Zeph Pov
Sa guidance office kami humantong pagkatapos ng nangyaring gulo sa may hagdan. Nagalit ang principal ng aming school sa aming lahat at nagtanong kung sino ang pasimuno sa nangyaring gulo.
"Hindi niyo ba narinig ang tanong ko? Sino sa inyo ang nagpasimuno ng kaguluhan?" mataas ang boses na tanong ulit aming school principal na si Diosdada Labanan nang walang umimik sa amin maski sino. "O baka gusto niyo lahat kayo ay maparusahan?"
"Si Zeph ang nagpasimuno ng gulo, Ma'am Diosdada," bigla akong itinuro ni Duffy bilang pasimuno ng nangyaring gulo. Lihim akong napaismid. Akala mo kung sinong matapang iyon pala ay duwag. Ituturo ako bilang pasimuno sa takot na maparusahan. Kaya malakas ang loob niya na ituro ako dahil tiyak namang hindi ako papanigan ng aming principal. Isa lamang akong hamak na omega kaya para sa kanila ay okay lang na bully-hin nila ako. "Paanong ako ang nagsimula Duffy? Tingnan mo nga ang hitsura ninyo sa akin? Sa hitsura kong naligo sa mga bulok na itlog at prutas ay makikita kung sino ang nag-umpisa ng gulo," lakas-loob na pagtatanggol ko sa aking sarili. Kung hindi ko ipagtatanggol ang aking sarili ay sino ang magtatanggol sa akin? At isa pa kapag hinayaan ko sila na babaliktarin ang pangyayari ay palagi na nilang gagawin ito dahil alam naman nila na maaari nilang ibunton sa akin ang sisi."Shut up, Zeph! Isa ka lang omega na mababang uri kaya wala kang karapatang sumali sa usapan at magsalita!" bulyaw sa akin ng aming principal. "Hindi dahil ganyan ang hitsura mo ngayon ang ibig sabihin ay sila Duffy na ang may kasalanan at nag-umpisa ng away. Maaaring prinovoke mo sila kaya ka nila binato ng mabahong itlog at gulay," dugtong pa ni Ma'am Diosdada. Halatadong kinakampihan nito ang grupo nina Duffy. Lihim na nginisihan ako ng grupo ni Duffy kaya napayuko na lamang ako. Magpaliwanag man ako ay obvious na hindi nito pakikinggan ang anumang sasabihin ko."Tama po kayo, Ma'am. Prinovoke kami ni Zeph. Kung ano-anong masasamang salita ang mga pinagsasabi niya amin kaya hindi kami nakatiis at binato namin siya ng mga bulok na itlog at prutas. Gusto niya akong sabunutan sana ngunit hindi niya nagawa dahil kinuyog na siya ng mga kaibigan ko," sabi naman ni Hillary. Nagkunwari pa ito na umiiyak at nagpapaawa ang hitsura.
Galit na muli akong hinarap ng aming principal at dinuro ang mukhako. "Huwag mong dalhin dito sa school ang pagiging omega mo, Zeph. Talagang manang-mana ka sa mga magulang mo na ugaling mababang uri. Kung hindi lamang sa pakiusap ng ama ni Hillary ay hinding-hindi ka makakaapak kahit sa gate man lang ng school na ito. Tapos gaganyanin mo pa ang snak ng nagpapaaral at nagpapakain sa'yo, Zehp? Wala kang utang na loob.""Nagkakamali po kayo, Ma'am. Marunong akong tumanaw ng utang-na-loob sa kumupkop at nagpalaki sa akin kaya nga po hinahayaan ko si Hillary na i-bully niya ako. Pero ngayon na may mga kasama siya sa pambubully sa akin ay hindi ko hahayaan ang aking sarili na ma-bully ng iba. Ipagtatanggol ko ang sarili ko, Ma'am. Wala akong kasalanan sa nangyaring gulo. Nakita n'yo naman po na ako ang hindi maayos ang kasuotan kaysa sa kanila at ako ang may mga kalmot ng matatalas nilang kuko samantalang sila ay maayos ang mga hitsura at wala man lang galos kahit konti. Kaya hindi po sila ang biktima rito kundi ako, Ma'am," pangangatuwiran ko kay Ma'am Diosdada. Kahit alam kong hindi niya ako kakampihan at paniniwalaan ay naglakad ng loob pa rin ako na sabihin sa kanya ang totoo. Baka sakaling maawa siya sa akin at matauhan kapag narinig niya ang sasabihin ko. Ngunit iyon ang pagkakamali ko. Dahil sa mga sinabi ko ay binigyan ako ng malakas na sampal ni Ma'am Diosdada."Hindi mo ako madadaan sa drama mo, Zeph. Alam ko na may pagkakamali rin ang grupo nina Hillary ngunit sana umiwas ka na lamang sa kanila para walang gulo," galit na sabi sa akin ni Ma'am Diosdada. Napayuko na lamang ako habang hawak ng isa kong kamay ang nasampal kong pisngi. "Dahil sa nangyari ay nasira ninyo ang pagtuturo ng ibang guro at ang pag-aaral ng ibang mga estudyante kaya kayong lahat ay parurusahan ko. Ang grupo nina Hillary ay tatakbo sa buong campus ng sampung beses at ikaw Zeph ay bubuhatin mo ang mga bagong dating na paso at iaakyat mo hanggang sa rooftop garden," pagbibigay niya ng parusa sa aming lahat.Napailing na lamang ako ng mahina nang marinig ko ang parusa ni Ma'am sa magkabilang panig. Para masabi lamang na pinarusahan din ni Ma'am Diosdada sila Hillary ng parusang sobrang dali lamang sa kanila. Mga taong-lobo sila na may kakayahang tumakbo ng mabilis kaya tiyak na wala pang isang minuto ay natapos na nilang takbuhin ang buong campus. Baka nga hindi pa sila hingalin sa pagtakbo samantalang ako na oo nga't isa ring taong-lobo ngunit wala akong kakayahan na gaya nila. Sa bigat ng mga bagong dating na paso na nakita ko kanina sa gilid ng faculty room ay tiyak na kukulangin ang isang oras bago ko maiakyat lahat ng ang sampung paso papunta sa rooftop garden. Minsan tuloy ay napapaisip ako kung totoo nga ba talaga na isa akong taong-lobo at o baka naman isa akong normal na tao na napadpad lamang sa pack ng Golden Wolf?
Pagkatapos sabihin sa amin kung ano ang mga parusa sa amin ay pinalabas na kami sa principal's office. Nakangising tinapunan ako ng tingin ng grupo nina Hillary.
"Nangatuwiran ka pa talaga kanina, ha. Akala mo siguro ay kakampihan ka ni Ma'ma Diosdada. But sad to say ay hindika niya kinampihan sa halip at nasampal ka pa niya ng malakas. Poor, Zeph," nakangising kausap sa akin ni Duffy pagkalabas namin sa principal"s office. Inirapan niya ako pagkatapos ay malakas na binangga niya ang aking braso bago niya ako nilagpasan. Ganoon din ang ginawa ng iba pa niyang mga kasama.
"Poor, Zeph. Hindi kakampihan ni Ma'am Diosdada ang isang mababang uri ng mga taong-lobo ang isang katulad mo. Mamaya pag-uwi mo sa bahay ay tiyak na paparusahan ka rin ni Daddy. Losers," nakangising kausap din sa akin ni Hillary bago binangga ng malakas ang aking braso pagkatapos ay sumunod na siya sa mga kaibigan niya.Hindi ko naman napigilan ang mapaiyak. Iniiyak ko na lamang ang nararamdaman kong galit sa kanila. Magalit man ako ay wala pa rin akong magagawa. Dahil isa akong omega. Omega na pinagtatawanan at iniinsulto ng lahat ng aking mga kalahi.
Zeph PovPawisan at hinihingal na inilapag ko sa sahig ng rooftop garden ang pang-apat na paso na nadala ko papunta rito sa itaas. Malalaki ang paso at gawasa luwad na lupa kaya sobrang bigat. Nanginginig ang mga kalamnan ko at halos lumawit na ang dila ko sa sobrang pagod samantang sina Hillary ay pinagtatawanan ako habang nakatingin sila sa akin. Napaka-unfair talaga ng mundong ginagalawan ko. Ako na nga ang biktima ay ako pa ang naparusahan. At iyon ay dahil sa pagiging omega ko. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at napahagulgol ako ng malakas habang nakaupo sa sahig. Masyado akong kinakawawa ng mundong ito. At ang masaklap pa ay wala man lang akong kakayahan para maipagtanggol ko ang aking sarili laban sa mga nambubully sa akin. Sa unang pagkakataon ay sinisi ko ang aking mga magulang kung bakit isinilang ako na isang omega. Bakit hindi na lamang ako naging anak ng isang gamma o di kaya ng isang neutral na werwolf gaya ng mga kaibigan nina Hillary at Duffy? Si Hillary ay ana
Zeph PovIngay ng mga naglalabasang estudyante ang nagpabalik sa aking malay. Agad akong napabangon sa kinahihigaan kong upuan. Naalala ko na muntikan na akong mahulog kanina habang pilit kong inaabot ang panyo na ipinagamit ng lalaking hindi ko nakita ang mukha. Kung hindi sa taong nagmamay-ari ng malalakas na bisig ay baka tuluyan nga akong nahulog. Ngunit hindi man lang ako nakapagpasalamat sa ginawang pagliligtas niya sa akin dahil bigla na akong hinimatay. Hindi ko rin naman siya nagisnan nang pagbalikan na ako ng aking malay. Kaya kung sino man siya na may mabuting kalooban na nagligtas sa akin ay labis akong nagpapasalamat sa kanya.Dahil sa nangyari sa akin ay saka ko na-realized kung gaano ko pala kamahal ang buhay ko. Akala ko ay mas mabuting mamatay na lang ako kaysa palaging binubully at minamata ng aking mga kalahi ngunit nagkamali ako. Kahit ganito ang buhay ko ay mahal ko rin pala ang aking sarili. Pagkatapos kong iayos ng mabuti ang mga paso ay nagmamadali na akong bu
Zeph PovHindi ko maiwasang mapatitig sa mukha ni Alpha Hunter na ngayon ay nakatitig din sa akin. Tunay ngang napaka-guwapo niya at ang isang katulad ni Hillary lamang na anak ng isang beta ang nababagay sa kanya. Maganda kasi si Hillary, matalino at anak ng pangalawa sa alpha na may pinakamataas na rank sa isang pack. Ang kaso ang panget ng ugali niya kaya hindi rin pala siya nararapat na maging luna ni Alpha Hunter. Medyo napangiwi ako sa huling mga sakita na naisip ko patungkol kay Hillary. Kung nababasa lamang niya ang aking isip ay natitiyak ko na kinalbo na niya ako ngayon. Pasalamat ako na walang sinuman ang may kakayahan na basahin ang nilalaman ng aking isipan. Bagama't hindi ko kaya ang mind reader na isa sa mga common abilities ng taong-lobo na may malakas na kapangyarihan ay hindi rin naman nila nababasa kung ano ang iniisip ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon ngunit ipinagpapasalamat ko na walang nakakabasa sa aking isip lalo na sina Hillary at Sir Keiver. Dahil kung nag
Alpha Hunter PovNasa loob kami nina Asher, Sami at Ruyi sa mini bar sa loob ng bahay ko at umiinom ng alak. Pagkagaling namin sa bahay ni Beta Keiver ay dito na kami dumiretso agad. Habang sinisimsim ko ang alak sa aking baso ay parang nakikita ko sa loob ng baso ang mukha ni Zeph. Napakaganda nito. Maliit lamang ang mukha nito na tila kasya lamang sa isa kong palad. Bilugan ang mga mata nito na binagayan ng mahaba at malalantik na pilik-mata. Katamtaman lamang ang tangos ng mukha nito at sa tingin ko ay bagay lamang sa kanyang mukha ang ganoon katangos na ilong. Mapupula ang mga labi nito na walang bahid ng anumang kolorete sa mga labi. May isang malalim na dimple ito sa gilid ng mga labi na hindi na kailangang sadyain pang ipakita para lamang mapansin ng mga tao dahil kusang lumalabas iyon sa tuwing siya ay nagsasalita. Makinis ang mamula-mula nitong balat. Ngunit natitiyak ko na may mga latay ito sa likuran na sanhi ng paghahagupit sa kanya ng latigo ni Beta Keiver. Natatago lama
Zeph PovMasakit man ang aking katawan dahil sa mga latay ng latigo ni Sir Keiver ay wala akong choice kundi ang sundin ang kanyang ipinag-uutos. Inutusan niya akong dalhin sa kaibigan nitong si Amy ang isang bote ng pabango. Nakakatakot pa naman ang daan papunta sa bahay nina Amy dahil nasa loob ng masukal na kagubatan ang kanilang malaking bahay. May isa pang daan papunta sa bahay nina Amy na hindi dadaan sa masukal na kagubatan ngunit malayo naman iyon sa bahay nina Sir Keiver. Masyado na akong aabutan ng dilim kung iyon ang pipiliin ko. Kaya kahit na nakakatakot ang daanan na masukal ay iyon ang aking pinili dahil mas malapit iyon. Kung lumabas na sana ang aking kakayahan bilang taong-lobo ay mabilis sana akong makakarating sa bahay nina Amy. Kaso para lamang normal na tao ang aking lakas at ewan kung may kakayahan nga ba ako ng isang taong-lobo at hindi pa lamang lumalabas o sadyang wala talaga akong abilities katulad nila.Gusto ko sanang tanggihan si Hillary at sabihin sa kan
Zeph PovNang muling maglakad palapit sa akin ang lalaki ay mabilis akong tumayo. Pasimpleng iniikot ko ang aking paningin sa aking paligid para alamin kung may bagay ba akong makikita na maaari kong gamitin laban sa kanya. Ngunit biglang tinakpan ng makapal na ulap ang buwan kaya biglang dumilim ang paligid. Hindi ko tuloy makita kung may bagay ba sa paligid ko na makakatulong sa akin para maipagtanggol ko ang aking sarili. Ngunit hindi ako pinanghinaan ng loob. Maraming pagsubok na akong dinaanan at hindi lang ito ang unang beses na may nagtangka ng masama laban sa akin ngunit lahat sila ay hindi nagtagumpay sa masama nilang plano sa akin. Kaya naniniwala ako na sa pagkakataong ito ay hindi rin magtatagumpay ang lalaking ito sa anumang binabalak niya laban sa akin.Katulad ng sinabi ko ay hindi lang ito ang unang beses na may nagtangka ng masama sa buhay ko dahil dalawang beses nang may inutusan si Hillary para turuan ako ng leksiyon. Iyong una ay itinulak ako sa mataas na hagdan sa
Zeph PovNakaramdam ako ng kaligtasan nang makita kong biglang dumating si Alpha Hunter. Kahit isa akong omega ay miyembro pa rin ako ng kanyang pack kaya natitiyak ko na hindi niya ako pababayaan. Gusto kong maiyak nang tapunan niya ako ng tingin ngunit pinigilan ko ang aking sarili na gawin iyon. Higit sa lahat, ayokong makita ng kahit na sino na umiiyak ako. Iisipin nila na isa akong mahina kaya mas lalo lamang nila akong aapihin. Iyong time na nasaksihan ni Alpha Hunter ang pag-iyak ko ay hindi iyon sinasadya. Kung al ko lamang na hindi ako nag-iisa sa itaas ng rooftop ay pinigilan ko sana ang mapaiyak ng malakas."Do you have a death wish? Ang lakas ng loob mo na manakit ng miyembro ng aking pack at dito pa mismo sa aking teritoryo," madilim ang mukha at mapanganib ang boses na sita ni Alpha Hunter sa taong-lobo na nagtatangka ng masama laban sa akin. Dahil sa sinabi ni Alpha Hunter kaya nalaman ko na hindi pala miyembro ng Golden Wolf Pack ang lalaking ito na initusan ni Hilla
Zeph PovPagdating ko sa bahay nina Hillary ay bigla siyang napasimangot nang makita niya ako. "Bakit buhay ka pa?" matalim ang tingin na sita niya sa akin. "Ang ibig kong sabihin ay mabuti at walang nangyari sa'yo sa daan. Pasusundan na sana kita kay Melong ngunit naisip ko na baka magkaiba kayo ng dadaanan magkasalungat pa kayo kaya hindi ko na lamang siya pinasunod sa'yo," biglang bawi ni Hillary. Mabilis ding nawala ang talim sa kanyang tingin ngunit makikita pa rin ang disappointment sa kanyang mukha. Iniisip siguro niya na uuwi ako sa bahay nila na punit-punit ang damit at bugbog-sarado. O baka iniisip niya na hindi na ako makakauwi pa sa bahay nila."Siyempre buhay pa ako. Ngunit muntik na akong mapahamak dahil sa isang Dust Wolf na nagtangka ng masama laban sa akin. Nguniy hindi siya nagtagumpay dahil dumating si Alpha Hunter at iniligtas niya ako," pagbabalita ko sa kanya. Biglang namutla ang mukha ni Hillary nang marinig ang pangalan ni Alpha Hunter. Alam kong natatakot at