MAGICZARD ACADEMY: The Heartless Princess

MAGICZARD ACADEMY: The Heartless Princess

last updateLast Updated : 2022-01-01
By:  ZinnrieeCompleted
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
70Chapters
15.8Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

There was a nerd that is bullied by everyone, keeps on transferring because of unexplainable happenings, a weird, mysterious and creepy one. She's famous! So famous that every pair of eyes would look at her. A disgusting look. But no one knows her real identity. No one. Like who would want to know her if she's a nerd, a useless ugly nerd? But behind those masks... She's a goddess. A goddess that can make you fall in just a blink of an eye. A goddess that will captivate your heart and soul. A goddess that has so many untold story and secrets. A goddess that will make your life a living nightmare. She's fierce Cold as ice Emotionless She's Heartless So don't you dare try to push her limits if you don't want to taste hell. Because she, herself, is the living hell. And finally the time has come. She was transferred to the school where magics exists. Magiczard Academy Her land of birth. Insanity! Like who will believe that magics exists? Who? But what if ... She finds out that she's not just an ordinary? But extremely extraordinary?

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

(ZAYNAH POV)

 Ipinarada ang kotse ng medyo may kalayuan sa eskwelahang pinapasukan ko. School of Elite na nakabase sa Tagaytay. Bumaba na ako at nagpaalam sa driver saka ko nilakad ang distansya patungo sa paaralan. Pagkapasok ko ng gate ay agad na tumambad sa akin ang mga estudyante na tila hinihintay ang pagdating ko.

 "Everyone the nerd is here." anunsyo ng isa sa mga matinik na bully sa eskwelahang ito.

 Jessica Miller, ang anak sa isa sa mga board members. Palibhasa ay malakas ang kapit kaya malakas ang loob na magreyna-reynahan dito. Napabuntong-hininga ako at bahagyang inayos ang salamin ko. Umagang-umaga naghahanap sila ng gulo. Hindi ba sila napapagod sa kakapeste sa akin? Halos araw-araw kung pagdiskitahan nila ako at wala iyong tigil. Sinasayang lang nila ang oras nila sa akin na obviously ay wala akong pakialam na sa palagay ko ay iyon ang kinaiinisan nila.

 "Gosh! Gross! I really hate looking at your ugly face." Inis na sabi ni Jessica sa akin. 

 Walang may nagsabi sayo na titigan mo ang mukha ko. Isa pa ang mukha ko na palagi nilang pinapansin. Ni hindi ko nga nilalaanan ng oras ang mukha ko pero sila ay halos minu-minutong pinupuna nila. Akmang lalagpasan ko na sila nang bigla nalang nitong hablutin ang buhok ko. And again, hindi na iyon bago sa akin. Mas lalo akong napabuntong-hininga dahil alam ko na ang susunod na linya. Sa paulit-ulit ba naman, ewan ko nalang kung hindi ko pa makabisado 

 "I'm not done, you ugly creature! So don't you dare turn your back on me. Huwag kang bastos!" Galit na turan nito sa akin. Napaupo ako ng bigla nila akong tinulak. Akmang tatayo na ako may sinabi siyang hindi ko nagustuhan.

 "I wonder if your mother is ugly too? " Panunuya niya habang nakangisi.

 That's it. Ginising nila ang hindi dapat magising. Kinuyom ko ang kamao ko habang unti-unti akong kinakain ng dilim. Hanggang sa naramdaman ko na parang may gustong kumawala sa akin.

 "Common sense. Yes, it is. Her mother is ug- " 

 Hindi na niya natapos ang sasabihin nang bigla nalang akong may ginawa na hindi ko akalaing magagawa ko at nang hindi ko nalalaman. Basta ang alam ko lang ay kusang gumagalaw ang mga katawan ko na parang may sarili itong buhay at nagkaroon ako ng ibang pagkatao. Lahat nahihintakutang napatingin kay Jessica ng bigla nalang itong bumagsak at duguan.

 "You know nothing " malamig na saad ko habang nakatingin sa babaeng nakahandusay sa semento. Nakarinig ako ng mga sigawan at mga yabag na tila patakbong lumalayo. Ngunit hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin at dahan-dahan akong napatingin sa isang taong hindi makagalaw at umiiyak lang na nakatingin sa babaeng nasa tapat ko. Sa kabila ng mga sigawan ay rinig na rinig ko pa rin ang iyak niya na ikinatuwa ko. 

               Napaatras ito nang humakbang ako palapit sa kanya. Itinagilid ko ang ulo at sinuri ko siya saka ako napangisi at tinitigan siya sa mata na sinalubong niya, at iyon ang malaking pagkakamali niya.

 "DIE" 

 DALAWANG araw na ang nakalipas simula ng pumutok ang balita tungkol sa dalawang estudyante na parehong nasa ospital ngayon at malubha ang kalagayan sa hindi mawaring dahilan. Wala bang nakakita sa nangyari? Nagtataka din ako kung bakit tila may nakalimutan ako. Hindi ko matandaan kung ano ang sunod na nangyari pagkatapos nila akong tinulak tapos mababalitaan ko nalang na nasa ospital na sila. Nang nagtanong naman ang mga pulis ay walang may nakakalaalam kung ano talaga ang totoong nangyari sa dalawa.

 Pero isa lang ang sigurado ako. Hindi ito ang unang beses na nangyari ito. Maraming beses na. Sa dami, ay ilang beses na din akong lumipat ng eskwelahan.

 "Zaynah Alisha Shin." Pagtawag niya sa buo kong pangalan. Napaismid ako. Alam ko na ang susunod na linya niya. I rolled my eyes in frustration. Napatingin ako sa kanya. 

              Ynna Shin, ang Auntie ko na kahit simula pagkabata ay kasama ko na, ramdam kong may tinatago siya na hindi ko maintindihan. Ramdam ko din na tila may alam siya sa mga nangyayari. Hindi ako naniniwala sa dahilan niyang inililipat niya ako para sa kaligtasan ko, alam kong may malalim siyang dahilan pero hindi niya iyon sinasabi sa akin.

 "Itra-transfer ulit kita" parang wala lang na sabi niya habang tutok pa rin sa pagmamaneho.

 " Okay" I replied emotionless. 

 Napatingin ako sa labas at napakunot ang noo ko nang hindi ko mapamilyaran ang tinatahak naming daan.

 "Are we there?" I asked for the nth time. Nasaan bang lupalop ang eskwelahan na iyan at ilang oras na kaming nasa biyahe ay hindi pa rin kami nakakarating? Inis akong napatingin sa wristwatch ko at halos mapamura ako nang makitang mag-aalas singko na. Umalis kami ng alas-kuwatro palang ng madaling araw at ngayon papalubog nalang ang araw ay wala pa rin. 

 "Almost there" maikling tugon niya.

 "How long is that almost there? Ten hours of travelling but still, we're not there yet. Are you sure this is the right way? Damn it. " Reklamo ko sa kanya. 

 "F*ck don't use that tone of yours to me. It's killing me!" reklamo niya din sa akin. Mas lalo akong nakaramdam ng inis.

 Inis akong tumingin nalang sa labas na wala man lang kabuhay buhay. Isa pa ito. Mas lalong pinapainit ang ulo ko. Tss. Sa tingin ko gubat ito. Hindi ko lang talaga matukoy dahil ang ilan kalbo na. Wala man lang kadahon- dahon maski isa . At yung iba naaagnas na. Mayroon din na parang nasunog, na sa tingin ko dahil sa sobrang init ng araw. Believe it or not naka-aircon na't lahat lahat pero pinagpapawisan pa rin ako. Isa iyon sa napansin ko no'ng marating namin ang lugar na ito. Kung ganoon lang din naman hindi ko na babalakin pang lumabas at baka maging abo ako. Kapansin- pansin din iyong naglalakihang mga bato. Maayos siyang tingnan pero isang galaw mo lang , guguho panigurado. Naipikit ko sa inis ang mga mata ko. Walang kakwenta- kwenta.

 Naidilat ko din naman nang wala sa oras ang mata ko nang maramdamang may nakamasid sa akin . 

 "Ang ganda ng mata mo. Oo pero wag mo akong titigan ng ganyan at baka iyan ang ikamatay ko" Napabuntong-hininga siya.

 "Huwag kang mag-alala, ito na ang huling mangyayari ito. Hindi ka na lilipat ng paaralan. " Napatigil siya at akala ko ay hindi na siya magsasalita.  

 "Ibabalik na kita sa totoong mundo mo" bulong niya na hindi ko narinig. Pero hindi ko nalang iyon pinansin dahil madalas siyang ganyan.

 "At hindi ko din alam kung bakit kailangan kong magtransfer. Pwede naman akong manatili nalang doon hindi ba? " 

 She sighed. Humigpit ang hawak niya sa steering wheel at tumingin sa rear view mirror kung saan ako nakatingin at nagtama ang paningin namin.

 "It's not the right time to discuss it with you . Maybe the time you step in to your new school. You will finally understand the things what I can't say to you" makahulugan na sabi niya.

 "Then make me understand. " Ubos na ang pasensya na reklamo ko sa kanya pero hindi siya nagsalita.

 "Bakit wala akong maalala? Anong nangyari? Ako ba ang dahilan kung bakit nagkaganoon sila? Ako ba?" sunod-sunod na tanong ko.

 Ilang beses ko na siyang tinanong tungkol rito pero ni kailanman ay hindi niya ako sinagot. Napapikit ako sa inis at hindi nalang nagsalita. Nakakairita. Anong pinagkaiba ng dating school na pinapasukan ko sa bagong papasukan ko ngayon? Nakadrugs ba siya? Damn it. Isa pa ang 'right time' na yan. Rinding- rindi na ako diyan.

W.H.A.T. T.H.E. F.*.C.K. 

 Napamura ako ng bigla nalang inihinto ni Auntie ang kotse. Inis akong napatingin sa kanya na kulang nalang ay patayin ko siya. Kingina. Siya kaya ang isubsob ko?! Damn it.

 "We're here" anunsyo niya. Natigilan ako saka sinilip ang labas. Madilim na kaya hindi ko makita kung nasaan kami.

 Bigla naman siyang bumaba kaya bumaba na rin ako. At muntik na akong magwala nang makita ang pader na nasa harap ko. 

 "You're not playing games with me right? " kalmadong tanong ko. At alam kong malaki ang naging epekto no'n sa kanya dahil sa maya't maya niyang pagsinghap na para bang nahihirapan huminga.

 " Geez! Relax will you? It's killing me and I'm f*ckin' serious here. Just wait, kahit kailan ay wala kang pasensya"

 King ina. Isa nalang makakalimutan ko na talaga na Auntie ko siya. Maya- maya pa ay narinig ko siyang parang may binubulong. And the next thing I knew ...Napasandal nalang ako sa kotse dahil sa mahinang pagsabog at sa sobrang liwanag. 

 Ano na naman ito ?!

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Calyna II
pwede ba mag basa ng walang lock? nakaktmad mag basa kasi laging ubos yung bonus ...
2023-04-08 02:43:59
0
user avatar
Bb. Graciella Carla
Sulit ang pagbabasa ko author
2022-03-11 08:49:41
2
user avatar
sunflower
plsss plsss
2021-11-21 11:59:33
2
70 Chapters
CHAPTER 1
(ZAYNAH POV) Ipinarada ang kotse ng medyo may kalayuan sa eskwelahang pinapasukan ko. School of Elite na nakabase sa Tagaytay. Bumaba na ako at nagpaalam sa driver saka ko nilakad ang distansya patungo sa paaralan. Pagkapasok ko ng gate ay agad na tumambad sa akin ang mga estudyante na tila hinihintay ang pagdating ko.  "Everyone the nerd is here." anunsyo ng isa sa mga matinik na bully sa eskwelahang ito.  Jessica Miller, ang anak sa isa sa mga board members. Palibhasa ay malakas ang kapit kaya malakas ang loob na magreyna-reynahan dito. Napabuntong-hininga ako at bahagyang inayos ang salamin ko. Umagang-umaga naghahanap sila ng gulo. Hindi ba sila napapagod sa kakapeste sa akin? Halos araw-araw kung pagdiskitahan nila ako at wala iyong tigil. Sinasayang lang nila ang oras nila sa akin na obviously ay wala akong pakialam na sa palagay ko ay iyon ang kinaiinisan nila.  "Gosh! Gross! I really h
last updateLast Updated : 2021-08-19
Read more
CHAPTER 2
(ZAYNAH POV) "Are you making fun of me?"   Pigil na inis na tanong ko bagama't hindi ako makikitaan nang emosyon. Nakakapanggigil. Kung hindi ko lang ito kamag-anak kanina ko pa siya ibinalandra sa inis. We're currently standing here in front of... Ughh I don't know thing. It's somewhat like a portal? Malaking bilog iyon na nasa gitna ng pader at nagliliwanag. Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Damn it. This is f*cking crazy. Crazy crazy crazy.  "I told you not to use that tone to me. It's creepy. Are you just going to stand there or I will grab you?"  I gave her a death glare. "Are you f*cking expecting me to enter that thing? " Inis na tanong ko sa kanya. Pilit na nilabanan niya ang walang emosyon na titig ko at nagsalita. "We're running out of time Zaynah." seryosong aniya. Naikuyom ko ang kamay ko sa inis. Hindi ito ang inaasahan kong madadatnan ko sa oras na dumat
last updateLast Updated : 2021-08-19
Read more
CHAPTER 3
( ZAYNAH POV)  Naimulat ko ang mga mata nang biglaan at wala sa sariling napatitig sa kisame. Inilibot ko ang paningin at napapikit uli ako, hindi dahil sa inaantok pa ako kundi dahil sa inis. Napasigaw ako sa sobrang pagkairita. That was not a dream! Definitely not! Talagang pumasok kami sa bilog na iyon at dinala kami rito sa.. baliw na mundong ito!  What was that again? MAGICZARD ACADEMY, THE SCHOOL OF MAGICS? This is my fate? Dito kami nababagay? Ito ang mundo ko? May iba pa bang mundo na pwedeng tirahan maliban sa Earth? Or am I in Mars?  THIS IS F*CKNG CRAZY!  "Hello? Are you okay?"  Napatingin ako sa pinto nang may nagsalita mula sa labas. Hindi ako sumagot kahit patuloy ang pagtawag nila sa akin. Napatingin ako sa relo na gawa rin sa ginto. K*ngina talaga.  6 A.M. Ganoon ako katagal na natulog at inumagahan ako. 
last updateLast Updated : 2021-08-19
Read more
CHAPTER 4
( ZAYNAH POV)  Bigla kong naimulat ang mata ng makarinig ako ng sunod-sunod na sigawan at maging iyak. Asar na kinuyom ko ang kamao. Hindi na yata ako makakahanap ng katahimikan kahit kailan k*ngina!  "Tama na Miranda! Nasasaktan ako." dinig kong sabi ng isang babae na umiiyak. Kasunod no'n ay narinig ko ang impit na sigaw niya na para bang sinaktan siya.  Napabuntong-hininga ako at tumayo na mula sa pagkakahiga. Saka ko tinahak ang daan papunta sa kinaroroonan ng mga boses.  "You bitch! Ang kapal ng mukha mong humarang sa dinadaanan ko! Who are you to did that to me!?" sigaw ng babae.  How shallow. Nang dahil lang sa dahilan na iyon ay mang-aapak na siya ng ibang tao. I really hate people like them. So childish.  Nang makarating ako ay nakita kong sinasakal niya ang babae na pilit kumakawala sa pagkakahawak niya. Lumapit ako sa
last updateLast Updated : 2021-08-19
Read more
CHAPTER 5
(ZAYNAH POV )  "Zaynah..." I'm here again..in the darkness. But there's a light from the east and I badly want to go there but I can't do it. It is like someone's blocking me. "Be ready my Princess. "  I opened my eyes then I sighed when the realization hits me. Damn that dream. Simula yata pagkabata ko ay napapanaginipan ko iyon. Hindi ko naman maintindihan. Umalis ako sa kinahihigaan ko at dumiretso na sa banyo. Ilang oras ang ginugol ko para sa sarili ko bago ako matapos. Saka ako lumabas na.   "Zaynah?" tawag ni Arriane sa akin. Napatingin ako sa tumawag sa akin. Napansin kong hindi niya kasama si Haydee. Himalang naghiwalay sila. "Want to come with us? Mission. " walang paligoy-ligoy na tanong niya at mukhang excited. "Ako ang bahala kay Headmistress."  Mission? Nasa isang quest ba ako? N
last updateLast Updated : 2021-08-29
Read more
CHAPTER 6
(ZAYNAH POV) Napatitig ako sa pugot na ulo ng Dark Shadows na iyon saka ko nilapitan at walang arte-arte na dinampot. Sandali ko pang tinitigan ang dugo nitong kulay itim at ng hindi ko na matagalan ang masangsang na amoy ay nag-iwas na ako ng tingin. Lumapit ako sa kanila na gulat na nakatitig sa akin.  "Let's go" ani ko. Nanguna ako sa paglalakad at hindi ko alam kung bakit parang may sariling isip ang mga paa ko at kusa itong naglalakad papunta sa kung saan. Hanggang sa tumigil ito at may naramdaman akong kakaibang aura na hindi pamilyar sa akin pero hindi na ako nagulat ng maramdaman iyon. "Zaynah halika na. Bakit ka tumigil? Malayo pa tayo sa Oradon." Napatingin ako sa kanila na medyo may kalayuan na sa akin at sila na ang nanguna.  "We're here" sambit ko. Naguguluhan silang napatitig sa akin. "Pero..." "Get out. Don't make me count and lose my patience, you will not surely
last updateLast Updated : 2021-10-13
Read more
CHAPTER 7
( ZAYNAH POV )  I was jarred back into the reality when I heard the knock on my door. I sighed then decided to stand up and open the door, it was Arriane looking so scared. Tss.   " Ah-h Z-Zaynah,"  Nag- aalinlangan na kausap niya sa akin, hindi makatingin mg diretso.  " Go on, I won't eat you" bored na sabi ko sa kanya at napasandal sa pinto.  " An-no kasi, l-leveling na next week. Pinapapunta tayo sa training area para magtrain. " Kinakabahang sabi niya. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Leveling. Hmmm, what's that again? Bakit ang daming kaartehan ng eskwelahang ito. Stress na stress na nga ako sa lesson kanina dahil paulit-ulit nalang na history at wala akong natututunan tapos dadagdag pa ito.   "L-leveling, dito natin malalaman kung anong level ng magic natin. So we have to train to improve. In your case you have to release your
last updateLast Updated : 2021-10-13
Read more
CHAPTER 8
( ZAYNAH POV )  Bagot na bagot ako habang nakatingin sa harapan, nakikinig sa paulit-ulit na discussion ng lecturer namin. Hindi ko magawang maging interesado dahil unang-una ay hindi ako makarelate sa mga magic magic na iyan. I'm so sick of this. Hindi ko mailabas ang kapangyarihan ko kung meron ba talaga kahit na anong gawin ko kaya hahayaan ko nalang na lumabas ito ng kusa.   "Okay, that's all for today. You can now proceed to the training area for your training."   Training my ass. Tumayo na ako at nanguna sa paglabas.  "Zaynah, wait!" Pagtawag sa akin ni Arriane.  "Saan ka pupunta? Dito ang daan patungo sa training area!" sigaw ni Haydee dahil malayo na ako sa kanila. I just raised my hand as a response. Obviously, I don't want to train.  Should I go to my dorm or secret garden? I think secret garden is much better
last updateLast Updated : 2021-10-13
Read more
CHAPTER 9
(HAYDEE POV)   Pagkatapos ng klase namin ay agad kaming dumiretso nina Ace, Zach, Ian at Arriane sa Head Office dahil pinatawag kami. Nagtataka din ako dahil kung bakit hindi ko nakita si Zaynah ngayong araw. Hindi rin siya pumasok at wala siya sa dorm namin. May kinalaman kaya ito sa nangyari kahapon? Galit pa rin ba siya?   "Nasaan ba kasi si Zaynah?" tanong ni Arriane. Kanina niya pa tinatanong iyan. Nag-aalala na kami dahil bago lang siya rito at hindi niya pa alam ang magpasikot-sikot rito. Baka may masalubong siyang Dark Shadows hayssss!   "CALLING ALL THE ELEMENTALISTS, PLEASE PROCEED TO THE HEAD OFFICE." My gosh, ano bang meron at parang atat si Headmistress? Bakit kami pinapatawag? May mission kaya? Sana naman meron para magkaroon ng saysay ang beautiful life ko.   "Nakakaantok. Hindi nalang kaya ako sumama? Kayo lang naman pinapatawag e." Reklamo ni I
last updateLast Updated : 2021-10-13
Read more
CHAPTER 10
(ZAYNAH POV)  Pagkatapos kong kausapin ang Headmistress ay dumiretso na ako sa kabayong hinanda niya at sumampa doon.  West Valley of Usha. Hindi ko alam kung saang lupalop iyon, mabuti nalang ang may mapang binigay sa akin ang Headmistress. Tinitigan ko iyon ng mabuti at kinabisado ang daan patungo doon.  Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at ng marinig ko ang usapan ng Headmistress at ng lalaki ay agad akong nag-alok na ako ang maghahanap sa Light Dragon na 'yan. Hindi ko maintindihan ang isang parte sa akin na tinutulak akong gawin 'to. Ayaw kong gawing big deal kay ang iniisip ko nalang ay dahil sa boredom kaya ko ginagawa ko ito.  Light Dragon. Ilang beses ko na bang narinig ang tanyag na iyan sa mga lessons namin? Halos makabisado ko na nga ang origin nilang dalawa ng Dark Dragon. Half-human and a half-dragon. Kasabay ng pagkawala ng Prinsesa ay nawala din sila. Dat
last updateLast Updated : 2021-10-13
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status