ASH POV
Mabilis naman na lumilipas ang araw nagiging tahimik na rin ang buhay ko sa ACIS. Wala ng gumugulo sa akin pero hindi pa rin nawawala ang kabilaang bulungan. Hindi na rin ako ginugulo ni warfreak, kung kakausapin niya ako malumanay naman na.Nagstart na rin ang training namin sa archery pero saglit ko lang na hinahawakan ang bagay na yun. Hindi rin ako humaharap sa target, gaya nga ng nasabi ni Vance ay kakausapin niya ang coach namin tungkol dun. Hindi naman niya ako pinapagalitan kapag saglit lang ang practice ko. Hindi naman ako nagmamayabang na porket alam ko na ay hindi na ako magprapractice.Hindi rin ako iniimikan ni Kristel. Iniismiran niya lang naman ako minsan hindi ko naman na iyun pinapatulan pa. Wala namang mangyayari sa akin sa ismid lang.“Excited na ako sa darating na interhigh. Papanuorin ko talaga lahat ng laro niyo ni Ash.” Sambit ni Sophia.“Eh paano kung nKENT POVWala akong ginawa kundi ang ituon ang atensyon ko sa paglalaro. Wala akong ginawa kundi sa bawat pasa nila ay diretso sa ring mapatres o dos lang. Kanina pa kami laro ng laro at naliligo na rin ako sa sarili kong pawis.“Pre masyado kang seryoso hahaha wala pa tayo sa laro.” Tapik ni Kendrick sa balikat ko habang nakapatong ang dalawa kong palad sa tuhod ko. Hindi ko naman siya nasagot dahil hinahabol ko pa ang hininga ko.Natapos ang practice namin. Naliligo na ang mga kateam ko habang ako naman ay nananatiling nakaupo pa dito sa bench.“Pre maligo ka na hintayin ka na namin.” nilingon ko silang tatlong mga nakaligo na.“Hindi na dre mauna na kayo, ayos lang.”“May problema ba?” si Gavin.“Wala wala ok lang ako. Walang mangyayari sakin dito.” Ngiting saad ko sa kanila.“Sigurado ka ba? Sus
Anong klaseng tao ka ba Moondale? Masyado ka ng nagiging misteryosa. Anong lakas ng loob meron ka para sumugod sa mga ganitong sitwasyon? Kung makapagsalita ka akala mo kayang kaya mo silang lahat pero ang totoo kapag nilabanan ka nila paniguradong matatalo ka. Ang ipinagtataka ko lang anong relasyon kayong lahat meron ang isa’t isa para sundin ka nila?Hindi kaya isa ka sa kanila? O ikaw mismo ang boss nila? Masyado akong naguguluhan.“Ash naman.” Nangungusap ng anas ni Lucas.“Sinong pumalo sa kaniya?” ang tinig ng boses niyang makakapagpatayo ng mga balahibo mo sa katawan. Nilapitan niya ang isang lalaking may hawak ng baseball bat na siyang pumalo sa akin. “Ikaw?” maangas niyang tanong. Hindi naman nakapagsalita ito at nakayuko na ngayon habang nanginginig ang kamay. Dahan dahan namang kinuha ni baduy girl ang baseball bat na hawak ng pumalo sa akin. "Alam mo bang kapag ako ang pumalo sayo nito hind
Gaya nga ng sabi niya ay sinundan niya ako hanggang sa makarating kami ng hospital. Tinulungan niya akong maglakad papasok, sinalubong naman kami ng ilang nurse.“Ano pong nangyari sa kaniya?” tanong ng isang babaeng nurse.“Napalo ng baseball bat.” Anas pa niya. Tiningnan naman ng nurse ang binti ko, akala mo naman ay makikita niya yun gayong nakapantalon ako. Pinaupo nila ako sa wheelchair at itinulak naman ako ng isang lalaking nurse. Nililingon ko naman si baduy girl kung nakasunod pa rin ba siya sa akin. Nakarating kami sa isang room at pinaalis sa akin ang pantalon ko, buti na lang pala may baon akong short at iyun na ang isinuot ko.Nagulat din ako sa naging itsura ng binti ko. Para na itong kulay ube!! Pesteng to paano ako makakapagpractice kung ganito ang kalagayan ko?“Mukhang malakas ang pagkakapalo dito ah. Ano bang nangyari?” kunot noong tanong ng Doctor.“Napagtri
ASH POVPaulit ulit akong napapabuntong hininga. Hindi ko alam kung nakakailan na ba ako ngayong gabi. Kapag naaalala ko ang takot na takot na mukha ng warfreak na yun. Siya na nga itong tinulungan tapos ako pa pag-iisipan ng masama. Mukha ba akong gangster? Ayos yun ah.Nakauwi akong bahay at nakita ko naman si Aira na parang tamad na tamad umakyat sa hagdan.“Kumain ka na lang jan ah, pasensya na hindi na kita hinintay pagod na pagod talaga ako sa training eh.” Nahihikab pa niyang aniya.“Ayos lang.” Umakyat na siya sa taas at nagtungo naman ako sa kusina para kumain. Mabilis naman akong natapos saka diretsong naligo at humiga sa kama.Ginawa kong unan ang dalawa kong kamay habang nakatulala sa kisame. Wala akong ginawa sa kaniya para katakutan niya ako at umatras palayo sa akin. Matinding kaba rin ang naramdaman ko ng muntik siyang mahagip ng gagong sasakyan na yun. Kapag nah
VANCE POVNaglakad ako patungo sa training room ni Aira.“OMG Si Vance.”“Ang gwapo niya talaga.”“Sayang lang may asawa na siya.”Mga rinig kong bulungan ng makapasok sa training room nila Aira. Hindi ko na lang pinansin ang mga bulungan nila. Hindi ko akalaing uso pala dito sa bansang ito ang pagtilian ka na akala mo ay isang sikat na artista.Hinanap ng mga mata ko si Aira hanggang sa makita ko siya sa pinakadulong bahagi ng kwartong ito.“Aira.” Tawag ko sa pangalan niya na ikinalingon niya naman.“Oh Vance nanjan ka pala. Si Ash hindi mo kasama?”“Nasa parking lot na siya, siya ang nagpapunta sa akin dito.”“Ganun ba sige sandali lang, kunin ko lang iba kong gamit.” Tinanguan ko na lang siya saka pinanuod na lang na ilagay sa bag niya ang mga gamit niya. &ldq
Lakad takbo ang ginawa ko kahit na masakit pa ang isa kong binti. Nag-aalala ako para sa kaniya. Maayos pa siya kahapon pero bakit anong nangyari ngayon?“KENT ANO BA!” habol sa akin ng mga kaibigan ko. “Kung gusto mo siyang puntahan, sige! Pero huwag mo namang kalimutan na pasyente ka rin!!” nahabol ako ng mga kaibigan ko at hinarangan ang daraanan ko.“Umalis kayo jan. Huwag niyo akong haharangan.” Malumanay ngunit may diin kong anas sa kanila.“What do you think you are doing? Kung nag-aalala ka para sa kaniya, katulad mo ganun din kami.” seryosong saad ni Gavin pero sinamaan ko lang sila ng tingin.“Paraanin niyo ako.” pilit kong kalma sa sarili ko.“Makakapunta ka naman eh! Umupo ka dito! Pinapahirapan mo pa sarili mo!” nilingon ko ang tulak tulak na wheelchair ni Kendrick. “Ano pang ginagawa mo?! Upo na at itutulak kita!” hi
Napapangiti na lang ako kapag naalala ko yun. “Wake up Ash.” Mga huling salitang binanggit ko saka hinaplos ang pisngi niya bago lumabas. Pumasok na rin ang iba. Tumabi na ako kay Kendrick. “Kamusta siya?” tanong niya. “Tanging machine na lang mga nakalagay sa katawan niya.” mahina kong sagot dahil parang nawala ako sa mood para magsalita. “Kamusta naman yang feelings mo?” nilingon ko naman siya pero diretso lang ang tingin niya. “Nag-aalala lang ako sa kaniya Kendrick, nothing less nothing more.” “Yun nga lang ba? Kilala kita Kent. Saka yang pinapakita mo masyado ka ng halata.” “Nag-aalala lang talaga ako sa kaniya Kendrick, huwag mo ng bigyan pa yun ng ibang kahulugan.” “Parepareho tayong nag-aalala pero hindi ka naging ganiyan kay Charlotte ng mahampas din siya sa ulo. Kaibigan din natin yun pre pero hindi ka naman nag-alala gaya ng pag-aalala mo ngayon.” kita ko sa gilid n
Nakarating ako ng school at nakasalubong ko naman sila Freya.“Kamusta na siya?” may bahid na lungkot na saad ni Sophia.“Hindi pa rin gumigising eh.”“Don’t worry Aira she’ll be fine.” Tinapik tapik pa nila ang balikat ko. Bahagya naman akong napangiti sa kanila. Pumasok na kami ng room namin at sa kamalas malasan si Sir Thanos pa ang teacher namin ngayon.“Mukhang wala ngayon ang hambog mong kaibigan ah?” nakangisi niyang tanong.“Nasa hospital po siya Sir.” Sagot naman ni Sophia.“Oh talaga? Hindi pa ba tigok?” dahil sa inis ko nakwelyuhan ko siya.“Mag-iingat ka sa pananalita mo dahil balang araw matatanggal ka dito sa kinatatayuan mo.”“Aira.” Nag-aalala nilang anas pero hindi ko sila pinansin. Itinuon ko ang paningin ko sa Thanos na ito. Nanlalaki ang mga mata niyang n