Share

EPILOGUE 1

Author: Rhea mae
last update Petsa ng paglalathala: 2025-09-29 16:20:19

Napagdesisyunan nilang i-celebrate ang 6 months ng kambal sa Disneyland kasama si Kirsten, Elsie at Jasper. Matapos ang kasal ng mag-asawa ay umuwi na rin ng Pilipinas si Jasper dahil marami siyang trabaho na kailangan niyang gawin. Hindi na rin sila nagkita ni Kirsten simula noon. Bihira rin sila mag-usap sa cellphone dahil kay Jasper ibinigay lahat ng trabaho.

Magkikita kita na lang sila sa Hong Kong. Madaldal at palatawa na rin ang kambal sa tuwing kinakausap ang mga ito. Maingay na rin sila
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 21.1

    Nakakuyom ang kamao ni Kirsten habang nakatingin siya sa labas. Kararating lang nila ni Jasper sa kompanya at nasa loob pa rin sila ng sasakyan. Hindi pa sila lumalabas dahil maraming paparazzi ang nasa labas na naghihintay.Hinawakan ni Jasper ang kamay ni Kirsten. Nilingon ni Kirsten ang asawa niya, nakokonsensya siya dahil alam niyang nasasaktan din si Jasper. Paano kung may nangyari nga sa kanila ni Jayvie? Kahit na hindi niya gusto na may nangyari sa kanila ni Jayvie, nasasaktan din siya para sa asawa niya.“Nandito lang ako sa tabi mo. Harapin mo silang lahat dahil kung totoo nga na posibleng drinoga ka, hindi tayo titigil hangga’t hindi natin naipapakulong ang mga gumawa nito sayo.” Pagpapalakas ni Jasper sa loob ng asawa niya. Tipid na ngumiti si Kirsten at huminga nang malalim.Nauna nang lumabas si Jasper para pagbuksan ng pintuan si Kirsten.“Sir Jasper, anong masasabi mo sa kumakalat ngayon tungkol sa girlfriend mo?”“Mr. Marquez, tingin naman dito. Anong alam mo sa nangya

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 20.3

    Pagsapit ng gabi, kasama pa rin nila ang pamilya ni Kirsten sa bahay nila. Sabay-sabay silang kumain ng dinner. Tahimik lang sila. Si Kirsten hindi nagsasalita, nahihiya siya sa nangyayari at para bang lutang pa rin siya.“Is she okay?” tanong ni Caleb dahil hindi sila kinakausap ng ate niya.“Maybe she’s still in shock.” Sagot ni Jasper. “Ano nga palang ginagawa mo rito? Saan ka galing?” ngayon pa lang ito natanong ni Jasper dahil mas inasikaso niya ang asawa niya kanina.“Nasa Palawan ako nang makita ko ang news tungkol sa kanila. Dito na rin ako dumiretso pagkatapos ng meeting ko dun.” Napatango na lang si Jasper. Kalmado na rin si Jasper pero hindi pa rin maalis sa isip niya na patayin sa bugbog si Jayvie.“Nasa hospital pala si Jayvie. Ikaw ba ang gumawa nun?” tanong pa ni Caleb. Napapabuntong hininga na lang si Jasper.“Kulang pa yun. Kung hindi lang ako pinigilan ng mga kaibigan niya, hindi lang yun ang aabutin niya.”“Iho, naiintindihan ko ang galit mo pero hintayin muna natin

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 20.2

    Pagakatapos ihatid ni Jasper si Kirsten sa bahay nila ay umalis din siya kaagad. Pinahanap niya si Jayvie dahil siguradong papatayin niya ito. Nang makasakay siya sa sasakyan niya ay tinawagan niya si Michael.“Where is that jerk?” malamig niyang tanong.“Dumiretso siya sa club kung saan siya madalas magbilliard.” Sagot ni Michael. Hindi na sumagot si Jasper dahil ibinaba niya na ang tawag. Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan niya. Wala siyang pakialam kung anong mangyayari sa kaniya. Ang iniisip niya lang ngayon kung paano niya papatayin si Jayvie.Kumukulo ang dugo niya sa galit kapag iniimagine niya kung anong ginawa ni Jayvie at Kirsten kagabi. Alam niyang minahal ni Kirsten ng sobra si Jayvie before pero alam niyang nakamove-on na ang asawa niya. Alam niyang mahal na mahal siya ni Kirsten at hindi nito magagawang magloko sa kaniya.Ilang minuto lang ang lumipas nang makarating na sa club si Jasper. Dumiretso na siya kaagad sa billiard area.“Pare, ikaw at si Kirsten ang usap-us

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 20.1

    Nang magising si Kirsten ay isang chandelier kaagad ang sumalubong sa mga mata niya. Tulala pa siya at tila ba inaalala pa niya ang mga nangyari. Pakiramdam niya ay wala siya sa sarili niya. Huminga siya ng malalim saka niya inilibot ang paningin niya.Nagsalubong ang mga kilay niya dahil alam niyang wala siya sa kwarto nila ni Jasper. Hindi pamilyar sa kaniya ang kwarto na kinaroroonan niya. Nang maalala niya na nawalan siya ng malay kagabi ay natataranta siyang bumangon.Nang mapansin niyang wala siyang saplot ay nanlaki ang mga mata niya. Ginapang ng kaba ag dibdib niya at ang buong pagkatao niya. Napatingin siya sa gilid niya, may lalaking nakatulog at nakadapa. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nakadapa ito.“Jasper,” mahina niyang tawag sa pangalan ng asawa niya. Kahit na nakatalikod ang lalaking katabi niya, alam niyang hindi ito ang asawa niya. Gusto niya nang maiyak kung ano bang nangyari kagabi.Nagkalat ang mga damit nila sa sahig, wala rin siyang kahit na anong saplot

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 19.3

    Sumapit na ang araw nang pag-alis ni Jasper patungong Tagaytay. Si Kirsten naman lalong naging busy sa department na hinahawakan niya. Nakikita na rin ni Kirsten si Arabella pero hindi niya na ito pinagtutuunan ng pansin para mapayapa ang maghapon nilang dalawa.“Angelica, kailan na nga ulit ang meeting ko sa Prime Hotel?” tanong ni Kirsten habang naglalakad sila pabalik ng office niya. Tiningnan naman ng secretary niya ang schedule niya.“Bukas po ng gabi ma’am,” napatango-tango si Kirsten at nauna nang pumasok ng elevator. Hindi niya na napapansin ang paglipas ng araw dahil sa dami ng ginagawa niya. Hindi niya na rin namamalayan na malapit na ring matapos si Jasper sa Tagaytay. Kahit na tatlong araw lang naman mawawala ang asawa niya sa tabi niya pero nagiging excited siya sa pag-uwi nito dahil magkakaroon na naman sila ng oras para sa isa’t isa.Itinuon niya ang oras niya sa mga trabaho niya buong maghapon hanggang sa hindi niya namalayang isang araw na naman ang lumipas. Napapangi

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 19.2

    Sa mga lumilipas na araw naging maayos ang pagsasama ni Kirsten at Jasper. May mga pagtatalo sila pero sa maliliit lang na bagay. Inaayos din naman nila kaagad. Hindi hinahayaan ni Jasper na matutulog ang asawa niya na may sama ng loob sa kaniya.Pareho silang busy sa mga trabaho nila kaya madalas ay hindi na rin sila sabay na kumain ng lunch lalo na si Jasper na madalas na nasa labas na ng kompanya ang meeting niya.Hinilot ni Kirsten ang sintido niya nang makaramdam siya ng pagkahilo. Itiniklop niya na muna ang laptop niya dahil nasosobrahan na siya sa kakatutok sa laptop niya. Huminga siya ng malalim at sumandal sa upuan niya. Magpapahinga na muna siya ng ilang minuto.Tulala siyang nakatingin sa kisame. Nang maalala niya si Jasper na umalis kanina pa ay kinuha niya ang cellphone niya. Nakailang refresh na siya pero wala pa rin siyang makitang message ni Jasper sa kaniya.“Maybe he’s still busy.” Mahina niyang usal at muling ibinaba ang cellphone niya. Tiningnan niya na lang ang mg

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 61.3

    Nang matapos ang kasal nila ay umuwi rin sila kaagad sa bahay nila. Nagbook ng hotel si Kirsten para sana sa unang gabi nila pero hindi na pumunta si Caroline at Caleb dahil hindi kaya ni Caroline na lumayo sa mga anak niya.Si Kirsten at Elsie ang nag-alaga sa mga bata at hinayaan na makapagpahing

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 61.2

    Inilibot ni Caroline ang mga mata niya. Ngayon pa lang niya makikita kung sino ang mga bisita nila. Nang maramdaman niyang may nakatitig sa kaniya ay tiningnan niya ito. Sumalubong naman sa kaniya ang mga mata ng ina ni Caleb. Alam niyang imbitado rin ito pero hindi niya akalain na pupunta ito lalo

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 61.1

    Muling humugot ng malalim na buntong hininga si Caroline. Lumabas na siya sa kwarto niya, kasama ang mga coordinator na umaalalay sa kaniya. Hawak-hawak ng mga ito ang dulo ng gown niya. Kinakabahan si Caroline, hindi ganito ang naramdaman niya noong ikinasal sila ni Caleb siguro dahil wala namang

  • The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity   Kabanata 60.3

    Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Naging masaya ang pagsasama nila kasama ng mga anak nila. Nakakapasyal na rin sila pero hindi sa maraming tao dahil ayaw nilang i-risk ang buhay ng mga anak nila. Pormal na ring niligawan ni Jasper si Kirsten kaya nabawas-bawasan ang kaingayan sa lo

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status