Share

5

Chapter 5

Pagkalabas ni Lhauren ng banyo ay nahagip kaagad ng mga mata niya ang nakaawang na pintuan, at ang bulto ng ate niya na papasok ang kanyang nakita.

Leica is back.

Her eyes flew to Jace. Nakatingin ang lalaki sa telebisyon pero sa tingin niya ay wala naman doon ang focus ng utak nito. Naka-de-kwatro pa ito kahit naka boxers lang, habang ang mga braso ay nakapatong parehas sa ibabaw ng sandalan ng sofa.

Ngayon makilala na nito ang babaeng pinakaaasam na makilala, ang ate niya.

Tingin pa lang niya ay bagay na ang dalawa. Parehas na may edad kasi ang mga ito, kaysa sa kanya na bata. Pero kahit ayaw niyang aminin ay iba talaga ang dating ni Jace sa kanya kahit noong unang gabi pa pa lang niya itong nakita na sumasayaw sa stage, suot lang ay briefs.

Juskopo!

Bumalik ang mga mata niya sa kapatid na nakatayo sa may pinto at may itinitext kaya hindi pa makatuloy.

"Ate," bati niya sa kapatid na umangat lang ang mukha at ngitian siya.

"Wait lang," aniyon sa kanya kaya lumapit na siya roon at yumakap. Hinalikan pa niya ito sa pisngi at ihinilig ang sariling ulo sa balikat.

"I miss you, ate," malamambing na sabi niya sa kapatid.

"I miss you, too. Okay ka lang dito?" tanong pa nun saka hinimas ang ulo niya pero nag-text pa rin pagkatapos.

Tumango lang siya. Nakita niya si Jace na nakapihit ang ulo at nakatingin sa kanila. Para bang kanina pa sila tinitingnan nito. Maya-maya ay tumayo na ang binata at nakangising lumapit sa kanila.

Kaagad na napaangat ang ate niya ng paningin nang tumayo ang binata sa harap nila, habang magka-krus ang mga braso sa dibdib.

"Who is he?" tanong sa kanya ni Leica, na nakaangat ang mga kilay.

She opened her mouth to say something but Jace immediately answered with a big smile on his face.

"I'm Jace the pogi," sabay kindat nito at lahad ng sariling palad sa ate niya.

Her ate just giggled and accepted the hand shake.

"Leica, Lhauren's sister. Bakit nandito ka sa kwarto ng kapatid ko?" usisa ng ate niya na parang nag-iba ang timpla ng mukha lalo pa nang makita yata na nakaboxers lang ang damuhong bodyguard niya.

"Bodyguard niya ako, Ma'am Leica, and Anton told me that Lhauren couldn’t sleep when she's alone. I'll sleep on the couch," anaman ni Jace na may kaseryosohan ang mukha.

Sumerseryoso pala ito kapag kaedad ang kaharap.

Sinuri ito ng ate niya mula ulo hanggang paa, "Ikaw ang padala ni Daddy? Ilang taon ka na?" tumaas pa ang kilay ng ate niya habang siya ay nakamasid lang naman sa dalawa.

"Bata pa ako. Di pa ako lipas sa kalendaryo Ma'm na maganda. Pa-trenta pa lang," ngumisi pa ito.

Thirty? Kaagad siyang nag-compute sa isip. Almost twelve years ang age gap nilang dalawa? Sobrang layo pala talaga. Mas bagay nga ito sa ate niyang twenty-eight ang edad.

Lumiko ang labi niya sa naisip. Ang dyahe naman pala na maniwala siya sa mga pinagsasasabi nito sa kanya. Ang tanda na nito para sa mga kalokohan at siya naman ay hilaw na hilaw pa sa karanasan.

Wala pa siyang naging boyfriend dahil nga mapili siya pagdating sa lalaki, kaya NBSB siya o no boyfriend since birth.

Kinakatyawan siya ng mga kaklase niya dahil sa pagiging virgin niya. Masyado raw siyang manang pero wala siyang pakialam sa mga sinasabi sa kanya.

"Papayag ka ba na dito siya matutulog, Lhauren?" baling sa kanya ng ate niya kaya napabitaw siya rito.

She glanced at Jace. Nakatingin ito sa kanya at parang nangingiti habang naghihintay ng sagot niya.

Tumango lang siya nang ibalik ang paningin sa kapatid, " If kuya Anton can't stay, then I'll let Jace stay," mahinang sabi niya roon.

Tinitigan lang siya ni Leica ng ilang saglit saka nagkibit balikat, "Okay. It's up to you. You're eighteen and you know what isn't right,” makahulugan na sabi nito sa kanya at mukhang nakuha na niya ang ibig nitong sabihin.

Leica wanted her to protect herself and be wise enough when it comes to dealing with the opposite sex.

"Yes, Ate. I know." ngumiti pa siya roon. Kita niya sa sulok ng mga niya na parang naitago ni Jace ang sariling mga labi at napakamot sa ulo.

"Sige. I'll take a rest. Pagod na ako sa byahe. Yung pasalubong ko sa'yo, nasa maleta. Di ka ba ginulo nung caller mo?" aniyon sa kanya saka inayos ang buhok niya, hinaplos siya sa pisngi.

"He did but Jace answered the call," imporma niya sa kapatid.

Tumingin iyon sa binata na tumaas baba ang mga kilay, habang nakatago ang mga labi at nakatitig ng kakaiba sa ate niya.

Leica stared at him, too for a while. Natama ang mga mata ng dalawang nasa harap niya at nagkatitigan pa ang mga ito.

Kitang-kita niya kung paano lumalim ang titig ni Jace sa babae at tumaas ang isang sulok ng labi. It was a different kind of smirk which can make any woman fall on her knees. Ang ngiti na iyon ay nakaaakit na sobra.

May gusto yata ito sa ate niya, at mukhang iba rin ang tingin dito ng kapatid niya. Then, if her sister likes Jace, it's better for her to stop adoring this playful guy.

"I'll go ahead, baby sis,” baling na sa kanya ng ate niya at h******n siya sa pisngi, "Sweet dreams."

"Night, ate," hinabol niya iyon ng tingin nang papalabas na, pero sa pagkadismaya niya ay sumunod si Jace sa babae.

"Ihatid ko lang ang ate mo, Ma’am Lhauren. Baka madulas eh di may sasalo na pogi," paalam nito sa kanya at nilingon pa siya pero hindi siya sumagot.

Ma'm Lhauren? Where's the baby kong maganda or baby ko? Dumating lang ang ate niya tinawag na kaagad siya nito sa pangalan niya.

At ang sama ng loob niya.

Sinilip niya ang dalawa sa pintuan ng kanyang kwarto at kita niya na nag-uusap ang dalawa at nagtitinginan. Hindi naman dumiretso sa kwarto ng ate niya kundi papunta sa ibaba.

Kita pa niyang hinawakan ni Jace ang braso ng ate niya nang pababa na ang dalawa sa hagdan, at nagkangitian pa.

That easy? Isang tinginan lang at pakilalahanan sa isa't isa ay may ganoon kaagad na strong connection sa dalawa?

Ganoon ba talagang maglaro ang Brandon Jace na ito sa mga babae? Kahit na ang ate Betchay nga niya ay tinatawag na sexy kahit naman parang baboy sa katabaan. Paniwalang paniwala naman ang yaya niyang luka-luka. Pihadong mapang-uto talaga ang lalaki na ito at masiyadong paasa. Now she concluded it right, hindi siya dapat maniwala sa mga biro nitong may laman dahil sa huli kapag nahulog ang loob niya rito ay siya rin ang kawawa.

Pumasok na lang ulit siya sa loob ng kwarto niya at isinara ang pinto. She walked toward her bed and checked her phone.

May ilang messages siya mula sa mga kaibigan niya at nag-aaya na naman na lumabas sila pero hindi na muna niya sinagot.

Napalingon siya nang may kumatok ng dalawa sa pinto niya at sumilip ang kuya Anton niya.

"Ma'am, si boss Jace na ang matutulog dito. Okay lang kayo?" tanong nun habang nakadungaw ang ulo sa pintuan.

"Yes, kuya." sagot niya kaya tumango na iyon at isasara na sana ang pinto pero nagpahabol pa siya.

"Kuya Anton, my friends were asking if I could hang out with them tomorrow night. Can we?" tanong niya roon.

Nagkibit balikat ang lalaki sa kanya, "It's fine with me, Ma’am. Itanong niyo rin kay boss pogi," aniyon sa kanya kaya tumango siya bago nito tuluyang inilapat ang pinto sa hamba, papasara

Boss pogi?

Wala naman magagawa si Jace kung gusto niyang sumama sa mga kaibigan niya, pero hindi na sa tulad ng mgq club. Kesa naman maglandi ito nang maglandi sa ate niya na mukhang inuuto rin lang naman ang kapatid niya, eh di mag-flirt na lang ito sa iba.

Yun nga ba ang dahilan talaga o nagkagusto talaga siya kay Habagat una pa lang?

Nag-reply na siya ng oo sa kaibigan niya kahit na hindi pa siya nagpapaalam kay Jace.

After that, she sad on her bed to sleep. Papahiga na siya sa kama nang pumasok na ang lalaking laman ng utak niya at hindi man lang kumatok. Dapat pala sa susunod ay ila-lock na niya ang pinto. At ewan niya kung bakit uminit ang ulo niya at naging big deal iyon sa kanya.

"Don't you know how to knock? This is still my room and you're invading my privacy,” sinundan niya yun ng isang irap pero ngumisi lang si Jace.

"Taray naman ng baby ko. Aasawahin naman kita kaya kahit na n*******d ka pa pagpasok ko eh okay lang,"dirediretso yun sa pwesto niya at saka iniangat ng walang paalam ang mga paa niya sa kama, at saka siya binuhat bridal style.

"What the—?" She exclaimed as her cheeks heated.

Sinulyapan lang siya nito saka mariin na kinagat ang labi.

"And what are you doing?" Mataray na tanong niya pero inihiga lang siya nito sa kama, saka siya binalot ng kumot.

"It's late. You have to sleep, para lumaki ka kaagad at pwede na kitang pakasalan," Inayos pa nito ang buhok niya sa may mukha.

Iritadong napasimangot siya at ibinaling ang katawan pakabila, malayo sa nakikita niya ang mukha nito.

"I will not marry you, Mr. Bola-bola. You're so flirtatious and how can you even say that while we met only just that night in that club?" Ipinikit niya ang mga mata at pinakiramdaman ito.

"Ikaw, you only met me that night pero ako, matagal na kitang kilala at mag-iisang taon na kitang pinalalaki," Anito pa kaya napapihit ang ulo niya kahit lukot na lukot ang noo niya.

"Are you a stalker?" She asked him seriously but he's grinning like a wild cat.

"No. I don't have to stalk the woman who is destined to be my wife, I have to keep you safe. That's what I should do." Ngumiti pa ito sa kanya ng ubod ng ganda habang nakatayo sa may gilid ng kama niya at nakapameywang.

She wasn't able to speak. Kahit paano kasi this time ay nakakita siya ng sincerity sa mga mata nito.

Pero dapat ba niyang panghawakan iyon? Knowing how dangerous his charm is, baka dumating talaga ang isang araw na magising siyang hulog na ang loob niya rito tapos ay aalis din ito.

She has to be more careful and control her feelings because he is just an extra. Hindi ito magtatagal sa kanya.

"Good night," Ani Jace sa kanya sabay lapit ng sarili at yumukod para halikan siya sa noo.

Napakurap-kurap na lang siya lalo na nang titigan na muna nito ang mukha nya. For her thought, she's thinking he's going to kiss her on her lips.

Hindissiya papayag, pero tuluyan na itong tumayo at dinampot ang phone niya, saka naglakad papunta sa sofa at walang imik na naupo roon.

For a moment her eyes stared at him sitting like a pro model under the dim lights. Walang sinabi ang malamlam na ilaw para maang kapogihan nito talaga. He maybe one of of those few people na nabiyayaan ng kakaibang karisma para umakit at humakot ng mga babae, di lang niya alam kung lahat nito pinapatulan.

"Stop staring. Baka m-ia kaagad eh di ka na umabot ng twenty, baby. Baka twenty eh dalawa na anak mo sa akin," He said as his eyes flew to her.

Natutuwa siya rito dahil kahit mukha itong nay dugong banyaga ay tuwid na tuwid itong managalog.

She immediately shut her eyes. Mahirap na. Di pa siya ready na mag-asawa at magkaanak dahil napakabata pa niya.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nurcashin Ubahin
d kya c ate????
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status