Third Person Point of View
Isang babae ang tumatakbo sa may talahiban. Pawis na pawis ito at palinga linga sa kanyang likuran.
May humahabol sa kanyang tatlong babaeng nakasuot ng mga itim na belo at itim na bestida.
Hinihingal na siya ngunit wala siyang balak tumigil. Kahit mamanhid na ang kanyang mga paa basta huwag lang siyang maabutan ng mga ito.
Nalingon ang babae sa kanyang likuran at lahat na ng santo ay kanyang natawag sa kanyang takot.
Hindi niya matanaw ang mga mukha nito. Mabibilis itong tumakbo na daig pa ang isang kabayo. Akala mo ay may lahing kidlat sa pagtakbo.
Hindi niya matanaw ang mga mukha nito dahil sa dilim ng gabi.
Nais niyang magsisi na hindi sya nakinig sa kanyang kapatid na huwag ng maglaba ng dis oras ng gabi ngunit heto siya at naglaba pa rin sa may batis.
Ayaw niya kasing maglaba bukas upang sana ay magamit na lamang niya ang kanyang oras sa paggala kasama ang kanyang mga kaibigan.
Mas gugustuhin niya pa ngayon maglabas ng maghapon at kahit isang linggo pa ng sunod sunod at walang hinto basta makatakas lamang siya sa tatlong mga nilalang na humahabol sa kanya.
Isa lamang ang knayang naiisip. Ito ang mga kulto na kumakalat kalat ngayon sa kanilang probinsya.
Kung bakit ba kasi hindi siya nakinig sa balita. Akala niya ay palusot lang ito ng mga lalaki sa balita upang pagtakpan ang mga krimen na nagawa nito.
Ngayon ay naniniwala na siya. Sisiguraduhin niya na ibabalita niya agad ito sa kanyang mga kaibigan sa oras na makatakas siya sa mga ito.
“Iligtas niyo po ako!” naiiyak na sabi ni Kendra habang tumatakbo. Halos hindi na siya makahinga dahil kanina pa siya tumatakbo.
Muli siyang tumingin sa kanyang likuran. Nakasunod pa rin sa kanya ang tatlo.
Tila walang kapaguran ang mga ito.
Hindi na alam ni Kendra kung saan siya napunta. Basta ang alam niya lamang ay iniwan niya ang kanyang nilalabhan noong makita niya na nakatayo ang mga ito sa malayo.
Agad siyang nagtatakbo ngunit hindi niya namalayan na hindi pala ang daan pauwi ang kanyang natahak.
Nadulas si Kendra sa kanyang pagtakbo. Gumulong gulong siya pababa at tumama sa mga bato.
Nais niyang umiyak noong maramdaman niyang bumaliko ang kanyang paa ngunit ayaw niyang gumawa ng kahit anong ingay.
Agad siyang tumayo at may nakita siyang isang butas sa kanyang harapan.
Hirap siyang lumakad patungo roon at nagtago.
Tinakpan niya ang kanyang bibig ng napakariin upang hindi makalikha ng kahit anong ingay
Narinig niya ang mga yabag ng mga ito na papalapit ng papalapit sa kanyang kinalalagyan.
Nagsumiksik siya sa gilid upang hindi siya makita sa kanyang kinalalagyan. Napapikit siya at napadasal ng taimtim.
Nanginginig ang kanyang mga kamay.
Mga ilang minuto pa ang lumipas ay narinig niya ang katahimikan sa paligid.
Unti unti niyang idinilat ang kanyang mga mata at napasigaw noong makta niya ang isang matanda na nakangiti habang nakatingin sa kanya.
“Ahhh!” gumapang ito papalapit sa kanya at inabot ang kanyang dibdib ng malaking kutsilyo.
***
Hingal na nagising si Gilda mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog.
Tumutulo ang kanyang pawis sa gilid ng kanyang mukha.
Napatingin siya sa may bintana at napansin niyang maliwanag na sa labas.
Tumayo siya upang buksan ang mga ito. Matapos ay tinanggal niya rin ang tela sa may malaking salamin.
Bumaba na siya sa hagdan at tinahak ang kusina. Naabutan niya roon si Maria at nilapitan niya ito.
“Hello,” bati ni Gilda kay Maria.
“Oh! Gising ka na pala, anak!” ani ni Maria sa dalaga. “Hindi ko man lang naramdaman ang presensya mo.”
“Anak? Hindi mo ako anak,” ani ni Gilda kay Maria.
Napasimangot naman si Maria at inilapag ang kanyng hawak na kutsilyo sa lababo at tumingin kay Gilda.
“Ano kamo?” tanong ni Maria kay Gilda.
Unti unti namang lumingon si Gilda sa kanya ngunit hindi kasama ang katawan.
Napakunot ang noo ni Maria noong unti unting ngumiti si Gilda. Ang ngiti nito ay abot hanggang tainga.
Malakas itong tumawa.
“Anong nangyayari sa iyo?” tanong ni Maria at hinawakan si Gilda sa magkabilang balikat. “Anak, ayos ka lang ba? Bakit ka nagkakaganyan?”
Tumigil naman sa pagtawa si Gilda.
“Nanaginip ako kagabi,” ani ni Gilda sa dalaga at kinuha ang kutsilyong binitawan ni Maria kanina.
“Panaginip? Anong panaginip?” tanong ni Maria kay Gilda.
“May tatlong babae,” ani ni Gilda. “HInahabol nila ang isang dalaga. Isang dalagang naglalaba sa may batis. Tapos noong maabutan nila ito ay hiniwa nila ang dibdib. Inilabas nila ang puso.”
Pinagmasdan ni Maria si Gilda at nakita nito na pinaglalaruan ang kutsilyo.
Bahagya siyang kinabahan sa kinikilos nito. Ramdam niya na may kakaiba sa dalaga sa boses at pagtrato pa lamang nito sa kanya.
“Panaginip lamang iyon,” ani ni Maria. “Huwag kang matakot.”
“Sinong nagsabing natatakot ako?” tanong ni Gilda sa babae. “Sabi ng kaibigan ko ay hindi lang ito panaginip. Nangyari talaga ito.”
Napakunot naman ng noo si Maria.
“Ano? Sinong kaibigan? Hindi ba at sabi ko ay huwag kang makikipag kaibigan sa kung sino sino?!” ani ni Maria.
“Kilala mo raw siya sabi niya sa akin,” sabi ni Gilda at napatawa.
“Kilala? Nasaan ang kaibigan mo na iyan? Dalhin mo ako sa kanya at sabihin natin kung kilala ko talaga siya.”
Ngumanga naman ng ubod ng laki si Gilda. Tapos gamit ang hintuturo ay tinuro niya ang loob ng kanyang bibig.
“Ano iyan? Anong ginagawa mo?” tanong ni Maria.
“Nasa loob siya,” ani ni Gilda. “SIya yung kaibigan ko. Hindi mo ba nakikita?”
Mas lalong kumunot ang noo ni Maria.
Hindi niya maintindihan ang dalaga kung ano ba ang sinabi nito ngunit kinukutuban siya sa kung anong meron sa loob nito.
Kinuha ni Maria ang kutsilyo sa kamay ni Gilda.
“Umupo ka na lamang doon,” ani ni Maria. “Magluluto muna ako ng agahan.”
Ngumiti naman si Gilda sa babae at pagkatapos ay tumalikod na.
Dumiretso ito sa may upuan at umupo.
Napuno naman ng pag aalala si Maria. Alam niya ang kaibigan na sinasabi ni Gilda. Kung nasa loob nito iyon ay ito rin ang kaibigan niya.
THIRD PERSON POINT OF VIEWNagkalat ang mga pulis sa bahay ni Teresa kasama si Joeslito. Siya mismo ang naglead ng kanyang mga kapwa pulis papunta sa bahay na ito dahil tatlong araw ng nawawala ang kanyang anak na si Carmen. Wala siyang ibang pinaghihinalaan kundi ang pamilyang ito lalo na at sinabi sa kanya ng kanyang anak na lalaki na iniisip ni Carmen ang kaibigan nitong si Gilda na apo ni Teresa.Kanina pa sila naghahanap ngunit wala silang makita n kahit anong bakas ng mga may ari ng bahay. Narito pa ang mga gamit nila ngunit wala ng tao.“Jose, mukhang tumakas na ang mga suspek,” ani ng kasamahan ni Jose na kapwa niya rin pulis. “Wala ng tao ang bahay na ito.”“Hindi pupwedeng mawala sila! Nasa kanila ang anak ko!” mariin na ani ni Joselito. Puno siya ng panlulumo simula ng mawala ang kanyang anak.Sinisisi niya ang kanyang sarili na hindi niya ito nabantayan mabuti.“Ang mga kwarto? Wala bang
THIRD PERSON POINT OF VIEW Napaiyak bigla si Gilda noong makita si Carmen. Bumalik na siya sa dati niyang huwisyo.“Anong ginawa niyo? Bakit niyo ginawa ito?” Naiiyak na tanong ni Gilda habang walang magawa sa kanyang sitwasyon.Hindi naman siya pinansin ni Teresa at bumalik sa kanyang pwesto. Pinatakan niya ulit ng kanyang dugo ang batsa saka muling inusal ang kanyang mga dasal sa pagtawag ng kang sinasamba. Itinaas niya ang kanyang mga kamay“Domine tenebrarum, exaudi uocem meam.Ego voco vos de altero mundo. Accede ad me. Gloriosam crucem tu divide. Haec utinam sic veniat.”(Panginoon ng kadiliman, dinggin mo ang aking panawag.Tinatawag kita mula sa kabilang mundo. Lumapit ka sa akin. Tawiran mo ang matanyag na hati. Ito ang aking kagustuhan kaya naman ito ay matutupad.)“Domine tenebrarum, exaudi uocem m
THIRD PERSON POINF OF VIEW Nagising si Gilda sa kanyang pagkakatulog noong marinig niya ang ingay ng kaluskos sa taas ng kwartong kinalalagyan niya. Maya maya pa ay nagbukas ang pintuan na iyon. Agad na binuksan ni Maria ang ilaw sa basement na siya namang ikinasilaw ng dalagang pinagkaitan ng liwanag sa loob ng silid. Hinatak ni Maria ang naghihingalong katawan ni Carmen sa loob ng basement pababa ng hagdan. Pilit sinanay ni Gilda ang kanyang mata sa upang makita ang kung ano mang dala dala ng taong pumasok sa may silid.&nbs
Third Person Point of ViewMatapos igapos ni Maria si Carmen sa isang upuan ay agad siyang umakyat ng kwarto upang sabihan si Teresa.Kumatok si Maria ng marahan sa harap ng kwarto ni Lola Teresa. Tinawag niya ang pangalan nito ng dalawang ulit. Walang sumasagot sa kanya kaya naman sa tingin niya ay atutulog ito.Ngunit hindi naman tulog mantika ang kasama niyang si Teresa. Konting kaluskos lamang ay nagigising na ito agad.Binuksan ni Maria ang pintuan noong walang sumasagot sa kanya. Ang gagawin niya ay gigisingin niya ito kung sakali man na natutulog upang agad nilang maisagawa ang ritwal para sa huling alay nila sa sinasamba nilang demonyo.Pagkabukas ni Maria ng pinto ay kadiliman ang agad na sumalubong sa kanyang mga mata. Kinapa niya ang kandila sa isang gilid. Dahil palagi nilang gawain na iwan ang posporo, at kandila sa ibabaw ng lamesa na pinakamalapit sa pinto ay nasanay na silang ganoon.
Third Person Point of View Nakangiti si Maria habang hinahatak niya si Carmen pabalik sa kanilang pinanggalingan. Hindi niya maitago ang saya sa kanyang mga mukha na kumpleto na ang kanilang biktima. Sa wakas ay makukumpleto na nila ang kanilang siyam na alay. Siguradong matutuwa sa kanya ang matanda na si Teresa kapag nalaman nito na mayroon na silang bagong maiaalay. Habang si Carmen naman ay hindi makapaniwalang sinaksak siya ni Maria sa kanyang likuran ng walang kalaban laban. Hatak hatak pa nito ang kanyang paa na nanakit na sa kanyang kakatakbo kanina. “Bitiwan mo ako!!!” si
Gilda Point of View Sa hindi inaasahan ay natamaan ng aking kamay ang baso ng juice na nasa tabi ng plato ko. Diretso itong natapon sa baba at nabasag. Napatakip ako ng aking bibig sa gulat at agad na napatingin ‘kay Lola Teresa dahil natakot ako na magagalit ito. Naabutan ko agad ang masungit na tingin ni Lola Teresa sa akin. “Nako! Pasensya na po, Lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ko po sinasdayang masagi ang baso. Pasensya nap o talaga.” Yumuko yuko pa ako at pinagtalop ang dalawa kong palad habang humihingi ng sorry dito. “Sa susunod naman ay mag – ingat ka,” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Ang tagal na ng baso kong iyan. Kahit sabihin mo pang kaya mong bayaran ay hindi mo mapapalitan ang importansya n