They said that every werewolf has a mate but being an omega means, Zeph has no mate that was meant for her and it makes her a laughingstock in their pack. On her eighteenth birthday, a crescent moon suddenly appeared on her forehead without her knowing. Keiver, a Beta who adopted Zeph asks a witch to secretly transfer the crescent moon tattoo from Zeph to his daughter, Hillary. Hunter is the powerful alpha of the Golden Wolf Pack. He didn't believe the saying that a woman with a crescent moon tattoo on her forehead will become his luna so he open a selection for candidates to become his luna. But what if he falls in love with a maid which is an omega, the lowest rank of their pack? Will he choose her despite her lowest rank or the Beta's daughter who has the crescent moon tattoo on her forehead? And what will be the destiny of Zeph, the last omega of their pack? Will she get back her crescent moon tattoo and her right position as the alpha's destined luna or she will remain a maid and an omega forever?
View MoreZeph Pov
Lakad-takbo ang ginagawa ko sa loob ng building para lamang hindi ako mahuli sa klase. Ilang minuto na lamang ay malapit na akong ma-late. Strict pa naman ang teacher namin na si Mr. Edgardo Sison. Kapag ma-late ang kahit na sinong estudyante ay hindi na niya pinapapasok pa. Walang kinakatakutan si Mr. Sison maliban kay Alpha Hunter. Ang pinakabatang alpha ng Golden Wolf Pack. Kahit na hindi ko pa siya nakikita ay alam kong guwapo siya, matapang at isa sa pinakamayang alpha sa bayan namin. Madalas ko kasing marinig ang pangalan niya na topic ng kuwentuhan ng mga estudyante. Lalong-lalo na ng mga babae. Lahat sila ay kinikilig kapag nakikita nila si Alpha Hunter.Kung ang mga babae ay kinikilig kay Alpha Hunter ay pinangingilagan naman ito ng ibang mga lalaki at lalong-lalo na ng mga alpha ng ibang wolf pack. Kahit bata pa kasi si Alpha Hunter ay marami na siyang tinalo na mga alpha sa iba't ibang wolf pack kaya naman iginagalang siya ng labis ng aming pack at kinakatakutan ng ibang alpha. Ngunit may mga kaibigan din naman ang aming alpha. Iyon nga lang ay puro matataas din rank na bagama't hindi kasing-taas ng rank niya dahil siya ang pinakamataas sa aming mga taong-lobo.Mataas ng paggalang ni Mr. Sison pati na rin ang lahat ng mga teachers dito sa Amber University kay Alpha Hunter. At kung katulad lang sana ako kay Alpha Hunter ay hindi ko kinakailangang matakot kahit na ma-late ako dahil tiyak na hindi ako pagagalitan ng mga teachers. Hindi rin sana ako tatakbo ng mabilis para lamang hindi ma-late sa klase. Ngunit hindi naman ako katulad niya. Isa lamang akong mababang uri ng mga taong-lobo; ang omega. At tanging ako na lamang ang nag-iisang omega sa aming pack. Dahil mababa ang aking rank ay kailangan ko mag-ingat na hindi nila ako mahanapan ng butas para muling kantiyawan at pagtawanan. At kapag mahuli ako ngayon sa klase ay tiyak na kantiyaw at pang-iinsulto ang aabutin ko hindi lamang mula sa mga kaklase ko kundi maging sa mga guro at mga ka-schoolmate ko.
Paano ba naman kasi ako hindi mali-late sa pagpasok marami pa akong ginagawang trabaho sa malaking bahay nina Sir Keiver. Siya ang Beta ng aming pack at siyang nagpalaki sa akin. Bata pa lamang kasi ako ay naulila na ako sa aking mga magulang. Ang sabi sa akin ni Sir Keiver ay nakagawa raw ng malaking kasalanan ang mga magulang ko kaya ipinag-utos ng dating alpha na patayin ang lahat ng mga omega. Kaya walang natirang omega sa aming pack kundi ako lang. Naawa raw kasi sa akin si Sir Keiver dahil masyado pa raw akong bata para mamatay. Kaya ang ginawa niya ay nakiusap siya sa alpha na huwag na lamang akong patayin at hayaan na lamang siyang ampunin ako. Pumayag daw ang alpha kaya inampon nga ako ni Sir Keiver. Ngunit hindi naman niya ako inampon para maging isa sa dalawang anak niya kundi para maging alipin ng pamilya niya. At ngayon na dalaga na si Hillary ay ako ang ginawa niyang personal maid sa anak niya.
Spoiled si Hillary. Palibhasa ay nag-iisang anak na babae at bunso pa ng beta na masyadong malapit sa aming alpha. Kung ano-ano ang iniuutos niya sa akin bago ako pumasok sa school para lamang ma-late ako at maparusahan kagaya ngayon. Inutusan niya akong mag-general cleaning ng kuwarto niya. Lahat ng kurtina sa kuwarto niya ay pinalabhan sa akin pati na rin bedsheet, kumot at punda. Ultimo basahan sa kuwarto niya ay hindi rin pinalampas at talagang pinalabhan din sa akin. Heto tuloy ako ngayon halos l***t na ang dila sa mabilis na pagtakbo para lamang hindi ako ma-late.
Isa rin naman akong taong-lobo kagaya nila pero hindi ko maintindihan kung bakit wala akong kakayahang tumakbo ng mabilis. Hindi ko rin kayang kontrolin ang isip ng iba na isa rin sa mga katangian ng mga taong-lobo. Hindi rin ako malakas dahil ang totoo ay may pagka-lampa ako. At higit sa lahat ay hindi ako marunong mag-shift ng anyo mula sa pagiging katawang-tao papuntang lobo. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ako pinagtatawanan ng mga kalahi ko. Sigurado naman ako na isa akong taong-lobo at ang magpapatunay sa katauhan ko ay si Sir Keiver. Ngunit bakit ganito ako? Bakit para lamang akong isang normal na tao? Ilang beses ko na iyang naitanong sa aking sarili ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong makuhang kasagutan sa tanong kong iyan. Kaya hinayaan ko na lamang at hindi na ako nag-isip pa ng maaaring maging sagot. Tinanggap ko na lamang na ganito ako. Isa na ngang mababang uri ng taong-lobo ay wala pang kakayahan na tinataglay ng isang taong-lobo.
"Yes! Malapit na ako," natutuwang sambit ko nang saglit akong huminto sa may fourth floor. Nasa pang-six floor kasi ang classroom namin. Akmang tatakbo na ulit ako nang manlaki ang aking mga mata. Bigla kasing may sumalubong sa akin na lumilipad na mga hilaw na itlog mula sa itaas ng hagdanan paliko papuntang fifth floor. Dahil sa gulat ay na-off balance ako at napaupo sa sahig. Narinig ko ang tawanan ng mga estudyante mula sa itaas ng hagdan. Nang iangat ko ang mukha ko para tingnan kung sino-sino ang nagbato sa akin ng mga hilaw na itlog ay sinalubong naman ng isang over ripe na saging ang mukha ko. Inis na pinahid ko ang mga egg yolk na napunta sa aking mga mata. Buwisit! Mukhang mga bulok na itlog pa yata ang ibinato nila sa akin dahil naaamoy ko ang mabahong amoy ng itlog. "Wala ba kayong magawa sa buhay? Hindi ko naman kayo inaano kaya bakit niyo ako binato ng nga itlog at saging?" galit na sita ko sa mga estudyanteng nambato sa akin na ngayon ay naglalakad pababa sa may hagdan at nagtatawanan.
"Iyan ang bagay sa isang omega na kagaya mo. Binabato ng mga bulok na pagkain dahil bulok din naman ang pagkatao mo!" nakangising sigaw sa akin ni Cara na may hawak pang mga bulok na apple at ibinato rin sa akin. Mga kaklase ko pala ang mga estudyanteng nambato sa akin ng mga bulok na pagkain at pinangungunahan pa iyon ni Hillary."Pasalamat ka nga at hindi bato ang ibinato namin sa'yo kundi mga bulok na prutas lamang. At saka ano naman ngayon kung binato ka namin ng mga bulok na pagkain? Lalaban ka ba sa amin, Zeph?" nakangising sabi naman ni Hillary. Kumuha siya ng isa pang bulok na itlog at ibinato sa mukha ko. Hindi ako umilag dahil hindi ko siya puwedeng sawayin. Isa lamang niya akong alipin at wala akong karapatang magreklamo. Ngunit kung ang mga kasamahan niya ang babato ulit sa akin ay ibang usapan na iyon. Tahimik na lamang akong tumayo at pinag-aalis ang mabahong itlog na kumapit sa aking buhok at mukha.Kahit na madalas nila akong inaapi dahil sa aking pinagmulan na mababang uri ay marunong din naman akong lumaban. Iyon nga lang ay palagi akong napaparusahan ni Sir Keiver kapag napapaaway ako dahil hindi naman niya ako kakampihan kahit na alam niyang hindi naman ako ang mali at nag-umpisa ng ng away."Kawawa ka naman, Zeph. Hindi ka na nga marunong magpalit ng anyo mo para maging lobo ay mamamatay ka pang mag-isa. Dahil ang isang omega na kagaya mo ay ipinanganak na walang mate," pang-iinsulto naman sa akin ni Duffy.
Tama ang sinabi ni Duffy. Bilang omega ay wala akong itinadhana para maging mate ko. At iyon ang madalas nilang itukso sa akin. Ipinagmamalaki nila sa akin na pagsapit nila sa tamang edad ay magkakaroon sila ng mate samantalang ako ay mananatiling mag-isa at alipin habambuhay. Pero hindi naman ako nasasaktan na wala akong mate. Wala naman kasi akong paki kung makapag-asawa man ako o hindi. Hindi naman kasi nila ako kagaya na walang ibang ginawa kundi ang magpaganda at pag-usapan kung sino ang magiging mate nila.
"Ano naman ngayon kung wala akong mate, Duffy? Hindi bale na wala akong mate kaysa katulad mo na tatlong beses nireject ng mga sinasabi mong mate," ganting pang-iinsulto ko sa kanya. "How dare you say that to me! Isa ka lamang omega na walang kuwenta kaya wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan," galit na duro sa akin ni Duffy habang nanlilisik ang mga mata. Mabilis siyang bumaba siyang nakababa sa hagdan at sinampal ako ng dalawang beses pagkatapos ay sinabunutan. Nasaktan man ay hindi ako nagpatalo. Hinila ko rin ang buhok niya at sinabunutan. Mabilis namang nagsipagbabaan ang iba pa naming kaklase at kasama na roon si Hillary pagkatapos ay pinagtulungan nila akong sampalin at sabunutan. Kahit marami sila na kumukuyog sa akin ay hindi ko ipinakita ang aking kahinaan. Ngunit nang biglang napunit sa may bandang dibdib ang suot kong pang-itaas na damit ay hindi na ako nakalaban pa sa kanila. Hinahawakan ko kasi ang napunit kong damit para huwag tuluyang mapunit dahil tiyak na mai-exposed ang aking dibdib kahit pa nakasuot naman ako ng bra. Natigil lamang ang ginagawa nilang pananakit sa akin nang biglang may tumikhim ng malakas mula sa itaas ng hagdan."A-Alpha Hunter," sambit ni Hillary. Sa halip na mag-angat ako ng mukha at tingnan ang mukha ng aming alpha na kinahuhumalingan ng halos lahat ng mga babaeng taong-lobo ay mas lalo kong iniyuko ang aking ulo at tinakpan ng mabuti ang aking dibdib para hindi nito makita."Losers," mahinang sambit ni Alpha Hunter nang mapatapat sa akin. Hindi ko alam kung sino ang sinasabihan niya dahil hindi ko naman nakikita kung kanino siya nakatingin. Ngunit sino pa nga ba ang pagsasabihan niya ng salitang iyon kundi ako lamang? Ako lang naman ang losers dito dahil ako lamang ang pinakamababa ang rank sa aming lahat. Although, hindi ko naman ikinakahiya na isa akobg omega dahil omega rin naman ang mga pumanaw kong magulang at parang ikakahiya ko rin sila kapag ikinahiya ko ang aking pinagmulan ngunit kung minsan ay nagtatanong ako sa ang aking sarili kung bakit sa dinami-rami ng mga taong-lobo sa mundo ay ako pa ang naging omega?Zeph PovDahan-dahan akong umaatras habang dahan-dahan din namang naglalakad palapit sa akin si Hillary. Obvious sa mukha niya na may hindi magandang binabalak siyang gawin sa akin. "Lubayan niyo na ako, Hillary. Isa lang naman akong alipin kaya bakit ayaw niyo akong tigilan? Marami kayong alipin kaya hindi ako kawalan kahit na umalis man ako sa bahay ninyo, kaya please, hayaan niyo na ako sa gusto kong gawin," pakiusap ko kay Hillary. Hindi ko maintindihan kung bakit ipinagpipilitan nila akong bumalik sa bahay nila gayong marami naman silang mga alipin. Ano ba ang mapapala nila sa akin?"At ano ang gusto mong gawin, Zeph? Ang akitin si Alpha Hunter para makaalis ka na sa pagiging alipin mo? Para sabihin ko sa'yo, kahit ikaw ang maging luna niya ay hindi na mawawala ang pagiging alipin mo dahil nakatatak na iyan sa katauhan mo magmula nang isinilang ka sa mundong ito," nang-iinsulto ang tono ng boses na sabi niya sa akin. Ngunit kung inaaka niya na masasaktan ako sa mga sinabi niya
Keiver Pov"Ano ang sinabi mo? Ulitin mo nga ang sinabi mo, Hillary?" galit na tanong ko sa anak ko nang umuwi siya sa bahay dahil may mahalagang sasabihin daw siya sa akin. "Hindi na raw babalik pa rito si Zeph, Dad. Wala na raw siyang utang na loob sa'yo dahil nabayaran na raw niya iyon matagal na," pag-uulit ni Hillary sa sinabi niya sa akin pagdating niya agad. "Ang lakas ng loob niyang umalis dito sa atin. Kapag nakita ko siyang mag-isa lamang ay papatayin ko siya," nakakuyom ang kamao na dagdag pa nito."Sabihin mo sa kanya na gusto ko siyang makausap ngayon din! At kapag hindi siya sumunod ay mananagot siya sa akin," pigil ang galit na utos ko kay Hillary. Hindi maaaring umalis sa bahay ko si Zeph. Siya ang tunay na babaeng timutukoy sa prophecy kaya kailangan ko siyang bantayan palagi. Dapat pala ay pinatay ko na lamang siya matapos mailipat ni Urusula ang moon-shaped tattoo mula sa kanyang katawan papunta sa anak ko."Pero sinabi ko nansa kanya iyan, Dad. At matigas talaga a
Zeph PovParang walang nangyari na lumabas ako sa aking silid. Hindi ko na maramdaman ang sakit ng mga latay sa aking likuran kaya natitiyak kung magaling na ako. Ngunit hindi mawawala sa aking isip kung gaano kasakit sa pakiramdam habang nilalatigo ako. Alam ko na walang choice sina Sami at Ruyi kundi ang gawin ang kanilang tungkulin bilang executioner. At saka tama naman ang sinabi ni Alpha Hunter sa akin. Naramdaman ko rin na tila pinipigilan ng dalawa ang kanilang lakas habang nilalatigo ako. Sa lakas nilang dalawa ay baka nagkapira-piraso na ang laman ko sa tuwing tatamaan ng latigo kung hindi nila pinigilan ang kanilang lakas. Hindi ko alam kung bakit nila ginawa iyon. Hindi naman ako close sa kanilang dalawa at tanging si Alpha Hunter lamang ang nakakausap ko sa kanilang magkakaibigan."Saan ka pupunta. Zeph? Kailangan nating mag-usap," kausap ni Hillary sa akin nang makasalubong ko siya."Ano ang kailangan mo?" malamig ang boses na tanong ko sa kanya. Hindi ko na kailangang m
Zeph PovWala akong choice kundi kausapin si Alpha Hunter at aminin sa kanya na kusa akong nagboluntaryo na umakyat sa puno at siyang pumitas sa prutas ng amanpulo. Kapag hindi ko ito ginawa ay natitiyak ko napapatayin ako ni Sir Keiver. Dahil para kay Hillary ay gagawin ni Sir Keiver ang lahat mapasaya lamang ang anak niya at masunod ang kung ano mang gusto nito."Nagsasabi ka ba ng totoo, Zeph? Alam mo naman kung ano ang magiging parusa mo kapag magsinungaling ka iyong alpha," kausap sa akin ni Alpha Hunter. Nasa harapan nila ako at tila kriminal na ini-imbestigahan."N-Nagsasabi po ako ng totoo," mahinang sagot ko habang nakatungo ang aking ulo. Natatakot ako na baka ipagkanulo ako ng aking mga mata kapag sinalubong ko ang tingin ni Alpha Hunter. Magsinungaling man kasi ako ay malalaman niya pa rin kapag tiningnan niya ako sa mga mata. Hindi kasi kayang itago ng aking mga mata ang katotoohanan. "Narinig mo naman ang sinabi ng aking alipin, Alpha Hunter. Nagboluntaryo siya kaya hi
Beta Keiver PovKasalukuyan akong naghahapunan nang biglang dumating ang anak ko na umiiyak. Agad akong napatayo sa aking kinauupuan at nilapitan si Hillary para alamin kung ano ang dahilan ng kanyang pag-iyak at kung bakit umuwi siya sa bahay gayong hindi pa naman tapos ang contest sa pagpili ng magiging luna ni Alpha Hunter."Ano ang nangyari, Hillary? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Sa halip na sumagot ay bigla siyang yumakap sa akin at umiyak sa aking dibdib. Hinayaan ko munang palipasin ang bigat ng kanyang dibdib. Sasabihin din naman niya sa akin ang dahilan kung bakit siya umiyak kapag kalmado na siya. Nang humupa na ang nararamdaman ni Hillary ay kusa siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin."Tinanggal ako ni Alpha Hunter sa mga candidate, Dad. Hindi raw kasi ako nakapasa sa kanyang pagsubok," pagsusumbong niya sa akin. "Buwisit kasi ang Zeph na iyon! Dahil sa kanya ay hindi tuloy ako nakapasa." galit na sumbong pa niya sa akin.Nakaramdam ako ng galit nang
Hunter PovMaingat na inilapag ko sa ibabaw ng kama ang walang malay na si Zeph. Nawalan siya ng malay hindi dahil sa takot sa kanyang pagkakahulog mula sa mataas na puno kundi dahil sa tuklaw ng ahas na Venomous. Ang ahas na iyon ang bantay sa prutas ng amanpulo. Naiiba ang ahas na ito dahil masyadong mahaba at mabilis itong kumilos. Nakita ni Zeph ang mahabang dila ng ahas ngunit natitiyak ko na hindi niya nakita at naramdaman na tinuklaw siya nito. Isa pa iyon sa katangian ng ahas na Venomous. Sa sobrang bilis ng galaw nito ay hindi nararamdaman ng tao na nakagat na pala ito ng ahas. Masyadong makamandag ang ahas na ito. Ngunit mabuti na lamang na ang juice ng prutas na amanpulo ay antidote sa kagat ng Venomous. Sa mga puno ng amanpulo lamang nakatira ang mga Venomous at naglalabas ang kanilang katawan ng kamandang na sinisipsip naman ng puno na napupunta naman sa bunga. Kaya mapanganib din ang prutas na ito at nakamamatay sa kapag nakain ng kahit na sino. Ngunit nagsisilbi naman
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments