Galit na galit na naglakad si Sunny pababa ng malamig at madilim na pasilyo, mahigpit ang hawak sa tela ng mabigat niyang gown na parang doon niya idinadaan ang lahat ng inis niya. Wala siyang ideya kung saan siya patungo, pero ayaw na niyang manatili pa ng kahit isang segundo sa silid na iyon kasama si Rowan. Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon! Paano naging ganun ka-gwapo pero sobrang bastos?
Tumunog ang mga takong niya sa makinis na sahig, bawat pintong sinilip niya ay nakasara o mukhang kasing-lamig ng taong iniiwasan niya. Walang mapa ang mansyong ito, kaya parang daga siyang paikot-ikot sa isang labirinto. “Guest room, guest room,” inis niyang bulong sa sarili habang naglalakad, ang boses niya’y puno ng pigil na galit. “Dapat meron namang guest room sa sobrang laki ng mansyon na ‘to.” Pagkaraan ng ilang liko at nabigong paghahanap, napasandal siya sa isang pader, pinakakawalan ang isang malalim na buntong-hininga. Sumakit na ang paa niya mula sa oras ng paglalakad sa matataas na takong. Umupo siya sa malamig na sahig, ibinaon ang mukha sa mga palad, at tahimik na bumulong, "Bwiset na Rowan 'yon. Poging antipatiko!" Galit niyang bulong nang may marinig siyang papalapit na mga yabag. Bigla siyang natigil, hawak ang hininga, umaasang hindi si Rowan ang paparating. . Sa kasawiang-palad, tumigil ang mga yabag sa harapan niya. “May talento ka talaga sa pag dra-drama, ano?” malamig at walang emosyon na boses ni Rowan ang pumunit sa katahimikan. Napatingala si Sunny, namumula ang pisngi sa galit. “Ano na namang ginagawa mo rito?” Tumagilid si Rowan, nakataas ang kilay habang magka-cross ang mga braso sa dibdib. “Bahay ko ito. Hindi ka puwedeng magpaikot-ikot dito na parang nawawalang tuta.” Ibinuka niya ang labi, handang sumagot, pero naunahan siya ng sunod na sinabi ni Rowan. “Bumalik ka sa kwarto.” Napalunok si Sunny, hindi sigurado kung tama ba ang narinig niya. “Ano?” “Sabi ko, bumalik ka sa kwarto,” mariin nitong ulit, ang tono’y parang boss na pinapagalitan ang tauhan. “Hindi ko hahayaang matulog ka sa pasilyo na parang damsel in distress.” “Mas gusto ko pang matulog sa pasilyo kaysa mag-share ng kwarto sa’yo!” pasigaw niyang sagot, biglang tumayo. “Bahala ka,” sagot ni Rowan, bahagyang ngumiti nang malamig. “Pero ipapaalala ko lang, may mga kamera sa buong bahay. Kapag nalaman ng ama ko na ang ‘perfect daughter-in-law’ niya’y naglulungkot sa pasilyo sa mismong gabi ng kasal, siguradong pareho tayong papahirapan niya.” Napakuyom si Sunny, ramdam ang sakit ng mga kuko niya sa sariling palad. Nakakainis kung paano laging siya ang nauuwi sa pagkatalo. “Fine! Pero huwag mong aasahan na magiging maayos tayo!” “Hindi ko naman inaasahan iyon,” malamig na sagot ni Rowan, ang sarcasmo sa boses nito’y parang dagger sa ere. Galit na humakbang si Sunny, palayo kay Rowan ngunit mataas pa rin ang noo sa kabila ng bumubulang galit. Tahimik naman itong sumunod sa kanya, ang mga yabag nito’y kalmado kumpara sa mabilis niyang paglalakad. Pagbalik nila sa kwarto, agad na dumiretso si Sunny sa sofa malapit sa bintana. “Dito na ako,” madiin niyang sabi, padabog na umupo sa malambot na upuan. “Sa’yo na ang kama, Your Highness.” Tumaas ang kilay ni Rowan, halatang walang impresyon. “Gawin mo kung anong gusto mo, prinsesa. Basta’t huwag kang hihilik nang malakas.” Napasimangot si Sunny, pero bago siya makasagot, kinuha ni Rowan ang isang kumot mula sa aparador at ibinato ito sa kanya. “Goodnight,” malamig nitong sabi bago humiga sa kama, hindi man lang siya nilingon. Sinundan siya ng tingin ni Sunny, galit na galit habang hawak ang kumot. “Goodnight, my foot,” inis niyang bulong habang humihiga sa sofa. Pumikit siya, ngunit ang mga nangyari ngayong araw ay paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan. Bago siya tuluyang makatulog, pinangako niya sa sarili: hindi siya magpapatalo sa lalaking ito. pagkagising, habang tahimik siyang nagkakape sa kusina, biglang pumasok si Rowan na tila hindi pa rin nagbabago ang malamig nitong aura. Halos lahat ng mga kasambahay ay agad tumigil sa ginagawa at yumuko bilang pagbibigay-galang. Si Sunny naman, hindi naiwasang mapataas ang kilay. “Good morning din sa’yo, asawa ko,” aniya, may halong sarkasmo. Ngunit tila hindi siya narinig ni Rowan. Dumiretso ito sa coffee maker, kumuha ng sariling kape, at tumayo sa kabilang bahagi ng mesa, tila hindi siya nakikita. “Walang ‘hi,’ walang ‘hello’? Grabe naman ang asawa ko,” dagdag pa ni Sunny, tila sinusubukang gawing magaan ang usapan kahit halata ang inis. Sa wakas, tumingin si Rowan sa kanya, ngunit hindi ito ngumiti. “May pag-uusapan tayo mamaya. Sa opisina ko. Huwag kang mawawala.” Napangiwi si Sunny. Hindi na sumagot si Rowan at naglakad palabas ng kusina, iniwan siyang naguguluhan at halatang nairita. --- Sa opisina ni Rowan, naupo si Sunny sa isa sa mga mamahaling silya. Tahimik ang buong silid, tanging tunog ng wall clock ang maririnig. Sa harapan niya, abala si Rowan sa pagtitig sa ilang papeles, tila sinasadya pang patagalin ang kanilang usapan. “Kung may sasabihin ka, bilisan mo. Marami pa akong gagawin,” sabi ni Sunny, habang pinipigilan ang inip. Itinaas ni Rowan ang tingin mula sa mga papeles at seryosong tumingin sa kanya. “Simula ngayon, may mga patakaran na tayong kailangang sundin.” Napakunot ang noo ni Sunny. “Patakaran? Ano ‘to, board meeting?” “Kung gusto mong maging tahimik ang buhay natin sa iisang bahay, kailangan natin ng malinaw na usapan,” sagot ni Rowan, walang bahid ng biro sa boses. “Okay. Fine. Ano’ng mga ‘patakaran’ mo?” sagot ni Sunny, habang nagkukuyakoy. “Una, huwag kang gagawa ng eksena sa harap ng mga kasambahay o sa labas ng bahay.” Napataas ang kilay ni Sunny. “Eksena? Ako? Wow ha? ” Pumikit si Rowan, halatang pinipigilan ang sarili. “Pangalawa, huwag kang makikialam sa personal kong buhay. Kung anuman ang ginagawa ko, hindi mo na kailangang alamin.” “Personal na buhay? Aba, parang hindi mo rin alam ang salitang ‘asawa,’ ah!” balik ni Sunny, ngunit sa halip na sumagot, nagpatuloy si Rowan. “Pangatlo, hindi tayo magpapanggap na masaya sa harap ng publiko. Hindi natin kailangang magpakita ng kahit anong emosyon na hindi totoo.” Natawa si Sunny. “Wow, parang scripted ang buhay natin. Ano’ng susunod? May kontrata pa tayo?” Hindi umimik si Rowan, ngunit ang malamig na tingin nito’y sapat na para iparating kay Sunny na seryoso siya. “Kung tapos ka na sa meeting na ‘to, aalis na ako,” sabi ni Sunny, sabay tayo mula sa silya. Ngunit bago siya makalabas, nagsalita ulit si Rowan. “At higit sa lahat,” sabi nito, ang boses ay mas malamig pa sa hangin sa taglamig, “huwag kang mahuhulog sa akin. " "Ang kapal! Sino ba ang may gusto sa'yo? " Mag papatuloy na sana ito sa pag lalakad ng may pahabol na sinabi si Rowan. "Puwede ka nang umalis, isipin mo ang pamilya mo."Tumigil si Sunny sa paglalakad at dahan-dahang lumingon. "Tinatakot mo ba ako?" "Wala akong sinabi." Kunot noong sagot ni Rowan. “Bakit ba ang init ng dugo mo sa akin? Hindi ba’t pareho tayong biktima sa kasal na ‘to?” Hindi sumagot si Rowan. Sa halip, dumiretso ang tingin nito sa bintana, tila iniwasan ang usapan. “Ang hirap mo talagang kausap,” ani Sunny, sabay labas ng silid.Pero hindi nagdalawang-isip si Sunny. Hindi siya titigil. Samantala, ang mga lalaking estudyante ay hindi na makagalaw. Nakatitig lang sila kay Sunny, nanginginig. "Hindi ba siya ang school beauty? Ang mahinhing diyosa? Bakit parang isa siyang halimaw?"Gulo, Laban, at Isang Nakakagulat na RebelasyonItinuro ni Samuel ang mukha ni Sunny at mariing sinabi, "Lolo, matagal ko nang sinabi sa'yo, huwag kang magpapalinlang sa hitsura niya! Mukha lang siyang mahinhin, pero napakatapang niyan!"Agad siyang sinipa ni Sunny, pilit na sinasalba ang mabuting imahe niya sa harap ni Mr. Morris. "Tay, hindi naman talaga ako mainitin ang ulo! Hindi ba't mabait at tahimik ako kapag nasa bahay? Eh kasi naman, sila ang nauna! Siyempre, nagalit ako. Saka—saka sino ba ang hindi nag-iinit ang ulo kapag galit, di ba?" Sa huling bahagi ng sinabi niya, medyo nauutal siya, halatang kinakabahan.Tumango si Mr. Morris na tila iniisip ang sinabi niya, pero bigla ring kumunot ang noo. "Hmm, pero hindi tama. Ka
Si Samuel mabilis na lumingon at itinuro si Celeste Borja, "Gusto mo talagang mamatay, ha?" Kinuha niya ang tungkod mula sa kamay ng kanyang lolo, lumapit kay Celeste, at walang pag-aalinlangang inihampas iyon sa ulo niya. Punong-puno ng galit si Samuel. Isa siyang lalaki, at doble ang lakas niya kumpara sa isang babae. Buong pwersa niyang inihataw ang tungkod sa ulo ni Celeste. Agad itong nakaramdam ng hilo, parang nawalan ng malay sa sobrang sakit. Binitiwan ni Samuel ang tungkod. Wala siyang pakialam sa sinasabing "hindi nananakit ng babae ang lalaki"—para sa kanya, walang kwenta ang mga ilusyonaryong pananalitang ganun. Walang babala, sinuntok niya si Celeste sa mukha. "Samuel! Ang ate ko si Celeste Borja! Pinatulan mo ako, hindi ka ba natatakot sa tito ko—argh!" Hindi pa natatapos ni Celeste ang sinasabi nang biglang inapakan ni Samuel ang mukha niya.Nagkagulo ang buong paaralan.Nagpatawag agad ng pulis dahil hindi na mahinto ang gulong nang nag-aaway na mga estudyante. Il
Pagkatapos niyang sabihin iyon, dahan-dahan niyang inilapag ang kanyang mamahaling bag sa mesa. Nilakihan niya pa ang kilos para siguradong mapansin ito ng lahat. "Eto, ang bag ko. Sa official website, 180,000 yuan ‘to. O ayan, may bago kayong topic na pwedeng pag-usapan. Huwag niyo nang ubusin ang oras niyo sa mga walang kwentang chismis. Pwede niyo rin pag-usapan itong bracelet ko, na nagkakahalaga ng 30 million yuan. Sige, halukayin niyo pa ang background ko, alamin niyo kung sino talaga ako at bakit ako mayaman." Nagulat ang buong klase. Tahimik silang nakatitig sa bag at bracelet niya. Hindi sila makapaniwala. Isang bag na 180,000 yuan? Isang bracelet na 30 million yuan?! Lalo pang lumawak ang mapanuksong ngiti ni Sunny. Nilibot niya ang tingin sa buong klase, at napansin niyang may isang tao na mas matindi ang galit sa kanya—si Celeste Borja. Habang nakangiti si Sunny, si Celeste naman ay halos bumutas ng mesa sa tindi ng tingin sa kanya. At nang magsalita ito, ramdam ang
Sa totoo lang, kanina pa siya nagtatampo sa asawa niya. Dahil panay ang pang-aasar nito sa kanya at panay rin ang halik nito, kaya naman nagtago siya sa gilid ng kama at niyakap ang unan. Pero sa kalagitnaan ng gabi, kahit tulog, kusa siyang bumalik sa bisig ng asawa niya. Napabangon si Rowan nang marinig ang nakakairitang tunog ng cellphone. Humarap naman si Sunny sa kanya at umungol, "Husband, woo woo, nakakainis, ikaw na sumagot." Pinulot ni Rowan ang cellphone at tiningnan ang caller. Sinagot niya ito at inilapit sa kanyang tainga. "Hello?" Sa kabilang linya, hindi agad nakapagsalita ang tumawag. Isang lalaking boses ang narinig niya mula sa cellphone ni Sunny. At sa sandaling iyon, kahit gusto niyang ipagtanggol si Sunny, hindi niya napigilan ang sariling magduda sa mga nabasa niya sa forum. Dali-dali niyang ibinaba ang tawag. Napakunot-noo si Rowan habang nakatitig sa cellphone. Dahil sa babala ni Annie, dali-daling bumalik sa sasakyan si Sunny at Samuel. Binuksan nila a
Isang Karaniwang Post, Isang Matinding EskandaloSa isang simpleng post, lumobo agad ang komento tungkol sa diumano'y pagiging "sugar baby" ni Sunny. Sa loob lamang ng tatlong oras, umabot na sa mahigit 30,000 ang mga komento sa tatlong nangungunang thread.Dahil sa dami ng taong nakikisali, bumagsak ang forum ng paaralan. Pero hindi iyon naging hadlang—may mga taong gumawa ng mahabang larawan ng buong usapan at ipinalaganap ito sa pribadong mga GC. Sa isang iglap, pumutok ang balita.Pati mga guro mula sa iba’t ibang departamento ay lihim na nagbabasa ng tsismis habang patuloy ang diskusyon ng mga estudyante sa madaling araw.Mas lalo pang lumaki ang iskandalo dahil si Sunny ay kilalang sikat sa kanilang unibersidad. Ang isyu niya ngayon ay natabunan pati ang dating eskandalo ni Celeste Borja.Isang Dilag sa DilimAlas-dos na ng madaling araw, pero gising pa rin si Celeste. Tinititigan niya ang kaniyang "obra maestra"—ang iskandalong siya mismo ang nagpasabog. Isang mapanuksong ngiti
Hapon na pala, at tila wala siyang nakita kanina.Matapos maligo, nawala na ang amoy ng snack street kay Mr. Morris. Busog na siya, pero parang may kulang pa rin. Gayunpaman, maganda ang mood niya, kaya naman bihirang pagkakataon na makipagkwentuhan siya sa anak at manugang.“Rowan, anong pangalan ng asawa mo sa phone mo?” tanong ni Mr. Morris.“Pusa.”“Ha? Kakaiba kayo. Karaniwan, ‘Asawa’ o ‘Sweetheart’ ang ginagamit ng iba, pero kayo—‘Pusa’ at ‘Malaking Tigre.’ Ang trendy niyo naman.”Napangiti si Rowan habang tiningnan ang misis niyang nakasiksik sa braso niya. “Ako pala ang Malaking Tigre?”Napakagat-labi si Sunny at nagkikindat na sumagot, “Ikaw kasi ang asawa ko. Sabi nila, ikaw ang hari ng business world. Eh, ang hari ng kagubatan, tigre, diba? Kaya~~ hehe, asawa, gusto mo ba ‘yung tawag ko sa’yo?”Tumaas ang kilay ni Rowan. “Mas gusto ko kapag tinatawag mo akong ‘Asawa.’”“Eh ‘di palitan mo rin ako sa phone mo, gawin mong ‘Asawa’~” lambing ni Sunny habang nakayakap sa braso ni