The Heiress(Tagalog)

The Heiress(Tagalog)

last updateLast Updated : 2024-04-27
By:  Rhea maeOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
25 ratings. 25 reviews
143Chapters
46.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Ashery Myth Moondale wants to find out what's really happened to her parent's death, she's going to the Philippines because someone told that the culprit to her parent's death is in the Philippines and hiding. She's going to be a mysterious in her school. She thought that it will be easy for her but she was wrong because she will meet the King of bully, Kent Chester Luxurious. She will taste a living hell in arms of the bullies she want to fight back but she chose to be calm and ignore the bullies. But for all the wrongs Kent had done to Ash, she still saved him from the hands of the bad people.

View More

Chapter 1

SIMULA 1.1

Maaga akong nag-aayos ngayong araw dahil unang araw ko sa bansang ito. Hindi ako dapat mafail sa misyon kong ito. Hindi ako dapat magpapatalo. Buhay kapalit ng buhay. Kailangan kong magtagumpay sa lahat ng plano ko. Focus to your goal Ashery. 

Tinitigan ko ang sarili ko sa harap ng napakalaking salamin sa kwarto ko. Napangisi na lang ako sa sarili.

Humanda ang dapat humanda dahil malalaman niyo na ang tunay na paghihiganti. Mararamdaman niyo ang tunay na sakit. 

KNOCK KNOCK

Nahinto ako sa pag-iisip ng marinig ko ang katok mula sa pintuan ko. Naglakad naman ako papuntang sofa ko. Hindi na ako nagsalita ng pumasok na lamang ito. 

“Nakagayak na po ang inyong agahan Ka—“

“Ano bang sinabi ko sayo Aira? Kailangan ko pa bang ulit ulitin sayo lahat?” maawtoridad kong saad. Ilang beses ko na siyang sinabihan subalit paulit ulit niya pa ring ginagawa. Tinitigan ko siya at napayuko nanaman siya. Napairap na lang ako sa inasal niya. 

“Pasensya na hindi na mauulit.” Yuko pa ring saad niya. Tumayo na ako at nilampasan siya saka bumaba. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa likod ko. 

“Siguraduhin mo lang dahil kung inulit mo pa ipapatapon na kita sa pinakadulong lugar ng Korea.” Nilingon ko siya at namumutla nanaman ang mukha niya. Kahit kailan ka talaga. 

“Umpisahan mong ayusin ang pananalita mo ang pakikisama sa akin para maayos natin ang lahat kung patuloy kang ganiyan wala akong magagawa kundi ang ibalik ka.” Pagbabanta kong sambit sa kaniya.

Dumiretso na ako sa kusina at nakahanda naman na ang lahat. Sinimulan ko ng lagyan ang pinggan ko ng mga pagkain ko. 

“Pasensya ka na talaga hindi pa rin kasi ako sanay eh.” Nahihiya niyang sambit. Ibinigay ko sa kaniya ang isa pang plate at nilagyan ng kanin. 

“Ako na jan kaya ko naman.” Nakayuko niya pa ring sabi. 

“Ayusin mo sabi ko Aira, bakit ba pati ang postura ng katawan mo kapag nakikipag-usap sa akin ay ganiyan pa rin?!” pinantayan niya ang tingin niya sa akin. Hindi man niya sabihin pero naiilang pa rin siya. Halata pa ring gusto niya ng ibaba ang paningin niya at yumuko. Nagtapang tapangan siyang tiningnan ako.

“Fine! Yan yung gusto mo diba?! Sige! Pagbigyan. Masyado kang masungit, hindi mo ako kailangang sigawan.” Napangiti naman ako sa iniasta niya. Iiling iling na lang akong nagpatuloy sa pagkain. Kaya naman pala eh aarte arte pa. Tsss. 

Pagkatapos kong kumain ay nagtungo lang akong sofa at nanuod. 

“Nagtext sa akin si Vance papunta na raw siya dito.” Tumango na lamang ako sa kaniya at itinuon uli ang atensyon sa tv. Sana lang ay nagawa niya para makapasok na ako bukas bugnot na bugnot na ako dito sa bahay kahit na gusto ko palaging mag-isa at nakakulong sa loob ng kwarto saka matulog. Gusto ko ng umpisahan, sana lang ay maging maganda ang buhay ko sa paaralang iyun. 

Ilang minuto lang ay rinig na namin ang pagdoor bell sa gate namin. Bilis niya naman. 

“Oh Vance bilis mo naman? Pinalipad mo ba ang kotse mo at nakarating ka kaagad dito? Madaling madali lang ha? Excited lang makita si Ash?” taas kilay na sunod sunod na tanong ni Aira. Tiningnan lang naman siya ni Vance saka dumiretso sa akin. 

“Wow as in Wow. Hangin na ba ako ngayon para hindi makita? Akala mo kung sino kang gwapo Vance! Mapanis sana laway mo para mamaho yang hininga mo! Leche!” gulat na nilingon ni Vance si Aira sa iniasta niya ito. 

“What?” 

“Oh ano? Tingin tingin mo jan?” 

“What the.”

“What ka ng what jan. Watwatin kita eh.” Inambaan pa niya ng suntok si Vance. Natawa na lang ako. Hindi na lang siya nagsalita saka umupo. Tinaasan ko naman siya ng kilay saka nagpadekwatro ng pambabae. 

“Maayos na ang lahat, pagpasok nyo na lang ang kulang. Bukas na bukas din makakapasok na kayo.” 

“Good.” Maikli kong saad. 

“Sigurado ka ba talaga dito?” 

“Ito na lang ang nakikita kong paraan.” Diretsong tiningnan ko ang mga mata niya at iniwas na lang ng makita ang emosyon niyang nag-aalala. 

“You don’t have to worry Vance. I can take care of myself.” Nagliwanag naman ang mukha niya at unti unting tumango.

“Kung kailangan mo ako nandito lang ako palagi.” 

“Salamat makakauwi ka na.” Nanlaki naman ang mga mata niya saka iiling iling na tumingin. 

“Ibang klase kararating ko lang ah? Bakit pinapaalis mo na ako agad? Hindi ba pwedeng dito na lang ako mananghalian?” sinubukan niyang maging cute sa harapan ko pero inirapan ko lang siya. Ang sagwang tingnan sa kaniya. Hindi niya bagay.

“Siguraduhin mong pagbaba ko sa kwarto ko ay wala ka na sa paningin ko.” Tumayo na ako at tinalikuran siya. 

“Tsk jan ka naman magaling. O sige na. Mauna na ako mag-iingat ka palagi.”

Hindi ko na siya nilingon pa at dumiretso ng kwarto ko. 

Humiga ako sa kama at ginawang unan ang dalawa kong braso saka tiningnan ang kisame. Ang dami kong tanong pero sa lahat ng iyun wala pa rin akong nakukuhang sagot. Gusto ko ng malaman ang lahat ng nasa likod ng mga nangyayari. Oras na malaman ko uubusin ko lahat ng lahi mo. Hindi na dapat pang mabuhay ang lahing katulad niyo. Wala kayong karapatang mabuhay sa mundo. Ang dating maayos at maganda kong nabuhay, nawala ng dahil sa kasakiman mo. 

Matiyaga kong pinalipas ang araw na ito. Iginugol ko rin ang buong kalahating araw ko sa loob ng training room ko. 

Pagkatapos naming maghapunan ni Aira ay dumiretso na ako sa kwarto ko at naligo. Pagkalabas ko sa banyo ay pinatuyo ko muna ang buhok ko saka ako natulog. 

KINABUKASAN.

Maaga akong gumising, dumiretso na ako sa banyo saka naligo. Kasalukuyan akong nagbibihis ng kumatok si Aira sa kwarto ko. Siya lang naman pwedeng kumatok dahil siya lang naman ang kasama ko. 

“Hoy gising ka na ba? Ash?” 

“Gising na ako.” walang gana kong saad sa kaniya. 

“Maligo ka na ha? Bilisan mo at kumain na tayo.”

“Nakaligo na ako.” umalis na ako sa harap ng malaki kong salamin saka binuksan ang pintuan. Naabutan ko namang nakatayo pa dun si Aira at nanlalaki ang mga mata. 

“What the hell?” 

“Problema mo?”

“Ano yang suot mo?! Kahit si Vance ay hindi magugustuhan yang suot mo.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

10
100%(25)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
25 ratings · 25 reviews
Write a review
user avatar
Shang Perez Canque
hello po, bka nmn po pwedeng mag update nmm kyo, marami pong nag abang kasi maganda po yung storya.. sana po mapansin nyo kmi. salamat
2025-05-11 09:04:37
0
user avatar
Mutya
anu baka naman please huhu bigyan mo namann kami ng ending
2024-12-28 05:02:22
0
user avatar
Mutya
miss maam author. please po. pa update na dito balikan nyo na kami... please miss maam makakabalik paba c ash kay kent huhu please po. gawan nyo naman to ng ending
2024-12-15 16:27:22
0
user avatar
Mutya
miss maam author. please po. pa update na dito balikan nyo na kami... please miss maam makakabalik paba c ash kay kent huhu please po. gawan nyo naman to ng ending
2024-12-15 16:27:15
0
user avatar
Mutya
miss maam author. please po. pa update na dito balikan nyo na kami... please miss maam makakabalik paba c ash kay kent huhu please po. gawan nyo naman to ng ending
2024-12-15 16:27:07
0
user avatar
Mutya
hi author. dimu na po ba talaga kami babalikan dito??
2024-11-26 20:16:31
0
user avatar
Mutya
author balik na po ikaw dito please. huhu kahit tig isang chapter pa po update mo per day okay lang po. balikan mo lang po kami dto
2024-11-20 14:11:21
0
user avatar
Merabel Melgar
i really love this story
2024-09-10 19:29:32
0
user avatar
Mutya
hi ms author.. may balak pa po ba kau mag update dito?? kung wala naman po ay baka pwedeng mag announce na kau para di po kami umasa...
2024-08-23 23:04:20
0
user avatar
Mutya
hi ms author.. may balak pa po ba kau mag update dito?? kung wala naman po ay baka pwedeng mag announce na kau para di po kami umasa...
2024-08-23 23:04:14
0
user avatar
Mutya
wala na po ba talaga pag asa sa update ito???
2024-07-07 00:52:05
0
user avatar
Mutya
hai author. huhu balikan nyo na po kami dito
2024-07-03 00:28:25
0
user avatar
Mutya
kaabang abang tlga magiging ending nito isipin mo pamilya ni kent may pakana sa pgkamatay ng pamilya nya. sana balikan ni author nextmonth.. busy daw kc ang author hanggang ngaun june. sana po balikan mo na nextmonth ms ash .
2024-06-13 03:23:07
0
user avatar
Jhell L. Caseja
sayang naman po pls. update..
2024-05-06 23:43:53
0
user avatar
Maria Cris Calderon
sana may next episode
2024-03-06 08:20:43
0
  • 1
  • 2
143 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status