi ko na magagawa pa. Hindi ko na magagawa dahil iniwan na 'ko ni Daddy.

Alam kong natapos na ang paghihirap niya, pero hindi ko naman agad matatanggap na ako na lang mag-isa. Na iniwan na niya talaga ako.

"Zrei?" Nakarinig ako ng katok sa pinto ng kuwarto ko.

Isang araw nang nakaburol si Daddy pero nawawalan ako ng lakas na humarap doon. Pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin na makita si Daddy na nakahimlay sa kabaong. Hindi ko pa kayang tanggapin na wala na sa 'kin si Daddy.

"Open the door, please? Nag-aalala na kami sa 'yo..." Rinig ko ang boses ni Sathel sa labas, pero nagtalukbong lang ak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status