Share

Kabanata 2.2

Author: Rhea mae
last update Last Updated: 2021-06-18 21:21:43

“May pasok kami kaya walang maiiwan dito.” Putol ko sa kaniya. 

“Hatid na kita.”

“May sasakyan ako.” 

“Bakit ba ang sungit mo na sakin? Hindi mo na ba ako mahal?” nakanguso pa niyang tanong. 

“A-Ang b-brutal mo na shaken ahh.” Daldal pa niya kahit na sinubuan ko na ang bunganga niya. 

“Grabe bilib talaga ako sa kasweetan niyong dalawa.” Sarkastiko at iiling iling pang saad ni Aira. 

“Kumain ka na ba Vance?” baling niya kay Vance na ngumunguya pa ng isinubo ko. 

“Pakain na ako.” seryoso niya ng sabi. 

“Tsss bagay talaga kayo, pareho kayong ang hirap timplahin ng mga mood.” Hindi ko na lang sila pinansin saka ako kumain. Tumayo na ako pagkatapos. 

“Hindi ba at delikado ang pagmotor motor niyong iyan? Huwag niyo ng gamitin yan hatid ko na lang kayo araw araw.” Daldal nanaman ni Vance habang nagsasapatos ako. 

“I appreciate your effort Vance pero huwag na ako ang kausapin mo tungkol sa bagay na iyan.” Sagot ni Aira. Tumayo na ako at kinuha ang bag at susi ko. 

“Myth.” Tawag ni Vance. 

“Vance hindi ko kailangan ok?” bumuntong hininga naman siya at yumuko saka tumingin ulit sa akin. 

“Lagi kang mag-iingat, hindi ka pwedeng magalusan kahit na konti lang kung hindi babatukan kita.” Banta pa niya sa akin. Tinanguhan ko na lang siya saka isinuot ang helmet ko. 

“Mag-iingat ka Myth.” Tinanguhan ko na lang ulit siya saka ko pinatakbo ang motor ko. Sa ngayon hindi ko kailangan ang mga awa niyo, suportahan niyo ako sapat na ako dun. Nakarating ako ng ACIS parking lot at dun ko na lang hinintay si Aira. 

“Wow friend napakabait mo talagang kaibigan. Iniwan mo ako dun! Hindi ka man lang maghintay. Napakacaring mo talaga.”sarkastiko niyang saad. 

“Nga pala nasobrahan ka ata sa sipag gumawa ng assignments mo kagabi pati assignments ko natapos mo eh.” Ngumiwi naman ako sa tono ng pananalita niya hindi mo alam kung nagpapasalamat ba o ikinatataka ang ginawa ko. Nauna na akong naglakad. Kita ko naman yung tatlo na naghihintay sa ilalim ng narra sa gilid ng field. Anong ginagawa ng mga ito?

“Ash! Aira!” sigaw ni bakla ng makita kaming papalapit. 

“Hi.” Masiglang bati ni Aira tinanguan ko na lang sila saka nagpatuloy sa paglalakad.

“Ang tahimik talaga ng ate nating Ash.” Pansin pa sa akin ni Jamin.

“Ganiyan talaga siya kaya intindihin niyo na lang.” Ngiwing saad pa ni Aira. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Paakyat na sana kami sa taas ng magsalita si Freya. 

“Ang alam ko mga te schedule natin sa business law which is combine tayo with BSBA department sa iisang room.” Kaya imbis na sa taas kami dumiretso umiba na kami ng direksyon patungong room ni Miss Geline. 

KENT POV

“Good morning mom.” Masaya kong bati sa Mommy kong maganda. 

“Good morning son. How’s school?” hinalikan ko muna siya sa pisngi saka ako nagtuloy sa kusina. 

“Ok lang naman po—wow ang paborito ko.” Mabilis akong umupo at nanguhang pinggan at mangkok para sa sabaw hehe. 

“Hindi ka naman na ba nambubully?” muntik pa akong masamid sa tinanong ni Mommy. Hindi ko pinahalata sa kaniya ang pagkagulat ko sa tanong niya. 

“Hindi na po good boy na po hehe.” Pagsisinungaling ko sa kaniya. Bakit ko nga ba nakalimutan na nangako na pala ako sa kaniya na ititigil ko na. Ang tanga mo talaga Kent pero kasi nakakakulo ng dugo yung babaeng yun eh. 

“Good I’m happy for that.” nakangiting sambit ni Mommy. Binilisan ko na ang pagkain ko saka ako uminom ng tubig. 

“Oh tapos ka na nun?”

“Opo Mommy hehehe maaga kasi kami ngayon. Bye I love you.” Sigaw ko saka ako tumakbo patungong garahe at pinaandar na ang kotse ko. Peste naman oh wala naman sigurong magsusumbong gaya ng dati nalaman lang naman nila na nambubully ako dahil nahuli nila ako mismo hehe.

Nakarating ako ng school at sakto nakita ko si Chase. 

“Chase bro!” sigaw ko ng makita ko na siyang paalis ng parking lot.

“Hey.” Mabilis kong ipinark ang sasakyan ko saka ko kinuha ang bag ko at pinuntahan si Chase na naghihintay.

“Good morning pre.” Nakipag-apir pa ako sa kaniya. 

“Good morning.” Bati niya. 

“Si Ken at Gav nakita mo na?” tanong ko saka kami nagpatuloy sa paglalakad. 

“Nandito na raw sila eh.” Pumasok na kami sa nakaassign na room namin ngayon. Marami na rin pala ang nandito. 

“KYAAAAAHHHH ANG BANGO BANGO MO KENT.”

“ANO KAYA PABANGO NIYA PARA MABILI RIN HAHAHA.”

“DI MO KAKAYANIN TEH SA SOBRANG MAHAL.”

Napangiti na lang ako sa mga bulungan nila. Sanay naman na ako dahil simula noong high school pa lang ay ganiyan na sila. 

“ISANG SULYAP NAMAN JAN CHASE.”

“WAAAAAHHH ANG CUTE CUTE MO” 

Tiningnan ko si Chase pero nakapoker face lang siya. Tsss ganiyan talaga kapag taken na ang puso hahahaha. 

Umupo ako sa pinakagitna. 

“Hey bro.” Nakipag-apiran na lang ako kay Ken at Gav na katabi ko rin. 

“Daming estudyante ngayon.” Bulong ni Kendrick. Eh mukhang dalawang section na ito. 

“Good morning class.” Hindi na kami nag-ingay ng dumating na ang prof namin. Shet ang prof na terror. 

“You!” turo niya sa estudyanteng nasa harapan. 

“M-Ma’am?” kinakabahan niyang tanong. 

“What is meant by business law?!” malakas niyang sigaw. 

“Umagang umaga recitation.” Nilingon ko si Gav. Anong problema nito at nagreklamo? Nagreklamo ang genius kong kaibigan hahaha. Mukhang wala sa mood ang isang ito ah. 

“Ano? Hindi ka man lang ba nag-aaral sa bahay niyo!” muling sigaw niya nanaman kaya tumingin na ako sa harapan. Iiling iling na lang akong nakatingin sa kaniya. 

“P-Pasensya na po.”

“Anong pasensya? Gusto mo bang ilagay ko rin sa card mong pasensya?!”

“H-Hindi po m-ma’am.”

“Eh kung ganun mag-aral ka!—You! Stand up!” turo niya nanaman sa isang estudyante. 

“Same question!” dagdag niya. Tiningnan na lang namin silang dalawang parehong nakayuko. Haaayst ibang klase ka talaga ma’am.

Nagpangalumbaba na lang ako sa upuan ko at tumingin sa labas. Pumasok nanaman sa utak ko yung babaeng yun. Ano kayang problema nun? Kung makatingin kasi parang buhat niya ang buong mundo. Wala man lang kaemoemosyon ang mukha niya. Mas nakakabwisit! Hindi naman kagandahan, ang baduy pa manamit.

Like what the hell? Pants at loose shirt? Sinaunang babae ba yun at ganun kung manamit? Hindi naman sa gusto ko sa mga babae eh yung kulang sa tela kung manamit pero hindi naman yung ganun na wala man lang class.

“MR. LUXURIOUS ARE YOU WITH US?!!” halos malaglag pa ako sa upuan ko sa gulat ng sumigaw ng pagkalakas lakas si Miss. Tiningnan ko siya ng nagtatanong pero nilakihan niya lang ako ng mata. 

“Ano bang iniisip mo pre? Kanina ka pa tinatawag ni Miss nakatatlong tawag na siya sayo.” Saad ni Kendrick. 

“Stand up Mr. Luxurious!” sigaw niya sa akin kaya tumayo ako. 

“Answer my question, same question!”

“C-Can you r-repeat the question M-Miss?” kaba kong tanong.

“Ano bang nangyayari sa inyong mga estudyante ngayon! Kung hindi lutang walang alam!!” napayuko naman ako dahil sa hiya. 

“You!” turo niya sa bandang likod ko.

“Kung ilang kaklase mo ang nakatayo ganun din ang dami ng tanong! Kung hindi mo nasagot!! Drop kayong lahat!!” gulat akong napatingin kay Miss. Patay kaming lahat nito, kapag sinabi ni Miss gagawin niya talaga. Kaba akong tumingin sa likod ko at halos lumabas na ang eyeball ko dahil hindi kayo maniniwala sa nakikita ko!

Shit! Si baduy girl! Tiningnan ko siya at parang walang kagana ganang tumayo! Mukhang hindi lang natatakot kay Miss. Anong ginagawa niya dito?!

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Perdido Janine
wla ng view video for nxt chapter?
goodnovel comment avatar
Evelyn Allejos
bakit agad nakalock ang susunod na chapter.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Heiress(Tagalog)   Author's note

    Sorry po kung ngayon lang ako nagparamdam sa story na 'to. Ngayon ko na lang kasi siya ulit navisit since nabusy ako sa maraming stories ko. The true reason kung bakit hindi na ako nakakapag-update is because para raw siyang HIH or His into Her ni Miss Jonaxx. Ayaw ko naman na plagiarize ako or something ginagaya ko siya, nagkataon lang na nagkaroon kami ng same plot. So, since then parang nawalan ako ng gana na ituloy siya kahit kompleto na siya sa isip ko until sa ending niya. Kung itutuloy ko naman siya need ko na naman basahin hanggang umpisa para maintindihan ko yung flow ng sarili kong story. As an author po kasi mahirap yung makumpara sa mga sikat ng author lalo na kung tingin nila ay nanggagaya ako ng gawa ng iba. Maraming salamat po sa mga nagbasa at naghihintay ng update ko. Kapag lumuwag po schedule ko, magsisingit po ako ng update medyo busy pa po ako 'till June. Thank you;)

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 70.2

    “Ayan na!” sigaw niya kaya tiningnan ko naman yung butas at may pumasok nga. Mabilis ko naman iyung hinukay hanggang sa mahuli ko ang isang malaking talangka.“Oh my God, ang laki niya.” gulat pa niyang saad. Hinawakan ko naman sa magkabilang sipit niya saka ko iniabot sa kaniya.“Anong gagawin ko jan?” “Diba gusto mong makahuli.” “Yes pero ikaw na lang maghawak haha, masakit mangagat yan eh.” Napakamot na lang ako sa batok ko, walangya hahaha. Akala ko pa naman gusto niyang makahawak ng ganto. “So? Bitawan ko na?” “Edi bitawan mo na, kawawa naman kapag pinatay mo.” Napapailing na lang akong tumatawa sa kaniya.“Halika ka na, madilim na oh. Wala pa tayong ilaw. May dalang ilaw at battery jan si Vance, alam mo bang ikabit?” binitawan ko naman na ang kawawang talangka saka ko siya sinundan.“Isabit mo na lang jan sa sanga ng kahoy.” “Nasan yung battery?” “Ito oh.” Turo niya sa napakalaking battery. Talagang nanigurado

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 70.1

    Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na nga kami sa sinabi niya. Medyo may kalayuan nga lang pero okay lang dahil siya naman ang kasama ko, wala na akong hihilingin pa. Bumyahe kami palabas ng metro makarating lang ng dagat. Dahil nga may kalayuan nakatulog na siya sa byahe. Kararating namin pero hindi pa rin ako bumababa dahil tulog pa siya. Ang ganda niya talagang titigan. Wala ng gaganda sa kaniya. Napaiwas naman ako ng tingin ng gumalaw na siya. “Kanina pa ba tayo?” paos pa niyang tanong. “Kararating lang din naman.” Umayos na siya ng upo at inilibot ang paningin sa paligid saka bumaba kaya bumaba na rin ako. “May hinahanap ka ba?” tanong ko sa kaniya ng hindi matigil sa kakatingin niya sa paligid. “Ayun, dun tayo.” Turo niya sa isang ilalim ng puno na may mga gamit. Kumunot naman ang noo ko, kanino yan? “Kilala mo ba kung kaninong gamit yan?” tanong ko sa kaniya ng pakialamanan niya ang mga dun. “Ito ang gagamitin na

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 69.2

    Bumili naman na ako ng ticket para sa papanuorin naming movie. Ako na rin bumili ng makakain namin sa loob. Pagkarating namin sa loob ay kakaunti pa lang din ang tao. Sa pangawalang upuan na rin kami umupo. “Mahilig ka manuod ng romance?” tanong ni Ash. “Ah siguro hehe, yan nadampot ko eh.” “Tsss, yan nadampot o yan talaga pinili mo?” “Pwede both? Haha.” Natatawa kong saad sa kaniya na ikinatawa niya naman. “Mag-ingat ka baka maulit nanaman yung nangyari sayo noong nakaraan.” “Hindi mo naman ako pababayaan diba?” “Ang bading mo talaga.” “Sige isang sabi mo pa ng bading ako, maski maraming tao hahalikan kita. Hamunin mo ako, sige.” Usal ko na ikinatikom naman ng bibig niya. Takot lang mahalikan eh, tssss. Sayang hehehe mahahalikan ko nanaman sana ang malambot niyang labi, haaaay. Pinatay naman na ang ilaw at ang tanging nagbibigay na lang ng liwanag ay ang screen sa harap. Marami rami na rin ang tao at ka

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 69.1

    “Hindi ba maganda?” napakurap kurap naman ako ng ilang beses at tumikhim ng magsalita siya at pinasadahan ng tingin ang sarili niya. “Hindi naman, ang ganda mo nga eh.” Namamangha ko pang saad sa kaniya. “Kaya nga natulala eh, naku jan na nga kayong dalawa. Hoy warfreak ingatan mo yan ha?” “Oo naman yes!” tuwang tuwa ko pang saad kay Aira. Umakyat naman na ako sa hagdan at inilahad ang kamay ko sa kaniya habang nakayuko. Bahagya naman siyang natawa. “Akala mo naman prinsesa ang tutulungan mo.” Usal niya. “Eh prinsesa kita eh.” Napailing iling naman siya habang natawa. Inilahad niya na ang kamay niya at maingat ko namang hinawakan iyun. “Kumain ka na ba?” tanong ko sa kaniya. “Hindi pa, ikaw kumain ka na ba?” napakagat labi naman ako dahil inaalala niya na ako kung kumain na ba ako. Eh sa natutuwa ako kahit na mga simpleng tanong lang eh. “Kain na lang tayo sa labas.” Saad ko na lang sa kaniya, kaunti lang naman

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 68.2

    “Mali ba ako?” tanong ko sa kaniya pero umiling lang naman siya.“Hindi naman, I like your answer pero paano na kaya kapag nandun ka na? hindi na siguro natin alam kung tama pa nga ba nating pagsabayin.”“Bakit mo nga ba natanong?”“Wala naman, natanong ko lang. Mahilig kasi ako manuod ng mga ganun haha yung love story siya tapos may katungkulan yung isa sa kanila.” Saad niya, pero bakit pakiramdam ko hindi talaga iyun ang dahilan.Jusko Kent Chester, umayos ka baka mamaya iba ang isipin niya.“Oh.” Nilingon ko naman siya ng masalita siya.“Alas dose na pala.” Saad niya habang nakatingin sa cell phone niya.“Hindi ko rin namalayan, ang sarap mo kasi kausap eh.” Bahagya naman siyang natawa saka tumayo.“Umuwi na tayo baka hinahanap ka na rin sa inyo.”“Hoy, anong tingin mo sa akin? Babae? At ikaw ang lalaki? Hell no, hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status