Narinig ni Asha na may nag doorbell kaya agad siyang tumayo at pinuntahan ang pinto.
Pagkabukas ay agad niyang nakita si Jill na nakasuot ng all black attire.
"Hi Ash good morning, ano tara na?" bati ni Jill sa kanya. "Hello, good morning," bati rin ni Asha at agad kinuha ang maleta niya.
"Daan muna tayo sa grocery store, bibili ako ng chocolates," sabi ni Asha bago lumabas ng unit niya at isinarado ang pinto.
"Sure, bibili rin ako ng pang snack natin," masiglang turan ni Jill.
Naglalakad na sila papunta ng elevator at kada taong madadaanan nila ay napapatingin kay Jill.
Naka bad girl attire kasi ito taliwas sa mukha nitong mukhang anghel. Makulit at madaldal ito na parang hindi napapagod kakasalita.
Ikinawit ni Jill ang isang kamay nito sa braso ni Asha habang naglalakad sila. "Ash nabalitaan mo ba yung tungkol sa hiwalayan nila kuya Rowan at ni Natalie?" tanong nito kay Asha.
Tumango lang si Asha sa sinabi nito, "Grabe Ash kawawa naman si kuya Rowan mukha pa namang seryoso talaga siya sa babaeng iyon pero iniwan na lang siya basta basta," nakanguso nitong sabi.
Hindi tanggap ni Asha na tawaging kawawa ang kaibigan dahil kahit kailan ay hindi ito magiging kawawa sa nangyari, "Hindi siya kawawa Jill, ang babae ang kawawa dahil hindi niya ginamit ang utak niya," walang emsyong sabi ni Asha.
Agad na silang pumasok sa elevator. "Sabagay, okay na rin na naghiwalay sila kasi hindi nararapat sa babaeng iyon si kuya Rowan. I hope na okay lang siya," sabi ni Jill.
Tahimik lang si Asha at hindi na sumagot. Nang makalabas ay agad na silang sumakay sa kotse ni Jill dahil ito na ang gagamitin nila papuntang Rizal Province.
Agad inilagay ni Asha ang maleta sa back compartment ng kotse saka pumasok na agad sa loob. Si Jill na ang nagmaneho papunta sa malapit na grocery store para bumili ng chocolates.
Agad na silang pumasok sa loob ng grocery store at napapatingin sa gawi nila ang mga tao roon. Hindi sanay si Asha na pinagtitinginan siya at nakalimutan niya pang dalhin ang cap niya samantalang si Jill naman ay walang pakialam sa mga nakatingin dito.
Kumuha na lang agad si Asha ng chocolates at dinamihan na saka nagtungo papunta sa dulong parte ng grocery store para kumuha ng gatas.
Hindi sinasadyang makabangga si Asha ng lalaki. "Sorry," agad na paumanhin ng lalaki. Hindi sumagot si Asha dahil naaamoy niya mula sa lalaki ang dugo na mukha pang sariwa.
"Sorry, hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko," sabi ni Asha at pasimpleng nilagay ang isang earpiece niya sa bulsa ng pantalon nito. Hindi na sumagot ang lalaki.
Agad ng tumalikod ang lalaki at nagmamadaling binayaran ang pinamili nito at patakbong umalis.
Asha is suspicious about the guy smell like fresh blood, mukhang may hindi tama sa lalaking iyon lalo na ng makita niya ang maliliit na hiwa o kalmot sa kamay nito ng makabangga niya.
"Hey Ash, are you okay?" tanong ni Jill na agad lumapit sa kanya ng makitang nakatitig pa rin siya sa pintong nilabasan ng lalaking iyon.
"Just suspecting something," maikling sagot ni Asha at agad ng kumuha ng gatas. "Should we report that?" tanong ni Jill na mukhang hindi napansin ang lalaking nakabangga ni Asha.
"Don't worry about it, ako na bahala," sabi ni Asha at agad ng nagtungo sa casher area para magbayad.
Nang makalabas ay agad kinuha ni Asha ang telepono sa kanyang bulsa at tinipa ang numero ng kaibigan niya.
"Hello tech team, find the location of my right earpiece. I put it on someone's pocket because the guy smells like fresh blood," agad na imporma ni Asha.
"Sure, I already got the location. Magpapadala agad ako ng team sa location ng earpiece mo," agad na sagot ng babaeng nasa kabilang linya.
"Thanks," sabi ni Asha at agad ng pinatay ang tawag saka agad sumakay sa kotse.
"Ano bang nangyari?" naguguluhang tanong ni Jill nang makasakay ito at agad pinaandar ang kotse.
"May nakabangga kasi akong lalaki na amoy dugo at base sa obserbasyon ko sa kanya mukha namang wala siyang malaking sugat bukod doon sa maliliit na kalmot sa kamay niya," sabi ni Asha.
Hindi lahat ng kakasalubong o nakakasalmuha mo ay matinong tao, yun ang laging nasa isipan ni Asha kaya laging on guard siya para hindi mapahamak.
"Oh... kaya pala parang may something sa lalaki iyon. Parang aligaga," sabi ni Jill. Hindi na sumagot si Asha.
"Pagdating natin sa Rizal punta tayo sa Hinulugang taktak waterfalls, maganda raw kasi doon at malinis ang tubig," masiglang turan ni Jill habang nagmamaneho.
Si Jill ang tipo ng tao na kahit ano ang pagdaanan niya ay parang hindi nawawalan na positivity sa katawan. Nagagawang ngumiti at masigla pa rin siya.
"Sure, we can go there with Drake's grandma," sabi ni Asha at napangiti ng maalala ang matanda.
Mahigit isang taon na rin niyang hindi ito nakikita.
"We can try different foods too, I'm so excited!" natutuwang sabi ni Jill.
Asha just smiled and hoping for a great vacation in province with Jill and Drake's grandmother.
Nang makarating sa HQ ay dumaan sila isang sementadong sahig at itinigil doon ang sasakyan. Maya maya pa ay may lumabas na blue laser para i-scan ang kotse nila pati na rin ang taong nakasakay loob nito.
Nang ma-verify na ay biglang gumalaw ang sahig at bumaba ito sa mismong gate ng HQ. Underground ang HQ nila para maitago ito sa mga kalaban. Kapag lalabas naman ay sa secret tunnel sila dumadaan.
Agad na silang lumabas ng kotse at binitbit ni Asha ang isang supot ng chocolates para kay Rowan.
"Punta muna ako kay headman, tawagan mo na lang ako pag-aalis na tayo," sabi ni Jill at tumango lang si Asha.
Nauna na itong maglakad at nagtungo sa office ng headman nila.
Agad na niyang tinungo ang Recovery room pero wala roon si Lexi at Rowan kaya nilapitan niya ang nurse doon.
"Nasaan si Rowan?" tanong ni Asha sa babae. "Ma'am nandoon po yata sa gym," sabi nito sa kanya. Nagpasalamat si Asha at agad ng umalis patungo sa gym.
Nakasalubong niya pa si Gael na pawis na pawis lumapit ito sa kanya at inakbayan siya. "Hi Ash, kumusta na? Tagal na kitang hindi nakita ah," bati nito sa kanya. Napaikot naman ng mata si Asha.
"Malamang wala rito ng ilang buwan eh kaya hindi mo talaga ako makikita kahit anino ko," walang emosyong sabi ni Asha na ikinatawa naman ni Gael.
"Bakit ang sungit mo sa akin?" nagtatampong tanong nito kay Asha at ngumuso pa. "Ang baho mo kasi," masungit na sabi ni Asha at tinanggal ang pagkakaakbay nito sa kanya.
Napatigil si Gael sa paglalakad, "Wala na ba talaga akong pag-asa Asha?" tanong ni Gael na ikinatigil naman sa paglalakad ni Asha.
Tinatanong nito ang tungkol sa matagal na nitong panliligaw sa kanya, pero hanggang kaibigan lang talaga ang kaya niya.
Wala siyang balak pumasok sa isang relasyon.
"No Gael, wala talaga," sabi ni Asha ng hindi man lang nililingon ang direksyon ni Gael sana nagpatuloy sa paglalakad patungo ng gym.
Maraming beses na natinggihan ni Asha si Gael pero hindi pa rin tumigil ang binata. Pero sa pagkakataong ito, sign na ito na itigil na niya ang panliligaw sa dalaga.
Kahit nasasaktan siya ay pipilitin niyang mawala ang nararamdaman niya para kay Asha.
Pagkatapos mag-ayos ng sarili ay agad bumaba si Apollo, hindi pa man siya tuluyang nakababa ay agad siyang inakbayan ng kaibigan niya.“Okay ka na ba?” tanong nito saka pasimpleng ginulo ang buhok na nakapagpairita sa kanya.“Stop that! Kakasuklay ko pa lang niyan!” naiinis na tugon ni Apollo saka nagpatuloy sa pagbaba.“Nakaayos tayo ngayon ah, ano meron Almazan?” parang nang-aasar na tanong ni Ashton sa kaibigan.“Bakit? Bawal na ba mag-ayos ngayon kahit wala namang ganap?” masungit na tanong ni Apollo.“Bakit di ka na lang muna maglakad lakad sa labas, Ash pakisamahan na lang si Apollo,” biglang sabi ni Ashton.Agad kumunot ang noo ni Asha at nagtataka itong tiningnan, “Sige na,” dagdag pa nito.Agad tumayo si Asha saka nilapitan si Apollo na tahimik lang, “Ashton is right, kailangan mo munang maglakad lakad,&rdqu
Pagkatapos ng nakakapagod na pagtakbo nila Jill at Asha ay agad na silang umuwi para magbihis.“Mga apo kung lalabas kayo, pakiusap mag-iingat kayo. Muntikan ng mabundol ng kotse si Ashton kaninang umaga sabi ng mga kapitbahay natin,” nag-aalalang sabi ng matanda habang nagbuborda sa sala ng bahay.Nagkatinginan si Asha at Jill, “I'll just check Ashton, wanna go with me Ash?” pag-aaya ni Jill na agad namang sinang-ayunan ni Asha.“Kung ganoon ay kumuha kayo 'nung niluto kong Letche Flan para may maibigay kayo sa kanila,” sabi ng matanda.Agad gumalaw si Asha at Jill saka nagtungo sa bahay nila Apollo.“You just need some rest, tapos linisin mo palagi ang sugat mo para hindi magkaimpeksyon,” narinig nila ang boses ng doctor na nasa living room.“Hi Ashton!” pagbati ni Jill kay Ashton na kasalukuyang ginagamot ng doctor. “Hey! Halika kayo!” tugon ni
Tahimik na pinagmamasdan ni Mrs. Almazan ang anak niyang natutulog. Halata sa mukha nito ang pagod at pag-iyak.“What happened Ashton?” tanong ng ginang sa kaibigan ng anak niyang nasa tabi lamang niya.“Honestly tita, hindi ko alam. Naalimpungatan kasi ako kagabi tapos parang may narinig akong bumagsak kaya bumaba ako tapos nakita ko na lang si Apollo sa kusina na duguan na at parang may hinahanap,” pagkukwento ni Ashton. Hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang kilabot sa kanyang katawan ng mabasa niya iyon.Pakiramdam niya ay parang may mali sa lahat ng nangyayari, “Jesus, ano ng nangyayari sa anak ko,” bulalas ng ginang at napaluha na lamang. Akala niya ay maayos na ang lahat pero nagkakamali siya.“He keep saying Lucienda's name, para bang naroon si Lucienda kahit wala naman,” dagdag ni Ashton saka pasimpleng hinaplos ang sariling braso dahil naramdaman niya ang pananatayo ng balahibo niya.Mrs.
Gabi na at nakatulala pa rin si Apollo habang nakahilata sa kanyang kama. Hating gabi na at hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.“It's so soft,” usal ni Apollo. He can't get enough of Asha, her skin is so soft and warm. So comfy.Ramdam pa rin ni Apollo ang balat nito sa kanyang mga palad. Para siyang nawala sa sarili nang mahaplos niya ang malambot nitong labi.Wala sa sariling napahawak si Apollo sa kanyang labi, agad siyang napatayo ng makaramdam siya ng pagkauhaw.Dahil hating gabi na ay natutulog na ang lahat sa bahay kaya dahan dahang naglakad si Apollo ng sa ganun ay hindi niya maabala ang tulog ng mga tao roon.Pababa na ng hagdan si Apollo nang makarinig siya ng ingay sa kusina, mahina lang iyon pero rinig na rinig niya dahil na rin sa katahimikang bumabalot sa buong bahay nila.Nagtaka si Apollo dahil ang alam niya ay wala ng gising ng ganitong oras bukod sa kanya. Dahan dahang humakbang si Apollo pababa ng hagdan para
Kakauwi lang ni Ashton pagkatapos gawin ang kailangan niyang gawin related sa trabaho.Paakyat na ng hagdan si Ashton ng makita niyang lumabas si Asha galing sa silid ni Apollo. Agad kumunot ang noo ni Ashton sa kung ano ang ginawa ni Asha roon pero agad din namang nawala nang magkaideya siya.“Hi Asha! Kumusta ka?!” bati ni Ashton at kumaway pa sa dalaga. Tumigil ito sa tapat niya at tipid na nginitian siya. “Okay na ako,” sagot ni Asha.Naalala ni Ashton ang eksenang nakita niya noong dinala ito sa hospital, “Pasensiya ka na Asha hindi na kami ulit nakadalaw sayo, na busy kasi ako tapos naging mainitin ang ulo ni Apollo nitong nakaraang linggo.” Bakas ang sensiridad ng lalaki kaya naiintindihan ni Asha ang dahilan nito.“Ayos lang 'yun saka ayaw ko rin namang manatili ng matagal sa hospital,” kaswal na tugon ni Asha.“Tell me Asha, may boyfriend ka ba?” biglang tanong ni Ashton. Sa
Kasalukuyang nakaupo si Apollo sa living room ng bahay nila. Ramdam na ramdam ni Apollo ang mariing titig ni Asha habang ginugupitan siya ng tinawagan nitong barbero.“Ma'am kay gwapo naman po pala ng nobyo niyo, hindi pa ako tapos maggupit pero nakikita ko na ang tinatagong kakisigan nito,” puna ng barbero.Humigpit ang hawak ni Apollo sa kanyang kamay dahil sa maling akala nito na nobyo siya ni Asha, “She's not my girl---.” Hindi na natapos ang dapat na sasabihin ni Apollo dahil biglang sumabat si Asha.“He's handsome with or without a new haircut,” sagot ni Asha na parang wala lang iyon sa kanya pero halos magwala na ang puso ni Apollo sa sinabi nito.Naalala niya ang tinuran nito ng hilain siya nito paalis ng harden. Mukha raw siyang ermetanyo pero ngayon naman ay pinupuri nito ang kagwapuhan niya.“Is that a change of mind?” mapait na tanong ni Apollo. Hindi niya maintindihan ang daloy ng utak ni
Napakunot ang noo ni Jill nang mapansin na bigla na namang nawala si Asha pagkatapos kumain ng tanghalian.Kahapon niya pa napapansin ang kakaibang kilos ng kaibigan simula kagabi pero kahit anong tanong niya ay hindi naman ito sumasagot.Umakyat si Jill sa taas para sana magtungo sa kanyang silid ng makarinig siya ng kalabog mula sa isa sa mga kwarto roon.Napatingin si Jill sa pinakadulong parte ng second floor ng bahay at ito ay ang pinakadulong kwarto. Out of curiosity ay nagtungo siya roon saka narinig ng mas maayos ang tunog mula sa loob ng kwarto.Pinakinggan niya ito ng mabuti saka nalamang pamilyar sa kanya ang tunog 'nun, pinihit niya ang door knob ng pinto saka ito binuksan.Tumambad sa kanya ang pawisan na si Asha. Asha is punching the punching bag real hard kaya kahit malayo pa si Jill ay naririnig na niya ang tunog niyon.Nakakunot ang noong pinanonood ni Jill ang kaibigan na mukhang walang pakialam sa paligid
Inabot na sila ng gabi sa pamamasyal sa Uugong Park at nagtatampisaw sa magandang falls doon.Umahon na si Asha at nagtungo sa Mahogany House nila, katabi lamang nito ang falls. Saglit na umupo si Asha at tinuyo ang buhok gamit ang tuwalya saka kumuha ng barbecue.Tahimik na nagmamasid si Asha sa paligid hanggang sa tumunog ang telepono niya hudyat na may tumatawag doon.Nakita ni Asha na hindi registered ang number na tumatawag at hindi niya ugaling sumagot sa tawag ng hindi niya kilala.But she have this feeling that she have to answer the call so she do it. Nang masagot niya ang tawag ay hindi siya nagsalita, hinihintay niyang marinig ang boses ng tumatawag sa kanya.“Hello my dear friend, how are you? Do you already forget about me?” tanong ng lalaki sa kabilang linya. Bumalatay ang gulat sa mukha ni Asha ng marinig ito.“Hey, I thought you're dead,” malamig na sabi ni Asha at s
Hindi maintindihan ni Apollo ang sariling nararamdaman. Nang makaalis si Asha at ang kaibigan nito ay dali dali siyang humakbang paakyat ng hagdan at hindi na naisip na maaari siyang mahulog ng tuluyan.Agad siyang pumasok sa kanya silid at narinig niya pa ang pagtawag nang kaibigan. “Hey bud, you okay?” rinig niyang tanong nito sa labas ng kanyang silid.“Leave me alone!” malakas na sigaw ni Apollo. “Okay, just call ne when you need something,” sagot ng kaibigan bago niya narinig ang yapak nito paalis sa harap ng kanyang silid.Agad nagtungo si Apollo sa kanyang kama at dali daling ibinagsak ang katawan doon at isinubsob ang mukha sa unan habang sumisigaw. Nilalabaw niya ang lahat ng hindi niya maintindihang pakiramdam.Lumipas na ang isang linggo at walang ibang ginawa si Asha kundi ang matulog at kumain dahil hindi siya pinapayagang pagalawin ng kanyang lola at kaibigan niyang si Jill.Ngay