"Mag hanap kayo ng ka-partner. At pag usapan nyo kung ano ang lulutuin nyo" sabi ni Mam Colonel teacher nila sa TLE bago lumabas
Napalingon siya kay Gabin na nakatingin din pala sa kanya parang pareho kame ang iniisip nilang dalawa."Partner tayo" sabi nito na walang boses na lumalabas sa bibig. Tumango siya at ngumiti. Buti nalang ito na ang nag prisinta dahil wala naman siyang ka close sa mga classmate niya, lalo na sa mga babae. karamihan sa mga ito ilag sa kanya dahil siya daw kasi ang blacksheep sa room. yung mas madalas mag cutting at mapaaway kumbaga bad influence ang tingin sa kanya ng mga classmate niya buti nga nag transfer dito si Erika kaya may babae na siyang kaibigan bukod kay Jannah na ngayon ay suspended. puro kc lalake ang barkada niya. mga barkada ng kuya niya na lagi nilang nakakasabay sa pag uwi.
Tumayo ito para lumapit sa kanya pero hinarang ito ni Jessica -ang classmate kong talande at isa sa mga hayagang lumalandi kay Gabin
"Gabby partner tayo" sabi nito na umangkla pa sa kamay ni Gabin na halatang asiwa na dahil dikit na dikit na kasi dede ng gaga sa braso ni Gabin
"Hoy lande kame ang partner ni Gabin." Sigaw niya. tumingin sa kanya ang iba nilang classmate "Gabino, baby, come here" malanding sabi niya at kiniling niya pa ang ulo niya. Halata namang nagulat si Gabin pero natatawa
"Sorry Jess, kame na ni Sab ang partner eh" apologetic na sabi nito sa talanding babae.
"K" inis na sabi nito at inirapan pa siya ng gaga bago tumalikod
Naupo si Gabin sa tabi niya dala ang ballpen at notebook nito. nasa dulo siya nakaupo malapit sa bintana
"So, anong lulutuin natin?" Tanong agad nito
"Scramble egg?"
Ha-ha lang ang sinagot nito
"Menudo kaya?" Suggest nito at saka nag paliwanag kung paano lutuin at kung ano ano ang mga ingredients
"Ayos ah. Marunong ka mag luto?" Tanong niya. kasi niya akalain na marunong pala itpng mag luto dahil kung siya nga hindi eh, kahit mag saing. Nangalumbaba soya sa desk ng upuan nito at pasimple niya pang pinapungay ang mga mata niya.
"Syempre chef tatay ko eh. Pag bumababa siya sa barko tinuturuan niya kame ni Jasmine mag luto" kwento nito na parang Hindi naman pansin ang pag papa cute niya dito. Minsan talaga di niya alam kung mandhid ba ito o sadyang tanga lang
"Ahh.." Tumango tango siya. alam niya naman seaman ang tatay nito pero hindi niya alam na chef pala sa barko ang future father-in-law niya
"So gusto mo din maging chef?" Tanong niya dito. Pinag mamasdan niya ito habang nag susulat ito sa notebook nito ng mga kailangang ingredients
"Oo. HRM kukunin kong course" sagot nito na hindi tumitingin sa kanya. Nakaramdam siya ng inggit dito. buti pa si Gabin alam ang gusto sa buhay, siya kasi di niya pa alam kung anong course ang kukunin niya sa college. Ni hindi niya nga sure kung makaka graduate siya sa dami ng bagsak niya kaka-cutting
"Ah" nalang ang nasagot niya dito habang tinititigan ito.
Gwapo talaga ang loko sarap titigin. Tumutok ang mata niya sa labi nito, natural na mapula, kahit pa naninigarilyo ito hindi man lang nangingitim ang labi nito gaya ng sa ibang kilala niyang nag sisigarilyo. Ano kaya lasa ng mga labi nito? Kasing sarap din kaya ng mga napapanood at nababasa niya?
"Ikaw?" Biglang tanong nito na huminto sa pag susulat at tumingin sa kanya. Napakurap kurap naman siya dahil parang malulunod siya sa ganda ng mga mata nito
"Anong ako?" wala sa sariling tanong niya
"Anong kukunin mong course?" natatawang sabi nito
"Ahh.. Baka PMA" walang buhay na sabi niya
Parang gulat naman ito sa sinabi niya. Di niya lang sure kung nagulat ba ito dahil sa sinabi niyang gusto niya ng PMA o dahil sa di nito inaasahan na may plano pala siya
"Mag pupulis ka?" Di makapaniwalang sabi nito
"Gung-gong. PMA. Pahinga Muna Anak" nakangising sabi niya dito
Nagunot ang noo nito maya maya humagalpak ng tawa ng marealize ata ang sinabi niya. napatunganga naman siya dito lalo kasi itong mas gumwapo pag ganitong nakatawa, sumisingkit ang mata at lumalabas ang mga biloy sa pisngi.
Nag tinginan sa kanila ang mga kaklase nila at mga nakataas ang kilay pero parang walang pakialam ang lalaki na to. Tuwang tuwa sa galak amputa.
'One ganda points for sabrina! Yey!'
SABADO ng umaga ng maka recieve siya ng text galing kay Gabin. kita daw sila bukas ng tanghali para mamili ng rekado na gagamitin nila sa TLE, sa monday kasi sila mag luluto.
Naalala niya naman ang napag usapan nila ni Erika last week kaya nag ka idea siya
nag reply siya
Me :
[Date na din tayo Gabino baby]Di siya mapakali. Binasa niya uli ang text niya dapat siguro wala nalang 'baby'? Pero kahapon naman tumawa lang si Gabin ng tinawag niya itong 'baby'. Tama! Iisipin nito na nag bibiro lang ulit siya.
Nabitawan niya ang cellphone ng mag reply ito
From : Gabino
[Sure. Basta libre mo eh]"Sheeeeet!. Na pag kalagkit lagkit!" Tili niya
Napatayo siya sa kama at tumalon talon sa sobrang kilig habang nag hehead bang
O to the M to the G!
"May date kame bukas. May date kame bukas!" Parang baliw na kanta niya pa habang tumatalon.
Nang makalma. excited siyang nag type para mag reply
Me :
[Shet first date natin mambuburaot ka?]Kahit gaano pa siya kinikilig kailangan hindi siya obvious at mag mukang pabiro parin ang panlalandi niya
From : Gabino
[Hahaha.. Mas malaki naman allowance mo eh]Me :
[Tsk. Binawasan nga e. G na G ako ngayon]From : Gabino
[tss palusot. Pag katapos mamili daan tayo dito sa bahay tulungan mo kong mag balat ng carrot at patatas ah]Me :
[Sureness]From : Gabino
[K. See u tom]Di na siya nag reply para di naman siya obvious. Bumababa na siya sa kama saka dumeretso sa banyo para maligo
NAKITA niya ang kuya Sean niya sa living room. nakaupo sa couch habang nakataas ang paa sa center table at nanonood ng Ben10. Tumabi siya dito at nakinood din. Wala ang mga magulang nila at si aling belen lang ang kasama nila sa bahay -ang matandang katulong
"Wala kang lakad?" Tanong niya sa kapatid. Usually kasi pag ganitong week ends nasa galaan ito kasama ng mga barkada
"Dadating sila Mateo" sabi nito na sa tv parin nakatingin. Barkada nito si Mateo at kaklase lagi din nila itong kasabay sa pag uwi dahil nadadaanan nila ang bahay ng mga ito.
Siya naman walang balak umalis dahil umuwi ng ilocos sila Erika kaya wala rin siyang maayang mag lakwatsa
"Sino sino kasama?"
"Si Arjay,manolo at Gab"
Napaangat naan ang likod nya ng mabanggit ang pangalan ni Gabin
"Ka text ko si Gabin kanina ah, bakit di niya sinabing pupunta sila?" Halos bulong niya nalang sa sarili pero narinig pala ng kuya Sean niya
"Kelan pa kayo naging textmate ni Gab?" Nakataas ang kilay na tanong nito. Halatang nang iintriga. Nahahawa na talaga ang kapatid niya ng pag ka intrigero kay Arjhay
"Partner kame sa TLE eh. mamimili kame bukas ng rekado" simpleng sagot niya
"Ah" anito
Tumutok uli siya sa TV pero wala na don ang atensyon niya dahil iniisip niya kung dapat na ba siyag bumalik sa taas at mag palit ng damit saka mag lagay ng konting lipgloss kaya lang baka makahalata ang kuya niya dahil dati rati naman pag pumupunta ang mga yon dito kahit anong itsura niya wala siyang pakialam
'Pero iba na kasi ngayon'
Bulong ng utak niya, Iba na dahil nakapag decide na siyag landiin si Gabin at kung gusto niya itong maakit sa kanya dapat muka siyang kaakit akit. Hindi siya mukang kaakit akit ngayon. Jogging pants at tshirt na maluwag ang suot niya. Dapat pala nag short at crop top nalang siya
Nilingon niya ang kuya niya muka namang Engrossed na engrossed sa panonod di na siguro siya mapapansin nito kung aakyat uli siya at mag papalit ng damit.
Nag inat siya kunyari tapos dahan dahan tumayo pero ang gilid ng mata nakatingin sa katabi niya. Tutok parin kay Ben10 ang kuya niya kaya tuluyan na siyang tumayo at nag lakad papunta sa hagdan at ng nasa kalagitnaan na siya, yung hindi na tanaw mula sa sala nag mamadali na siyang tumakbo paakyat papunta sa kwarto niya.
Sabrina's POV"Nay, dali!" malakas na tili ni Leticia. Napabuntong hininga na lang siya sa anak. Hindi niya alam kung bakit ba madaling-madali ito na pumunta sila sa Garden. Dalawang araw na siyang matamlay dahil busy si Gab sa restaurant at hindi nakakadalaw sa kanila. Hindi pa rin kasi sila nito sinusundo may mga inaasikaso pa raw kasi ito."Asan ba ang mga Kuya mo?" tanong niya sa anak dahil hindi pa niya nakikita ang kambal simula pa kanina. "Dahan-dahan, anak," saway niya kay Leticia dahil pababa na sila ng hagdan.Nang malapit na sila sa pintuan palabas ng garden nakarinig siya nang pag-strum ng gitara. Medyo dim ang liwanag dahil alas siyete na rin naman ng gabi. Patay ang ilaw sa pathway na papunta sa garden. Nagtaka siya dahil hindi naman pinapatay ang ilaw pathway.Nang makarating sila sa pinto ay biglang lumiwanag ang paligid. Tumugtog ang drums at piano kasabay ng pag-strum ng gitara. Kasunod niyon ay isang pamilyar na tinig. Malamig at napakagandang tinig.Maluha-luha siy
Gabino's POVNagising siya sa marahang haplos sa noo niya. Nagmulat siya ng mga mata at nakita niya si Sabrina na nakatunghay sa kanya."Sab..."Hindi niya namalayang nakatulog pala siya. Ilang araw na rin kasi siyang hindi nakakatulog dahil sa kakaisip sa sitwasyon nila ni Sabrina."Puwede na ba tayong mag-usap?" malambing ang boses ni Sabrina. Nakangiti din ang mga mata nito.Tumango siya at bumangon. Bumuntong hininga naman si Sabrina at nagsimulang magsalita."Sorry... Dahil iniwan kita no'n ng hindi man lang pinapaalam sa'yo na magkaka-anak na tayo. Magulo ang buhay ko no'n. Umalis si Mommy at Kuya, nagdala ng babae si Daddy sa bahay. Pakiramdam ko hindi na ako parte ng kahit kaninong pamilya. I don't see any future for me that time. I feel lost. Then I found out that the girl my father brings home is my real mother."Napatingin siya kay Sab. Malungkot ang mga mata nito. Ngayon niya lang nalaman na ang bagong asawa ng Daddy nito ang tunay nitong ina."Hindi ako nagdadahilan kaya
Gabino's POVAraw-araw nasa Villa siya para bisitahin ang mag-iina niya simula nang sampalin siya ni Sabrina. Nasaktan siya sa ginawa nito pero hindi naman siya nagalit. Alam niyang ayaw nitong kumakampi siya sa iba pero... hindi naman niya matiis si Maria. Maria is a good friend, ito ang nag-recommend sa kanya kay Don Damian. Bukod pa doon mabait naman at maasahan si Maria, madalas nga lang itong mapaaway dahil sa ugali nito. Iba kasi ang ipinapakita nitong ugali sa ibang tao kaysa sa tunay na ito. Hirap lang talaga itong makibagay sa mga tao lalo na at mababa ang self-esteem nito. At ang mga sinabi dito ni Sabrina ay mas lalo lang magpapababa nang tingin nito sa sarili kaya naman hindi na niya napigilang awatin si Sabrina.Ang kaso siya naman ang na-bad shot kay Sabrina. Ayaw siya nitong kausapin, kahit harapin. Kahit na nga nakikiusap siya sa labas ng pintuan nito ayaw siya nitong pagbuksan. Ngayon niya pinagsisisihan kung bakit pumayag pa siya sa Lolo nito na dumito na muna sa Vil
Sabrina's POVParang bumalik sila ten years ago. Naging maasikaso na uli si Gabino sa kanya. Bawat galaw at bawat kibot niya naka-alalay ito. Para siyang babasagin kung ituring nito.Masaya siya na bumabalik na uli sila sa dati. Bumalik na ang Gabino na minahal niya.Agad siyang napangiti nang pumasok ito sa hospital room na kinaroroonan niya. Ngayon na ang discharge niya. Ngumiti rin ito sa kanya saka iwinagayway ang mga papel na hawak nito."Uwi na tayo," anito saka nilapitan siya.Agad na niyakap niya ito. Gustong-gusto niya kapag niyayakap niya ito at nararamdaman ang init nito. Gumanti ito ng yakap sa kanya at hinalikan ang ulo niya."Tara na?" anito ng humiwalay sa kanya.Tiningala niya ito at hinaplos ang pisngi. "I love you, Gab," aniya saka inabot ang labi nito at pinatakan ng halik.Pumikit ito at idinikit ang noo sa noo niya, saglit silang na sa ganoong puwesto hanggang umayos ito ng tayo. Muli nitong hinalikan ang ulo niya saka tumalikod para kuhanin ang wheelchair na nasa
Sabrina's POVPumasok siya sa masters bedroom pero wala doon si Gabin. Nilapitan niya ang anak na mahimbing na natutulog sa kama. Niyakap niya ito at tahimik na napaiyak.Mali ba siya nang magdesisyon siyang umalis noon? Ang iniisip niya lang naman noon ay ang kapakanan ni Gab pero... Ano nga kaya kung nanatili siya? Anong naging buhay nila Gabin? Siguro'y mas masaya kahit mahirap.Halos manikip na ang dibdib niya sa kakaiyak ng biglang kumirot ang puson niya. Napahawak siya doon dahil namilipit na siya sa sakit, napahigpit tuloy ang yakap niya sa anak kaya ito nagising."Aahhh..." ungol niya dahil mas lalong tumindi ang sakit."Nay... Bakit po?" tanong ni Leticia na nakaupo na sa tabi niya at hinihimas ang buhok niya. "Nay?" kita niya ang takot sa mata ng anak sa nakikitang paghihirap niya.Naramdaman niya ang mainit na likidong gumagapang sa hita niya. Hinawakan niya iyon at halos mawalan siya ng kulay ng makitang dugo ang na sa hita niya."Sugat ka, Nay?" ani ni Leticia saka nag-um
Sabrina's POVHalos araw-araw kasabay ni Gab umuuwi si Maria sa bahay. Laging nag-uusap ang mga ito sa opisina ni Gabin sa ibaba pagkatapos ay sasabay maghapunan sa kanila si Maria bago ihatid ni Gabin.Hindi niya itinago ang inis sa pinsan niya. Harap-harapan kasi nitong nilalandi si Gab at parang okay lang iyon kay Gabin. Nakakapanggigil! Pati mga bituka niya nanggigil sa pinsan niya.Madalas pa siyang ngisihan ni Maria na mas lalong kinaiinis niya. Katulad na lang ngayon na sa kusina siya habang umiinom ng kape. Lihim niyang binabantayan ang dalawa. Ngayon lang kasi inabot ng gabi ang mga iyon na nag-uusap. Na sa taas na ang mga anak niya at tulog na. Hinihintay niya na lang matapos mag-usap ang dalawa dahil gusto niyang makipaglinawan kay Gabin. Hindi uubra na harap-harapan siya nitong binabalewala lalo na sa harap ng pinsan niyang mahadera."Gusto ko ng kape," anito sa kanya. Nag-uutos at hindi nakikiusap."Di magkape ka," inis na aniya kay Maria.Ipinaikot nito ang mga mata sa k