Share

Kaibigan na Itim

Gilda Point of View

       Nakatingin ako ‘kay Carmen habang nagkwekwento siya sa akin. Ikinukuwento niya sa akin ang babaeng kapatid ni Glen na kagabi pa nawawala.

       Naglaba lamang daw ito sa may batis pero hindi na umuwi ng kanilang bahay.

       Tanging mga labada na lamang daw ang kanilang nakita sa may batis.

       Sobrang nag aalala si Carmen dahil kaklase niya ang kapatid ni Glen na si Kendra.

       Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya.

Sasabihin ko ba na napanaginipan ko ang babaeng tinutukoy niya? Pero paano kung sa akin mabali ang sisi nila.

       Maniniwala ba sila na sa panaginip ko lamang nakita? Mas lalo niya kaming ididiin na kami ay mga kulto.

       “Alam mo, pakiramdam ko nakuha na rin ng mga kulto si Kendra,” ani ni Carmen sa akin at hinawakan ang aking kamay. “Wala ka bang napapansin sa bahay niyo o sa mga kasama mo sa bahay.”

       Napapansin? Ano ang mapapansin ko? Normal naman ang lahat.

       Ang hindi lang normal ay umaalis si Lola Teresa.

       At… at may itim na libro siya. Ang itim na librong tinutukoy ni Carmen.

       Kulto si Lola Teresa pero hindi ko alam. Hindi pa confirm. Hindi ko naman alam kung ano ang itsura ng itim na libro na sinasabi niya. Malay ko ba kung ano iyon.

       Tinapik ko ang kamay ni Carmen at hinawakan ko ang sarili kong kamay. HInagod ko ito pataas.

       “W-wala naman,” ani k okay Carmen. “Normal naman ang mga kinikilos nila. Baka naman pinagbibintangan lang talaga ng mga taong inggit ang pamilya ko.”

       Napakunot naman ang noo ni Carmen.

       “Walang halong pagbibintang ang sinasabi ko sa iyo,” ani ni Carmen sa akin at muling kinuha ang aking kamay. “Ang lahat ng ikinuwento ko sa iyo ay totoo. Maaring hindi mo napapansin ngayon pero ano pa nga at mapapansin mo rin. Si Maria at ang iyong Lola Teresa ay mga taong mapanganib. Sila ay mga kulto.”

       Biglang nanlabo ang aking mga mata habang nakatingin sa bibig niyang nagsasalita.

       ‘Hahaha! Maniwala ka sa kanya! Totoo ang kanyang sinasabi! May kapangyarihang itim ang Lola mo! Kuhanin mo ito!’

       Nanlaki ang aking mga mata sa boses na bumulong sa akin.

       Luminga linga ako sa paligid ngunit walang tao roon bukod sa amin ni Carmen.

       Sino ka? Nasaan ka?! Magpakita ka?!

       ‘Totoo ang mga napanaginipan mo! Isumbong mo sa kanya upang mahuli na ang Lola at si Maria! Mamamatay tao ang pamilya mo! Kailangan mong tanggapin!’

       Tinakpan ko ng aking dalawang kamay ang aking magkabilaang tainga.

       Ano ito? Anong mga boses ito? Nababaliw na ba ako? Bakit naririnig ko uli ito?

       Hinawakan ko ang aking sarili at sinakal ito. Lumabas ka riyan! Lumabas ka riyan!

       Napaubo ako sa sakal na aking ginagawa.

       “Gilda anong ginagawa mo?!” tanong sa akin ni Carmen at halata sa boses niya ang gulat. Tinatanggal niya ang kamay sa kaing leeg ngunit mas mariin ko pang sinakal ang aking sarili upang palabasin ang ano mang nasa loob ko.

       Napasuka muli ako ngunit walang lumalabas sa aking bibig. Halos mawalan na ako ng ulirat sa diin ng aking sakal.

       Pareho kaming nasaldak ni Carmen noong mawalan kaming dalawa ng balanse kakapigil niya sa akin.

       “Ano ba, Gilda?!” ani niya sa akin. “Pinapatay mo ba ang sarili mo? May problema ka ba?”

       Nalanghap ako ng hangin habang nakatingin kay Carmen. Tila nanghihina ako sa ginawa ko.

       “Wala ka bang nakitang lumabas?” tanong ko kay Carmen at luminga linga sa paligid.

       “A-anong lumabas? Anong sinasabi mo?” tanong ni Carmen sa akin.

       “Yung kaibigan ko!” mariin kong sabi. “Kailangan na siyang lumabas! Mababaliw ako habang naririnig ang boses niya!!!!”

       “Gilda? Sinong kaibigan ang tinutukoy mo?” tanong ni Carmen.

       Luminga linga ako sa paligid.

       “Gilda?! Sinong kaibigan ang tinutukoy mo?!” pag – uulit na tanong sa akin ni Carmen habang nakahawak sa aking magkabilang balikat.

       Tinapik ko ang dalawa niyang kamay palayo sa akin.

       Nagulat siya sa aking ginawa at kunot ang kanyang noon a nakatingin sa akin.

       “Ayos ka lang ba?” tanong niya sa akin. “Sino ba ang kaibigan na tinutukoy mo na dapat lumabas?”

       Napailing iling ako sa kanya. 

       “Hindi ko alam,” ani ko sa kanya. “Hindi ko alam!”

Carmen Point of View

       Kunot ang aking noo na pinagmamasdan si Gilda. Anong nangyayari sa kanya? Tila isa siyang nababaliw na babae sa aking harap. Kung ano ano ang kanyang ginagawa at tila may hinahanap siya na kanyang kinatatakutan.

       Nakapag – aalala ang kanyang kilos. Kilos ng hindi normal na tao. May bumabagabag ba sa kanyang isipan? Hindi naman siya ganyan noog nag uusap kami kanina. Bigla na lamang siyang nagbago.

       Napansin ko rin na tila tumanda ang kanyang mukha. Tila mukha siyang pagod at tila dumami ang kanyang tigyawat sa mukha.

       Stress ba siya? Nabanggit niya sa akin na hindi siya pinayagan ng kanyang Lola Teresa na mag – aral ng senior high school. Baka nga dahil doon kaya siya nagkakaganyan.

       Kaawa awang Gilda. Naaawa ako para sa kanya. Sana naman ay tinitignan nila siya dahil kapamilya rin naman nila si Gilda.

       “Kung may bumabagabag sa iyong isipan ay lapitan mo lamang ako,” ani ko kay Gilda. “Sabihan mo lamang ako okay? Narito lang ako para makinig sa iyo. Tutulungan kita!”

       Napatingin siya sa akin.

       “Sa susunod na lang uli tayo mag – usap, Carmen,” aniya sa akin na animo ay biglang nalumbay. “Hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon.”

       Bago pa ako makasagot ay tumalikod na siya sa akin at tumawid ng kalsada. Ano bang nangyayari roon.

       Labis niya akong pinag aalala. Lalo na ngayon na may mga kultong gumagala. Nagsisimula nanaman silang mamatay ng mga tao upang kanilang gawing alay.

       Malakas ang kutob ko na may kinalaman ang lola niya at si Maria sa mga kaguluhang nangyayari ngayon.

       Lubos na nakakatakot.

       Kamusta na kaya si Kendra? Nahanap na kaya siya ng kanyang kapatid na si Glen? Sana ay mali ang kutob ko. Kung bakit ba kasi kailangan gabi siyang maglaba. Alam niya namang mapanganib ang panahon ngayon.

       Ano ba kasing napasok sa isipan ng babaeng iyon.

       Tumalikod na rin ako upang bumalik sa aming bahay. Siguradong hinahanap na ako nila inay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status