“Pagkabigo at k-kamatayan… Iyon ang nakikita kong kakalabasan ng lahat ng iyong pagsasakripisyo at paghihirap…” Napahakbang ako paatras kasabay ng mahina kong pagtawa dahil sa kanyang sinabi.
Hindi ako makapaniwala. Ngayon pa lamang magsisimula ang tunay na laban dahil mas pinili kong ilapit sa akin ang mga kalaban upang mas maobserbahan, tapos ngayon ay malalaman kong wala naman palang kakahantungang mabuti at maganda ang labang ito at dadalin pa ako sa sarili kong hukay.
Napailing na lamang ako at humakbang papalapit kay Helena.
“Sigurado akong nagkakamali ka sa iyong nakita. Ang kamatayan ay ilang beses ko ng nalabanan simula ng isilang ako sa mundong ito, at lubos ko ng kilala ang kalaban na nasa aking tabi kaya nakakasigurado akong pagkapanalo ang aking makakamit,” saad ko, taliwas sa kanyang nakita. Alam kong siyam sa sampu niyang mga nakita sa hinaharap ay nagkakatotoo, ngunit ang isa sa sa sampu na iyon ay hindi,
“Mahal na reyna, narito ang mga regalong ipinadala para sa iyo mula sa mga pinuno ng ibang lahi, ng mga konseho at mula na rin sa mga mamamayan,” wika ni Danie kasabay ng pagkatok niya sa pintuan ng aking aklatan. Napatigil ako sa pagbabasa at tumingin kay Dan na nasa tabi ko. Tumango naman siya sa akin at naglakad papunta sa pinto kung kaya’t ibinaba ko ang aking libro at agad ring sumunod.Pagkabukas ng pinto ay ngumiti sa akin si Danie at itinuro ang mga regalong dala ng mga tagapagsilbi at ng mga kawal na nasa kanyang likruran. Ang iba ay nakalagay pa sa malalaking kahon at ang iba, katulad ng mga tela ay hindi na nakabalot. Isa-isa ko iyong nilapitan at tinignan. Ang karamihan ay mga alahas, mamahaling damit na gawa sa mga telang matatagpuan lang sa mundo ng kung sino ang nagbigay, mamahalahing mga perlas at ibang pang mga bato, mga bagong pangkolorete sa mukha, at ang iba ay mamahaling mga gamit katulad ng mga porselana, pigurin at paso na sigurado ako
Isang katok sa pinto ang nakapagpabitiw sa akin kay Heinrich. Inayos ko ang aking tindig at humarap sa gawi no’n. Nang bumukas ‘yon ay magkasunod na pumasok sina Danie at Dan na pareho ng naka-ayos. Lumapit sila sa aking dalawa at bahagyang yumuko. “Mahal na reyna, oras na,” saad ni Danie. Napatingin ako kay Heinrich at bahagyang ngumiti. Tumango ako sa kanya at hinarap si Danie. Nauna sila ni Dan na lumabas ng aking silid kung kaya’t sumunod naman kami ni Heinrich sa kanila. Kagaya ng inaasahan at ipinag-utos ko kanina ay wala na ang mga tagapagsilbi at kawal sa buong palapag. Mabagal ang paglakad na ginawa namin. Sa palagay ko ay sampung minuto ang aming inabot bago ko natanaw ang mga kawal at tagapagsilbi na nakahilera sa may tapat ng pintuan ng bulwagan, hinihintay ang aking pagdating. Nang makalapit kami sa kanila, lahat sila ay yumuko bilang pagbibigay galang bago humilera sa gilid. Nang bumukas ang pinto ng bulwagan ay sumalubong agad sa akin ang liwan
Katulad kung paano ang nakagawiang pagkokorona sa sino man na magiging hari o reyna ay gano’n din ang naging proseso kay Adam. Dahil ako ang reyna ay ako ang nagputong ng korona sa kanya at ibinigay ang isang kasulatan na may aking selyo na nagpapatunay at nagpapatibay na simula sa araw na ito ay siya na ang hari ng aming mundo at magiging katuwang ko at ng konseho sa pagsasaayos at magpapanatili ng kapayapaan sa aming lugar… na sana ay tumatak sa kanyang isipan na tungo sa kapayapaan at hindi kaguluhan.Kanina ay gusto kong masamid sa mga pangakong binibigkas niya habang nakaharap sa akin, sa mga konseho, at sa iba pang may posisyon sa aming mundo. Nakapaloob sa pangakong iyon ang pagiging patas, hindi gahaman, hindi mayabang, at hindi paggamit ng pwesto at kapangyarihan para sa pansariling interes, na sana ay kanya ring maintindihan at magbigay linaw sa kanyang isipan at sa mga iba pang kaalyansa niya.Mabuti na nga lang din at hindi bumula ang kanyang b
Hindi ako nakapagpahinga ng maayos. Buong gabi akong nagpupuyos at pagpipigil sa galit dahil sa kagaspangan ng ugaling ipinakita ni Adam. Hindi ako makapaniwalang sa gabi pa lang ng koronasyon niya ay ipapakita na niya ang itinatagong sama ng ugali. Hindi nga ako nagkamali na sinusubukan niya lang mapalapit sa akin dahil inaakala niyang mapapaikot niya ako sa kanyang kamay, ngunit kailangan niyang umisip ng mas epektibo at konkretong plano dahil kahit kailan ay hindi ako mahuhulog sa gano’ng estilo. Kailangan niya ring pagbutihan ang pagtitimpi at pagtatago ng gano’ng ugali niya kung gusto niyang magtagal sa posisyon na ipinilit mapunta sa kanya.Nang sumapit ang ala-sais ng umaga ay hindi ko na hinintay pa si Danie at nag-ayos ng aking sarili kahit sa palagay ko ay apat na oras lamang ang naging pahinga ko. Hindi na ako nag-abala pa na maglagay ng kolorete sa aking mukha at sinuklay na lang din ang mahaba at kulay ginto kong buhok. Nang sumapit ang ika-dalawampu&
Nang matapos akong mag-ayos ay eksakto namang dumating sina Danie at Dan. Katulad ng inaasahan ay hinanap nila sa akin si Heinrich kung kaya’t sinabi ko na baka mamayang gabi o baka bukas pa siya makabalik. Alam kong naiintindihan na nila ang kanyang dahilan kung kaya’t hindi na sila nagtanong pa. Hindi naman tago sa kanila ang katauhan ni Heinrich.Pagkarating namin sa silid kainan ay agad na napakunot ang noo ko nang makitang may kasama si Adam bukod sa mga tagapagsilbi niya. Nakayuko ang babae habang nakatayo sa tabi niya at hawak ang talakdaan.“Sino siya?” bungad na tanong ko kay Adam nang huminto ako sa harap niya. Ngumiti siya sa akin at saglit na tinignan ang kasama niya.“Hindi mo ba siya natatandaan?” tanong niya. Napairap na lamang ako at napabuntong hininga.“Magtatanong ba ako kung naaalala ko?” tanong ko pabalik. Napakamot naman si Adam ng kaniyang batok. Sasagot na sana siya nang unahan siyang
Ang isang buwan at dalawang linggo na pagsasanay ni Adam ay naging eksaktong isang buwan na lamang. Napabilis iyon dahil ang karamihan sa itinuro ko sa kanya ay napag-aralan na pala niya noon… na hindi ko ikinakatuwa. Naalala kong binanggit niya noong ika-sampung taong anibersaryo ng aking panunungkulan na wala siyang alam sa plano ng kanyang ama na gawin siyang hari, ngunit matagal na pala talaga siya nitong sinasanay at hinuhubog para sa posisyon na iyon.Huling-huli na si Kirsten sa kanyang mga sinasabi tungkol sa pagsasanay ni Adam dahil wala siyang ingat at kontrol sa kanyang mga salita kapag sinasagot ako noong mga nakaraan, ngunit ginagawan pa niya ng lusot kapag napupuna ko.Ang nakapagpatunay rin na matagal na siyang nagsasanay ay ang tagapagsilbi sa kanilang tahanan na kinuha ni Dan sa kanila nang patago. Iilang impormasyon lang ang kanyang nakalap tungkol kay Kirsten kung kaya’t ang tagong pagkuha sa tagapagsilbi na iyon ang aming nagin
“Kung ano man ang nararamdaman mo para kay Heinrich ay pigilan at iwasan mo. Hindi ka pwedeng mahulog sa kanya at hindi mo siya pwedeng mahalin.” Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang sinabing iyon ni Danie na hanggang sa panaginip ko ay hindi iyon nawala.Naging malaking palaisipan sa akin ang kanyang sinabi dahil hindi ko mapagkunekta ang nangyari sa akin sa paalala niyang iyon. Hindi man sobrang nakaapekto sa katawan ko ang biglang pagsakit ng puso ko ay hindi ko mapagkunekta ang naramdaman kong iyon sa sinagot ni Danie sa akin.Bakit hindi ko pwedeng mahalin si Heinrich gayong kami ang itinakda para sa isa’t-isa? Siya ang dapat na pag-alayan ko ng pagmamahal at isa iyon sa palagi nilang pinaaalala sa akin noong tumuntong ako sa edad na labing walo, kaya bakit ginawang babala ni Danie na hindi ko iyon maaaring gawin?Hindi ba si Heinrich ang totoo kong mate?“Ayos ka lang ba? Mukhang malalim ang iyong iniisip.” Agad na
“Maligayang pagbabalik, mahal na hari, at maligyang pagdating sa ating mundo, mahal na reyna.” Ang lahat ng kawal, mga tagapagsilbi at ilan sa mga haligi ng mundo nila Heinrich ay binati at sinalubong kami nang makababa kami sa karwahe pagpasok sa tarangkahan ng kanyang kastilyo.Inabot ni Heinrich ang aking kamay at sabay kaming naglakad. Nginitian at pinasalamatan ko ang lahat ng naririto. Hindi tulad sa aming mundo, ang pagtanggap sa akin dito ay totoo kahit na ngayon lamang nila ako nakita at hindi naman totoong kilala. Totoong mga ngiti ang ipinapakita nila sa akin at ang iba ay nababasa ko pa ang isip na kinagagalak nila na nandito ako, hindi tulad ng mga konseho ng aming mundo at ng mga tagasunod nila na kulang na lang ay isumpa o saksakin ako ng harapan upang mawala sa kanilang landas.“Mahal na hari, maligayang pagbabalik. Nakahain na ang mga pagkain inyong ipinag-utos na ihanda,” pagkausap kay Heinrich ng sa palagay ko ay ang pinunong