Zeph Pov
Pawisan at hinihingal na inilapag ko sa sahig ng rooftop garden ang pang-apat na paso na nadala ko papunta rito sa itaas. Malalaki ang paso at gawasa luwad na lupa kaya sobrang bigat. Nanginginig ang mga kalamnan ko at halos lumawit na ang dila ko sa sobrang pagod samantang sina Hillary ay pinagtatawanan ako habang nakatingin sila sa akin. Napaka-unfair talaga ng mundong ginagalawan ko. Ako na nga ang biktima ay ako pa ang naparusahan. At iyon ay dahil sa pagiging omega ko.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili at napahagulgol ako ng malakas habang nakaupo sa sahig. Masyado akong kinakawawa ng mundong ito. At ang masaklap pa ay wala man lang akong kakayahan para maipagtanggol ko ang aking sarili laban sa mga nambubully sa akin. Sa unang pagkakataon ay sinisi ko ang aking mga magulang kung bakit isinilang ako na isang omega. Bakit hindi na lamang ako naging anak ng isang gamma o di kaya ng isang neutral na werwolf gaya ng mga kaibigan nina Hillary at Duffy? Si Hillary ay anak ng isang Beta samantalang anak naman si Duffy ng isang gamma kaya ganoon na lamang katayog ang tingin nila sa kanilang sarili. Samantalang ako na anak ng isang omega ay tila walang karapatan sa magreklamo sa mundo. Bakit hindi na lang ako pinatay ng mga magulang ko habang nasa sinapupunan pa lamang ako ng aking ina nang sa gayon ay hindi ko nararanasan ang pang-aapi na ginagawa nila sa akin? Oo nga at matapang ako ngunit wala pa ring nagagawa ang katapangan ko sa pagiging omega ko.
"Ama! Ina! Bakit niyo pa ako hinayaang mabuhay kung pababayaan niyo lang din pala ako na lumaking mag-isa at inaapi sa mundong ito? Bakit hindi niyo na lang ako isinama diyan sa kabilang buhay?" umiiyak na sigaw ko sa pag-aakalang ako lamang ang nag-iisang narito sa itaas ng rooftop. Kaya nagulat ako nang bigla na lamang may nagsalita sa likuran ko.
"Kung gusto mo silang sundan sa kabilang buhay ay tumalon ka lamang mula rito sa rooftop pababa. Natitiyak ko na agad mo na silang makakaharap sa loob lamang ng ilang minuto," kausap sa akin ng boses ng isang lalaki mula sa aking likuran. Natigilan akonat saglit na huminto sa pag-iyak. Sa lakas ng boses ko ay tiyak na narinig niyaang sinabi ko."Pinapayuhan mo ba akong magpakamatay?" nagpapahid ng luhang tanong ko sa kanya habang nananatiling nakatalikod sa kanya. Ayoko siyang lingunin dahil ayokong makita ang hitsura niya habang pinagtatawanan ako.
"Hindi. Binibigyan lamang kita ng solusyon para makasama mo na ang mga magulang mo," mabilis nitong sagot. Bahagya akong lumingon sa kanya ngunit sa halip na mukha niya ay isang puting panyo ang sumalubong sa aking mga mata. "Gamitin mo pampahid ng mga luha mo at baka matuluan pa ang mga halaman dito sa garden ay bigla pang mangamatay.
Naisip kong hindi katulad ng ibang taong-lobo ang lalaking ito na nasa likuran ko at nag-ooffersa akin ng panyo. Bagama't matalas ang dila niya ay tilamay mabuti naman itong kalooban. "Magbibigay ng panyo pero ang daming sinasabi," sabi sa lalaki sa mahinang boses bago tinanggap ang panyo niya na ibinibigay sa akin. Tinuyo ko ng panyo ang aking mga luha at pagkatapos ay siningahan ko. Tumutulo na kasi ang sipon ko kaya ginamit ko nang pangpahid ang panyo niya at siningahan. Hindi naman kasi puwedeng gamitin kong pampahid sa aking sipon ang aking puting uniform dahil madudumihan. "Salamat sa panyo mo. Kapag nalabhan ko na ito ay ibabalik ko rin agad sa'yo ""Hindi mo na kailangan pang ibalik sa akin ang panyo na siningahan mo na. Sa'yo na lang o kung gusto mo ay itapon mo na lang," tila masungit na kausap niya sa akin.
Ang sungit naman. Para siningahan ko lamang ang panyo niya ay nagsungit na kaagad siya sa akin. Hindi na sana niya inalok sa akin ang kanyang panyo kung ayaw niyang singahan ko o ipahid sa aking ilong. At saka siyempre, lalabahan ko naman muna ang panyo niya bago ibalik sa kanya. Hindi ko naman ito ibabalik kung hindi ko pa nalalabhan.
"Lalabhan ko ito at pagkatapos ay ibabalik ko rin sa'yo," giit ko sa kanya at nagkunwari na hindi ko narinig ang kanyang sinabi.
"Sinabi ko nang hindi mo na kailangan pang ibalik sa akin iyan," nariing wika nito na tila may halong pagkainis. Hindi yata ito sanay nang hindi sinusunod ang gusto lalo na ang makipagtalo sa kanya.
"Ibabalik ko na lamang ngayon itong panyo mo kung ayaw mong palabhan—" Biglang naudlot ang sasabihin ko nang pagharap ko sa lalaking kausap ko ay wala na pala siya sa likuran ko. Malungkot na tumayo na lamang ako sa pagkakaupo sa sahig at naupo sa bench na naroon sa rooftop. Tahimik na umiyak na lamang ako ngunit hindi na katulad kanina na malakas akong humahagulgol. Nakatulog ang pakikipag-usap sa akin ng lalaking iyon.
Ilang minuto rin akong tahimik na umiyak bago ako tumayo para tapusin na ang ipinapagawa sa akin ni Ma'am Diosdada. Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang pagharap ko sa mga paso ay natuklasan kong naroon na ang sampung paso na dapat kong iakyat. Kahit hindi ko nakita kung sino ang nag-akyat ng mga natitirang paso ay nahuhulaan kong ang lalaking nagbigay sa akin ng panyo ang nag-akyat ng mga natitirang paso sa ibaba. Ngunit sobrang bilis at tahimik naman niyang kumilos dahil hindi ko naramdaman na may paggalaw sa rooftop. O baka dahil isa akong omega kaya mahina rin ang aking pakiramdam? Kung sino man ang lalaking iyon ay lihim akong nagpapasalamat sa ginawa niya. Ngayon ay makakauwi na ako at mahaharap ko naman ang galit sa akin ni Sir Keiver.Maglalakad na sana ako papunta sa hagdan nang biglang umihipang malakas na hangin at tinangay ang panyo. At dahil determinado ako na maibalik ang panyo sa lalaking iyon matapos kong labhan kaya hinabol ko. Inilipad ng hangin ang panyo papunta sa dulo ng rooftop. Maingat na inabot ko ang panyo. Eksaktong nahawakan ko na ang panyo nang bigla itong tangaying muli ng hangin at napunta sa medyo ibaba ng rooftop. Sumabit ang panyo sa isang steel bar na bahagyang nakausli. Kahit nakakatakot ay pinilit ko pa ring abutin ang panyo. Hindi akin iyon kaya dapat kong ingatan para maibalik ko sa may-ari. Bahagya akong tumuwad para maabot ko ang medyas. At kung kailan malapit ko nang maabot ang panyo ay muli iyong inilipad ng malakas na hangin. Hindi ko inaasahan ang nangyari kaya bigla akong na-off balance. Nanlalaki ang mga mata na bigla kong naisip na mahuhulog ako sa building. Ngunit bago pa ako tuluyang mahulog ay dalawang malakas na braso ang pumigil sa akin para hindi ako tuluyang mahulog. Hindi ko na nagawa pang tingnan kung sino ang ang nagligtas sa akin dahil agad na nagdilim ang aking mga paningin sa pinaghalong sobrang pagod at takot.Zeph PovDahan-dahan akong umaatras habang dahan-dahan din namang naglalakad palapit sa akin si Hillary. Obvious sa mukha niya na may hindi magandang binabalak siyang gawin sa akin. "Lubayan niyo na ako, Hillary. Isa lang naman akong alipin kaya bakit ayaw niyo akong tigilan? Marami kayong alipin kaya hindi ako kawalan kahit na umalis man ako sa bahay ninyo, kaya please, hayaan niyo na ako sa gusto kong gawin," pakiusap ko kay Hillary. Hindi ko maintindihan kung bakit ipinagpipilitan nila akong bumalik sa bahay nila gayong marami naman silang mga alipin. Ano ba ang mapapala nila sa akin?"At ano ang gusto mong gawin, Zeph? Ang akitin si Alpha Hunter para makaalis ka na sa pagiging alipin mo? Para sabihin ko sa'yo, kahit ikaw ang maging luna niya ay hindi na mawawala ang pagiging alipin mo dahil nakatatak na iyan sa katauhan mo magmula nang isinilang ka sa mundong ito," nang-iinsulto ang tono ng boses na sabi niya sa akin. Ngunit kung inaaka niya na masasaktan ako sa mga sinabi niya
Keiver Pov"Ano ang sinabi mo? Ulitin mo nga ang sinabi mo, Hillary?" galit na tanong ko sa anak ko nang umuwi siya sa bahay dahil may mahalagang sasabihin daw siya sa akin. "Hindi na raw babalik pa rito si Zeph, Dad. Wala na raw siyang utang na loob sa'yo dahil nabayaran na raw niya iyon matagal na," pag-uulit ni Hillary sa sinabi niya sa akin pagdating niya agad. "Ang lakas ng loob niyang umalis dito sa atin. Kapag nakita ko siyang mag-isa lamang ay papatayin ko siya," nakakuyom ang kamao na dagdag pa nito."Sabihin mo sa kanya na gusto ko siyang makausap ngayon din! At kapag hindi siya sumunod ay mananagot siya sa akin," pigil ang galit na utos ko kay Hillary. Hindi maaaring umalis sa bahay ko si Zeph. Siya ang tunay na babaeng timutukoy sa prophecy kaya kailangan ko siyang bantayan palagi. Dapat pala ay pinatay ko na lamang siya matapos mailipat ni Urusula ang moon-shaped tattoo mula sa kanyang katawan papunta sa anak ko."Pero sinabi ko nansa kanya iyan, Dad. At matigas talaga a
Zeph PovParang walang nangyari na lumabas ako sa aking silid. Hindi ko na maramdaman ang sakit ng mga latay sa aking likuran kaya natitiyak kung magaling na ako. Ngunit hindi mawawala sa aking isip kung gaano kasakit sa pakiramdam habang nilalatigo ako. Alam ko na walang choice sina Sami at Ruyi kundi ang gawin ang kanilang tungkulin bilang executioner. At saka tama naman ang sinabi ni Alpha Hunter sa akin. Naramdaman ko rin na tila pinipigilan ng dalawa ang kanilang lakas habang nilalatigo ako. Sa lakas nilang dalawa ay baka nagkapira-piraso na ang laman ko sa tuwing tatamaan ng latigo kung hindi nila pinigilan ang kanilang lakas. Hindi ko alam kung bakit nila ginawa iyon. Hindi naman ako close sa kanilang dalawa at tanging si Alpha Hunter lamang ang nakakausap ko sa kanilang magkakaibigan."Saan ka pupunta. Zeph? Kailangan nating mag-usap," kausap ni Hillary sa akin nang makasalubong ko siya."Ano ang kailangan mo?" malamig ang boses na tanong ko sa kanya. Hindi ko na kailangang m
Zeph PovWala akong choice kundi kausapin si Alpha Hunter at aminin sa kanya na kusa akong nagboluntaryo na umakyat sa puno at siyang pumitas sa prutas ng amanpulo. Kapag hindi ko ito ginawa ay natitiyak ko napapatayin ako ni Sir Keiver. Dahil para kay Hillary ay gagawin ni Sir Keiver ang lahat mapasaya lamang ang anak niya at masunod ang kung ano mang gusto nito."Nagsasabi ka ba ng totoo, Zeph? Alam mo naman kung ano ang magiging parusa mo kapag magsinungaling ka iyong alpha," kausap sa akin ni Alpha Hunter. Nasa harapan nila ako at tila kriminal na ini-imbestigahan."N-Nagsasabi po ako ng totoo," mahinang sagot ko habang nakatungo ang aking ulo. Natatakot ako na baka ipagkanulo ako ng aking mga mata kapag sinalubong ko ang tingin ni Alpha Hunter. Magsinungaling man kasi ako ay malalaman niya pa rin kapag tiningnan niya ako sa mga mata. Hindi kasi kayang itago ng aking mga mata ang katotoohanan. "Narinig mo naman ang sinabi ng aking alipin, Alpha Hunter. Nagboluntaryo siya kaya hi
Beta Keiver PovKasalukuyan akong naghahapunan nang biglang dumating ang anak ko na umiiyak. Agad akong napatayo sa aking kinauupuan at nilapitan si Hillary para alamin kung ano ang dahilan ng kanyang pag-iyak at kung bakit umuwi siya sa bahay gayong hindi pa naman tapos ang contest sa pagpili ng magiging luna ni Alpha Hunter."Ano ang nangyari, Hillary? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Sa halip na sumagot ay bigla siyang yumakap sa akin at umiyak sa aking dibdib. Hinayaan ko munang palipasin ang bigat ng kanyang dibdib. Sasabihin din naman niya sa akin ang dahilan kung bakit siya umiyak kapag kalmado na siya. Nang humupa na ang nararamdaman ni Hillary ay kusa siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin."Tinanggal ako ni Alpha Hunter sa mga candidate, Dad. Hindi raw kasi ako nakapasa sa kanyang pagsubok," pagsusumbong niya sa akin. "Buwisit kasi ang Zeph na iyon! Dahil sa kanya ay hindi tuloy ako nakapasa." galit na sumbong pa niya sa akin.Nakaramdam ako ng galit nang
Hunter PovMaingat na inilapag ko sa ibabaw ng kama ang walang malay na si Zeph. Nawalan siya ng malay hindi dahil sa takot sa kanyang pagkakahulog mula sa mataas na puno kundi dahil sa tuklaw ng ahas na Venomous. Ang ahas na iyon ang bantay sa prutas ng amanpulo. Naiiba ang ahas na ito dahil masyadong mahaba at mabilis itong kumilos. Nakita ni Zeph ang mahabang dila ng ahas ngunit natitiyak ko na hindi niya nakita at naramdaman na tinuklaw siya nito. Isa pa iyon sa katangian ng ahas na Venomous. Sa sobrang bilis ng galaw nito ay hindi nararamdaman ng tao na nakagat na pala ito ng ahas. Masyadong makamandag ang ahas na ito. Ngunit mabuti na lamang na ang juice ng prutas na amanpulo ay antidote sa kagat ng Venomous. Sa mga puno ng amanpulo lamang nakatira ang mga Venomous at naglalabas ang kanilang katawan ng kamandang na sinisipsip naman ng puno na napupunta naman sa bunga. Kaya mapanganib din ang prutas na ito at nakamamatay sa kapag nakain ng kahit na sino. Ngunit nagsisilbi naman