Share

Chapter 13

Mabilis na ginamot si Asha at nanatili sa tabi niya si Jill at Lola Ciel na bakas pa rin sa mga mukha nito ang pag-aalala.

Dahil sa dami ng dugong nawala kay Asha at sa dami ng latay niya sa likod ay mabilis siyang nakatulog. “Hindi ko dapat ginawa iyon,” wala sa sariling usal ng matanda habang nakatitig sa apo niyang mahimbing na natutulog.

“Lola pareho naman nating hindi ginustong mangyari ito.” Hindi alam ni Jill kung papaano papagaanin ang loob ng matanda dahil alam niyang ang sarili nito ang sinisisi sa nangyari kay Asha.

Kahit siya ay hindi makapaniwalang ganun pala kalaki ang sugat ni Asha sa balikat para dumugo ito ng todo. “Kasalanan ko ito.” Bigla na lang umiyak ang matanda matapos niyang sabihin iyon.

Napayakap na lamang si Jill sa matanda habang hinahaplos ang likod nito, “Lola, kayang kaya ni Asha iyan. Siya pa eh mas matibay pa sa kalabaw iyan,” pagpapagaan ng loob ni Jill sa matanda.

Hi

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status